You are on page 1of 1

"KUNG HINDI IKAW"

Alam mo 'yong pakiramdam na masaya ka nga, pero may luha sa iyong mga mata?
'Yong masaya ka nga, pero alam mong hindi naman talaga.
Masaya ka nga, pero lunod ka sa mga puna ng mga taong mapanghusga.
Oo, masaya ka nga, pero alam mong ang sakit-sakit na.

'Yong akala mo okay na, pero hindi.


'Yong akala mo magiging masaya, pero heto ka ngayon at sawi.
'Yong akala mo malakas ka, pero bakas sa mukha mo ang mga ngiwi.
Nagmahal lang naman ako, pero bakit parang ako ang mali?

Hindi ba pwedeng ikaw at ako, hayaan na natin sila?


Hindi ba pwedeng huwag tayong magpadala sa mga sinasabi nila?
Hindi ba talaga pwedeng ako ang unahin mo, ako lang. Sapat na?
Na kahit gaano man karami ang dahilan para itigil na, makahanap ka pa rin ng rason
para lumaban pa.

Wala akong pake sa mga kahinaan mo, handa akong maging lakas mo.
Wala akong pake sa mga sinasabi ng iba tungkol sayo, alam ko at tanggap ko.
Diba ganon naman talaga kapag mahal mo?
Kasi wala naman talagang tamang sangkap sa relasyon, kundi matibay na pundasyon.

Dahil kung hindi ikaw, mas mabuti pang itigil nalang.


Kung hindi ikaw, ako'y magpapagapi na lang.
Kung hindi ikaw, ako'y susuko nalang.
Kung hindi ikaw, Ay hindi ko na alam.

Pero bakit tayo umabot sa ganito?


Ang dating masaya, naging magulo.
Ang dating matibay, ngayon ay gumuho.
Ang "dating tayo", ngayo'y biglang naglaho.

Alam mo kung ano rito ang pinakamasakit sa pakiramdam?


Ito 'yong wala ka ng maramdaman.
'Yong hindi mo na alam kung may patutunguhan.
'Yong buhay ka nga, pero parang hindi naman.

Ipinaglaban kita, pero pinili mo akong iwan.


Minahal kita, pero ang dali lang sayo na ako'y sukuan.
Nagtiis ako, pero pinili mo akong kalimutan.
Sinubukan kong ayusin, pero pinili mo nalang ang lumisan.

You might also like