You are on page 1of 2

Sanaysay

Ang sanaysay ay isang maiksing komposisyon na kalimitang naglalaman ng personal na kuru-kuro


ng may-akda. Ito rin ay ang pagtalakay sa isang paksa sa paraang tuluyan at sa malayang paraang
naglalantad ng kaisipan, kuru-kuru, palagay at ng kasiyahan ng sumusulat upang umaliw,
magbigay kaalaman o magturo. Ang sanaysay ay nagmula sa dalawang salita:
ang sanay at pagsasalaysay.
Mahalaga ang pagsusulat at pagbabasa ng sanaysay sapagkat natututo ang mambabasa mula sa
inilahad na kaalaman at kaisipang taglay ng isang manunulat. nakikilala rin ng mambabasa ang
manunulat dahil sa paraan ng pagkasulat nito, sa paggamit ng salita at sa lawak ng kaalaman sa
paksa.
Dalawang uri ng sanaysay
1. Pormal - ito ay nagbibigay ng patalastas sa isang paraang maayos bunga ng isang maingat na
pagtitimbang-timbang ng mga pangyayari at mga kaisipan. Kung minsa'y tinatawag itong
impersonal o syentipiko sapagkat ito'y binabasa upang makakuha ng impormasyon.
2. Impormal - ito ay tinatawag ding pamilyar o personal na nagbibigay-diin sa isang estilong
nagpapamalas ng katauhan ng may akda. Ito ay may himig na parang nakikipag-usap, nais
maglahad ng isang panuntunan sa buhay. Ito rin ay naglalarawan ng mga pakahulugan ng may
akda sa isang pangyayari sa buhay, nagtatala ng kanyang pagmumuni-muni at paglalahad ng palapalagay o kuro-kuro.
Katangian ng Impormal
1. Ang paksa'y kaakit-akit at kawili-wili
2. Ito'y hindi isinulat upang makasakit ng damdamin ng iba o upang mangaral.
3. Ito'y masigla, masaya, magpatawa.
4. Maliwanag na mababanaag ang magandang kalooban ng may akda.
5. Nagpapakilala ng malawak na kaalaman ng may akda ukol sa mga aklat, tao, kalikasan at iba't
ibang mga bagay
Sangkap ng Sanaysay
1. Tema at Nilalaman anuman ang nilalaman ng isang sanaysay ay itinuturing na paksa dahil sa
layunin sa pagkasulat nito at kaisipang ibinahagi
2. Anyo at Istruktura ang anyo at istruktura ng sanaysay ay isang mahalagang sangkap
sapagkat nakaapekto ito sa pagkaunawa ng mga mambabasa; ang maayos at lohikal na
pagkasunud-sunod ng ideya o pangyayari ay makatutulong sa mambabasa sa pagkaunawa sa
sanaysay
3. Wika at Istilo ang uri at antas ng wika at istilo ng pagkakagamit nito ay nakaaapekto rin sa
pagkaunawa ng mambabasa; higit na mabuting gumamit ng simple, natural at matapat na mga
pahayag
Bahagi ng Sanaysay
1. Panimula ang pinakamahalagang bahagi ng isang sanaysay sapagkat ito ang unang
tinitingnan ng mga mababasa, dapat nakapupukaw ng atensyon ang panimula upang ipagpatuloy

ng mambabasa ang pagbasa sa akda


2. Katawan sa bahaging ito ng sanaysay makikita ang pagtalakay sa mahahalagang puntos ukol
sa tema at nilalaman ng sanaysay, dapat ipaliwanag nang mabuti ang bawat puntos upang
maunawaan ito nang maigi ng mambabasa
3. Wakas nagsasara sa talakayang naganap sa katawan ng sanaysay; sa bahaging ito
nahahamon ang pag-iisip ng mambabasa na maisakatuparan ang mga tinalakay ng sanaysay
Katangiang Dapat Taglay ng isang Mabuting Mananaysay
1.
2.
3.
4.
5.

May malawak na kaalaman o karanasan sa paksa


Nagagamit ang wika nang wasto at mabisa
Nakapipili ng mabuti at mabisang istilo ng paglalahad ng ideya
Malinaw at hindi madamot o matipid sa pagpapaliwanag ng kaisipan at kaalaman ukol sa paksa
May kakayahang pumukaw o manghikayat ng mambabasa

Elemento ng Sanaysay
Pamagat (Title) - nagsasaad kung ano ang nilalaman ng sanaysay, atnakakatulong ito sa mga
mambabasa upang makuha ang kanilang atensyon.
Thesis -ito ang masasabing "punto" ng sanaysay; kung ano ba ang nais
naipahayag ng manunulat. Sa mga sanaysay, hinihingi na dapat maikli ngunitmalaman ito. Maari
itong maglaman ng argumento upang maging epektibo angsanaysay. Maari itong makita sa umpisa,
gitna o dulo ng sanaysay.
Organisasyon - Kung paano ba naka-ayos ang mga laman ng sanaysay.
Sapagsulat nito, dapat na may magandang pagkakaayos ang laman mula saumpisa hanggang sa d
ulo ng sanaysay, at dapat madaling maiintindihan ngmambabasa kung anong nais mong sabihin.
Pasimula (Introduksyon) - Unang talata ng sanaysay na nagpapakilala sa laman nito o mga
impormasyong mahalaga upang maintindihan ang
thesis.
Katawan (Body) - Mga sumusoportang talata sa thesis.
Naglalaman ito ng mgapunto na nagbibigay-diin sa mensahe ng sanaysay.
Kongklusyon (Conclusion) - Dito ibinubuod ang lahat ng laman ng sanaysay.Hindi katulad ng
pasimula kung saan sinasaad ang punto ng sanaysay, dito naisisaad ng manunulat na tama ang
kanyang mga sinasabi.

You might also like