You are on page 1of 2

“Malayo”

Hindi malaman ang taglay mong tinatangi

Nakita nalang ang sarili na sayo'y nabighani

at nang nakilala kita di na napigilan pa na mahulog ang damdamin ko sa'yo , Ano ba'to?

Sa tuwing Ikaw ay naririyan di mapaliwanag ang sayang nararamdaman, kapag kausap ka tila

tayong dalawa lang ang natitirang tao sa Mundo, Pano ba'to?

Hindi ko akalain na mahuhulog sa'yong bangin

Wag kang mag alala, hindi ko naman ipipilit.

hayaan mo lang na ika'y mahalin nang walang kapalit kahit gaano pa ito kasakit, ayos lang

naman kahit di ako yong piliin basta't masaya ka'y sapat sa akin iba man kapiling, kaligayahan

mo ang tanging hiling.

Hinihintay lang na mapagod aking puso, at bibitaw kung kailan nais sumuko pero ngayon ay

hayaan mo na mahalin ka kahit sa malayo.

Sa dinami-rami ng nasa paligid ko Ikaw pa rin kahit hindi ako ang iyong gusto at kung

pupuwede lang lang ituro sa puso kung sino ang kaniyang mamahalin, Ikaw muli ang pipiliin.

Naririto ako 'lang pasubaling iibig sa'yo

Wag kang mag alala, hindi ko naman ipipilit.


hayaan mo lang na ika'y mahalin nang walang kapalit titiisin kahit ano mang sakit, ayos lang

naman kahit di ako yong piliin basta't masaya ka'y sapat sa akin iba man kapiling, kaligayahan

mo ang tanging hiling.

Bago pa man na mapagod aking puso o bumitaw dahil kailangan sumuko, nais ko lang na

malaman mo na mahal kita kahit sa malayo (hayaan mo lang na ika'y mahalin)

Sa malayo ( nang walang kapalit)

Sa malayo

You might also like