You are on page 1of 39

ANO ANG PANITIKAN?

Ang panitikan ay nagpapahayag o


nagsasabi ng mga kaisipan, mga
damdamin, mga karanasan,
hangarin, at diwa ng isang tao. Ito rin
ang pinakapayak na paglalarawan
lalo na sa pagsulat ng tuwiran o
tuluyan at patula.
Ang salitang panitikan ay nanggaling
sa salitang “pang-titik-an” na kung saan
ang unlaping “pang” ay ginamit at
hulaping “an“. Ang salitang “titik”
naman ay nangunguhulugang literatura
(literature), na ang literatura ay
nanggaling sa Latin na litterana
nangunguhulugang titik.
Nagsasalaysay din ito sa pamahalaan,
lipunan at mga pananampatalaya at mga
karanasang may kaugnay ng iba’t ibang
uri ng damdamin tulad ng kaligayahan o
kasiyahan, kalungkutan, pag-ibig, takot,
at iba pa.
May dalawang uri ang panitikan: ang tuluyan o prosa at
patula.
1. TULUYAN O PROSA – ito ay ang pagsasama-sama ng
mga salita sa loob ng isang pangungusap. Karaniwan
itong nasusulat sa takbo ng pangungusap o
pagpapahayag.
MGA AKDANG TULUYAN O PROSA:
1. Alamat 2.Nobela 3.Parabula 4.Dula
5.Talambuhay 6.Balita 7.Anekdota 8. Pabula
9.Maikling Kwento 10.Sanaysay 11.Talumpati
12. Kwentong Bayan
2. PATULA – ito ay sinusulat sa paraan ng
pasaknong.
MGA AKDANG PATULA:
•Awit at Korido
•Epiko
•Salawikain
•Kantahin
•Awit at Korido
•Balad
•Bugtong
•Tanaga
Akdang
Pampanitikan
Ng Mediterranean
Ang Mediteraneo[1], Mediteranyo, o Mediteranea[2] ay
isang dagat ng Karagatang Atlantiko na halos natatakpan ng mga
anyong-lupa. Kabilang na dito ang Europa sa hilaga, Aprika sa timog
at Asya sa silangan. May sukat itong 2.5
milyon km²(965,000 mi km). Ang tanging koneksiyon nito sa
Atlantiko ay ang Kipot ng Gibraltar na 14 km² (9 mi) lamang ang
lawak. Sa osyanograpiya, tinatawag itong Eurafrican Mediterranean
Sea o Dagat Europea-Mediteranea para matukoy ito sa iba pang uri
ng dagat sa Mediteraneo.
Ang dagat na ito ay naging mahalaga sa pakikipagkalakalan at
paglalakbay noong sinaunang panahon. Ang mga kulturang
nakinabang sa dagat ay ang Mesopotamiya, Ehipto,
Semetiko, Persa, Penisyano, Kartago, Griyego, Lebantino at
mga Romano
Paniniwala :
Ang mga taga- Mediterranean ay naniniwalang sila
ang humubog at nagpabago ng lahat ng uri ng
panitikan sa buong mundo dahil sila ang nakatuklas
ng sistema ng pagsusulat. Pinaniniwalaang sa kanila
nagmula ang maraming akda sa mitolohiya, epiko,
nobela at iba pang panitikan. Sa panitikang Medi-
terranean nakabatay ang halos lahat ng modernong
panitikan ng mga bansa sa ngayon. Nagiging tanyag
ang pagiging pagkamalikhain at mahusay nito sa lahat
ng bagay. Kabilang sa kanilang natuklsan ay ang
sistematikong paraan ng pagsusulat, ang cuneiform.
Kaugalian :
Ilan sa mga tanyag na kaugalian ng mga taga Mediterranean ay
ang pagiging malikhain at mahusay nito sa paggawa ng iba’t ibang
bagay. Nakaugalian na nilang makiusyoso sa mga bagay-bagay
para makagawa ng bago mula sa luma. Kabilang sa kanilang
natuklasan ay ang sistematikong paraan ng pagsusulat,
ang cuneiform.Ang mga nakasulat na salita ay nagbago at hugis
ang kasaysayan ng mga Sinaunang Mediterranean bilang
kasaysayan ay nagbago at hugis nito. Wika ay nagsimula sa mga
malalayong ebolusyon ng tao. Ang unang salita na nakasulat ay
simple, na nagbubuhat sa cave art. Ang mga larawang ito ay
naging mas advance at kaya ng conveying mas kumplikadong
kahulugan. Sa kalakalan at pananakop, mga alphabets kumalat at
ipinagsama sa form ang makikilala sistema ng mga sinaunang
Mediterranean.
Kultura :
Ang kultura ng Mediterranean ay naka batay sa mga halos
lahat ng modernong panitikan ng mga bansa sa ngayon. iba rin
ang kanilang pamumuhay at mga kaugalian kaysa sa ating mga
pilipino.
Isa sa pinakamalaking bahagi ng kultura ng mga taga-
Mediterranean ay ang pagkilala at pagsamba sa iisang Diyos na
Kanilang nakuha sa mga Hebrews. Sa kabilang banda naman, sa
Ilalim ng Imperyong Persian ay malakas ang kanilang paniniwala
sa relihiyong itinatag ni Zarathusta, ang Zoroastrianism.
Pamumuhay :

Nakasalalay sa agrikultura dahil sa


manilang lokaasyon. Ang Mediterranean ay
matatagpuan malapit sa sentro ng kabihasnan
kung saan pagsasaka ang pangunahing hanap-
buhay. Sa lugar na ito mararanasan ang sapat
Na pantustos na tubig para sa pananim
Impluwensya ng Panitikang Mediterranean
sa Filipino
Ang naging impluwensya ng panitikang
Mediterranean sa mga Pilipino ay isang bagay na
napakahalaga. Dahil dito, ang diwa ng kalikasan ng
pagiging makatao ay mas naunawaan ng mga
Pilipino sa pamamagitan ng mga akdang naisulat
ng mga mahuhusay na manunulat. Naging
malaking tulong rin ang mga tula at iba pang mga
prosa na naglalahad ng mga sinaunang kultura at
tradisyon upang mas maintindihan at tangkilikin
ang tunay na kulturang Pilipino.
Bukod dito, nagkaroon ng pagkakataon ang mga
Pilipino na gumawa at mag-imbento ng mga iba’t
ibang bagay na kanilang mapapakinabangan at
makakatulong upang mapabilis ang kanilang mga
gawain. Ang talento ng mga Pilipino sa pagsulat
ay mas umusbong pa hanggang sa paggawa na
nito ng eskrip na gagamitin sa telebisyon o mga
pelikula
Umunlad din ang pagsulat ng mga prosa ng
Pilipino ng eskrip na pangradyo,pangtelebisyon,
at pampelikula na nagbigay oportunidad sa
paghubog ng talento ng mga Pilipino at ang
pagganap sa mga tauhan ng eskrip ay
nagsilbing mainam na hanapbuhay ng mga
Pilipinong mahusay umarte sa harap ng kamera
sa ngayon.
Higit sa lahat, naging pangmulat-mata ng
mga Pilipino ang mga akda ng mahuhusay na
manunulat upang makapagplano at
maisaayos nila ang sari-sariling buhay;
matugunan o malampasan nila ang kanilang
mga problemang pinagdaraanan. Ito rin ang
kanilang nagsilbing gabay upang mas
maunawaan ang mga mithiin ng mga tao at
ng bansa sa pamamagitan ng pagbasa ng
mga akda tungkol sa sariling kasaysayan.
Mga Akdang Pampanitikan
Ng
Mediterranean
1. MITOLOHIYA MULA SA ROMA
Ang halimbawa nito ay Kupido at Psyche.
Ito ay nagmula sa nobelang Metamorphoses
na isinulat noong ika-2 siglo AD ni Apuleius.
Ito ay tungkol sa pag-iibigan at pagharap sa
mga balakid ng pag-iibigan ni Kupido at
Psyche. Ang mga tauhan dito ay diyos at
diyosa ayos sa mitolohiya ng Roma.
2. SANAYSAY MULA SA GREECE
Ang isang halimbawa nito ay Ang Alegorya
ng Yungib. Isinulat ito ni Plato kasama ang
kanyang akdang The Republic. Ipinapakita nito
ang epekto ng edukasyon at kawalan nito sa
ating pamumuhay. Ito ay isinulat sa
pamamagitan ng dayalogo ng kanyang kapatid
na si Glaucon at ni Socrates. Ito ay isinalin ni
Willita Enrijo sa wikang Filipino.
3. NOBELA MULA SA FRANCE
Ang halimbawa nito ay ang nobelang isinulat ni
Victor Hugo noong 1829 at nailimbag noong 1831 na
pinamagatang Ang Kuba ng Notre Dame.
Ang kwento ay naganap sa Notre-Dame Cathedral
sa Paris noong 1461-1483 at umiikot sa istorya ni La
Esmeralda at Quasimodo, ang kuba ng Notre Dame.
Ito ay nagkaroon ng maraming adaptasyon sa
pelikula, teatro, at telebisyon.
4. MAIKLING KWENTO MULA SA FRANCE
Ang isang magandang halimbawa nito ay
ang isinulat ni Guy de Maupassant noong
1884 na pinamagatang Ang Kwintas. Naging
kilala ito dahil sa bitin nitong wakas na
itinuturing na estilo ng pagsusulat ng may-
akda. Ito ay nailimbag noong Pebrero 17, 1884
sa dyaryong Le Gaulois. Tulad ng ‘Ang Kuba
ng Notre Dame’, nagkaroon ito ng
napakamaraming adaptasyon sa telebisyon at
pelikula.
5. EPIKO MULA SA MESOPOTAMIA O IRAN

Ang halimbawa nito ay Ang Epiko ng Gilgamesh. Ang


epiko ay nagmula sa Sinaunang Mesopotamia na naisulat
noong panahon ng Ikatlong Dinastiya ng Ur at ito ay
itinuturing na isa sa mga pinakatanyag na unang akdang
pampanitikan sa buong mundo. Ito ay nagsimula sa limang
tulang Sumerian at ipinagsama-sama. Ang unang bersyon nito
ay Shūtur eli sharrī “Surpassing All Other Kings”. Ang
pangalawang bersyon nito ay ay ang Sha naqba īmuru “He
Who Saw the Deep”. Sa kasalukuyan, may 20 tablet na ginamit
sa pagsusulat nito ang natuklasan.
6. TULA MULA SA EHIPTO
Ang isang halimbawa nito ay Ang Tinig ng
Ligaw na Gansa. Ito ay isang tulang liriko-
pastoral na isinalin sa Filipino ni Vilma
Ambat. Ito ay naisulat noong panahon ng
pagpapalawak ng Empire ng Egypt at
panahon ng napakasopistikadong pag-
usbong ng kultura nito.
Aralin 1.1 : Klasikong Mitolohiya mula
sa Rome, Italy

- Itatampok and “ Cupid At Psyche”


na isa sa pinagmulan na mito mula sa Rome.
- Makikilala ang iba’t ibang diyos at diyosa na
pinaghuhugutan ng inspirasyon ng iba’t ibang
manunulat ng panitikan sa buong daigdig
Mitolohiya – nangangahulugang agham o
pagaaral ng mito/myth at alamat. Tumutukoy
ito sa kalipunan ng mga mito mula sa isang
Pangkat ng tao sa isang lugar na naglalahad
ng kasaysayan ng mga diyos-diyosan noong
unang panahon na sinasamba, dinarakila at
pinipintakasi ng ,mga sinaunang tao.
Mito/Myth- galing sa salitang Latin na Mythos
mula sa Greece na Muthos, na ang kahulugan
ay kuwento. Ang Muthos ay halaw pa sa mu,
na ang ibig sabihin ay paglikha ng tunog sa
bibig.
Sa klasikal na Mitolohiya ang Mito/Myth
ay representasyon ng marubdob na pangarap
at takot ng mga sinaunang tao.
Nakakatulong ito upang maunawaan ng mga
sinaunang tao ang misteryo ng paglikha ng mundo
ng tao at katangian ng iba pangnilalang.Ipinaliliwanag
din dito ang nakakatakot na puwersa ng kalikasan sa
daigdig tulad ng pagpalit ng panahon, kidlat, baha,
kamatayan at apoy. Ito rin ay naglalahad ng ibang
daigdig tulad ng langit at ilalim ng lupa. Di man ito
kapanipaniwalang kuwento ng mga diyos/diyosa
itinuturing ito sagrado at pinaniniwalaang totoong
naganap. May kaugnayan ito sa teolohiya at ritwal.
Sa Pilipinas naman ang mito ay
kinabibilangan ng mga kuwentong-
bayan naglalahad tungkol sa anito,
diyos at diyosa, mga kakaibang
nilalang at sa mga pagkagunaw ng
daigdig noon. Maaring matagpuan ang
mga mitong ito sa mga kuwentong-
bayan at epiko ng mga pangkat-etniko
sa kasalukuyan.
May kuwento tungkol sa pagkagunaw
ng daigdig ang mga Ifugao.Inilalarawan ito
sa kanilang epikong “Alim” kung paano
nagunaw ang daigdig.
Ayon dito, nagkaroon ng malaking
pagbaha sa mundo at ang tanging
nakaligtas ay sina Bugan(babae) at Wigan
(lalaki). Sa kanila nagmula ang bagong
henerasyon ng mga tao sa mundo
Ang Mitolohiya ng mga Taga-Rome
- Tungkol sa politika, ritwal at moralidad ayon sa
batas ng kanilang diyos /diyosa mula sa sinaunang
taga Romehanggang ang katutubong relihiyon ay
mapalitan na ng Kristiyanismo.
- Kabayanihan ang isang mahalagang tema sa mga
kuwentong ito.
- Itinuturing ng mga sinaunang taga Rome na nang-
yari sa kanilang kasaysayan ang nilalaman ng mga
mito kahit ang mga ito ay mahimala at may elemen-
tong supernatural.
- Ang kanilang mitolohiya ay hinalaw mula sa Greece
na kanilang sinakop. Nagustuhan nila ang mitolohiya
ng bansang ito kaya inangkin at pinagyaman nila
parang kanila.
- Binigyan nila ng bagong pangalan karamihan sa mga
diyos/diyos. Ang ilan ay binihisan nila ng ibang kata-
ngian. Lumikha sila ng bagong mga diyos/diyosa
ayon sa kanilang paniniwala.
- Isinulat ni Virgil ang “Aenid”, ang pambansang epiko
ng Rome at nagiisang pinakadakilang likha ng
Panitikang Latin. Isinalaysay ni Virgil ditto ang pinag-
mulan ng lahi ng Rome at kasaysayan nila bilang
isang Imperyo. Katapat ng “Illiad at Odyssey” ng
Greece na tinaguriang “ Dalawang Pinakadakilang
Epiko sa Mundo” na isinalaysay ni Homer.
-Si Ovid isa ring taga Rome ma makata ay sumulat
ayon sa taludturang ginamit ni Homer at Virgil sa
kanyang “Metamorphosis” na tungkol sa mga diyos/
diyosa at mga mortal na katangian ng mga diyos at
karaniwang mga mortal.
Wakas!
Salamat…

You might also like