You are on page 1of 11

Sa kinamulatan kong pugad sa mundo

Kada isay may kanya-kanyang idolo

Silbing inspirasyon at modelo ko

Giyat patnubay ng buhay ko

Iyong aktoy nagbibigay

Gloryat leksyon sa sumusubaybay

Bawat ngiti, luhat lumbay

Pumupukaw sa emosyon kong tunay

Ikay naiiba sa balana

Sa karat kustumbrey lamang ka na

Ngiti mo pa lang rekado na

Sa menu ng araw kong masigla

Dumaan man ang bagyo

Umulan man ng yelo

Ikaw pa rin ang idolo ko

Hanggang sa dulo ng mundo

Saan ka man naroroon, mag-iingat ka sana

Dahil akoy maghihintay sa sunod mong telenovela

Kahit isang saglit, sanay masilayan ka

Dahil ikaw lang ang inspirasyon sa tuwina

- 6/22/12
Sa tuwing nasisilayan ka

Hindi ko maipaliwanag aking nadarama

Tuwa't ligaya'y tila nahahaluan ng kaba

Sa bawat sandaling kasama ka

Sa dinami-rami ng aking balak sabihin

Ako'y tila nagiging pipi kapag kaharap ka na

Nakakalimutan ang oras, ang bawat minuto't segundo kapag kausap ka

Tila ako'y nawawala sa realidad, at walang nadarama kundi walang hanggang ligaya

Sa una nating pagkikita, di ko inaasahan na ganun mo ako kakilala.

Matapos masabi ang aking ngalan sa iyo

Hindi ko inakalang makikilala mo agad ako

Kaya't puso ko'y lalong nagalak, napatunayang iba ka talaga sa lahat.

Sa bawat ngiti mo, ako'y napapangiti

Sa bawat sulyap mo, ako'y tila yelong natutunaw sa bawat sandali

Sa iyong mga mata'y nakikita at nadarama ko ang iyong kabutihan

Hindi lahat ng katulad mo ay aking hinangaan

Aaminin ko,

May angking galing silang lahat

Ngunit iba ang dating mo

Na talaga namang umaantig sa puso't damdamin ko


Tila ba nagmumula

Sa iyong puso't kaluluwa

Ang bawat kataga na iyong sinasambit

Ang bawat tuwa't lungkot na iyong nadarama

Lumipas ang hapong iyon

Saglit lang pala tayong nagkita

Ngunit, ang bawat segundo na nakausap ka

Ay yila yamang aking pakaiingatan

Lumilipas ang panahon

Patuloy pa rin akong umaasa

Nananalangin sa tuwina

Nawa'y dumating na ang sandali nang muli nating pagkikita

Taos puso kong pasasalamat

Nais ipaabot sa Panginoong ating lahat

Sa pagkakataong kanyang inilaan,

Ika'y nakilala nang lubusan

Habang patuloy sa pag-ikot ang mundo

Pagkakaibigan nawa nati'y di maglaho

Pangakong ako'y laging naririto

Kaylan ma'y hindi magbabago


Kung kaylangan mo ng isang tunay na kaibigan

Para sa iyo ang puso ko'y laging bubuksan

Magpakaylanman ika'y di malilimutan

Isang espesyal na kaibigang nagbigay inspirasyon sa aking buhay

Mananatiling ikaw lamang ang idolo ko

Ang inspirasyon ng buhay ko

Ating pagkakaibigan aking pahahalagaha't iingatan

Hanggang sa dulo ng walang hanggan.

- 8/25/12
Ikalabinglima ng Setyembrey kumintal sa pusot isipan

Hindi ko man maipahayag ng harapan

Taos pusong pagbati ng maligayang kaarawan

Nais ipaabot sa espesyal kong kaibigan

Bawat araw sa iyong buhay

Naway lagging maging makulay

Mapuno ng pagmamahal

Ng iyong kaibigan, pamilyat Maykapal

Patuloy ka nawang gantimpalaan

Mga pelikulat teleseryeng tututukan

Ng madlang humahangat nabubuhay

Sa yong galling, obrat tagumpay

Malusog na pangangatawan

Naway patuloy mong makamtan

Ligtas sa anumang sair at kapahamakan

Ngayon at magpakaylanman

Aking kahilingan sanay pagbigyan

Muling pagkikita naway makamtan

Iyong ngitit tinig muling masilayan

Pagkakaibigan natin naway magpasawalang hanggan

- 9/15/12
Ilang taong lumilipas sa muling pagkikita

Pangungulilat ligayay magkakambal na

Sa taong ginto kung ituring ka

Na kahit anoy haharapin niya

Dagat ay tatawirin, apoy ay susuungin

Bundok ay titibagin, Kalangitay liliparin

Anumang hirap ay titiisin

Butas ng karayom ay susuutin

Facebook, Twitter, Instagram, Mail, text ay gagamitin

Ilalathala ng bawat titik ang damdamin

Isisigaw ng puso ang hangarin

Maligayang Pasko sa iyoy sasambitin

- 12/25/13
Gabiy naglalakbay, bituin at buway nahimlay

Nang ikay ipadpad ng hangin, ngiti koy natanaw

Mata moy nangungusap, pagkataoy isinaysay

Mundo koy lumikat, mapamiling pusoy sumungaw

Bundok ay titibagin, kalangitay liliparin

Dagat ay tatawirin, panganib ay susuungin

Dugot buhay ilalaan sa iyo kaibigan

Peboy pasisikatin ko sa iyong kalungkutan

Mahinhing talipandas sa Abernoy nagsikalat

Tayngat labiy sinikingan, ikinubli ang sugat

Ngunit kalapastanganan sa pusoy naging sibat

Nag-alab, sumabog ang damdaming tunay at tapat

Pintong langit ay tumaginting, Auroray nagdaan

Kaluluway nagising sa paraisong himlayan

Atropos ay di hadlang sa sanla sa kaibigan

Tulad ng pitang isipi damdaming nakalaan

Kung ilipad ka nga ng tadhana sa aking nayon

Dugo koy sasayaw, pusoy walang mayaw na tatalon

Luhay lalagaslas gaya sa balisbis ng talon

Sabay ang taghoy, Sa piling mo akoy naroroon

- 02/16/14
Bituin at buwa'y nahihimlay sa balintataw

Kaluluwa'y umaanod sa luhang dumadalaw

Aurora'y sumungaw, puso'y nabihag ng kariktan

Pag-ibig, ikaw ba ang ipinipintang larawan?

Mundo ko'y lumikat, puso at isipa'y kumaway

Kappas ng langit, hindi hahayaang mawalay

Sa paraisong silid kapiling mo aking sinta

Atropos ay lalabanan, pag-irog aking sanla

Mahinhing talipandas sa Aberno'y nagsikalat

Edad, yaman, pagkatao'y pinilit isiwalat

Ngunit paninirang sibat sa puso'y naging lakas

Tila bulkang sumabog itong pag-ibig na wagas

Pag-ibig ko'y adarga, handang sumalo ng pika

Apoy, unos susuungin, haharapin ang bala

Nag-aalab na pagsinta'y magsisilbing sandata

Bawat patak ng dugo ko'y patunay ng pagsinta

Taginting ng batingaw, luha pala'y lalagaslas

Ambil na puso'y tumaghoy, bakit aking kapilas?

Pagsinta'y hindi bulag, hapdi'y rosas ang katumbas

Paraiso'y daratal sa tadhanang lumilipas

-02/16/14
Kung maibabalik ko lang ang panahong nagdaan

Ang oras at pagkakataong pinalampas at sinayang

Di sana ganito ang nararamdaman

Puno ng pagsisisi at lumbay

Bakit nga ba hinayaang ikay di masilayan

Kahit isang saglit ako sanay naglaan

Mata mong nagungusap sa akin sanay kumaway

At kasiyahan sa mata koy matatanaw

Sa aking pag-iisay nagunam-gunam

Panghihinayang ang siyang nangingibabaw

Hindi mawari kung muling mapagbibigyan

Ang muling pagkikita sa takdang araw

Akoy patuloy pa ring aasat mananalangin

Naway dinggin ang tinig kong malambing

Walang nais kundi ang kaway mong walang maliw

At mga sandaliy magniningning

- 7/27/15
Muling pagkikita kailan nga ba mapagbibigyan

Mapamihag na mga mata'y kailan masisilayan

Tinig na mahiwaga'y kailan mapakikingan

Ikalimang pagtatagpoy, muli bang masasaksihan

Ilang taon, buwan, at araw pa ang magdadaan

Bawat minuto'y naglalakbay sa kanyang patutunguhan

Ngunit di mawaglit ang alaala ng nakaraan

Mga sandali ng ating pagkikita'y muling binabalikan

Kahit malayo sa isa't isa'y di ka nalilimutan

Patuloy na naglalakbay sa aking isipan

Walang hinahangad kundi ang iyong kabutihan

Tagumpay naway patuloy mong makamtan

Lilipas ang panahon patuloy pa ring mananahan

Pagmamahal at pag-aalala sa idolo't kaibigan

Kailanmay di mawawaglit sa puso't isipan

Ang pagkakaibigang iingatan hanggang sa dulo ng walang hanggan

Ang tanging hiling 'wag mo sanang malilimutan

Ako'y kasama mo sa saya't maging kalungkutan

Walang hinahangad kundi ang muling masilayan

Ang idolong inspirasyon ngayon at magpakailanman

- 08/10/16
Sa bawat pagbubukang liwayway

Mata ko'y ikaw ang natatanaw

Sa bawat ihip ng hangin

Tinig mo'y tila nagbibigay lambing

Bawat segundo, ika'y nagniningning

Sa puso't isipan ko'y di magmamaliw

Ikaw Ang sinisigaw araw man o dilim

Ngalan mo Ang humahaplos Sa Araw kong mapanimdim

Naglalakbay Ang mga sandali

Ngunit ika'y di mawawaglit

Sa aking puso'y mananatili

Pagkakaibigang aking itatangi

Ngunit sadya bang mapaglaro ang tadhana

Muling pagkikita'y naglalakbay sa alapaap

Hindi mawari ang kanyang patutunguhan

At hanggang ngayo'y di ka masilayan

Patuloy pa ring sasambitin ng munting tinig

Nawa'y dinggin nagiisa kong hiling

Ibulong nawa sa 'yo ng hangin

Muli nating pagkikita'y bigyang pansin

- 11/14/16

You might also like