You are on page 1of 32

TIMAWA

ARALIN 2
“ KAPAG ARAL AT
PANGARAP NG MAGULANG
AY NILINGAP
KALAYAAN SA KAHIRAPA’Y
TIYAK NA MALALASAP NG
ANAK NA SA BUHAY AY
NAGSUSUMIKAP”
Bakit mahalagang bigyang-
pansin ang mga aral at
pangarap ng magulang
para sa anak? Paano ito
magagamit upang
magsumikap at maging
matagumpay sa buhay?
Ang akdang tatalakayin sa
araling ito ay
pinamagatang TIMAWA.
Ilahad ang mahalagang
kaisipang maaari mong
iugnay sa salitang ito batay
sa pamagat.
Ang ating
tatalakayin ay isang
bahagi o kabanata
lamang ng nobela
TIMAWA.
AGUSTIN C. FABIAN
 Ayisang nobelista, editor, at
mananaysay sa Filipino.
 Isinilang
siyá sa Plaridel, Bulacan
noong 15 Agosto 1901.
 Natanggap niya ang degree in
industrial administration sa
Illinois University sa Estados
Unidos.
MGA TAUHAN:
 Andres. Filipinong nagsikap sa buhay upang makapag-
aral ng medisina sa Amerika dahil sa kanyang adhikaing
matulungan ang mga kapos na makapagpagamot.
 Alice. Amerikanang may pagtangi kay Andres na sa
una’y hindi matanggap ang karima-rimarim na paraan ni
Andres sa buhay ngunit sa malaon ay natanggap rin nito.
 Bill. Amerikanong kaklase ni Andres na tulad din niya ay
nagsisikap sa buhay upang umunlad, may pagtangi kay
Estrella.
MGA TAUHAN:
 Alfredo. Mayamang kababayan ni Andres na nag-aaral rin ng
medisina sa Amerika na kalauna’y naging tunay na kaibigan ng tatlo.
 Estrella. Mayamang Filipinang napadpad sa Amerika upang mag-
aral ng piyano at umibig kay Andres ngunit maluwat ay nagpakasal
rin ay Bill.
 Mercedes. Mula sa bayang pinanggalingan ni Andres at anak ng
donyang nagmalupit sa kanya noong kanyang kabataan.
 Lily. Mababang uri ng babae na kumakapit sa kung sinu-sinong
lalaking may salapi’t kapangyarihan upang maging siya ay
magkapera’t kapangyarihan rin.
MGA TAUHAN:
Dick. Amerikanong doktor na nakasama ni
Andres sa militarya, sila ay ipinadala sa
Silangang Pasipiko upang manggamot ng mga
sundalo noong panahon ng giyera.
Tandang Pedro. Ulilang matanda na taga
ibang bayan na siyang kumupkop kay Andres
nang ito ay magkasakit ng amnesia o
pagkalimot.
TAGPUAN:
Sa isang unibersidad sa Amerika
kung saan sila nag-aaral.
Sa bayang pinagmulan ni Andres
hindi kalayuan sa Maynila.
PAANO NAPADPAD SI
ANDRES TALON SA
AMERIKA?
ANONG KARANASAN ANG
BUMAGO SA TAKBO NG BUHAY
NI ANDRES UPANG SIYA AY
MAGSUMIKAP NA MAKAAHON SA
KAHIRAPAN.
KUNG IKAW ANG NASA
KALAGAYAN NG BINATA, PAANO
MO TATANGGAPIN ANG
MASASAKIT NA PANANALITANG
BINITIWAN NG DONYA SA
KANYA? BAKIT?
KUNG IKAW AY
MAKARARANAS NG
MATINDING KAHIRAPAN SA
BUHAY, PAANO MO ITO
HAHARAPIN?
PANGKATANG GAWAIN:

Ngayon magkakaroon tayo ng isang pangkatang gawain.


(Tao laban sa kalikasan)- Ang
tunggaliang ito’y tumutukoy sa
PISIKAL tao laban sa mga elemento at
puwersa ng kalikasan. Ito ay
maaaring ulan, init, lamig,
lindol, pagsabog ng bulkan, at
iba pa.
(Tao laban sa kapwa tao)- Ang tao ay
laban sa kapwa tao o ang tao laban sa
lipunang kanyang ginagalawan. Ibig
PANLIPUNAN sabihin, ang kanyang problema o
kasawian ay dulot ng iba o ng bagay na
may kaugnayan sa lipunan gaya ng
diskriminasyon o iba pang bagay na tila
di makatarungang nagaganap sa
lipunan.
(Tao laban sa sarili)- Ito ay
PANLOOB O tunggalian ng tao laban sa
SIKOLOHIKAL kanyang sarili. Masasalamin dito
ang dalawang magkasalungat na
hangad o pananaw ng isang tao.
KAPAG ARAL AT PANGARAP NG
MAGULANG AY NILINGAP
KALAYAAN SA KAHIRAPA’Y
TIYAK NA MALALASAP NG
ANAK NA SA BUHAY AY
NAGSUSUMIKAP.

You might also like