You are on page 1of 2

ALAALANG MARKA NG KAHAPON

Noong sumapit ang oras ng ‘yong paglisan,


Sa sobrang sakit, dahila’y di ko maunawaan,
Kasing bigat ng mundo ang dulot ng ‘yong pagkawala,
Pagkat wala kana, wala nang papawi sa ’king mga luha.

Kay sarap balikan ng mga masasayang araw na kapiling ka,


Pagod at hirap ay magkasama nating ‘di inaalintana,
Pagkat bawat saya’y sumasabay sa pintig ng ‘yong puso,
Ngunit sa paghinto nito, panandaliang lungkot ang syang natamo.

Mga matatamis mong salita’t ngiti sa ‘yong labi,


Sa aking munting isipa’y laging dumadampi,
Para bang nagsasabi na kahit anong mangyari,
Sa puso’t diwa ko’y lagi kang nasa tabi.

Ngayon, hayaan mong ika’y aking mapasaya sa minsang pagdalaw,


Dahil kahit anong pilit ko’y kailan ma’y di ka na matatanaw,
Pagkat ika’y humimlay na sa isang paraisong bughaw,
Upang sa aking buhay magsilbing isang talang tanglaw.

Sa apat na sulok ng ating munting tahanan,


Naaaninag parin ang mga matatamis nating nakaraan,
Pagsagi ng masasayang pinagsaluha’y magsilbing inspirasyon,
Na mananatiling mga alaalang marka ng kahapon.

You might also like