You are on page 1of 17

ISANG KOMPARATIBONG PAGSUSURI SA KONSEPTO NG KAWALANG-

KARAHASAN (NON-VIOLENCE) NG MGA PILIPINO AT NI LAO TZU


Sem. Dennis V. Tajan

ABSTRAK
Mayroon ba talagang Pilosopiyang Pilipino? Mayroon ba talagang Pilosopiyang
masasabing “Sariling atin?” Ito ang nais ng mga tagapag-saliksik, na mabigyang
kahalagahan ang Pilosopiyang sariling atin. Mababakas sa mga simpleng
pamumuhay ng mga Pilipino ang kanilang paraan ng pamimilosopiya, gumagamit
sila ng Salawikain upang ihatid ang mensaheng natutunan nila mula sa sarili
nilang karanasan. Isa sa mga karanasang makikitaan ng yaman ng Pilosopiya ay
ang pananaw ng mga Pilipino sa Walang-Karahasan (Non-Violence). Upang mas
mapalagom ang kaisipang ito, minarapat ng mga tagapag-saliksik na makita ang
kaugnayan nito sa pananaw ni Lao Tzu, upang makita na kasing yaman rin ng
Pilosopiya ni Lao Tzu ang Pilosopiyang Pilipino. Ang kawalang-karahasan ay ang
tugon ng mga Pilipino sa mga karahasang nangyayari sa pamilya man o sa buong
pamayanan, at mula sa tugong ito’y masasalamin ang tunay na kagandahan ng
Pilosopiyang Pilipino, ang Pilosopiya ng buhay.

MGA SUSING SALITA:


Karahasan, Kawalang-Karahasan, Wu Wei

INTRODUKSYON
War on Drugs, Domestic Violence, Rape, Anti-terror Bill, Discrimination, Bullying... Ito

ay ilan sa mga patunay na patuloy ang paglawak ng karahasan sa ating Inang bayan.

Nakalulungkot isipin kung papaanong ginagamit ng gobyerno at mga nasa kinauupuan ang

kanilang kapangyarihan upang maabuso ang kanilang mga nasasakupan. Dahilan sa mga

karahasang nagagaganap, kinakailangang tugunan ito ng bayan. Ngunit ayon nga sa awiting

ginawa ni Jim Parades “Handog ng Pilipino sa mundo, mapayapang paraang pagbabago.

Katotohanan, Kalayaa’t Katarungan, ay kayang makamit ng WALANG DAHAS, basta’t

magkaisa tayong lahat.” Ito ay isang paalala sa atin bilang mga Pilipino na nagawa nating

lumaban na hindi kinakailangang gumamit ng dahas. Sa kabila ng napakaraming karahasang

1
nagagaganap sa ating bayan, matutunghayan sa pamumuhay at mga kawikaan kung papaano ba

tinutugon ng mga Pilipino ang mga karahasang ito.

Layunin ng Papel na ito na palaguin ang Pilosopiyang Pilipino sa pamamagitan ng pag-

uunawa ng iba’t ibang pangkaisipan patungkol sa kawalang-karahasan(non-violence). Gagamitin

ng mga tagapag-saliksik ang isang komparatibong pag-aaral upang mapa-unawa ang pananaw ng

kawalang-karahasan nating mga Pilipino at maunawaan ang pagkakahalintulad at pagkaka-iba

nito sa pananaw ni Lao Tzu, isang kilalang Pilosopo ng bansang Tsina. Napapaloob sa papel na

ito ang iba’t ibang mga salawikain na sumasalamin sa ideya kung papaanong nakikita ng mga

Pilipino na walang mabuting maidudulot ang dahas sa buhay. Sa pamamagitan ng mga

salawikaing ito at mga turo ni Lao Tzu, nais ng mga tagapagsalisik na maunawaan kung papaano

tinutugunan ng mga Pilipino ang problema sa karahasan, mas makabubuti ba ang tugunan ito ng

dahas sa dahas o mas makabubuti ba na tugunan ang dahas ng hindi gumagamit ng dahas.

KATAWAN

I. ANG KONSEPTO NG DAHAS

Sa papaanong paraan ba maaaring mabigyang kahulugan ang salitang “Dahas?’Ayon kay

Mark Vorobej sa kanyang aklat na The Concept of Violence, ang karahasan ay ang paggamit ng

pisikal na lakas o kapangyarihan upang makapag dulot ng sakit sa iba. 1 Ang karahasan ay

maaring pisikal, emosyonal, sexual, psycholohikal, atbp. Hangga’t ito’y maaring makapag dulot

ng perhuwisyo sa tao, at may pang-aabuso ng kapangyarihan, maaari nating masabing ito ay

karahasan. Dagdag pa rito, ang karahasan ay mayroong malalim na ugnayan pagdating sa sakit,

pagkasira at pagdurusa.2 Hindi maaring maipaghiwalay ang mga epekto sa mga kasanhian nito.

1
Mark Vorobej, The Concept of Violence (New York: Routledge, 2016), ix.
2
Ibid. 1

2
Ayon kay Florentino Timbreza, naniniwala ang mga Pilipino na ang tanging nagiging dulot

lamang ng dahas ay poot, sama ng loob, kawalan ng tiwala at pagkakawatak-watak.3

Ayon kay James Dodd, may dalawang paraan upang masabi nating tayo ay nalilinlang

patungkol sa katotohanan ng dahas; una ay ang sobrang paniniwala na maaring matigil ang

karahasan sa pamamagitan ng paglalahad ng mga patunay, at ikalawa ay ang kakulangan sa

paniniwala sa dahas na pinapaasa na lamang ang sarili na kusang mawawala ang dahas. 4 Nais

lamang iparating ni James Dodd na hindi imposibleng makaranas ang isang tao ng karahasan sa

kaniyang buhay, kaya huwag dapat linlangin ang sarili kung nakararanas na talaga ng karahasan.

May mga salawikain rin na tumutukoy sa paggamit ng tao ng karahasan. “Ang dila’y

parang patalim, Kung sumugat ay mariin.” Ang paggamit ng salita ay maaring makapag dulot

ng sakit sa kapwa, kaya kung hindi gagamitin ng maayos ay maaring makaperwisyo. Ang bakal

ay nasisira ng sarili nitong kalawang. Sa pagtanaw na ito, naniniwala ang mga Pilipino na ang

kasakiman mo bilang isang tao ay ang siya ring magiging dulot ng pagkasira mo, patunay na

kahit kailan ay walang magandang naidudulot ang karahasan sa ating buhay. Huwag kang

maglalaro ng sundang kung ayaw mong masugatan. Hindi dapat gamitin ag dahas upang

makamit ang mga ninanais sapagkat ito’y parang isang sundang na maari lamang makapag dulot

ng sugat. Ayon sa mga Maguindanao “Ang taong marahas ay malapit sa kamatayan” (Sa taw na

mawaraw masikan sa matayan).

3
Corazon Cruz, Philosophy of Man, 3rd Edition (Manila, National Bookstore Inc, 1995), 127
4
First, there is the tendency to expect too much from violence, to look to violence either to express a decisiveness
of purpose, or to provide a proof of authenticity that violence cannot in fact sustain… Second, there is a tendency to
come to expect too little from violence, to believe that violence will simply whither away.
James Dodd, Violence and Phenomenology (New York: Routledge, 2009), 1-2.

3
Kung minsa’y nakikita rin ito sa hindi pagkapantay-pantay na karanasan bilang mga

Pilipino, sabi nga sa kasabihan “Ako ang nagtanim pero iba ang kumain.” Ang Pilipinas bilang

isang bansang demokrasya ay naniniwalang kinakailangan magkaroon ng pagkapantay-pantay,

ngunit kung nais talagang malabanan ang karahasang nagaganap, naniniwala rin ang mga

Pilipino na hindi kinakailangang gumamit ng karahasan.

II. KAWALANG-KARAHASAN PARA SA MGA PILIPINO

Ayon kay Florentino Timbrerza, Ang mga Pilipino ay likas na hindi marahas. 5 Sa

paniniwala ng mga Pilipino, ang paggamit ng dahas kailanma’y hindi magiging solusyon sa mga

problema. Sabi nga “Habang ginagatungan ang siga, lalo namang lumalaki ang apoy.” Sa

kabila ng mga karahasang nagaganap sa bayan, naniniwala ang maraming Pilipino na ang dapat

maging tugon ng tao sa mga pangyayaring ito ay ang hindi paggamit ng dahas, at ito ay

masasalamin sa mga salawikaing minana na ng mga Pilipino sa kanilang mga ninuno.

A. PAGPAPARAYA

Ayon kay Leonardo Mercado, isa sa mga nakapag dudulot ng karahasan ay ang

pagsisimula ng gulo.6 Kaya nararapat lamang na hangga’t maari ay umiwas na kaagad sa

kaguluhan at gawan ng paraan upang mapanatili ang kapayapaan sa bawat isa.

“Ang tao’y punong kawayan ang kahambing, sumusuko’t umaayon sa bugso ng hangin.

Di-sumasalungat kundi nagpupugay, upang di mabkli ang sariling tangkay.”7 Ang ganitong

5
Corazon Cruz, Philosophy of Man, 3rd Edition (Manila, National Bookstore Inc, 1995), 127
6
Leonardo Mercado, Elements of Filipino Ethics (Tacloban: Divine Word University Publications, 1979), 61.

4
hugis ng pag-iisip ng mga Pilipino, marahil ay nag huhudyat sa atin ang pagkamasokista. 8

Marahil, marami ang nakakakita rito bilang isang negatibong kaugalian ng mga Pilipino, pero

kinakailangan nating pakatandaan na ang mga Pilipino ay tunay na mapagmatiis at mapagdusa,

mapagkumbaba at mapagbigay, mapagpaubaya, mapaghinuhod (submissive) at mapagbata ng

hirap ng walang daing, walang himutok.9 Ito ay maaring makita bilang isang kabalintunaan.

Ayon nga sa mga Ilokano, “Agpangberka tapno adayoka iti disgrasia” (Magparaya ka upang

malayo sa panganib). Pangaral ito sapagkat kung sasabayan mo ang galit na nararamdaman ng

isang tao, ito ay maaaring magdulot lamang ng mas malaking gulo. Sapagkat ang tao, kapag

galit, marahil ay di na pinag-iisipan ang mga kilos at salitang kaniyang binibitiwan. Kung minsan
10
ang pagyuko upang maiwasan ang panganib ay kailangan. Dahil kung lalaban mo ang

karahasan at karahasan din ang gagamitin, tunay ngang walang mabuting madudulot ito sa bawat

isa sapagat tiyak na pareho silang makakaranas ng sakit.

B. MATAMIS NA PANANALITA

“Ang salitang matamis, sa puso’y nakakaakit, pampalubag ng galit ng taong naiinis.”

Mahalagang pakatandaan na ang pamamaraan ng pagsasalita ay maaaring makaapekto sa taong

kinakausap. Ang mga katagang binibitawan ay maaaring makapag-dulot ng pag-asa o dalamhati.

Ang wikang tagalog ay nagbibigay ng mataas na pagpapahalaga sa emosyon at kapakanan ng

Rev. Fr. Danielito Santos, Ph.D., “Seminar on Filipino Philosophy” (lecture, Immaculate Conception Major
7

Seminary, Guiguinto, Bulacan, August 2020).


8
Florentino Timbreza, “Pagkataong Pilipino: Kaalaman, Gamit at Etika,” Malay, vol. 10 no. 1 (1992),
https://ejournals.ph/article.php?id=7787 (accessed September 10, 2020).

9
Ibid.
10
Ibid.

5
kapwa.11 Likas sa mga Pilipino ang paglalahad ng emosyon sa mga salitang kanilang

binibitiwan, kaya naniniwala ang maraming Pilipino na kung nais makamit ang maayos ang

isang problema, ito ay kinakailangang idaan sa matinong usapan. Tanging matinong usapan,

ayun sa mga taong bayan, ang tanging gamot sa mga hindi-pagkakaunawaan o pagkakagalit.12

Ngunit mahalagang pakatandaan “Biruin mo na ang lasing, huwag lang ang bagong gising.”

Isang paalala na hindi lang dapat dinadaan sa matinong usapan, bagkus kinakailangan din na ito

ay nasa tamang oras. Nasabi na nga nating “Habang ginagatungan ang siga, lalo namang

lumalaki ang apoy” kaya nararapat lamang na dugdungan ito ng “Ang tubig na malamig ang

siyang pumapatay sa apoy” paalalang kinakailangang idaan sa hinahon at hindi dapat sa init ng

ulo.13

C. PAGHIHIGANTI

Masasabi na ba natin na ang mga Pilipino ay mapagparaya at umiiwas lamang sa gulo?

Kung mamarapatin, mahalagang pakatandaan na ang mga Pilipino, hangga’t maaari, ay umiiwas

sa gulo ngunit sa panahong dumating na ang gulo, alam ng Pilipino ang kaniyang dapat gawin.

“Pagbinato ka ng bato, batuhin mo ng tinapay.” Ito ang tugon ng kaisipang Pilipino sa

karahasan. Ang karanasan ng karahasan ay hindi maiiwasan, ngunit maaring maawisan ang

paglala nito. Sa pananaw ng mga Pilipino, ang paghihiganti ay hindi dapat gawin sa

pamamagitan ng dahas, bagkus kinakailangang gantihan mo ang kasamaan ng kabutihan. Ito ay

11
Florentino Timbreza, “Pagkataong Pilipino: Kaalaman, Gamit at Etika,” Malay, vol. 10 no. 1 (1992),
https://ejournals.ph/article.php?id=7787 (accessed September 10, 2020).
12
Ibid.
13
Ibid.

6
malayo sa paniniwalang dayuhan “An eye for an eye, and a tooth for a tooth.” Sumasalamin rito

ang kahalagahan ng kapwa. Dapat pakatandaan na lubos na pinapahalagahan ng isang Pilipino

ang kanyang relasyon sa kanyang kapwa. 14 Dahil dito, mauunawaan natin kung bakit nabuo ang

salawikaing ito. Ayaw ng isang Pilipino na masaktan ang kanyang kapwa, kaya kaysa gamitin

ang dahas mas mabuti pang gantihan ng kabutihan ang iyong kapwa. “Walang matigas na

tinapay sa mainit na kape.” Ang solusyon, para sa mga Pilipino, sa mga may matitigas na puso

ay ang init na dulot ng pag-ibig.

D. ANG TAONG NABUBUHAY SA PATALIM

Ayon nga sa mga Ilonggo “Ang nabuhi sa patalon mapatay man sa patalom” (Ang

nabubuhay sa patalim ay mamatay rin sa patalim). Kung ano ang siyang kinabubuhay ay siyang

ring ikamamatay.15 Ang paggamit ng karahasan kailanma’y hindi magdudulot ng kaayusan,

bagkus ito ay magdadala lamang sa mas malim na kapahamakan. Kaya kung gagamitin ang

patalim sa patalim, tiyak na masusugatan ang mga taong may pagtatalo. Ang paggamit ng

patalim ay tunay na dilikado, sapagkat isang maling gamit nito’y maaaring makapag dulot ng

perwisyo at ng kamatayan.

14
Rev. Fr. Danielito Santos, Ph.D., “Seminar on Filipino Philosophy” (lecture, Immaculate Conception Major
Seminary, Guiguinto, Bulacan, August 2020).
15
Florentino Timbreza, “Pagkataong Pilipino: Kaalaman, Gamit at Etika,” Malay, vol. 10 no. 1 (1992),
https://ejournals.ph/article.php?id=7787 (accessed September 10, 2020).

7
E. SA ORAS NG KAGIPITAN

“Ang taong gipit sa patalim kumakapit.” Ito ay paalala sa ating lahat, na sa oras ng

kagipitan marahil ang makitang solusyon na lamang ay ang pagkapit sa patalim, ang paggamit ng

mga paraang maaaring makapag dulot ng sakit sa iba. Tunay ngang mapanganib ang karanasa ng

kapipitan, dahil maati itong magtulak sa tao na gumamit ng dahas. Kaya bilang tugon ng ga

Pilipino kinakailangang maging kuntento ka sa kung anong meron ka. Kung magtatangumpay ka

na maiwasan ang tukso na kumapit sa patalim, tiyak rin sa maiiwasan ang galit.

F. PAGTATANIM NG GALIT

“Ang bakal ay nasisira sa sarili nitong kalawang” marahil ito ay magandang paalala na

ang pagtatanim ng galit ay maaring maka-apekto sa sarili sapagkat sinisira nito ang pagkato ng

indibidwal, gayun din naman ang bakal na makalawang ay siguradong makapipinsala.

II. KAWALANG KARAHASAN PARA KAY LAO TZU

Nagkaroon ng pilosopiya si Lao Tzu tungkol sa walang Dahas dahilan sa kalagayan at

lipunang kanyang kinamulatan. “Sa panahon ito makikita ang kagimbal-gimbal at karumaldumal

na karahasang walang katulad sa kasaysayan ng Tsino.”16 Sa panahong iyon ang mga hangarin

ng bawat estdo ay lusubin, gapiin at sakupin ang mga mahihina, upang makuha nila ang mga

lupain nito at isama sila sa kanilang estado. “Kaya masasabing walang pasubaling ay mata-sa-

16
Florentino TImbreza, “Ang Doktrinang Wu-Wei ni Lao Tzu,” Malay, vol. 7 no. 1 (1992),
https://ejournals.ph/article.php?id=10211 (accessed September 10, 2020).

8
mata at ngipin-sa-ngipin.” Kaya nag isip siya kung paano matatapos, mapipigilan o

mawawakasan ang ang lahat ng kabaliwan at kahibangang ito, “ang moralidad na siyang

panukala ni Kung Fu Tzu ay kaniyang tinanggihan sa halip ay ipinagpilitan o ipinagdiinan niya

ang prinsipyo ng Wu wei na maaaring maging daan upang maiwasan ang karahasan.

A. ANG WU WEI

Ang Wu Wei (Non-Action) ay hindi nangangahulugang walang pagkilos, bagkus tinuturo

sa atin ni Lao Tzu na ang Wu Wei ay ang pagpilipi ng mga tao na hindi sumalungat sa agos ng

buhay.

“When you work with Wu Wei, you have no real accidents. Things may get a little Odd at

times, but they work out. You don’t have to try very hard to make them work out; you just let

them.”17 Ang Wu wei ay kilala bilang pilosopiya ng kawalang-gawa.18 Ito ay tumutukoy sa di-

paggawa o di-pagkilos ng di –likas o salungat sa kalikasan.19 Ito rin ay tumutukoy sa di-paggawa

kailanman ng labis at di-pagnanasa nang labis.20

Ang Wu Wei ay maaaring maihalintulad sa tubig sapagkat sumusunod ang tubig sa anyo

na kanyang kinalalagyan.21 Ganito rin dapat para kay Lao Tzu, ang pamumuhay ng isang tao.

Kinakailangang sumunod sa Tao o daan ng kalikasan upang maiwasan ang kaguluhan na siyang

17
Pamela Ball, The essence of the Tao (London, Arcturus Holdings Limited,2017), 181.
18
Florentino TImbreza, “Ang Doktrinang Wu-Wei ni Lao Tzu,” Malay, vol. 7 no. 1 (1992),
https://ejournals.ph/article.php?id=10211 (accessed September 10, 2020).
19
Ibid.
20
Ibid.
21
Pamela Ball, The essence of the Tao (London, Arcturus Holdings Limited,2017), 181.

9
maaring makapagdulot ng karahasan sa buhay. Ang pagsunod sa agos ng kalikasan ay

namumunga ng kaayusan, at pang-iwas sa gulo. Kakaiba sapagkat mas pinipili ng tao na

magpatangay sa agos, pero kinakailangang pakatandaan na ito ay isang daan na kung saan ay

makakasuguradong maayon ito sa agos ng kalikasan.

B. HINDI PAGGAMIT NG SANDATA

“Weapons are ominous tools. They are not the noble ruler’s tools. He only uses them

when he can’t avoid it.”22 Para kay Lao Tzu, kailanma’y walang mabuting maidudulot ang

paggamit ng sandata, sapagkat ang sandata ay nakapipinsalang kagamitan. Ang sandata, para kay

Lao Tzu, ay hindi nakapagbibigay ng parangal, bagkus ang dulot nito’y kapahamakan. Ang

sandata ay kasangkapan patungo sa paggawa ng hindi maganda at hindi dapat ginagamit ng

mabubuting tao. Ngunit kung hindi ito maiiwasan, Ginagamit nila ang mga ito nang may

kalmado at pagpipigil. Kahit na sa oras ng tagumpay, ang mga kasangakapan na ito ay hindi

mahalagang maituturing dahil kay Lao Tzu ang mga kalalakihan na gugumagamit ng sandata ay

isang mamatay tao. Ang sandata ay ginagamit lamang kapag wala ng ibang pamamaraan o

kinakailangan na. “Weapons are tools of bad omen, By gentlemen not to be used; But when it

cannot be avoided, They use them with calm and restraint. Even in victory's hour These tools are

unlovely to see; For those who admire them truly Are men who in murder delight.”23

22
Lao Tzu, Tao Te Ching, Trans. R.B. Blakney (New York: New American Library, 1955). 83.
23
Ibid.

10
C. PAGPAPAKUMBABA, HABAG AT PAGTITIPID

“I have to keep three treasures well secured: The first, compassion; next, frugality; And

third, I say that never would I once Presume that I should be the whole world's chief.” 24 Dahil sa

pagkahabag, makakakuha ang tao ng lakas ng loob na ipagpatuloy ang buhay ng hindi nang-

aargrabyado ng iba. Dahil sa pagtitipid, maaaring sumagana at mabuhay ng matagal; Ang

pagiging mapagpakumbaba, para kay Lao Tzu, ay hudyat ng pagiging mataas. “Bravery today

knows no compassion; Abundance is, without frugality, And eminence without humility: This is

the death indeed of all our hope.”25 Ang katapangan ngayon ay walang pakikiramay; Ang

kasaganaan ay walang pagtitipid, At kadakilaan nang walang kababaang-loob: Ito ang kamatayan

sa ng lahat ng ating pag-asa. Ang tunay na katapangan ay nangangailangan ng pag-asa, at kung

kasakiman ang ipaiiral, tunay ngang ito ay magiging hudyat ng kawalang pag-asa. Nais iparating

ni Lao Tzu na kinakailangang maging kuntento ang tao sa kung ano mang mayroon siya.

D. DI-PAGPATAY NG TAO AT DI-PAGTATANIM NG GALIT

“Ang langit lamang ang Dakilang Berdugo”26 Ang sino mang tao ay walang karapatang

pumatay, sapagkat langit lamang ang may karapatang magpataw ng kamatayan. “As for those

who delight to do murder, It is certain they never can get From the world what they sought when

ambition Urged them to power and rule.” Ang mga taong nagagalak sa kanilang ginagawang

pagpaslang, ay hindi magtatagumpay na pangasiwaan ang daigdig.

24
Lao Tzu, Tao Te Ching, Trans. R.B. Blakney (New York: New American Library, 1955). 83.
25
Ibid.
26
Florentino TImbreza, “Ang Doktrinang Wu-Wei ni Lao Tzu,” Malay, vol. 7 no. 1 (1992),
https://ejournals.ph/article.php?id=10211 (accessed September 10, 2020).

11
Patungkol naman sa di-pagtatanim ng galit, sinabi niya na dapat patawarin ang mga

nagkasala at makipagkasundo. Sapakat ang ibig sabihin ng pakikipagkasundo ay ang

“pagpapalamang upang ikaw ay makalamang, sapagkat ang nagpapalamang ang siyang tunay na

nakalalamang at ang nanlalamang ay siyang tunay na nalalamangan,”27 ito pangaral na

kinakailangang maging mapagkumbaba sa buhay.

E. PAGMAMAHAL AT KAHINAHUNAN

“Ang pagmamahal ay siyang pinakamabisa sa buong daigdig.”28 Dahil dito

magkakaroon ka ng lakas ng loob upang humarap sa mga tao. Para kay Lao Tzu, ang pag-ibig ay

isang pamamaraan upang maiwasan ang gulo at mapanatili ang kapayapaan, dahil mas pinipili ng

taong umiibig ang makabubuti para sa iba. “sapagkat ang gumagamit ng pagmamahal bilang

sandata ay tiyak na ipagtatanggol at ililigtas ng langit.” 29

G. ANG PATAKARAN NG DI-PAGTUTUNGGALI

Hindi siya nakikipagtalo, kung kaya’t hindi siya kinakatalo.30 Hindi siya nanglalait, kung

kaya’t hindi siya nilalait. Hindi siya gumagamit ng sandata, kung kaya’t hindi siya ginagamitan

ng sandata. Hindi siya nakikipag suntukan, kung kaya’t hindi siya sinusuntok. Hindi siya

nakikipaglaban, kung kaya’t hindi naman siya kinakalaban. “Sa madaling salita, ang ibubunga ng

27
Florentino Timbreza, “Ang Doktrinang Wu-Wei ni Lao Tzu,” Malay, vol. 7 no. 1 (1992),
https://ejournals.ph/article.php?id=10211 (accessed September 10, 2020).
28
Ibid.
29
Ibid.
30
Ibid.

12
kabutihan ay kabutihan rin, at ang ibubunga ng kasamaan ay kasamaan din. Kaya’t gayun rin

naman sa karahasan.”31

III. KOMPARATIBONG PAGSUSURI SA KONSEPTO NG KAWALANG-

KARAHASAN NG MGA PILIPINO AT NI LAO TZU

Sa parteng ito ng papel, ilalahad naman ng mga tagapag saliksik ang mga pagkakatulad at

pagkaka-iba ng pananaw ng mga Pilipino at ni Lao Tzu sa Karahasan.

A. ANG PAGKAKATULAD

Maaaring maihalintulad ang pagkakaunawa ng mga Pilipino at ni Lao Tzu sa

pamamagitan ng pag-iwas ng mga Pilipino sa gulo at ang Wu wei ni Lao Tzu. Ginamit ni Lao

Tzu ang “tubig” upang ihambing ang Wu wei na kung saan dapat sumunod lamang ang tao ayon

sa kanyang kalikasan. Ginamit naman ng mga Pilipino ang “kawayan” upang makita ang paraan

ng mga Pilipino na sumabay sa ihip na dala ng hangin.

Maaari rin maihalintulad ang pananaw ng mga Pilipino at ni Lao Tzu pagdating sa

karahasan. Para sa mga Pilipino walang mabuting maidudulot ang karahasan, gayun din para kay

Lao tzu “Peace and quiet are preferred. Victory should not be praised.”32 Kailanman hindi

makikitaan ang karahasan ng mabuting dulot.

Makikita rin ang pananaw ng mga Pilipino at kay Lao Tzu na wala rin mabuting

naidudulot ang digmaan, sapagkat ang taong gumagamit ng sundang ay tiyak na masusugatan.
31
Corazon Cruz, Philosophy of Man, 3rd Edition (Manila, National Bookstore Inc, 1995), 127
32
Lao Tzu, Tao Te Ching, Trans. R.B. Blakney (New York: New American Library, 1955). 83.

13
Kung nais ay kapayapaan, hindi magandang solusyon ang digmaan, dahil ang maidudulot

lamang nito para sa lahat ay karahasan.

Naniniwala ang mga Pilipino gayun din si Lao Tzu na ang gulo ay maaaring makapag

dulot ng karahasan. Ito ay maaaring makita bilang simula ng pagbabaga ng apoy na kung

mapapabayaan ay magiging isang ganap na apoy na maaaring makapinsala sa marami.

Mahalaga rin pakatandaan na ang galit ay walang mabuting maidudulot sa sarili at sa iba,

sapagkat ito ay parang isang kalawang na sisirain ka’t makapipinsala sa iba. Ito rin ay maaaring

magbunsod ng gulo na siyang magiging hudyat ng karahasan.

Naniwala si lao Tzu at ang mga Pilipino na ang bunga ng hindi karahasan ay kapayapaan.

Kung ano ang puno ay siya ring bunga, kung kapayapaan ang pina-iiral tiyak kapayapaan din ang

magiging bunga.

B. ANG PAGKAKA-IBA

Habang patuloy na umiiwas ang mga Pilipino sa karahasan, gayun din ang pananaw ni

Lao Tzu, ngunit hindi nagwakas ang mga Pilipino sa pag-iwas sa gulo na maaaring magdulot ng

karahasan. Ang mga Pilipino ay tumungo pa sa pagkilos ng hindi naaayon sa takbo ng mundo.

“Pagbinato ka ng bato ay batuhin mo ng tinapa”y hudyat na bilang mga Pilipino ang pusong

mamon ay kinakailangang manaig at mas angatan ang maling kilos ng ibang tao sa atin.

Marahil parehong makikitaan ng hangarin ng kapayapaan ang mga Pilipino at si Lao Tzu,

ngunit makikita na ang hangarin ni Lao Tzu ay magkaroon ng kapayapaan sa kalooban ng isang

14
tao, “Cultivate the Way in yourself, and your Virtue will be genuine.” 33 Habang ang mga

Pilipino ay nag bibigay halaga sa kanyang relasyon sa kapwa. Ayaw niya bigyan ng sama ng

loob ang taong nakakasalamuha niya, kaya hangga’t maari’y gumagamit ang mga Pilipino ng

mga matatapis na salita.

Kung para kay Lao Tzu, maaaring gamitin ang sandata dahil kinakailangan na,

mababakas naman sa kaugaliang Pilipino ang pagiging matiisin, ang pagiging martir, mamatay

man ang mahalaga’y walang dinadalang sama ng loob. Mababakas ang karanasan ng walang

karahasan ng mga Pilipino noong EDSA People Power Revolution, na kung saan ay walang

naitalagang patay, ang sandatang ginamit ng mga tao ay rosaryo at sampaguita. Ito ang patunay,

na kung gagamitin lamang natin ang hindi-marahas na pamamaraan, maari pa rin makamit ang

kapayapaang hinahangad.

33
Lao Tzu, Tao Te Ching, Trans. R.B. Blakney (New York: New American Library, 1955). 107.

15
KONKLUSIYON

Tunay ngang nakakaranas ang bawat isa ng karahasan sa iba’t ibang pamamaraan, ngunit

napakahalagang pakatandaan na hindi man natin maiwasang magamitan ng karahasan, maaari pa

rin natin ito malamangan sa kung hindi tayo lalaban sa pamamgitan din ng dahas. Makikitang

wala naman talaganag mabuting maidudulot ang karahasan, kaya nga ang diwang Pilipino ay

nagpapakita ng isang napaka gandang aral para sa mundo.

Ang Pag-iwas sa gulo ay hindi isang kahinaan ng mga Pilipino, bagkus ito ay isang

pamamaraan lamang na ipinapakita nila na napakahalaga talaga ng ugnayan sa kapwa. Ayaw ng

mga Pilipinong makasakit ng damdamin ng iba, kaya hangga’t maaari huwag ng palakihin ang

ulo, solusyunan na kaagad ito habang maaga pa.

Makikita na ang Pilosopiyang Pilipino ay kasing yaman din ng Pilosopiya ni Lao Tzu,

sapagkat maraming mga pananaw ang Pilipino na maihahambing natin sa kaisipan ni Lao Tzu.

Pero napakahalangang pakatandaan na ang mga kaugaliang ito ay natural ng nasasalamin sa

karaniwang pamumuhay ng mga Pilipino. Mayroon mang pagkakatulad, mahalaga pa rin makita

na ang mga kasabihang Pilipino ay nag-ugat sa mga karanasan din mismo ng mga Pilipino.

Kung yayakapin lang talagang mabuti ang sariling atin, masasabing napakayaman ng

Pilosopiyang Pilipino. Simple man sa panrinig at hindi gumagamit ng mga komplikadong

termino tulad ng mga pangkaisipan ng Kanluran.Tunay ngang matutunghayan ang ating

Pilosopiya sa pamamagitan ng mga pangkaraniwang karanasan, tulad na lamang ng hindi-

marahas na pamamaran sa pagtugon sa karahasan.

16
TALASANGGUNIAN

PRIMARY SOURCES:

Lao Tzu. Tao Te Ching. Translated by R.B. Blakney. New York: New American Library, 1955.

Timbreza, Florentino. “Ang Doktrinang Wu-Wei ni Lao Tzu,” Malay, vol. 7 no. 1 (1992),

https://ejournals.ph/article.php?id=10211 (accessed September 10, 2020).

, “Pagkataong Pilipino: Kaalaman, Gamit at Etika,” Malay, vol. 10 no. 1 (1992),

https://ejournals.ph/article.php?id=7787 (accessed September 10, 2020).

SECONDARY SOURCES:

Ball, Pamela. The essence of the Tao. London, Arcturus Holdings Limited, 2017.

Mark, Vorobej. The Concept of Violence. New York, Routledge, 2016.

Corazon, Cruz. Philosophy of Man, 3rd Edition. Manila, National Bookstore Inc, 1995.

Dodd, James. Violence and Phenomenology. New York, Routledge, 2009.

Mercado, Leonardo. Elements of Filipino Ethics, Tacloban: Divine Word University Publications, 1979.

LECTURES:

Santos, Danielito, Ph.D.. “Seminar on Filipino Philosophy” (lecture, Immaculate Conception Major

Seminary, Guiguinto, Bulacan, August 2020).

17

You might also like