Ang sarili’y binabad sa lungkot dala ng pinigang puso
Ang mata ay nagbabadyang pumikit sa bigat ng talukap nito Ang kamay ay nanginginig sa lamig ng pakikitungo mo Ang sarili ay naghihintay pa ng katuloy sa sinagot kong “oo”
Noong gabing saksi at buwan at bituin sa pagsuko mo
Noong gabing nilisan mo ‘ko tila ba basurang itinapon mo Noong gabing tinapos mo lahat at napagtanto mo Na iba na ang tinitibok ng iyong puso
Walang katapusang tanong sa sarili na “bakit?”
Walang tigil sa kakaisip kung saan nagkulang o sadya lang na masalimuot Walang katumbas na lasa ‘yong pinalasap sa sobrang sakit Walang nasasayang na panahon sa pagtyatyagang makalimot
Kahit anong pilit gawin, ang ala-ala’y sumisiksik
Na para bang sa aking isip ay ilang beses na umuukit Aking nadarama ay paulit-ulit na sakit Dahil sa ala-alang ‘di na kailan pa man magbabalik
Mga sandaling tayo ay masaya
Magbabalik pa kaya ang sating sigla? Sa tingin ko ay hindi na Dahil inyong pagtitinginan ay may kislap ng liwang tila mga bituin sa kalangitan
Ang ala-ala na binuo nating magksama
Ay isang tanda ng nakaran nating dalawa Habang ikaw ay masaya sa piling iyong bagong sinisinta Nais ko lang sa sabihin na hanggang ngayon ay mahal pa rin kita
Umaasa ako na babalik ka sa panahon na isinuko mo ‘ko
Pwede ba mahal, ako’y balikan mo at ituloy ang ating kuwento Hinihintay ka ng puso kong magbubulagbulagan para sayo Kahit pa sa laban na ito alam kong ako ang talo
Nais ko ng makalimutan ka at magsimula ng bagong yugto
At iiwan ang mga ala-alang nabuo Kasabay ng paglimot sayo Paalam sa ating pagmamahalan na nagsimula sa salitang “oo”, Ngunit hindi umabot sa harap ng altar at magatapos sa salitang “oo”