You are on page 1of 2

Ikaw

Sa pagmulat ng mata hanggang sa pagpikit


Ikaw na nakangiti sa isip ko'y nakadikit
Sa kung paanong mundo ko'y sayo lamang umiikot ng paulit uulit
Sa mga kilos at galaw mong saaki'y mananatili ng nakaukit.

Ikaw, ikaw na halos kilala na ng aking buong pagkatao


Kailan nga ba magkakaroon ng pag asang magkatayo?
Ang mangarap na maging masaya sa ikaw at ako
Kailan nga ba magkakatotoo?

Ikaw, pangarap na kay hirap abutin


Ang pagmamahal mo nga bay kailan mapapasakin?
Ikaw, ikaw na nagsisilbi kong bituin
May pag asa pa ngabang ako ay piliin
Kung mundo moy umiikot na sa kanya at hindi saakin?

Sa pagdaan ng mga taon


Ang makita ka ang naging tanging inspirasyon
Sa buong durasyon ng inyong relasyon
Hirap at pasakit mo'y ako ang kahati at kasangayon
Kahit pa pighati ng iyong puso sa kanya nakatoon

Sa lihim na pagmamahal kailan nga ba makakaahon?


Ang pagtinging ito mabibigyan pa kaya ng sapat na atensyon?
Ah, nakakatawa nga palang isiping sa pagdaan ng panahon
Ang pag ibig na ito ako lang naman pala ang mayroon

Ikaw, ikaw na masaya na sa piling nya


Hanggang tingin at sulyap na lamang ba ang maroon saating dalawa?
Ang makita kang maligaya
Sapat na nga ba talaga na akin lang makita?
Kung simula palang sa kanya ka naman sasaya

Ikaw, ikaw na naging aking buong mundo


Ang kalimutan ka ba ang pinakatamang desisyon aking mabubuo?
Ang kaligayahang inaasam ng aking puso
pagpalalaya kaya ang tanging solusyon sa pagmamahal kong nabuo

Ang pagtingin na kay hirap ipaglaban sa kanya


Ang pagbitaw kaya ang magpapalayang talaga?
Sa lahat ng hirap at pasakit na nadarama
Tama lang sigurong bitiwan ka na

Ito na ang huli, sa tulang ito


Sa mundong binuo ko na ang tanging mayroon ay ang tayo
Ang pagmamahal Na hindi na aabot sa dulo
Asahan mong kung hindi man dito
Sa pag daan ng panahon tuluyan ng maglalaho
Paalam sa pag asang ikaw at ako
Paalam sa pag aasam ng masayang tayo.

You might also like