You are on page 1of 2

Sa Likod ng Mga Ngiti

Sa likod ng aking ngiti, Naroroo't nagkukubli Ang lungkot at mga hikbi Nitong aking pusong sawi. Aking nakangiting labi, Mukhang masaya kumwari Upang matago ang sakit Ng ating pagkakawaglit. Sa likod ng mga ngiti, Nakatago'y pusong hati Ikaw ang nasasa-isip Pagsinta'y hindi malirip. Kapag ako'y nag-iisa, Umiiyak sa tuwina Hinihiling kapiling ka At kapwa tayong masaya. Sa likod ng mga ngiti, Ay lubos ang dalamhati Dahil pag-ibig ko'y wagas Ika'y mahal hanggang wakas. Hindi ko na makakaya Na sa'yo ay malayo pa Ngunit sadyang kailangan Para sa 'ting kapakanan. Oras ay sadyang mabagal, 'Pag malayo sa 'yong mahal Ang sakit, sa puso'y sampal Pag-ibig ay parang sugal. Tiwala at pang-unawa, Ang s'yang dapat 'di mawala Tulad ng isang panata Para sa isang himala. Kunwari ako'y masaya, Kunwari walang problema

Subalit kapag mag-isa, Ang luha'y umaagos na. Lahat ng mga pasakit, Sitwasyong napaka-pait Lahat ito'y nakakubli, Sa likod ng mga ngiti.

You might also like