You are on page 1of 1

Ang Pasaway na Palaka

Sa isang malaking sapa may mag-inang berdeng palaka ang naninirahan doon.
Ang anak na palaka ay isang sutil na batang palaka lagi niyang kinukunsumi ang kanyang
ina dahil sa kanyang mga ginagawang di tama. Kadalasan ang kanyang ginagawa ay
salungat sa lahat ng utos ng kanyang ina. Lahat ng sinasabi at ipinagagawa ng kanyang
ina ay kabaligtaran niya itong ginagawa. Hindi na malaman ng inang palaka kung ano ang
kanyang gagawin sa kanyang anak. Gustong-gusto niya na maiwasto ang baluktot na
pag-uugali ng kanyang anak.

Minsan naman ay tinuruan ng inang palaka ang kanyang anak kung paano maka
kokak ng wasto ngunit katulad ng dati ang batang palaka ay hindi pa din sumunod sa
ipinagagawa ng ina bagkus kanyang binagligtad ang pagkokak. Ginawa niya itong Kakok.

Araw-araw ay hindi nawawalan na pag-asa ang ina na mapabuti ang kanyang


anak na palaka. Lagi niya itong pinagsasabihan ngunit patuloy pa din ito sa pagsuway sa
kanya. Kung kaya sa pag-aalala sa kanyang anak ang palakang ina ay nagkasakit. Ngunit
sa kabila ng kanyang pagkakasakit ang batang palaka ay patuloy pa din sa mga gawaing
di maganda. Isang araw tinawag ng inang palaka ang kanyang anak. Binilinan niya ito na
kung siya ay mamatay ay Ilibing siya sa Sapa at hindi sa bundok, sinabi ng inang palaka
iyon sa anak sapagkat alam niya na kabaligtaran ng bilin niya ang gagawin ng anak.
Lumipas nga ang araw ang inang palaka ay namatay. Umiyak ng umiyak ang batang
palaka at labis na nagsisi sa kanyang nagawa. Dahil sa pagiging pasaway niya ang
kanyang ina ay nagkasakit. Sinunod ng batang palaka ang habilin ng ina na siya ay ilibing
nga sa sapa. Hindi niya binaligtad ang utos ng ina. Kung kaya ng magkaroon ng malakas
na pag ulan ang libingan ng kanyang ina ay naanod. Gayon na lamang ang iyak ng batang
palaka habang pinapanood na maanod ang libingan ng ina. Simula nga noon ang mga
berdeng palaka ay nag-iingay kapag umuulan.

You might also like