You are on page 1of 4

Happy 20th

Birthday!
Mahal kong Bryan,
Hello love! Happy 20th birthday! Welcome to the clan of early adulthood!!
Hindi man tayo magkasama ngayon physically, alam ko naman na mag e-
enjoy ka pa rin dahil you are with your family celebrating your 20th
birthday, nakakalungkot pa rin naman love kasi nga hindi tayo
magkasama huhu. Anyways, una sa lahat, syempre gusto ko lang mag
thank you sayo, thank you sa lahat ng mabuting bagay na pinakita mo sa
akin, sa pag iintindi sa akin, sa napakahabang pasensya mo at sa mga
panahong hindi ko matagpuan ang sarili ko, hindi mawari ang mga
desisyon na gagawin ko nariyan ka, hindi ka sumuko, hindi mo ako
sinukuan. You've been a great influence to my life love, hinding-hindi ako
magiging ganito kung wala ka. Tho, marami pa naman akong kailangang
baguhin pa, marami ka pang dapat malaman tungkol sa akin, pero alam
mo ba na palagi kong pinagdadasal na sana habang ginagawa ko yung
mga "improvements" sa sarili ko sana mananatili ka pa rin sa tabi ko,
nakasuporta't nakaalalay. Syempre love, ganun din ako sayo, walang araw
na hindi kita susuportahan, walang araw na hindi kita aalalayan,
maraming oras ang nakalaan para sayo at palagi akong maglalaan ng
oras para sa atin.

4 months na tayong nasa talking stage mahal and 2 months ka ng


nanliligaw sa akin. Sa apat na buwan na 'yan hindi naging ganun kadali,
we cried a lot, we suffer from things we don't want to happen, may mga
taong naging balakid at naging dahilan sila kung bakit kailangan natin
masaktan pero sa apat na buwan na yan ang dami ring masasayang
nangyari. Mahal, hindi pa rin ako lubos na makapaniwala na darating tayo
sa punto ng buhay natin na 'to, we've done so far, we shared a lot of
memories na akala ko nung una hanggang "happy crush" lang hanggang
sa lumalim nang lumalim yung nararamdaman natin at nabuo yung
pangako natin sa isa't isa na "ipapanalo natin 'to hanggang dulo".
Hindi ko maipaliwanag ang kasiyahang nararamdaman ko ngayon mahal, ang
tanging alam ko lang ay masaya ako na I am making a lot of memories with you,
with my pahinga, with my fav person, with my love of my life, with my everything
at alam kong madadagdagan pa 'yan, pwedeng masaya, malungkot, nakakakaba,
mga hindi makakalimutang alaala na patuloy pa rin nating babalikan, patuloy
nating panghahawakan at ang mga ito ang magsisilbing lakas natin sa mga
panahong nakakapagod, yung tipong hindi natin alam kung anong pahinga ang
gagawin natin at sana sa mga pagkakataong 'yan palagi mo sanang tandaan na
meron kang "awanel" na kasamang mapapagod at kasama mo ring magpapahinga.
Palagi mong tatandaan na meron kang ako na hinding-hindi ka iiwan lalong-lalo
na sa mga mahihirap na sitwasyon.

Ang dami ko rin palang gustong gawin kasama ka, gaya ng manood ng concert,
manood ng fireworks habang yakap natin ang isa't isa, mag nature date, tumitig sa
kalawakan habang magkahawak ang ating mga kamay at humiling sa mga bituin,
tignan ang liwanag ng napakagandang buwan, panoorin ang pagsikat at paglubog
ng araw. It sounds corny pero pagdating sayo lahat ng corny nagiging sweet para sa
akin. Tsaka, alam mo ba mahal, kapag naririnig ko yang mga yan, naririnig ko
ang sunset, concert, bituin, buwan, ikaw agad ang naaalala ko. Ang daming bagay
na nagpapaalala sa akin tungkol sayo. Hindi mo alam kung gaano mo
napapakalma ang kalooban ko. Ang gaan gaan ng pakiramdam ko kapag nariyan
ka, kapag kasama kita, kahit hindi ka pa nagsasalita basta nararamdaman ko yung
presensya mo gumagaan lahat ng mga mabibigat. Tumitigil lahat ng umiikot sa
isip ko, kumakalma lahat ng mga negatibo nararamdaman ko kasi alam ko at
nararamdaman kong comfortable ako sayo, safe ako sayo. I feel safe around you,
love. Walang sinuman ang mananakit sa akin as long as nariyan ka.
Kapag nakikita pa nga lang kita ang gaan gaan na ng
pakiramdam ko. Lalong-lalo na kapag ngumingiti ka,
napapawi lahat ng pagod ko love kapag nakikita kong
masaya ka. Nagiging masaya rin ako, kapag ako yung
dahilan ng pagtawa mo, pag ngiti mo, pero pasensya ka na
love ha?? kung si awanel din minsan ang nagiging dahilan
ng pag-iyak mo, ako yung nagiging dahilan din minsan
kung bakit ka nasasaktan. Pasensya ka na love, hindi ko rin
kasi ma kontrol yung emosyon ko minsan kaya may mga
bagay akong nagagawa na ikakasakit ng damdamin mo.
Pasensya ka na rin kung grabe ako magselos, mabilis ako
mawalan ng mood, pero syempre si BWYAN ka, hihi, palagi
mo akong iniintindi, kapag nagagalit ako palagi kang
nagbababa ng pride mo para kausapin ako ng maayos. I
really really appreciate you for being "you", yung hindi mo
kailangan na magpakitang tao para magustuhan ka, hindi
mo kailangang baguhin kung anong meron ka para
pakisamahan ang iba, at dahil din sa pagiging totoo mo sa
sarili mo nagustuhan kita. Bukod 'jan, maraming bagay ang
gustong gusto ko sayo, yung pagiging "pure at genuine"
mo, yung pagiging gentleman mo na nag a-ask ka ng
permission bago gawin ang isang bagay, yung pagiging ma
respeto mo, pagiging open-minded mo, yung buong
existence mo, kaya minsan talaga napapatanong ako kung
sa sarili ko "deserve ba kita Bryan?" kasi ang taas taas ng
tingin ko sayo. All in one ba naman ang isang BRYAN
APRECIO, na sayo na lahat mahal, at wala na akong
hihilingin pa kundi ikaw. "Ikaw at ikaw" palaging ikaw
mahal, ikaw ngayon, bukas, sa mga susunod na araw, ikaw
magpakailanman

Sa efforts naman mahal, sorry kung wala akong gift sayo


ngayon, pero babawi na lang ako kapag. Thank you love sa
paghatid mo sa akin tuwing hapon, mine-make sure mo
palagi na safe ako makauwi kahit na ang layo ng nilalakad
natin, sumasakit na rin mga paa mo pero okay lang sayo
basta maihatid mo ako tapos makasama. Thank you rin
mahal for always checking up on me, palagi mong
tinatanong kung okay lang ba ako, kunusta na pakiramdam
ko, kung anong nararamdaman ko, maraming maraming
salamat kasi pinaparamdam mo sa akin yong mga
pagmamahal na hindi ko pa naramdaman, naranasan
noon. Thank you for letting me be a part of your life, thank
you kasi hinayaan mo akong alagaan ka't ipakita rin sayo
na deserve mong mahalin, deserve mong ingatan, deserve
mong pahalagahan. Deserve mo ang buong mundo.
(deserve mo rin ako syempre hihi)
Dahil birthday mo ngayon!!! Syempre gusto ko mag
enjoy ka mahal!! WALANG MAG O-OVERTHINK please
lang!! Miss na miss na kitaaa love!!! HAPPY 2Oth
BIRTHDAY!! Palagi mo sanang tatandaan na andito na
lang ako palagi, meron kang awanel na susuportahan
ka sa lahat ng bagay at awanel na aawayin ka kahit
walang dahilan.

Nawa'y balang araw ay makamit mo lahat ng mga


inaasam asam mo sa buhay. Hindi man siguro tayo
nabigyan ng pagkakataon para ipursige ang mga gusto
nating kurso naniniwala naman ako na kung para sa
atin, para sa atin. At alam ko na, may plano palagi ang
Panginoon para sa atin. Galingan pa natin ngayong
second sem mahal. Babawi ka, babawi tayo. Hindi mo
kailangan i-pressure yung sarili mo, mag enjoy ka lang
palagi sa mga bagay na alam mong magpapasaya sayo
at mag focus ka palagi sa mga positibong bagay na
makakatulong sayo para mag grow pa.

Mahal na mahal kita palagi mahal! Mwa!!!!! HAPPY 20TH


BIRTHDAY. SEE YOU SA 26!!!

Nagmamahal,

Aranel
Aranel Buac

You might also like