You are on page 1of 10

Ang Paglaya sa Anino ng KAHAPON

Ang Panitikan sa Kasalukuyan


Panitikan: Bukas na Liham ni Jocelyn M. David

Panimula
Sa araling ito, ikaw ay inaasahang makapagpamalas ng iyong pag-unawaa at
pagpapahalaga sa karikitan ng Liham sa tulong ng mga pag-uugnay sa
paglalahad upang sa gayo’y makabuo ka ng isang magandang liham.

I. KAALAMAN: (Bilang ng Oras: 1)

Layunin: Sa bahaging ito, ikaw ay inaasahang:

a. nakapagsasalaysay ng iyong saloobin hinggil sa pagsulat ng Liham


b. nakapagbabahagi ng naging reaksiyon ng iba hinggil sa iyong salaysay
patungkol sa Liham.

1. Nakapagbasa kana bang Liham? Kung oo, tungkol saan ang liham na iyong
binasa? Anong saloobin mo hinngil dto? Kung hindi ang iyong kasagutan,
subukin mong basahin ang Liham ni Jocelyn M. David na may pamagat na
“Bukas na Liham” at iyong subukin ilahad ang iyong saloobin hinggil sa
nasabing liham. Isulat mo ito, at kung may pagkakataon ay ikuwento mo sa klase
o sa iyong kaibigan.
Ang Paglaya sa Anino ng KAHAPON

II. PROSESO: (Bilang ng Oras: 1)

Layunin: Sa bahaging ito, ikaw ay inaasahang:

a. nakapagbabahagi ng mga saloobin hinggil sa Liham na binasa


b. nakapagbibigay reaksiyon sa sinulat ng manunulat
c. nakapaglalahad ng kasalukuyang pangyayari na maaaring maiugnay sa
binasang liham

Balik-Diwa sa Dating
Kaalaman
Ating muling alalahain ang mga bahagi ng liham.
Pamuhatan
Ito ang bahagi ng liham kung saan ito ay naglalaman ng
address/tirahan ng sumulat at ang petsa kung kalian ito isinulat.
Bating Panimula
Ang bahagi ng liham kung saan makikita ang magiliw na pagbati ng
sumulat sa kanyang sinulatan.
Katawa ng liham
Ito ang bahagi ng liham kung saan ito ang pinakadiwa ng liham o
nilalaman, dito mababasa ang paksa ng liham kung ano ang nais
iparating ng sumulat sa kanyang sinulatan.
Bating Pangwakas
Dito mababasa ang magalang na pamamaalam ng sumulat
halimbawa “ Iyong Kaibigan” Labis na Nagmamahal” Labis na
Umasa”
Lagda.
Ito ang bahagi ng liham kung saan makikita mo ang pangalan at
lagda ng sumulat.
Ang Paglaya sa Anino ng KAHAPON

A. Ang iyong matutunghayan ay isang Liham na isinulat ni Jocelyn M. David na


pinamagatang “Bukas na Liham”.

Bukas Na Liham
Ni Jocelyn M. David
Febuary 25, 1986
Juan dela Cruz Junior,
Marami nang buwan kitang pinagmamasdan… at‘yan ay hindi lingid sa inyo. Sa
katunayan, hindi miminsang nagkaroon tayo ng pagtatalo tungkol sa mga bagay na
ipinaglalaban.
Ngayon ako naniniwala na ang lahat ng bagay ay napagbabago ng panahon.
Ang buko ay hindi mananatiling buko habang panahon sapagkat kailangan nitong
mamulaklak at mamunga para sa pag-usbong. Ang buto ay ‘di mananatiling buto
sapagkat kailangan nitong lumago para sa panibagong pagtubo. At ngayon nga, katulad
ka na rin ng mga ito, hindi ka rin nanatili sa pagiging musmos. Ibang-iba ka na anak,
ah...marahil hindi na ikaw ang dati-rating sanggol na aking ipinaghehele upang
makatulog. Hindi na nga ikaw ang sanggol na ‘yon sapagkat ngayon...ni saglit ay ‘di mo
na hinahayaang ipinid ng sinuman ang iyong mga mata. Kahit ano pang paghehele ang
gawin ko sa ‘yo, ayaw mo nang makatulog pang muli...lagi kang gising at higit sa lahat,
mulat na ang mata mo sa tunay na kahulugan na KATOTOHANAN.
Anak, ikaw pa rin ba ang dati-rating sanggol na tuwang-tuwang sasalubong sa
akin kapag dinadalhan ko ng laruan? Ah... hindi na! Hindi na dapat sa’yo ang laruan
‘pagkat hindi ka na marunong maglaro. Aanhin mo pa ba ang laruan ngayon, gayong
alam mo na ang tunay na kahulugan ng KATARUNGAN.
Hindi na rin marahil ikaw ang dati-rating sanggol na ipinagtitimpla ng gatas
pagkat ngayon hindi mo na gusto ang lasa nito. Iba na ang hinahanap mo ngayon,
anak...iba na ang iyong panlasa ang kinauuhawan mo ngayon.... bagkus ay
KALAYAAN.
Tama ba ‘ko, anak? Hindi mo na maaaring ikaila sa akin. Nakikita kita...laman ng
mga rallies, campus strikes, boycott, at mga demonstrations. Minsan sumisigaw ka na
sa entablado at pinangungunahan ang mga kapwa mo rin nasa kasiulan. Mabalasik ka
na palang mangusao ngayon! Puno ng paghihimagsik ang bawat salitang iyong
binibitawan. May diin na ang pananalita mo ngayon, anak. Wala na akong mabakas ni
munting pagkatakot mula sa mga pananalita mo. Akala ko pa noon, project n’yo sa
eskwelahan ‘yung pinagpupuyatan mo sa gabi, ‘yun pala, placards na ibinabandila mo
sa tuwing sasama ka sa mga rallies.
Magkahalong galit at panghihinayang ang nararamdaman ko para sa ‘yo, anak.
Halos igapang kita sa hirap, mapaaral lang kita, ‘yun pala, puro rallies ang
Ang Paglaya sa Anino ng KAHAPON

pinagkakaabalahan mo. Minsan kitang tinangkang pigilan


noon....pagsabihan...pangaralan. Akala ko, ikaw pa rin ang dati-rating Juan de la Cruz
na kapag kinagagalitan ko ay umuupo na lamang sa isang tabi at tatango sa bawat
pangaral na aking isinusubo. Ngunit nabigo ako, nalimutan ko hindi ka na Pala batang
paslit. Sinasabi mo na ngayon ang nasasaloob mo. Ipinaglalaban mo na ang alam
mong tama. Isinisigaw mo na ang iyong mga karapatan. Alam ko, pagal na ang munti
mong katawan sa pakikipaglaban pero hindi ka pa rin sumusuko. At ang sabi mo pa sa
‘kin noon, kamatayan lang ang makapipigil sa iyo. Hanggang kalian ka pa tatagal anak?
Kaninang umaga, inihanda ko ang almusal mo. Gusto ko kasi, sabay tayong
mag-a-almusal pero nagmamadali ka kanina. Matapos mong kunin ang pagkaing
inihanda ko para sa’yo, nagpaalam ka na namang pupunta sa Camp Crame katulad
kahapon at nagdaan pang mga araw. Camp Crame! Anak, alam ko kung bakit ka
pupunta roon...upang maisakatuparan ang manimithi mong KALAYAAN, ‘di ba?
Pinipigilan kita ngunit matigas ka! Wala pang limang minuto mula nang umalis ka,
pinasya kong sundan ka. Takbo, lakad ang ginawa ko. Nang makarating…hinanap kita
sa karamihan.
Nagmasid ako... nagulat sa aking nasaksihan! Pagkat lihis sa aking inaasahan,
Masaya at tulung-tulong ang lahat ng tao. May mga tulad ko ring magulang ang
nandoon. Punung-puno ng pag-asa ang kanilang mga mukha. Hindi sila halos
makaramdam ng pagkapagod at pagkagutom. Hindi rin nila antala ang init na likha ng
araw. Inilibot kong muli ang aking paningin, nakita kita… hayun ka at kasama ng mga
tulad mong kabataan. Halos maiyak ako nang makita kitang nakaluhod habang taimtim
kang nagdarasal. Magkakapit-kamay kayong lahat. Hindi ko alam ko, marami akong
naobserbahansa iyo na ni minsan sa buhay ko ay hindi ko namalas sa iyo. Ibang-iba ka
na nga, anak. Minsan ko pang narinig ang iyong sigaw... sumisigaw ka! Isang pangalan
ang isinisigaw mo! Bawat sigaw ay nanunuot sa kaliit-liitang ugat ng aking laman.
Kinilabutan ako ‘pagkat kaiba ang sigaw mo ngayon. Higit na malakas! Higit na
mabalasik! Higit na nakapanghihikayat! Nangiligid ang luha ko sa mata nang simulan
mong buksan ang pagkaing inihanda ko sa iyo kanina… ipinamahagi mo sa iyong mga
kasamahan. Napag-isip-isip ko, hindi pala sayang ang lahat ng pagod ko sa iyo mula
nang ika’y paslit pa sapagkat pinatutunayan mo ngayon na ikaw ay may
pinanghahawakan na isang magandang pundasyon upang maging matatag, matapang
ngunit makataong pag-uugali, na iyong magagamit saan magtungo. Bago ako tuluyang
umalis, sinulyapan kitang muli at napangiti. Hindi mo alam na nandoon pala ako sa
likuran mo at nagmamasid. Oo, anak, ngumiti ako ‘pagkat alam ko na kaunting panahon
na lamang ang ipaghihintay mo... hindi na magtatagal at magtatagumpay ka na.
At hindi nga ako nagkamali. Nakita kita kanina lang... binilugan mo ng pulang
panulat ang petsang ito sa ating kalendaryo. Pebrero 25, 1986... ah nababakas ko sa’yo
walang kapantay na kaligayahan.
Alam ko, napatunayan mong isa kang tunay na Pilipino nitong mga nagdaang
araw. At ako? Ako na iyong magulang ang siyang unang pumipigil sa iyo. Bakit?
‘Pagkat magkasalungat ang ating panindigan! Sana ay nauunawaan mo ako. Ngayong
nagtagumpay ka na, Masaya na rin ako kahit pa iba ang prinsipyo ko sa iyo.
Ang Paglaya sa Anino ng KAHAPON

At sana, ngayong nasa kamay na ninyo ang tagumpay, sanay gamitin ninyo ang
tinatawag n’yong KALAYAAN na ipinagkaloob sa inyo sa inyo sa mabuting paraan
‘pagkat ‘yan lamang ang maipamamana naming nakatatanda sa inyo. Lagi ninyong
iisiping ang kabataan ang pag-asa ng bayan kung kaya naman sana sa bawat hakbang
na inyong tatahakin sa darating ang mga araw ay may liwanag nga pupulandit sa
inyong daraanan.
Oo, anak, nasubaybayan kita kung paano mo pinanindigan ang prinsipyo mo.
Kung paano mo ipinaglaban ang katuwiran mo at sana nga hindi ka nagkamali sa iyong
desisyon...sana ay hindi ka nagkamali sa pagpili ng ipaglalaban mo. Gayunpaman,
kung sakali mang mabigo ka, wala ka pa ring dapat pagsisihan, ‘pagkat tayo ay may
kanya-kanyang prinsipyo kung kaya’t dapat maggalangan.
Kagaya nga ng nasabi ko kanina, ang buko ay ‘di manatiling buko, ang buto ay
‘di mananatiling buto, ang bata ay di mananatiling bata… gaya ng KALAYAAN...
maaring hindi ito manatili ngunit kung ating aalagaan ito at hindi aabusuhin...tutubo
itong muli para sa iyo, sa akin, sa ating lahat, upang ating magamit na isang sandata sa
ating mga balakin ngayon, bukas at sa darating pang panahon.

B. Paglinang ng Talasalitaan
Panuto: Hanapin sa loob ng kahon at guhitan ang mga salitang ginamit sa akda.
Tukuyin ang kahulugan ng bawat salita. Isulat ito sa inilaang espasyo.

L N A S U B A Y B A Y A N

I M A I I S Q D E W T Y V

N A T A I I L A T O L A Z

G G A B T H B I A L U T B

I L A Y A I N O O P P A A
O
D A T O O L T A R A A R T

A P A G A L D A M U H U 0

S M A B A G S I K P U S A

1. ___________________________________________________________
2. ___________________________________________________________
3. ___________________________________________________________
4. ___________________________________________________________
5. ___________________________________________________________
Ang Paglaya sa Anino ng KAHAPON

C. Pag-isipan at Sagutin

1. Sino ang nagsulat ng liham?


______________________________________________________________
2. Ano ang problema ng ina sa kanyang anak?
______________________________________________________________
3. Ano ang nais makamit ng anak mula sa gobyerno?
______________________________________________________________
4. Masasabi mo bang tama ang mga pinaglalaban ng anak? Patunayan.
______________________________________________________________
______________________________________________________________
5. Bilang kabataan minsan ba’y naisip mo din gawin ang ginawa ng anak sa
liham? Bakit?
______________________________________________________________
_____________________________________________________________

6. Anong kahalagahang pangkatauhan ang masasalamin sa iyong binasang


liham?
______________________________________________________________
______________________________________________________________

7. Sa iyong palagay, gaano kakilala ng isang ina ang kanyang anak?


Pangatwiranan ang iyong sagot.
______________________________________________________________
______________________________________________________________
______________________________________________________________
______________________________________________________________

8. Kung ikaw ang ina sa liham, pagduduhan mo rin ba ang iyong anak?
Pangatwiranan.
______________________________________________________________
______________________________________________________________
______________________________________________________________

9. Makatotohanan ba ang mga nakasaad sa liham? Kung oo, magbigay ng


halimbawa na maaari mong maiugnay sa iyong nabasa.
______________________________________________________________
______________________________________________________________
______________________________________________________________
Ang Paglaya sa Anino ng KAHAPON

10. Matapos mo mabasa ang liham ni Jocelyn David, anong iyong naramdaman?
Nadagdagan ba ang iyong pagiging makabayan? Patunayan.
______________________________________________________________
______________________________________________________________
______________________________________________________________

D. Aplikasyon
Panuto: Buo ng isang bukas na liham na may kaugnayan sa mga pangyayari sa
kasalukuyang panahon. Isulat ito sa espasyong inilaan. Mamarkahan ang iyong
liham na ginawa gamit ang pamantayang nasa ibaba.

RUBRIK PARA SA BUKAS NA LIHAM

PAMANTAYAN
NAKUHANG PUNTOS
DESKRIPSIYON PUNTOS

Pagkilala sa sarili
Maliwanag na nailahad ang
lahat ng mga tanong at
isyung nalutas at hindi
25
nalutas, at nakagawa ng
kongkreto at akmang
kongklusyon batay sa
pansariling pagtataya
Paglalahad ng sariling
saloobin sa paksa
Napakaliwanag ng 25
paglalahad ng saloobin sa
paksa
Kabuuang Puntos 50
Ang Paglaya sa Anino ng KAHAPON

Alam kong kaya mo na magsulat ng bukas na liham. Gamitin ang


espasyong inilaan sa ibaba para sa iyong liham.
Ang Paglaya sa Anino ng KAHAPON

E. Pagpapahalagang Pangkautahan
Panuto: Suriin ang bawat larawan sa ibaba. Sagutin ang mga katanungan at
isulat ito sa inilaang espasyo. Bibigyan ng limang (5) puntos ang bawat bilang.

1. Kung iyong susuriin ang mga larawan sa itaas, para sa iyo makatwiran ba ang
kanilang ginagawang upang mapukaw ang atensyon ng ating gobyerno?
Pangatwiranan.
________________________________________________________________
_______________________________________________________________
2. Paano magiging pantay-pantay ang tao sa harap ng bata?
Ang Paglaya sa Anino ng KAHAPON

3. Anoang maaring ibunga ng pagpapairal ng katarungan sa tao, sa lipunan at sa


bansa?
________________________________________________________________
________________________________________________________________

You might also like