You are on page 1of 13

Komunikasyon at

pananaliksik sa wika
at kulturang pilipino
Panuto: Humanap ng kapareha. Basahin at sagutin ang
mahahalagang tanong na nakatalasa talahanayan sa ibaba na siya
ring mahahalagang tanong na inyong sasagutin sa pag-aaral ng
kabanatang ito.
MAHAHALAGANG TANONG ANG AMING MGA
SAGOT

1. Bakit mahalaga ang wika?

2. Dapat bang may wikang pambansang


ginagamit ang mamamayan ng isang bansa?

3. Sa paanong paraan ito nagiging instrumento


ng mabisang komunikasyon, kapayapaan at
mabuting pakikipagkapwa-tao?

4. Daan ba sa pag-unlad ang pagkakaroon ng


maraming wika?
5. Tatak ba ng isang lahi ang wika?
Pangkatang Gawain:
Pangkatin ang mga mag-aaral sa 5 pangkat .
Ang bawat pangkat ay magpapakita ng mga
maaring gawin para maiparating ang kanilang
mensahe kahit WALANG WIKA at hindi natin
maipapahayag ang sarili nang pasalita o
pasulat man.
Pangkat 1: Nais mong maipaalam sa isang tao (maaring magulang, kaibigan o taong malapit sa puso mo) na mahal mo
siya.
Pangkat 2: Nais mong malaman ng isang taong galit ka o hindi mo sinasang-ayunanang mga bagay na ginagawa niya.
Pangkat 3: Nais mong humingi ng tulong sa iba para sa isang mahirap na kalagayan o problemang mayroon ka.
Pangkat 4: Nais mong hiwalayan ang kasintahan mo dahil hindi
mo na siya mahal at may mahal ka nang iba.
Pangkat 5: Nais mong mag-audition sa Star Hunt bilang artista.
RUBRIKS:
NILALAMAN 5

PRESENTASYON 5

KOOPERASYON 5

TOTAL 15
Mga Tanong:

•MAHIRAP BA MAWALAN NG WIKA?


• ANO-ANO ANG POSIBLENG MANGYARI
KUNG WALANG WIKANG NAUUNAWAAN
NG LAHAT AT ANG BAWAT ISA’Y MAY
WIKANG TANGING SIYA LANG ANG
NAKAUUNAWA?
•ANO ANG IYONG NATUTUNAN O
NAUUNAWAAN SA GINAWANG SKIT
O DULA-DULAAN?
Mga puntong nais bigyan ng diin:
• Ang wika ay isang napakahalagang instrumentong
komunikasyon .
• Ito ay behikulong ginagamit sa pakikipag-usap at
pagpaparating ng mensahe sa isa't isa.
•Nagkakaintindihan tayo,
nakapagbibigayan tayo ng ating mga
pananaw o ideya, opinyon, kautusan,
tuntunin, impormasyon, gayundin ng
mga mensaheng tumatagos sa puso at
isipan ng ibang tao, pasalita man o
pasulat gamit ang wika.
TAKDANG-ARALIN:

• SAAN-SAAN NAIUUGNAY, NAITUTUKOY AT


GINAGAMIT ANG WIKA?

You might also like