You are on page 1of 45

MAHATMA GANDHI (INDIA)

ARALIN 3
“Mga dakilang Asyano
modelong totoo,
katapangan, kabayanihan, at
damdaming nasyonalismo sa
kanila’y nakatatak, iyong
mapipiho.”
MAHALAGANG TANONG:
• Ano-ano ang mga katangiang
dapat taglayin ng taong
mamumuno sa Pilipinas upang
ang ating bansa ay makaahon sa
kahirapan at korupsiyon?
PAUNANG GAWAIN
Simulan Natin: Pahina 221
Sino-sino ang mga kilala mong
magigiting o bayaning Asyano?

Isulat ang kanilang pangalan sa


kahon gayundin ang
pinakamahalagang bagay na kanilang
nagawa sa buhay.
Mga Bayani o kilalang
Asyanong kilala ko at
ang
pinakamahahalagang
bagay na kanilang
nagawa sa buhay.
SINO BA SI MAHATMA
GANDHI?
Mahatma Gandhi
MAHATMA GANDHI
• Isang dakilang guro, isang idealista,
at praktikal na tao.
• Siya ay higit na kilala sa pangalang
“Mahatma” na hango sa wikang
Sanskrit na ang ibig sabihin ay
“DAKILANG KALULUWA’’ o
“DAKILANG NILALANG” .
MAHATMA GANDHI
• Ang kanyang mga ginintuang kaisipan ay
pinilit niyang isabuhay, upang iturong ang
mga kaisipang ito ay maaaring gawin at
mapagtagumpayan.
• Binigyang-diin niya ang pagmamahal
sa sandaigdigan at paggamit ng
mapayapang paraan ng paglutas
ng mga suliraning pambansa at
pandaigdig man.
MAHATMA GANDHI
• Siya ay ipinanganak noong Oktubre
2, 1869 sa Porbandar, India.
• Ang kanyang ama ay si
Karamchand Gandhi at ang
kanyang ina ay si Putlibai.
PUTLIBAI
• Siya ay isang mapagmahal na ina.
Itinuro niya sa kanyang mga anak
ang malaking kahalagahan ng
pagdidisiplina sa sarili, ng
“ahimsa” o di karahasan, at ng
pagiging tapat.
MAHATMA GANDHI
• Si Mohandras Gandhi ay
nagsumikap na sundin ang
landas ng katotohanan kahit
noong siya’y bata pa.
MAHATMA GANDHI
• Minsan, bumisita ang Education
Inspector sa kanilang paaralan at
nang napansin ng kanyang guro na
mali ang pagkabaybay niya ng
salitang “kettle” at tila sinenyasan
siyang kumopya sa kanyang katabi
upang maging perpekto ang rekord
ng klase. Hindi niya ito ginawa.
MAHATMA GANDHI
• Noong siya’y labintatlong taong gulang
(13) pa lamang, ikinasal siya kay
KASTURBAI na labintatlong taong
gulang din, ayon sa kaugaliang Hindu.
• Nanirahan sila sa bahay ni Gandhi.
Nagpatuloy pa rin si Mohandas ng
pag-aaral at hinangad niyang
maturuan ang kanyang asawa.
• Upang higit nating makilala si
Mahatma Gandhi, ang dakilang
bayani ng India, ay ating
tunghayan ang isang tulang
nilikha bilang pagpupugay sa
kanyang kagitingan na isinulat
ni Amado V. Hernandez.
Makikita sa mismong pamagat
ang pangunahing tauhan ng tula.

Si Mahatma Gandhi ang


tinutukoy na lider na
namumukod-tangi. Sinasabing
siya ay nag-iisa dahil sa kaniyang
pagiging marangal at dakilang
pinuno.
Ayon sa pag-aaral nina Dündar,
Erdogan, at Hareket (2016), si Mahatma
ay tinanggap sa buong mundo bilang
huwaran dahil sa kaniyang personal na
katangian, kahulugan at pananaw sa
buhay, debosyon sa kaniyang mga
paniniwala, paraan ng kaniyang
pakikibaka sa masasagupang problema,
malawak na pang-unawa sa kapayapaan
at pagpapaubaya, halagang ibinigay sa
mga tao, at sa kaniyang pagkatao.
 India (Indiano) – pansinin
ang saknong na ito:

“Namulat ang India... Daling


iwinaksi Ang diwang alipin... nais
magsarili… Ang Britanya'y tila di
makatanggi… Tiyak na lalaya ang
bayang may Gandhi!”
Ang salitang India na ginamit sa
tula ay tumutukoy sa mga Indiano
o mga taong naninirahan sa India.

Sila ay isa sa mga tauhang


nabanggit sa tula sapagkat sa
kanila inialay ni Mahatma ang
kaniyang sakripisyo.
Dahil sa kaniyang pamumuno, namulat
ang India sa katotohanan at dagling
tinanggal ang kanilang pagkaalipin mula
sa bansang Britanya.

 Pinangunahan at isinagawa ni Mahatma


ang konsepto ng Satyagraha at
Ahimsa o hindi marahas na
paglaban.
Ang pag-unawa sa Satyagraha at
Ahimsa, na iiwan ang bakas nito sa
kasaysayan, nangangahulugang
aabutin ang katotohanan nang
walang karahasan, at isang passive
resistance o paglaban nang walang
karahasang proseso (Dündar,
Erdogan, at Hareket, 2016).
Isinaad pa nga ni Malik et al.
(2011), malakas ang paniniwala
ni Gandhi sa passive
resistance(Ahimsa), at desisyon
niyang ipatupad ito upang
ihinto ang motibo ng
karahasan.
Dahil sa prinsipyong itinaguyod ni
Gandhi, namulat ang mga Indiano
at sinimulan ng magprotesta at
tumanggi sa mga hindi
makatarungang batas habang
tinitiis ang mga pisikal na atake at
pagkuha sa kani-kanilang mga ari-
arian.
Kalaunan ay walang nagawa ang
Britanya at tuluyan ng lumaya ang
India.

Kaya makikita sa huling bahagi ng


saknong na kung may
pinunong kagaya ni Gandhi,
tiyak na may kalayaan.
Britanya (Briton) – pansinin
ang mga linyang ito:

“Namulat ang India... Daling


iwinaksi Ang diwang alipin... nais
magsarili… Ang Britanya'y tila di
makatanggi… Tiyak na lalaya ang
bayang may Gandhi!”
 Makikita sa saknong na ito na
binanggit ang Britanya na
tumutukoy sa mga Briton o mga
taong naninirahan sa bansang
Britanya.
 Isa sila sa mga tauhan sapagkat
sila ang sumakop sa bansang
India.
 Makikita sa saknong na ito na
walang nagawa ang Britanya sa
ginawang pagsasarili ng India o
pagsasagawa ng prinsipyong
Satyagraha.
 Ito ang naging isang pangunahing
kasangkapan sa pakikibaka ng
India laban sa pananakop ng
Britanya.
Pilipinas (Pilipino) – pansinin
ang mga linyang ito:

“Mapalad ang India't may


Mahatma... Ikaw, Pilipinas, saan
ka pupunta? Dito ang banyaga'y
siyang sinasamba At ang
katutubo'y kuskusan ng paa!”
 Mapapansin sa saknong na ito na
nabanggit din ang Pilipinas na
tumutukoy sa mga Pilipino.
 Maliban sa pagbibigay- parangal
ni Amado V. Hernandez sa
bayaning si Gandhi, ang tula ay
may halo ring panghahamon at
pagpapaalala sa mga Pilipino.
 Kilala si Hernandez bilang isa sa
mga pangunahing manunulat na
sosyalista noong 1950 hanggang
1970. Ang mga akdang naisulat ni
Amado ay naaayon sa kaisipang
sosyalismo.
 Ayon sa pag- aaral ni Tablan, si
Amado ang mismong nagsabi na
“Ang panitikan ay mga obrang
naglalarawan sa buhay, mga estado
ng lipunan, mga karanasan, at
kaugalian”.
 At isa ito sa makikita sa huling
saknong ng tula – kaugalian ng
mga Pilipino na mahilig
sumamba sa mga banyaga.
Bakit sinabi ng may-akda na ang pamumuno
ni Gandhi ay namumukod-tangi?
Mga Katangungan

You might also like