You are on page 1of 3

PILIPINO: ISANG DEPINISYON

NI: PONCIANO PINEDA


1
Ano ka? Ano siya? Ano ako? Ano tayo?
Sabi nilay Pilipino
Ugat natin ay silangan
Anak-dagat ang ninunong hatid dito ng barangay SABAYANG PAGBIGKAS
Galing doon sa malayo sa matandang kalupaan
Dito sila ipinadpad ng magandang kapalaran

2
Naibigan itong pulo kayay dito nangagkuta
Nanirahan, nangaglahi, nangabuhay nang sagana
May ugaling katutubo, may gobyerno at bathala
May samahan at ibigan, maayos at payapa MONOLOGO
May sariling wika
Tayo raw ito
Sa ante-panahon ng kolonyalismo

3
Walang abog
Mula sa kanluran ang dayoy sumapit
Ako ay hinamak, siya ay inapi, ikaw ay hinamig
Siniil ang laya, kinamkam ang yaman
Barangay ay binuwag
Mga tala ay sinunog
Abakaday binawal DEKLAMASYON
Ipinasiyang mga mangmang
Ang lahat ng katutubong kayumanggi ang kulay
At naging alipin ang bayan kong irog
Ma-iloko, ma-bisaya, ma-kapampangan, ma-tagalog
Ito tayo
Pilipino

4
At sa halip, at sa halip
Pinalitang lahat-lahat
Ang gobyerno, ang relihiyon, ang ugali, ang kultura SABAYANG PAGBIGKAS
Kinastila itong dila
Itong pusoy kinastila

5
Edukasyon ay hulog ng langit
Mga tao ay dumunong sa pagbasa at pagsulat
Kastilaloy ang panturo, kastilaloy ang balangkas
Kayat akoy nagkastila
Sa kaluluwa at sa balat
Pinagtilad-tilad ikaw, akot siya
Sa adhikay paghatiin divide et impera
TULA
At yumabong
Ilukanoy ilukano
Kapampangay kapampangan
Bikulanoy bikulano
Pangasinay pangasinan
Ang Cebuanoy Cebuano
Iyang Waray laging waray
Ang Ilongo ay ilongo
Mga Muslim laging muslim
Ang Tagalog ay tagalong
Kanya-kanya tayu-tayo
Masawi na ang sampangkat, malipol man ang santribu TULA
Huwag lamang tayo
Huwag lamang ako
Pagkat tayoy ito
Mga Pilipino

6
Ang naamis ay nagbangon, lumaban, naghimagsik
Kamatayan ay sinuong, sinagupa ang panganib
Bumagsak ang mapaniil na nag-iwan ng bakas
Kolonyal na edukasyon, ekonomiya at sosyedad

Kayat layay itinindig sa kislap ng mga tabak


DEKLAMASYON
At sa Kawit nagwagayway ang maningning na sagisag
Dapwat sasansaglit
Pagsasarili ay inagaw ng malakas
Dinagit ang dambuhalang diumanoy bagong mesiyas
Diumanoy naparito upang noon ay iligtas
Ang barbarong walang dunong, walang alam sa paghawak
Ng gobyerno at ng laying para lamang sa di uslak

8
Di ngayon nga
Awtoridad ay naiba
Napalitan ang balangkas, nangagbago ang sistema
Ngunit yon din: ang dayuhay panginoon
Pilipino ang busabos, nakayuko, tagasunod
Walang tutol

9
Edukasyon popular: kinano ang sistema TALUMPATI
Umunlad, di nga kasi: Pilipino ay dumunong
Naging kano sa ugali, naging kano sa damdamin
Naging kano sa kaisipan, naging kano sa pagsulong
Sadyang gayon ang katwiran
Masterin mo iyang wikat
Ang Kultura niyang wikay ikaw iyang mamasterin
Ang nangyari: ang produkto
Nitong ating edukasyon: prospektibong mandarayo,

10
Di gradwadong makabansa, hinding hindi Pilipino
Divide at impera
Ilukanoy ilukano
Kapampangay kapampangan MONOLOGO
Bikulanoy bikulano
Pangasinay pangasinan
Ang Cebuanoy Cebuano
Iyang Waray laging waray
Ang Ilongo ay ilongo
Mga Muslim laging muslim
Ang Tagalog ay tagalong
Kundi rin lang itong akin
Mabuti pang sa dayo
Ito tayo
Pilipino
MONOLOGO
Isang lahing makaako, tayu-tayo

11
At nagdilim
At kumulog at kumidlat at lumindol
At ang ulan ay bumuhos at bumaha at umunos
Ang sanlahiy nagliliyab nalulunod
Nagliliyab nalulunod

12
Ay, salamat sa karimlan
Ay, salamat sa magdamag
At sumikat ang liwayway ng maningning na liwanag
Isang phoenix ang nabangon sa abo ng lumipas
Nagmistulang manunubos ng naamis nating palad TULA
Kaguluhan ay inayos, mga giba ay binuo
Nilipol ang kasamaan, kayarian ay binago
Tenancy, ekonomiya, sosyeda, gobyerno
Edukasyoy nakaangkop sa lahat ng kailangan
Nang sa gayoy bumalikwas ang duhagi nating bayan

13
Pinabubulas ngayong muli ang kulturang katutubo
Bilang tanda ng luwalhati ng kahapong sinisiphayo
Isang bansang hindi dayo
Isang lahit bansang
Pilipinong-pilipino TALUMPATI
Kailangan natin ngayon ay uri ng paturuang magbubuklod
Sa biyaya ng magandang katubusan
Sambandilat isang awit, isang wikang hindi hiram
Dapat itong maging bunga nitong bagong kaayusan

14
At pag itoy natupad na
At pag itoy naganap na
SABAYANG PAGBIGKAS
Masasabing taas noo
Ikaw, siya saka akoy
Mga bagong Pilipino

You might also like