You are on page 1of 3

Marcial B.

Villanueva National High School


San Francisco, Quezon
Maikling Pagsusulit
Unang Semester
PAGSUSURING PAGSUSULIT
KPWKP
Baitang 11
Pangalan: Score:
Taon /Pangkat: Petsa:

Piliin ang letra ng tamang sagot na tumutukoysa kahulugan at kabuluhan ng mga konseptong pangwika.
1. Ito ang katutubong wika na ginagamit sa buong bansang Pilipinas bilang wika ng komunikasyon
ng mga etnikong grupo.
a. Filipino b. Pilipino c. Tagalog d. Ingles/Tagalog
2. Ginagamit ito sa pormal na edukasyon.
a. Wikang Panturo b. Wikang Ingles c. Wikang Opisyal d. Bilinggual
3. Ito ang ginagamit ng mga magkausap kapag magkaiba ang kanilang katutubong wika.
a. Lingua Franca b. Bilinggwal c. Multilingual d. Homogenous
4. Sistematikong balangkas na mga binibigkas na tunog.
a. Dayalek b. salita c. dila d. wika
5. Paggamit ng dalawang wika sa Sistema ng Edukasyon.
a. Multilingguwalismo b. Multikulturalismo c. Bilingguwalismo d. Barayti ng wika
6. Ang wika ay nagbabago.
a. Masistemang balangkas b. Arbitraryo c. Dinamiko d. Pinipili
7. Kahulugan ng salitang Latin na lingua
a. Teorya b. Kamay c. Wika d. Dila
8. Makahulugang tunog ng isang wika
a. Sintaksis b. Morpema c. Diskurso d. Ponema
9. Kinikilalang lingua franca ng mundo
a. Mandarin b. Niponggo c. Filipino d. Ingles
10. Ito ay nauukol sa wikang katutubo, taal o likas sa isang tagapagsalita.
a. Pantulong ng wika b. Katutubong Wika c. Ikalawang wika d. Unang Wika
11. Wikang pambigkis sa maraming komunidad, wikang bumubuo ssa sambayanang Pilipino.
a. Filipino b. Tagalog c. Cebuano d. Ingles
12. Nauukol sa paggamit ng higit sa dalawang wika bilang wikang panturo sa Sistema ng edukasyon.
a. Multilingguwalismo b. Multikulturalismo c. Bilinguwalismo d. Naturalismo
13. Alin sa mga sumusunod ang Hindi kabilang sa pagbuo ng wika.
a. Morpema b. Simbolo c. Sintaks d. Ponema
14. Pinagtibay na batayan ng ating wikang pambansa ang tagalog dahil
a. Ito ang salitang ginagamit sa Maynila, ang punong-lungsod
b. Ito ay mas mabuti kaysa Ingles at Espanyol na mga dayuhang salita
c. Karamihan sa mga hukom na nasa assembliyang nagpatibay sa ating wikang pambansa ay mga
Tagalog
d. Ito ang salitang ginagamit ni Pangulong Quezon
15. Mas mabuting
a. Gamitin ang Filipino bilang tanging paraan ng pakikipag-usap sa buong bansa
b. Gamitin ang Filipino o Ingles ayon sa pangangailangan
c. Gamitin ang Ingles lamang
d. Huwag gamitin ang Ingles o Filipino
16. Sino ang itinuturing na Ama ng Wikang Pambansa?
a. Francisco Balagtas b. Jose Rizal c. Manuel L. Quezon d. Jose Palma
17. Mahalagang magkaroon ng wikang pambansa dahil ito ay:
a. Nagpapaunlad ng pagkatuto sa pamamagitan ng interaksiyon ng guro at mag-aaral
b. Nagbibigay-daan sa epektibong pagpapalitan ng mga kaisipan at impormasyon
c. Nagbibigay- daan upang magkaroon ng interaksyon ang mga ito
d. Lahat ng ito
18. Ang iyong lokal na diyalekto ay ______________ Ingles at Filipino.
a. di-gaanong singhalaga ng
b. mas mahalaga kaysa
c. singhalaga ng
d. dapat mapalitan ng
19. Itinuturing na magkakatulad ang isang linggwistikong komunidad dahil sa
pagkakatulad sa wika, kaasalan, at pagpapahalagang panlipunan.
a. Multilingguwalismo c. Heterogenous
b. Bilingguwalismo d. Homogenous
20. Anong social media platform ang pinakagamitin sa kasalukuyan sa
pagbibigay ng opinyon ng kabataan na nagiging dahilan sa pagpapalawak ng
wika?
a. Facebook c. Instagram
b. Twitter d. Pinterest
21. Ang sariling paraan ng paggamit ng wika ng sikat na personalidad gaya ni
Mike Enriquez at Kris Aquino ay maihahanay sa anong barayti ng wika?
a. Idyolek c. Ekolek
b. Sosyolek d. Dayalek
22. Ito ay tumutukoy sa pagkakaiba-iba ng wikang ginagamit ng mga pangkat ng
tao sa isang lugar.
a. Heterogenous na wika c. Dayalek
b. Homogenous na wika d. Pidgin
23. Ang salitang homogenous ay nanggaling sa salitang Griyego na "homo" na
nangangahulugang ______.
a. pagkakaiba c. pareho
b. pag-uulit d. pagkakaugnay
24. Ito ang barayting bunga ng sitwasyon at disiplina o larangang pinaggagamitan
ng wika.
a. Creole c. Jargon
b. Register d. Dayalek
25-29.Basahin at unawain ang mga pahayag. Isulat sa patlang ang letra ng tamang sagot
25. “Sir, na-encode ko na po yung report at ise-send ko na lang sa Fb.” Anong domeyn ang makikita
sa rehistro ng wikang ipinahayag?
a. agricultural c. computer
b. edukasyon d. pang-agham
26. Saan madalas marinig ang ganitong usapan? “Tingnan mo sa faculty, baka naandoon si Ma’am.” a.
paaralan c. bangko
b. opisina d. kongreso
27. “Tigang na ang lupa, kailangan itong bungkalin at sakahin.”
a. barber c. pulis
b. magsasaka d. empleyado
28. “Chief, magsasampa po ako ng reklamo, pang-eestapa.”
a. eskuwela c. restawran
b. tailoring d. presinto
29. “Normal naman, Dok, ang vital signs nya. Okay naman ang heart beat.”
a. bahay c. presinto
b. ospital d. bangko
30. Sa paanong paraan makabubuti ang madalas na pagpo-post ng produkto sa social media?
a. Ito ay nakatutulong upang tangkilikin ang isang produkto.
b. Ito ay nakatutulong upang magkaroon ng kamalayan ang mambabasa tungkol sa magandang
naidudulot sa tao ng produkto.
c. Ito ay nakaiimpluwensiya sa mambabasa.
d. Ito ay nakatutulong sa kumpanya ng produkto.
31. Ang sumusunod ay makatutulong sa paglaganap ng wikang Filipino sa pagpopost sa social media
MALIBAN sa __________________.
a. Sa pamamagitan nito ay mas lalo pang mapatatatag ang wikang Filipino.
b. Mas mapapalawig pa ang sariling wika.
c. Mas maisusulong pa ang intelektuwalisasyon ng ating wika.
d. Mas pinatutunayan nito na walang pag-unlad ang ating wika.
32. Ano ang iyong maipapayo sa kabataang tulad mo na mahilig mag-post sa social media?
a. Patuloy nilang gamitin nang wasto ang wikang Filipino
b. Huwag nilang gamitin ang wikang Filipino
c. Gumamit sila ng ibang wika sa pagpo-post
d. Huwag na silang mag-post
33. Ano ang ibig sabihin ng salitang edited na madalas makita sa post sa social media?
a. Block c. Itinago ang post
b. Binura ang post d. May binago o inayos
34. Ano ang aplikasyon sa social media na maraming gumagamit nito?
a. Facebook c. Twitter
b. Instagram d. Tinder
35. Saan madalas makikita ang iba’t ibang kuwento o istorya ng buhay?
a. Instagram c. Messenger
b. Facebook d. Twitter
36-40 Panuto: Tukuyin kung anong gamit ng wika sa lipunan ang sumusunod. Piliin ang titik ng
tamang sagot at isulat sa sagutang papel.
36. Bawal umihi dito.
a. Imahinatibo c. Personal
b. Interaksiyunal d. Regulatori
37. Pakiabot mo naman ang folder na nasa ibabaw ng mesa.
a. Heuristiko c. Personal
b. Instrumental d. Regulatori
38. Maaari ko bang malaman kung gaano katagal bago matapos ang proyektong ito?
a. Impormatibo c. Heuristiko
b. Instrumental d. Personal
39. Smoking Area.
a. Impormatibo c. Personal
b. Heuristiko d. Regulatori
40. Slow Down School Zone.
a. Impormatibo c. Personal
b. Instrumental d. Regulatori

You might also like