You are on page 1of 3

A, Ba, Moni Ka (Tulang inihahandog sa aking iniirog)

Ni Shennabel A. Cenas

Aaminin kong may pagtingin


Balang araw ika’y mapa sa’kin
Kalong sa magdamag, dilim o liwanag
Dadalhan ng pagkaing walang amag

‘Eto nga’t nabighani mo


Galaw at Ritmo ng puso ko
Haplos na iyong ipinadama
Ibibigay kahit buhay sinta

Laman ng isipan ay tanging ikaw


Maging ang ating mundo ma’y magunaw
Nais kong malaman mong hindi magbabago
Ngayon at magpakailanman, ikaw ang tibok nito

O aking giliw, ako ba’y baliw?


Palaging sa iyong ngiti ay naaaliw
Ramdam ang lakas ng aking pintig
Sa tuwing ikaw sa akin ay nakatitig

Takot ay nawawala
Ulan man ay agad titila
Walang papantay sa galak mong dala
Yakap mo’y pumapawi ng pangangamba
Pagdating-Paglisan
Ni Shennabel Cenas

Sa pagmulat ng aking mga mata


Ay may liwanag na nakita
Lumabas ang isang anghel sa langit
At ako’y napaibig ng hindi pinilit

Hatid mo sa akin ay ligaya


Pinawi mo ang aking mga luha
Binigyang kabuluhan ang aking buhay
Tinakwil lahat ng lumbay

Ngunit teka, bakit biglang nag-iba?


Parang kalian lang nung ika’y kasama
Sadya nga bang mapaglaro ang tadhana?
O nahanap sa iba ang saki’y hindi makita?

Mapait man ngunit kailangang tanggapin


Na hindi na mababalik ang dating pagtingin
Tanging hiling sa Poong Maykapal
Mag ingat ka lagi, paalam mahal.

You might also like