You are on page 1of 28

Suring

Nobela
Isinumite ni:
Lugtu, Michaela V.
E-2FI

Isinumite kay:
Gng. Maritess D. Galang
BARLAAN AT JOSAPHAT

Isinalin ni Padre Antonio de Borja

A. Pamagat:
Ang pamagat ng nobela ay naa-angkop dahil ito ay tungkol sa pagkakaibigan ng

isang pari at isang prinsepe na sina Barlaan at Josaphat. Ito rin ay tungkol sa

pagiging Kristiyano ng prinsepeng si Josaphat.

B. Paksa:
Ang paksa at tema ng nobela ay nakasentro sa pagiging matatag sa kung ano

man ang pinaniniwalaan na relihiyon, partikular na ang Kristiyanismo. Ukol rin ito

sa lahat ng pagsubok na kinaharap ni Josaphat nang siya ay naging Kristiyano.

C. Banghay:
i. Simula Ang nobela may maayos na simula dahil ipinakilala muna ang mga

tauhan. Ito ay nagsimula sa; Sa isang kaharian sa Indiya ay may isang

haring nagngangalang Haring Abenir. Siya ay isang pagano at naniniwala sa

mga diyos-diyosan. Sa kaniyang kaharian ay lumaganap ang Kristiyanismo

ngunit ayaw ni Haring Abenir na maging Kristiyano ang kaniyang mga

nasasakupan. Isang araw, nagkaroon ng anak si Haring Abenir at nahulaan

ito na magiging Kristiyano pagdating niya sa tamang edad. Kaya ipinatayo

niya ito ng isang palasyo sa malayo at ligtas na pook.


ii. Pagkasunod-sunod Maayos ang pagkasunod-sunod ng mga pangyayari. Ito

ay tinalakay ng tuloy-tuloy at malinaw ang bawat eksena. Ang pagkasunod-

sunod ng mga pangyayari o pagkakabalangkas sa nobela ay sa paraang

linear o tinatawag ring kumbensyunal dahil nagsimula ito sa pagpapakilala sa


mga tauhan, kasunod ang kinapapanabik na pangyayari at ang wakas na

kinapalooban ng kinahinatnan sa nobela ng mga tauhan mula sa kanilang

mga karanasan. At ang pinakakasukdulan nito ay ang pag-aaway ni Haring

Abenir at Josaphat ukol sa pagigin Kristiyano ni Josaphat.


iii. Wakas Ang wakas ng nobela ay maganda at ako ay kumbinsado naman

dito. Ito ay nagwakas sa; Pagkamatay ni Haring Abenir at paghahanap ni

Josaphat kay Barlaan. At pamumuhay nila ng tahimik ng magkasama

hanggang sa si Barlaan ay sumakabilang buhay at sumunod din si Josaphagt

sakaniya. Sila ay inilibing ng magkatabi. Nahanap ni Barachias ang kanilang

mga bangkay at idinala ang mga ito sa simbahan na ipinatayo ni Josaphat at

doon inilagay.

D. Mga Bisa:
i. Bisang Pangka-isipan Sa pagtalakay naming sa nobelang ito ay

nadiskubre ko na kapag ang isang tao ay mas matatag na paniniwala at

relasyon sa Diyos ay paniguradong malalampasan niya ang lahat ng

pagsubok na kaniyang kakaharapin sa buhay.


ii. Bisang Pangdamdamin Matapos kong basahin o matapos naming

talakayin ang nobelang Barlaan at Josaphat, ako ay nakaramdam ng

pagkabilib kina Barlaan at Josaphat dahil sa tibay ng loob na kanilang

ipinamalas at pagkainis sa hari dahil pinipilit niya ang kaniyang anak na

bumalik sa pagiging pagano at sa pagkamuhi niya sa mga Kristiyano.


iii. Bisang Pangkaasalan Natutunan ko sa nobelang ito na mas patatagin

ang aking paniniwala sa Diyos dahil kung ako ay mas mas matatag na
relasyon at paniniwala sa kaniya ay malalampasan ko ang lahat ng

pagsubok na aking kakaharapin sa buhay.


Ninay

Isinulat ni Padre Pedro Paterno

A. Pamagat:
Ang pamagat ng nobela ay angkop dahil ito ang pangalan ng pangunahing

tauhan sa akda na si Ninay.

B. Paksa:
Ang paksa at tema ng nobelang ito ay pag-ibig. Hindi lamang ang pag-ibig sa

kasalungat na kasarian ang binigyan nitong diin kundi pati rin ang pag-ibig sa

pamilya.

C. Banghay:
i. Simula Nagsimula ang nobela sa Pasiyam ng isang napakaganda at

hinhin na parang si Maria Clarang si Ninay. Sa kaniyang buhay pag-ibig at

pamilya umikot ang kwento ng akda.


ii. Pagkasunod-sunod Maganda na throwback o pag-alala sa nakaraan

ang ginamit na pagkasunod-sunod ng akda dahil ito ay hindi tipikal na

ginagamit sa mga kwento o nobela. Ang pinakakasukdulan naman nito ay

ang pagkakulong ng ama ni Ninay na siyang nagdulot ng mga pagsubok

sa kanilang pag-iibigan ni Carlos.


iii. Wakas Maganda naman ang wakas ng nobela ngunit mas gugustuhin

ko sana kung ito ay natapos nang nagkasama pa ng medyo matagal si

Ninay at Carlos upang ituloy ang kanilang pag-iibigan. Dahil mahabang

panahon ang nawala sakanila at mas magiging maganda sana ito kung

nabuhay pa sila ng medyo matagal nang sila ay nagkita ng muli.

D. Mga Bisa:
i. Bisang Pangka-isipan Sa pagtalakay namin ng nobelang ito, naisip ko

na ang pag-ibig talaga ay malalampasan ang lahat ng pagsubok. At kahit

na gaano man katagal ang panahon na lumipas na magkalayo kayo ng

iyong minamahal ay mananatili at mananatili pa din ang inyong pag-ibig

basta mahal na mahal ninyo ang isat-isa. Naisip ko rin na ang pag-ibig ng

isang anak sa kaniyang mga magulang ay hindi mahihigitan ng pag-ibig

sa kasalungat na kasarian.
ii. Bisang Pangdamdamin Iba-ibang emosyon ang ipinaramdam sa akin ng

nobelang ito. Mayroon saya, kilig, lungkot, iyak, inis, at panghihinayang.

Sa bawat mga pangyayari sa kwento ay nakuha nito ang aking damdamin

at emosyon.
iii. Bisang Pangkaasalan Ang aking mga natutunan mula sa nobelang ito ay

aking isasagawa sa mga pangyayaring kakailanganin kong ipaglaban at

hintayin ang aking minamahal. Dito rin sa nobelang ito ay mas napatindi

ko ang aking paninindigan na kahit ano mang mangyari ay kailangan

mong unahin ang pamilya sa kahit kanino o ano man.


nena at neneng
Isinulat ni Valeriano Hernandez Pena

A. Pamagat:
Ang pamagat ng nobela naNena at Neneng ay angkop dahil ang mga

pangalang ito ang ngalan ng mga pangunahing tauhan sa akda.

B. Paksa:
Ang paksa ng nobelang ito ay ang kwento ng pagkakaibigan at ang mga kwento

ng sariling pag-ibig ng mga pangunahing tauhan na sila Nena at Neneng. Ang

tema naman nito ay pag-ibig. Hindi lamang pag-ibig sa kasalungat na kasarian

kundi pati na rin sa kaibigan.


C. Banghay:
i. Simula Ang nobela ang nagsimula sa pagpapakilala sa dalawang

pangunahing tauhan. Ipinahayag ang kani-kanilang kalagayan sa buhay.

Isinasalaysay din sa simula ng akda ang kasintahan ni Nena na si Miguel

at kung paano tumututol si Aling Anday sa kanilang pag-iibigan.


ii. Pagkasunod-sunod Tulad ng Barlaan at Josaphat, ang Nena at Neneng

ay may linear o tinatawag ring kumbensyunal na pagkakasunod-sunod ng

pangyayari. Ito ay nagsimula sa pagpapakilala sa mga tauhan, kasunod

ang kinapapanabik na pangyayari at ang wakas na kinapalooban ng

kinahinatnan sa nobela ng mga tauhan mula sa kanilang mga karanasan.

At ang pinakakasukdulan ng nobela ay sa kwentong pag-ibig ni Neneng.

Ang pangyayaring ito ay noong pinuntahan ni Isko si Neneng sa kanilang

bahay at inakala ni Neneng na may balak itong masama sakanya. Ngunit

dumating ang asawa nitong si Narciso at lalong nagliyab ang paghihinala

nito sa kaniyang asawa na ito ay nagtataksil.


iii. Wakas Sa wakas ng nobela, ako ay nalungkot. Dahil namatay pareho si

Neneng at Narciso. Na buti pa ang kaibigan niyang Nena ay may


masayang kwento ng pag-ibig ngunit siya ay ang sa kiniya ay malungkot.

Kung papalitan ko ang wakas ng kwento, papabalikin ko agad si Narciso

kay Neneng upang bigyan niya ito ng pagkakataong magpaliwanag. Nang

sa gayon ay hindi na siya umabot sa pangyayaring namatay si Neneng

dahil sa kalungkutan sa pagkawala ng asawa.


D. Mga Bisa:
i. Bisang Pangka-isipan Naisip ko sa kwento na sobrang talik ng

pagkakaibigan nina Nena at Neneng. Ang pagiging matalik na

magkaibigan rin ay magtutulungan kayo sa ano mang problema na inyong

kakaharapin o kakaharapin ng bawat isa. At natuklasan ko rin na ang sa

pag-ibig ay maraming kang magiging panghihinayang kung ikaw ay hindi

magtatanong sa iyong minamahal ng mga bagay na hindi ninyo

pinagkaka-intindihan.
ii. Bisang Pangdamdamin Sa pagbabasa ng nobela, ako ay nakaramdam

ng kilig, saya, lungkot at panghihinayang. Ako ay kinilig sa kwentong pag-

ibig nina Nena at Deogracias, pati na rin kina Neneng at Narciso.

Nasiyahan rin ako sa kanilang kwentong pag-ibig at pagkakaibigan.

Nalungkot ang nanghinayang naman ako noong nagkaroon ng pagsubok

sa pagkaka-ibigan nina Neneng at Narciso.


iii. Bisang Pangkaasalan Batay sa aking nabasa sa nobela, kung ako ay

makakaranas ng problema sa pag-ibig tulad ng naging problema nina

Neneng at Narciso ay hindi ko tutularan si Narciso na basta na lamang

iniwan ang minamahal ng hindi nanghihingi ng paliwanag ukol sa kanilang

problema, Upang sa huli ay wala akong pagsisisihan. Sa pagkakaibigan


naman, tulad ni Nena ay magiging sandalan ako ng aking kaibigan kung

siya ay makakaranas ng matinding problema sa buhay man o sa pag-ibig.


BAnaag at sikat

Isinulat ni Lope K. Santos

A. Pamagat:
Ang pamagat ng nobela ay angkop at maganda dahil ito ay may natatagong

kahulugan na iyong malalaman kapag ito ay iyong binasa. Banaag para sa mga

pagsubok o suliraning kinakaharap ng mga tao. At sikat para sa kalutasan ng

mga pagsubok na ito. Maaari rin itong bigyang kahulugan bilang banaag para

sa mga maralita, at sikat para sa mga mayayamang nasa lipunan.


B. Paksa:
Ang nobela ang tungkol sa adhikain at paninindigan ng dalawang magkaibigan

na sina Felipe at Delfin. Ito rin ay tungkol sa pag-ibig ni Delfin sa isang dalagang

anak mayaman.
C. Banghay:
i. Simula Ang nobela ay nagsimula sa pagpapakilala kina Felipe at Delfin

na siyang mga pangunahing tauhan sa akda. Isinalaysay rin sa simula

ang kanilang mga adhikain at paninindigan sa lipunan. At ang kanilang

labis na pagkamuhi sa pagpapakasasa ng mga mayayaman sa kanilang

mga pera habang ang mga maralita ay walang makain at nagtitiis sa

kahirapan.
ii. Pagkasunod-sunod Tulad ng ilang mga nobelang amin ng natalakay,

ang Banaag at Sikat ay may linear o tinatawag ring kumbensyunal na

pagkakasunod-sunod ng pangyayari. Ito ay nagsimula sa pagpapakilala

sa mga tauhan, kasunod ang kinapapanabik na pangyayari at ang wakas

na kinapalooban ng kinahinatnan sa nobela ng mga tauhan mula sa


kanilang mga karanasan. Ang kasukdulan nito ay ang pamumuhay nina

Delfin at Meni ng maralita dahil sa galit ni Don Ramon at ang pag-alis ng

Don Ramon dahil sag alit at kahihiyan sa ginawa ng kaniyang anak na si

Meni.
iii. Wakas Ang wakas ng nobela ay kapanipaniwala o ako ay kumbinsado

rito. Ito ay nagtapos sa pagpapa-iwan nina Felipe at Delfin sa puntod ni

Don Ramon. Doon ay pinag-usapan nila ang kanilang adhikain,

paniniwala, at paninindigan sa lipunan.


D. Mga Bisa:
i. Bisang Pangka-isipan Aking naisip sa pagbabasa ng kwento na tama

ngang may iilang mga mayayaman na hindi kadapat-dapat sa kanilang

kayaman. Ang mga anak-mayaman na pinamanahan lamang ng mga

magulang at hindi ito pinapapahalagahan o ginagamit ito upang

makalamang ng kapwa. Naisip ko na mas masarap sa pakiramdam kung

ang iyong kayamang ay iyong pinaghirapan at ito ay ginagamit mo sa

tamang paraan tulad na lamang ng pagtulong sa mga taong

nangangailangan.
ii. Bisang Pangdamdamin Sa pagbabasa ng nobela ay nakaramdam ako

ng kalungkutan dahil maraming ngang mga mayayamang ang ginagasta

ng sobra ang kanilang mga pera sa mga walang kwenta o di kaya ay sa

mga masasamang bagay. Sa halip na tulungan ang mga mahihirap na

lubos na kailangan ito. Nakakalungkot din na ginagamit ng mga

mayayaman ang kanilang mga pera upang lalong maghirap o matapakan

ang ilang mga mahihirap.


iii. Bisang Pangkaasalan Batay sa aking nabasa sa nobela, kung ako ay

magiging napakayamang tao, gagamitin ko ito sa maayos na paraan.


Gagamitin ko ito sa pagtulong sa mga nangangailangan at hindi sa

panlalamang sa kapwa. Hindi ko ito gagamitin na parang isang

kapangyarihan na kakatakutan ng mga salat sa buhay sa halip, ito'y

gagamitin ko upang maibahagi ang mga biyayang binibigay o binigay ng

Panginoon sa akin sa mga taong nangangailangan.


iv. Pinaglahuan

v. Isinulat ni Faustino Aguilar

vi.

A. Pamagat:
vii. Para sa akin, ang pamagat ng akda ay angkop. Mapapakahulugan ko ito

bilang Pinaglahuan dahil sa paglalaho ng ang pag-asa sa pag-iibigan

nina Danding at Luis na naglaho na lamang kahit gaano pa kalawak dahil

hindi nagawang ipaglaban sa ama ni Danding na si Don Nicanor.


B. Paksa:
viii.
ix. Ang paksa ng nobelang Pinaglahuan ay ang pag-iibigan nina Danding at

Luis. Nakapaloob din sa kwento ang kagustuhan mapakasal ni Rojalde

kay Danding. Ito ay may tema ng pag-ibig at oryentasyong sosyal. Pag-

ibig na di nagkaroon ng katuparan dahil sa magkaibang uri ng lipunang

ginagalawan. Inilarawan dito kung gaano kalakas ang pwersa ng

mayaman at kung gaano naman kahina ang tao sa ganitong uri ng

pwersa, tulad ng nangyari sa pangunahing tauhan. Hindi maipaglaban ang

kanyang pag-ibig dahil salat sa kayamanan. Ikinalakal ang kanyang

katipan ng sarili nitong magulang sa isang mayaman, upang maiahon ang

pamilya sa kahihiyan.
C. Banghay:
i. Simula Ang akda ay nagsimula sa pagsasalaysay sa pag-iibigan nina

Danding at Luis. Sa parte ring ito sinabi ni Danding kay Luis na ipinagbibili

o siya ang ginagawang kapalit ng kaniyang ama na si Don Nicanor sa

lahat ng kaniyang utang dulot ng sugal. Si Danding ay ipapakasal kay

Rojalde na isang mayaman.


ii. Pagkasunod-sunod Ang Pinaglahuan ay may linear o tinatawag ring

kumbensyunal na pagkakasunod-sunod ng pangyayari. Ito ay nagsimula

sa pagpapakilala sa mga tauhan, kasunod ang kinapapanabik na

pangyayari at ang wakas na kinapalooban ng kinahinatnan sa nobela ng

mga tauhan mula sa kanilang mga karanasan. Ang kasukdulan nito ay

ang pagpapakasal ni Danding kay Rojalde, ang pagdadalang-tao ni

Danding at ang pagkakakulong ni Luis.


iii. Wakas Ang nobela ay nagwakas nang magtanim at masabugan ng

bomba si Luis sa loob ng bilangguan. Nagdiwang din siya nang tupukin ng

dambuhalang sunog ang lungsod, at naiwan si Rojalde sa balkonahe

habang nasusunog paligid at ang tinitirhang bahay. Ngunit mas

gugustuhin ko sana kung ang wakas nito ay ang pag-uusap muli nina

Danding at Luis. Nagkaroon sana sila pagkakataon na makapagpapaalam

sa isat-isa sa huling pagkakataon.


D. Mga Bisa:
i. Bisang Pangka-isipan Sa pagbabasa ng nobela ay naisip ko na ang

pag-ibig sa pamilya ay mas dapat pahalagahan at piliin. Ngunit dapat ring

bigyang pansin ng mga magulang ang nararamdaman ng kanilang anak

ukol sa kanilang buhay pag-ibig. Kailangang pahalagahan ng mga

magulang ang mga kagustuhan at ang mga mahahalaga sa kanilang mga

anak.
ii. Bisang Pangdamdamin Ako ay nakaramdam ng kalungkutang para sa

pag-iibigan ni Danding at Luis sapagkat hindi nila ito naipaglaban ng

mabuti. Wala silang nagawa laban sa pasya ni Don Nicanor na

pagpapakasal ni Danding kay Rojalde.


iii. Bisang Pangkaasalan Batay sa aking nabasa sa akda kung ako ang

makakaranas ng ganitong pagyayari sa aking buhay, sisikapin kong

kausapin ang aking ama o mga magulang ukol rito. At ipapaintindi ko sa

kaniya na ang pagpapakasal ay nararapat lamang mangyari sa mga taong

tunay na nagmamahalan at hindi sa paraang ipinagkasundo lamang. Oo

maaring dumating ang panahon na matutunang mahalin ng dalawang

taong ipinagkasundo ang isat-isa, ngunit hindi natin maalis ang

katotohanan na kahit gaano pa kalaki ang posibilidad na ito ay

magkakasakitan pa rin sila dahil sa mga desisyon na hindi maluwag sa

kanilang mga kalooban o sa kalooban ng isa sa kanila.


x. Tatlong maria

xi. Isinulat ni Jose Esperanza Cruz

xii.

A. Pamagat:
xiii. Ang pamagat ng akda ay naaayon dahil ito ay tungkol sa tatlong

magkakapatid na sina Maria Fe, Maria Esperanza, at Maria Caridad. Sila

ang ang pangunahing tauhan sa nobela lalong-lalo na si Maria Caridad.

Mapapansin sa kanilang mga pangalan na pare-pareho silang tatlo na

mayroong Maria ang pangalan.


B. Paksa:
xiv. Ang paksa ng nobela ay pag-ibig, pag-iibigan nina Maria Caridad at

Andres. Isa pang paksa ng nobela ay ang pamilya. Ito rin ay tungkol sa

pagkakaiba ng paninirahan sa lungsod at sa nayon. Na ipinakita sa nobela

sa pamamagitan ng paggamit ng dalawang magkaibang lugar; ang

Maynila at ang nayon. Ang tema rin ng nobela ay pag-ibig.


C. Banghay:
i. Simula Ang akda ay nagsimula sa pagpapakilala sa tatlong Mariang

magkakapatid na Maria Fe, Maria Esperanza, at Maria Caridad. Sina

Maria Fe at Esperanza ay magkapatid ng buo habang si Maria Caridad ay

kapatid lamang nila sa Ama. Ang Ina ng dalawang Maria na sina Maria Fe

at Maria Esperanza ay pumanaw na. Habang si Donya Pilar naman ang

ina ni Caridad. Kahit na hindi anak ni Donya Pilar ang dalawang pang

Maria ay pantay-pantay ang pagmamahal niya sa mga ito.


ii. Pagkasunod-sunod Ang akda ay may may linear o tinatawag ring

kumbensyunal na pagkakasunod-sunod ng pangyayari. Ito ay nagsimula

sa pagpapakilala sa mga tauhan, kasunod ang kinapapanabik na


pangyayari at ang wakas na kinapalooban ng kinahinatnan sa nobela ng

mga tauhan mula sa kanilang mga karanasan. Ang kasukdulan nito ay

noong isang araw ay may isang estranghero ang kumatok sa tahanan

nina Maria Caridad at Andres para sabihin na sila ay kinakailangan ng

umalis sa loob ng sampung araw. Nalaman nilang ibinenta pala ni Maria

Fe ang lupa. Kung kayat sinadya nilang puntahan si Maria Fe sa Maynila

upang kausapin ukol dito. Ngunit bigo silang bumalik ng nayon.


iii. Wakas Ang nobela ay nagwakas sa pagbabalik ng dalawang Maria sa

nayon at pagpatawad at pagtanggap ni Maria Caridad sa kanila ng buong

puso. Dagdag pa rito ay nanganak si Maria Caridad ng isang napakalusog

na sanggol. Nagustuhan ko ang wakas ng nobela dahil nagkaroon ng

kapatawakan sa pagitang ng magkakapatid at hindi nila hinayaang

manaig ang galit nila sa bawat isa, lalong-lalo na si Maria Caridad na

siyang inapi nila ngunit buong puso paring tumanggap at nagpatawad sa

kaniyang mga kapatid.


D. Mga Bisa:
i. Bisang Pangka-isipan Sa aking pagbabasa sa nobelang Tatlong Maria

naisip ko na ang pagiging magkapatid ay wala sa dugo. Na kahit hindi mo

buong kadugo basta itinuturing mong kapatid ay papahalagahan mo ng

malaki. Mayroon ngang hindi talaga magkadugo pero ang turingan ay higit

pa sa mga magkadugo.
ii. Bisang Pangdamdamin Magkahalong saya ang lungkot ang aking

nadama sa pagbabasa ng nobelang ito. Lungkot sa mga bagay na ginawa

ng dalawang Maria kay Maria Caridad sa una. At saya sa pagmamahalan


nina Maria Caridad at Andres at sa pagkakasundo ng tatlong Maria sa

wakas.
iii. Bisang Pangkaasalan Batay sa aking pagbabasa sa akdang ito, kung

ako ay magkakaroon ng kapatid sa iba ay gagayahin ko si Maria Caridad

na itinuring na parang kapatid ng buo ang dalawang Mariang sina Maria

Fe at Maria Esperanza. Hindi ko hahayaang maging hadlang sa aming

magiging samahan bilang magkapatid ang pagiging hindi naming

magkapatid sa parehong ama o ina. Dahil naniniwala ako na ang pagiging

magkapatid o ang pagturing ng kapatid sa isang tao ay wala sa dugo

kundi nasa puso.


xv. sa mga kuko ng liwanag

xvi. Isinulat ni Edgardo M. Reyes

xvii.

A. Pamagat:
xviii. Maganda ang pamagat ng nobelang ito dahil ikaw ay mapapa-isip kung

bakit nga ba pinamagatang Sa mga Kuko ng Liwanag ito. Ito ay kuko ng

liwanag dahil parehong naakit sina Julio at Ligaya sa kamaynilaan. Sila ay

naakit sa karangyaan at kaginhawaan ng buhay na sinasabi ng iba

tungkol sa Maynila.
B. Paksa:
xix. Ang paksa ng nobela ay ang kahirapan ng buhay ng mga probinsiyano sa

Maynila at ang pagkamaaalalahanin ng isang probinsyano sa kaniyang

kauri. Ang tema nito ay pag-ibig, hindi lamang sa taong minamahal kundi

pati na rin sa mga kasamahan o kaibigan.


C. Banghay:
i. Simula Ang akda ay nagsimula nang si Julio ay umalis papuntang

Maynila mula sa probinsya upang sundan ang kaniyang kasintahan na si

Ligaya. Siya ay namasukan sa isang construction site. Ngunit hindi sapat

ang kaniyang kita gayundin ng kaniyang mga kasamahan sapagkat maliit

lamang ang pasweldo sa kanila roon. At si Julio ay nakitira sa kaniyang

kasamahan sa trabaho.
ii. Pagkasunod-sunod Tulad ng mga karaniwang pagkakasunod-sunod ng

mga akdang pampanitikan, ang nobelang ito ay may linear o tinatawag

ring kumbensyunal na pagkakasunod-sunod ng pangyayari. Ito ay

nagsimula sa pagpapakilala sa mga tauhan, kasunod ang kinapapanabik

na pangyayari at ang wakas na kinapalooban ng kinahinatnan sa nobela


ng mga tauhan mula sa kanilang mga karanasan. Ang kasukdulan nito ay

nang nawalan na ng pag-asa si Julio sa paghahanap kay Ligaya ngunit

nakita niya ito at nalaman niyang naging biktima ito ng prostitusyon at

pinagsamantalahan ng isang Intsik sa Maynila. Kaya silang dalawa ay

nagbalak umalis ngunit hindi dumating si Ligaya. At nabalitaan ni Julio

mula kay Pol na si Ligaya ay namatay na.


iii. Wakas Ang akda ay nagwakas sa pagpatay ni Julio kay Ah Tek ngunit

maraming tao ang nakasaksi rito kaya inatake siya ng mga mamamayan.

Ako bilang mambabasa ay hindi nasiyahan sa naging wakas ng nobela.

Mas gugustuhin ko sana kung ito ay nagwakas ng hinayaan na lamang ni

Julio na managot sa batas ang intsik na si Ah Tek sa kaniyang mga

ginawang labag sa batas kay Ligaya.


D. Mga Bisa:
i. Bisang Pangka-isipan Sa pagbabasa ng nobelang ito, naisip ko na ang

mga taga-probinsya ay malaki ang paghanga sa karangyaraan at

kagandahan na sinasabi ng iba ukol sa kamaynilaan. Nguni tang totoo ay

kapag pumunta ang isang probinsyano sa Maynila ay labis siyang

mahihirapan lalo na kung siya ay walang pinag-aralan. Dahil ay Maynila

ay napakalawak at maraming bago para isang probinsyano na

mararanasan rito. Para sa akin rin ay mas maganda at mas mapayapang

manirahan sa probinsya kumpara sa Maynila. At naisip ko rin na ang

paghihiganti ay walang magandang maidudulot sa buhay ng isang tao.


ii. Bisang Pangdamdamin Ako ay nalungkot sa mga dinanas nina Julio at

Ligaya sa akda. Nakaramdam din ako ng pagmamahal mula sa labis na

pagmamahal ni Julio para kay Ligaya.


iii. Bisang Pangkaasalan Batay sa aking nabasa mula sa nobela, kung ako

si Julio o si Ligaya at papipiliin ako kung ako ay titira sa Maynila o sa

probinsya ay mas pipiliin ko ang probinsya. Dahil sabi ko nga kanina sa

aking bisang pangkaisipan, sa aking palagay ay mas mapaya at mas

maganda sa probinsya kumpara sa Maynila. Gugustuhin kong bumibisita

lamang sa Maynila, ngunit kung ang paninirahan ang pag-uusapan ay

mas pipiliin ko pa rin ang probinsya. At kung ako naman ang nasa

sitwasyon ni Ligaya na nakaranas ng hindi maganda mula sa aking amo

ay magsusumbong ako at hihingi ng tulong sa pulisya o sa aking mga

kaibigan na pinagkakatiwalaan at hindi ko hahayaang ulit-ulitin ito.

xx.
xxi. Luha ng buwaya

xxii. Isinulat ni Amado V. Hernandez

xxiii.

A. Pamagat:
xxiv. Ang pamagat ng nobela ay maganda dahil ikaw ay mapapa-isip dito kung

ano ba ang kahulugan nito. Ayon sa isang lumang anekdota, ang buwaya

ay lumuluha upang maakit ang kanilang biktima. Para sa kwento ng

nobela, maaari itong maging basehan upang mabigyan ng simbolo o

kahulugan ang pamagat nito. Makikita na ang pag-iyak na ito ay

mahahalintulad sa mapagbalat-kayong asal ng mag-asawang Grande, na

pala-simba at banal kung umasal ngunit sa totooy unti-unting sinasakal at

pinahihirapan ang mga mahihirap na nakatira sa kanilang pook para sa

katuparan ng sarili nilang interes. Bukod sa pagiging mapagbalat-kayo at

matakaw, ang buwaya ay kilala rin sa pagiging sakim at gahaman, mga

katangian ng mga mapang-abusong may-ari ng lupa na mga Grande.


B. Paksa:

xxv. Ang kwento ng akda ay umiikot sa pang-aapi ng isang mayamang pamilya

sa mga maralitang mamamayan ng isang bayan sa probinsya, at kung papaano

nakaisat nagsama-sama ang mga nasabing mahihirap upang lumaban at

malutas ang kanilang mga problema. Pinapakita ng nobela ang tunggalian ng

mga mapang-abusong mayayaman na nagmamay-ari ng mga malawak na

lupain, na maaari ring tawagin na mga haciendero at ng mga inaaping

magsasaka at manggagawa na walang magawa sa kanilang kundisyon at

kalagayan sa buhay.
xxvi.
C. Banghay:
i. Simula Ang nobela ay nagsimula sa pag-uwi ni Maestro Bandong Cruz

sa Sampilong upang humalili sa dating punong-guro na nagbakaston

muna dahil sa karamdaman. Nagkataon naman na magkakaroon ng

malaking handaan sina Don Severo at Doa Leona Grande, ang mga

pinakamayaman sa Sampilong, bilang pagsalubong sa kanilang dalawang

anak na sina Jun at Ninet. Inilarawan din sa simula ng akda ang

pagmamalupit na ginagawa ng pamilya Grande sa mga maralitang

nakatira sa kanilang lugar.


ii. Pagkasunod-sunod Kagaya nga ng ilan pang mga nobelang aming

tinalakay, ang akdang ito ay may linear o tinatawag ring kumbensyunal na

pagkakasunod-sunod ng pangyayari. Ito ay nagsimula sa pagpapakilala

sa mga tauhan, kasunod ang kinapapanabik na pangyayari at ang wakas

na kinapalooban ng kinahinatnan sa nobela ng mga tauhan mula sa

kanilang mga karanasan. Ang kasuldulan nito ay ang pangyayaring

napuno na ang mga mahihirap na magsasaka at naisip nilang magtayo ng

isang unyon para mapangalagaan ang kanilang mga karapatan. Sila ay

tinulungan ng butihing punong-guro na si Bandong. Sa tulong nito ay

namulat ang isipan ng mga tao sa Sampilong at gumanda ang kalagayan

ng mga mamamayan. Ngunit patuloy na umiral ang kasakiman ng mga

Grande at tinangka nilang kamkamin ang lupaing kung tawagin ay

Tambakan o Bagong Nayon at hinabla ang mga mahihirap upang

mapigilan ang kanilang mga plano. Di nagtagal at nakarating ang mga

balitang ito sa mga Grande sa pamamagitan ng kanilang katiwala na si


Dislaw, ang karibal ni Bandong sa panliligaw sa magandang dalagang si

Pina, at silay gumawa ng paraan upang matanggal si Bandong sa

pagkapunong-guro sa paaralan.
iii. Wakas Ang nobela ay nagwakas sa rebelasyon na hindi pala sa mga

Grande ang lupa, at sa halip ay pagmamay-ari ito ng isa nilang

kasamahan na si Andres. Sa huli ay napawalang-sala rin ang mga

inosenteng mahihirap at nabigyan ng hustisya. Maganda at nagustuhan

ko ang wakas ng nobela dahil bumalik sa mga Grande ang lahat ng

kanilang mga ginawa sa mga tao.


D. Mga Bisa:
i. Bisang Pangka-isipan Sa pagbabasa ng nobela ay naisip kong hindi

dapat pinagmamalupitan ang iyong mga trabahador ang mga taong may

mas mababagang anyo ng pamumuhay kaysa saiyo. Dahil hindi porket

mahirap sila ay pagsasamantalahan mo na ito. At hindi porket mayaman

ka ay may karapatan kanang pagmalupitan o pahirapan ang mga maralita.


ii. Bisang Pangdamdamin Ako ay naawa sa mga maralitang

pinagmalupitan ng mga Grande, lalong-lalo na sa magsasakang namatay

ang asawa sapagkat hindi nakabili ng gamot dahil kinuha ng mga Grande

ang pambili ng gamot kahit na nakiusap ang magsasaka na huwag muna

itong kunin. Nakaramdam din ako ng inis sa mga Grande sa kanilang mga

hindi magagandang ginawa sa kanilang mga trabahador.


iii. Bisang Pangkaasalan Base sa aking mga nabasa sa nobela, kung ako

ay magiging kasing yaman ng mga Grande at magkakaroon ng mga

trabahador ay hindi ko gagawin ang kanilang mga ginawa. Hindi ko

pagmamalupitan ang aking mga trabahador at tatratuhin ko sila ng dapat.

Ibibigay ang kanilang mga karapatan at kung kaya ay pati ang kanilang
mga pangangailangan. Kung ako naman ay magiging si Bandong ay

gagayahin ko siya na tumulong sa mga trabahador upang gumawa ng

aksyon sa lahat ng ginagawa ng mga Grande.


xxvii. bata, bata paano ka ginawa?

xxviii. Isinulat ni Lualhati Bautista

A. Pamagat:
xxix. Ang pamagat ng nobela ay napakapopular. Madalas mo itong maririnig sa

mga tao. Siguro ay isa sa mga dahilan kung bakit ito popular ay dahil sa

ito ay naisapelikula na. Nagmula ang pamagat ng akda sa kuryosidad ng

batang Ojie sa pagbubuntis ng kaniyang ina noon kay Maya. Binanggit ito

sa tulang itinanghal ni Maya noon sa kaniyang pagpapakita ng talent sa

Miss. Kindergarten 97.


B. Paksa:
xxx. Ang nobela ay may paksa at temang pampamilya o pagmamahal sa

pamilya. Ito ay tungkol sa isang ina na may dalawang anak sa magka-

ibang lalaki. Makikita mo rin rito ang paglalarawan ng pananaw ng lipunan

tungkol sa kababaihan, pagiging ina, at ang kung paano ganapin ng ina

ang kaniyang pagiging magulang sa makabagong panahon.


xxxi.
C. Banghay:
i. Simula Ang akda ay nagsimula sa pagtatapos sa kindergarten ng bibong

anak na babae ni Lea na si Maya. Bukod sa pagtatapos ay ginanap rin

ang patimpalak na Miss. Kindergarten 97. Sa sinabing patimpalak ay

nagwagi si Maya dahil sa kaniyang pagiging simple na dahil rin sa

paniniwala ng kaniyang ina na si Lea na ang paglalagay ng make-up sa

isang bata ay pagdudumi sa kamusmusan nito. Bukod rito ay ikatlo rin si

Maya sa mga nakakuha ng honor. Napakasaya ng mga magulang ni Maya

na sina Lea at Ding sa kaniyang mga nakamit.


ii. Pagkasunod-sunod Ang nobela ay may linear o tinatawag ring

kumbensyunal na pagkakasunod-sunod ng pangyayari. Ito ay nagsimula


sa pagpapakilala sa mga tauhan, kasunod ang kinapapanabik na

pangyayari at ang wakas na kinapalooban ng kinahinatnan sa nobela ng

mga tauhan mula sa kanilang mga karanasan. Ang kasuldulan nito ay

noong naaksidente ang magkapatid na sina Ojie at Maya sa bisikleta. At

nagalit ang kani-kanilang mga ama kay Lea at sinabing wala itong oras sa

mga anak at puro ito trabaho kaya gusto nilang kunin ang mga bata sa

kaniya.
iii. Wakas Maganda ang wakas ng nobela dahil nabigyan ng pansin ang

pamagat ng akda sa talumpati ni Lea sa pagtatapos ni Ojie na, Bata, bata

paano ka ginawa? na siyang inosenteng niyang itinanong noong

nagbubuntis si Lea sa kaniyang kapatid na si Maya.


D. Mga Bisa:
i. Bisang Pangka-isipan Matapos basahin ang nobela, napagtanto ko kung

gaano kamahal ng mga magulang lalong-lalo na ng mga ina ang mga

anak. Sa nobelang ito rin ay napagtanto ko na lahat ay kakayaning gawin

ng mga magulang para sa kanilang mga anak. Na walang kapantay ang

pagmamahal ng isang magulang lalo na ng isang ina.


ii. Bisang Pangdamdamin Sa pagbabasa ng nobela ay ramdam na

ramdam ko ang pagmamahal ng isang ina para sa mga anak.

Naramdaman ko ang bawat pagtitiis ni Lea para sa kaniyang mga anak at

ang sakit na kaniyang nararamdaman tuwing may mga hindi

magagandang bagay na ibinabato sa kaniya lalong-lalo na sa tuwing sa

kaniyang mga anak.


iii. Bisang Pangkaasalan Dahil sa pagbasa ko sa akdang ito ay mas

papahalagahan ko ang aking mga magulang lalong-lalo na aking ina na

malaki ang sakripisyo sa amin sa kaniyang pagtatrabaho sa ibang bansa.


Mas ipaparamdam ko sa kanila ng aking ama ang aking pagmamahal at

pagpapahalaga sa kanila. Dahil sa akdang ito ay naipakita sa aking na

walang katumbas o walang nang mas hihigit pa sa pagmamahal ng isang

magulang/ina.

xxxii.

xxxiii.

You might also like