You are on page 1of 1

Elehiya Para Kay Sana

Buhay ka pa, ngunit bakit lupaypay na?


Humihinga ka pa, ngunit bakit nasasakal ka?
May tumitibok pa, pero bakit tinitigil mo ito?
May hinaharap ka pa, pero bakit sarili ay pinatay mo?

Sana, sa bawat oras na lumuluha ka,


Ay mapagtanto mong ulan ay tumitila.
Sana sa bawat sandali na hindi mo mahanap ang katahimikan,
Ay marinig mo ang ingay ng bulong ng kagalakan

Sana, sa bawat paghihirap na nararamdaman mo ,


Ay mas lalong dumagdag pa ang pagdurusang itinatapon sayo.
At sana, habang ikaw ay kinukutsya ng mga salitang matalim,
Ay iyo itong tanggapin at ibaon sa puso ng napaka diin at napaka lalim.

Sana sa bawat oras na iniisip mo na pagod kana


At parang ang lahat sayo ay tumatalikod at pinagtatabuyan ka ,
Ay mahanap mo ang sagot sa mga haligi ng madilim na kwarto kung saan ka
nakakulong
At gumising ka sa mahimbing na pagkakatulog at walang hanggang pagsilong.

Sana man lang maisip mo na ang buhay ay hindi lang puro kagayakan at saya,
Na sa bawat pighati't poot na iyong nadarama ay parang wala kang laya!
Ito ang tandaan mo, na sa bawat galaw ay may naapektuhan kang tao,
Hindi mo man ito maramdaman pero ito ang totoo at ang hindi mo maitatago.

Ang huling sana na sasabihin ko at ito ang pinaka dapat tandaan mo!
Lahat ng tanong at pighating nadarama ng iyong puso,
Ay ang daan upang maintindihan mo ang buhay ay nangangahulugang pag-asa
Na may naghihintay na bahag-hari na lulupi sa iyong mga hinagpis at pagdurusa.

You might also like