You are on page 1of 39

COLLEGES OF SCIENCE AND TECHNOLOGY INC.

Central West, Bauang, La Union

FILIPINO 7
(MGA AKDANG PAMPANITIKAN: SALAMIN NG
MINDANAO)

GRADE 7

JO RIZALINA O. MALTO, LPT


Sumulat ng Modyul (Guro)

NILALAMAN

FILIPINO 7 Page 1
COLLEGES OF SCIENCE AND TECHNOLOGY INC.
Central West, Bauang, La Union

MODYUL I (UNANG MARKAHAN)


YUNIT 1- Mga Akvdang Pampanitikan: Salamin Ng Mindanao
Aralin 1- Ang Mabuting Anting-Anting (Kwentong-Bayan)
Mga Pahayag na Nagbibigay Patunay

Aralin 2- Nakalbo ang Datu


-Mga Pang-ugnay na Ginagamit sa Panghihikayat

Aralin 3- Si Kikang Agila (Pabula)


-Mga Ekspresyon ng Posibilidad

Aralin 4- Ang Matalinong Pilandok (Pabula)


-Mga Paraan ng Pagpapahayag ng Saloobin, Emosyon o Damdamin

Aralin 5- Alamat ng Mindanao (Alamat)


-Pangungusap na Walang Tiyak na Paksa

Aralin 6- Tulalang (Epiko)


-Pang-ugnay sa Pagbibigay ng Sanhi at Bunga

Aralin 7- Ang Munting Kaibigan (Maikling Kwento)


-Mga Retorikal na Pang-ugnay

MODYUL II (IKALAWANG MARKAHAN)


YUNIT II- Panitikan Ng Visayas: Repleksyon ng Kabisayaan
Aralin 1- Awiting-bayan
-Antas Ng Wika

Aralin 2- Alamat ng Apoy (Alamat)


-Mga Pahayag sa Paghahambing

Aralin 3- Hinilawod (Epiko)


-Mga Pang-ugnay sa Paglalahad

Aralin 4- Sa Karagatan ng Buhay (Maikling Kwento)


-Mga Pang-ugnay sa Pagsasalaysay at Pagsusunod-sunod ng Pangyayari

Aralin 5- Maskara (Dula)


-Panghalip na Anapora at Katapora

MODYUL III (IKATLONG MARKAHAN)


YUNIT III- Panitikan ng Luzon: Larawan ng Pagkakakilanlan
Aralin 1- Bugtong
-MgPonemang Segmental

FILIPINO 7 Page 2
COLLEGES OF SCIENCE AND TECHNOLOGY INC.
Central West, Bauang, La Union

Aralin 2- MgaTulang Panudyo at Tugmang de-gulong


-Ponemang Suprasegmental

Aralin 3- Ang Malaking Baha (Mito ng mga Tingguian)


-Mga Hudyat ng Simula, Gitna at Wakas ng Isang Akda
Aralin 4- Yaman ng Palawan, Hiyas ng Bayan (Sanaysay)
-Mga Pahayag na Paghihinuha ng Pangyayari

Aralin 5- Sandaang Damit (Maikling Kwento)


-Di-berbal na Komunikasyon

MODYUL IV (IKAAPAT NA MARKAHAN)


YUNIT IV-Florante at Laura
Aralin 1- Kaligirang Pangkasaysayan ng Ibong Adarna

Aralin 2- Buod ng Ibong Adarna

Aralin 3- Ang Panawagan at Mag-anak ni Haring Fernando

Aralin 4- Ang Paghahanap sa Ibong Adarna at Pagtataksil ng Magkapatid

Aralin 5- Armenya: Isang Tagong Paraiso

Aralin 6- Ang Kaharian ng Reino De los Cristales

Aralin 7- Ang Pagwawakas

Diskripsyon ng Kurso:
Ang layunin ng pagtuturo ng kursong ito ay malinang ang kakayahang komunikatibo,
mapanuring pag-iisip, at pag-unawa at pagpapahalagang pampanitikan gamit ang teknolohiya at
iba’t ibang uri ng teksto at akdang pampanitikang rehiyunal upang maipagmalaki ang sariling
kultura, gayundin ang iba’t ibang kulturang panrehiyon.

MODYUL I (UNANG MARKAHAN)


YUNIT I- Mga Akdang Pampanitikan: Salamin ng Mindanao
Aralin 1- Ang Mabuting Anting-Anting (Kwentong-Bayan)
-Mga Pahayag na Nagbibigay Patunay

Aralin 2- Nakalbo ang Datu


-Mga Pang-ugnay na Ginagamit sa Panghihikayat

Aralin 3- Si Kikang Agila (Pabula)


FILIPINO 7 Page 3
COLLEGES OF SCIENCE AND TECHNOLOGY INC.
Central West, Bauang, La Union

-Mga Ekspresyon ng Posibilidad

Aralin 4- Ang Matalinong Pilandok (Pabula)


-Mga Paraan ng Pagpapahayag ng Saloobin, Emosyon o Damdamin

Aralin 5- Alamat ng Mindanao (Alamat)


-Pangungusap na Walang Tiyak na Paksa

Aralin 6- Tulalang (Epiko)


-Pang-ugnay sa Pagbibigay ng Sanhi at Bunga

Aralin 7- Ang Munting Kaibigan (Maikling Kwento)


-Mga Retorikal na Pang-ugnay

YUNIT I- Mga Akdang Pampanitikan : Salamin ng Mindanao

Pangkalahatang Ideya sa Paksa


Maraming panitikan ang inilimbag at inilathala na naging bahagi na ng kamalayang
Pilipino. Ngunit tulad ng nakasulat sa kasaysayan ng Pilipinas,hindi ganap ang pagsasalaysay sa
kahalagahan ng lahat ng bahagi ng bansa, maraming bagay pa ukol sa Mindanao ang hindi batid
ng marami: kasaysayan, kultura at panitikan.
Ang kabuong yunit na ito ay tungkol sa pag-unawa sa akdang pampanitikan ng
Mindanao. Matutunghayan natin ang iba’t ibang akdang pampanitikan na sadyang sumasalamin
sa kanilang paniniwala, kultura at tradisyon.

Mga Kinakailangan Pamantayan sa Pagkatuto:


Pagkatapos ng kabanatang ito, anmg mga mag-aaral ay inaasahang:

FILIPINO 7 Page 4
COLLEGES OF SCIENCE AND TECHNOLOGY INC.
Central West, Bauang, La Union

a. Nahihinuha ang kaugalian at kalagayang panlipunan ng lugar na pinagmulan ng kuwentong


bayan batay sa mga pangyayari at usapan ng mga tauhan
b. Nagagamit nang wasto ang mga pahayag sa pagbibigay ng mga patunay
c. Nahihinuha ang kalalabasan ng mga pangyayari batay sa akdang napakinggan
d. Naipaliliwanag ang sanhi at bunga ng mga pangyayari
e. Nasusuri ang isang dokyu-film batay sa ibinigay na mga pamantayan
f. Naisasalaysay nang maayos at wasto ang buod, pagkakasunod-sunod ng mga pangyayari sa
kuwento, mito, alamat, at kuwentong-bayan*
g. Nagagamit nang wasto ang mga retorikal na pang-ugnay na ginamit sa akda (kung, kapag,
sakali, at iba pa), sa paglalahad (una, ikalawa, halimbawa, at iba pa, isang araw, samantala), at
sa pagbuo ng editoryal na nanghihikayat (totoo/tunay, talaga, pero/ subalit, at iba pa)
h. Naiisa-isa ang mga hakbang na ginawa sa pananaliksik mula sa napakinggang mga pahayag
i. Nasusuri ang ginamit na datos sa pananaliksik sa isang proyektong panturismo (halimbawa:
pagsusuri sa isang promo coupon o brochure)
j. Nasusuri ang pagkamakatotohanan ng mga pangyayari batay sa sariling karanasan
k. Naipaliliwanag ang mga salitang ginamit sa paggawa ng proyektong panturismo (halimbawa
ang paggamit ng acronym sa promosyon)
l. Naibabahagi ang isang halimbawa ng napanood na video clip mula sa youtube o ibang
website na maaaring magamit
m. Nagagamit nang wasto at angkop ang wikang Filipino sa pagsasagawa ng isang
makatotohanan at mapanghikayat na proyektong panturismo

Talasalitaan

Akdang Pampanitikan- tumutukoy sa mga akda tulad ng mga tula, maikling kwento,
pabula, parabula, epiko, alamat, sanaysay, talumpati at iba pa na nagsasabi o
nagpapahayag ng mga kaalaman, kaisipan, mga damdamin, mga karanasan, hangarin.

Pabula- isang uri ng kathang-isip na panitikan na kung saan ang mga hayop o kaya mga
bagay na walang buhay ang nagsisipagganap na siyang nagbibigay aral sa mga
mambabasa.

Pang-ugnay- mga salitang bahagi ng wika na ang pangunahing tungkulin ay umagapay


sa pag-uugnay ng konsepto o kaisipang taglay ng mga salita sa isang pahayag.

Panitikan- mga panulat na nagpapahayag ng mga karanasan, damdamin, kaisipan o


kwento ng isang tao. Ito ay maaring batay sa katotohanan o kathang-isip lamang.

Alamat- isang kwentong bayan na nagsasaad kung paano nabuo at ano ang pinagmulan
ng mga bagay-bagay sa mundo.

Epiko- isang mahabang tula mula sa pinakalumang paraan ng pananalita na kadalasang


pumapaksa sa mga pangyayaring hindi kapani-paniwala at kabayanihan.

FILIPINO 7 Page 5
COLLEGES OF SCIENCE AND TECHNOLOGY INC.
Central West, Bauang, La Union

Maikling kwento- isang anyo ng panitikan na may layuning magsalaysay ng mga


pangyayari sa buhay ng pangunahing tauhan. Nag-iiwan ng kakintalan sa isip ng mga
mambabasa.

Pangungusap- isang salita o pangkat ng mga salita na nagpapahayag ng buong diwa. Ito
ay binubuo ng dalawang sangkap; ang simuno at panaguri.

Panimulang Pagtataya
Pangalan:____________________ Iskor:_____________
Petsa:______________

Panuto: Basahin at Unawain ng mabuti ang mga sumusunod na pahayg. Bilugan ang titik
ng tamang sagot.
1. Paano sinasalamin sa epiko ang tradisyong Mindanao?
a. Patunay ito na marahas ang mga mamamayan sa Mindanao.
b. Nakakatakot ang Mindanao dahil maraming halimaw na kumakain ng tao.
c. Ipinapakita nito ang kasanayan ng mga taga-Mindanao sa pakikidigma.
d. Noong unang panahon, pinamamahayan ng maraming halimaw sa Mindanao.

2. Anong elemento ng kuwento ang binibigyang-tuon sa talata sa ibaba?


Lumipas ang ilang buwan at lumala ang panghihina ng matandang ina hanggang sa tuluyan
nang magkasakit. Kaya’t dinagdagan pa niya ang kanyang pagsisikap para maipagamot ang
kanyang mahal na ina. Ngunit anumang sigasig niya’y di pa rin magkasiya ang kanyang kita
para sa pagpapagamot sa Nanay.
a. tauhan b. kasukdulan c. suliranin d. banghay

3. Alin sa sumusunod ang pangungusap na walang tiyak na paksa?


a. Nagpunta siya sa palasyo. b. Uulan na naman?
c. Maraming tao ang umasa. d. Ako ay mamamasyal.

4. Bakit kailangang pag-aralan ng mga Pilipino ang mga panitikan mula sa Mindanao kaugnay
sa pag-unawa sa mga Mindanao?
a. Dahil hindi ito ganap na natatalakay sa pag-aaral ng panitikan ng Pilipinas
b. Nang mabatid nilang tama ang kanilang persepsyon sa mga taga-Mindanao
c. Sapagkat dumarami ang mga panitikang Mindanao na nalalathala sa kasalukuyan
d. Upang matutuhan nila ang ugat ng mga pag-uugali ng mga tao sa Mindanao.

FILIPINO 7 Page 6
COLLEGES OF SCIENCE AND TECHNOLOGY INC.
Central West, Bauang, La Union

5. Bakit mahalagang malaman ng mga Pilipino ang buhay at kulturang Mindanao?


a. Mababatid nila ang epekto ng digmaan sa Mindanao.
b. Makikilala nila ang magagandang tanawin sa Mindanao.
c. Masusuri nila ang pamamahala ng gobyerno sa Mindanao.
d. Mauunawaan nila ang mga kababayan sa Mindanao.

6. Paano sinasalamin ng panitikan ng Mindanao ang kahalagahan ng kababaihan?


a. Inilalahad nito ang uri ng pamumuhay mayroon noon ang mga taga-Mindanao.
b. Mababatid na nagiging biktima ng digmaan ang mga babae.
c. May papel na ginagampanan ang kababaihan sa usaping pangkapayapaan sa Mindanao.
d. Hindi nabibigyang-tuon ng kababaihan dahil pulos lalake ang namamagitan sa iba’t ibang
usapin sa Mindanao.

7. Bakit kailangang makialam sa usapin ng Mindanao ang mga Pilipino?


a. Nakaaapekto ang Mindanao sa turismo at ekonomiya ng bansa.
b. Makikilala nila ang kanilang sarili bilang salik ng pag-unlad ng Mindanao.
c. Matututuhan nila ang iba’t ibang kultura ng Mindanao.
d. Mapayayaman ang kanilang kaalaman ukol sa Mindanao.

8. Alin sa sumusunod na kaisipan ang hindi totoo sa Mindanao?


a. Marami itong magagandang tanawin na maaaring pasyalan.
b. May iba’t ibang kultura ang mga mamamayan dito.
c. Pangkaraniwan ang digmaan sa lahat ng bahagi ng Mindanao.
d. Bunga ng mga pangyayari sa kasaysayan ang kasalukuyang Mindanao.

9. Paano nailahad sa mga akdang Mindanao na may pagkakasundo at pagkakaisa sa Mindanao?


a. Itinatampok sa mga akda ang kultura ng mga tribo.
b. Inilalahad ang magandang ugnayan ng mga tao sa akda.
c. Inilalarawan ang pangarap ng isang tao na magtagumpay.
d. May iba’t ibang paniniwala’t wika ang Mindanao.

10. Ginugunita ang araw ng kapanganakan at araw ng kamatayan ni Dr. Jose P. Rizal. Dahil
dito, naglunsad ng online na patimpalak ang Jose Rizal State University. Pinili ka ng iyong
paaralan upang maging kinatawan nito sa patimpalak sa pagsulat ng bayograpikal na sanaysay
ukol sa pananatili ni Dr. Jose P. Rizal sa Mindanao. Alin sa mga sumusunod ang unang hakbang
na dapat gawin upang makasulat ng higit na mahusay na sanaysay?
a. Basahin at suriin ang mga akdang sinulat ni Rizal.
b. Magbasa ng mga online blog ukol sa magagandang tanawin sa Mindanao.
c. Makipanayam sa mga guro sa kasaysayan ukol sa kanilang persepsyon kay Rizal.
d. Manaliksik ukol sa naging buhay ni Rizal sa Dapitan.

FILIPINO 7 Page 7
COLLEGES OF SCIENCE AND TECHNOLOGY INC.
Central West, Bauang, La Union

Aralin 1.1- Ang Mabuting Anting-Anting


Paghahanda: Ang ating mga ninuno ay naniniwala sa anting-anting na siyang nagbibigay o
nagsisilbing proteksyon ng sinumang nagtataglay nito kung kanyang maggamit ng epektibo.

Sa iyong palagay, totoo kaya ang anting-anting? Ano-ano ang iyong mga paniniwala rito?

Kwentong-bayan- anyong tuluyan ng panitikan na karaniwang naglalahad ng kaugalian


at tradisyon ng lugar kung saan ito nagsimula at lumaganap.
-kathang isip na kwento o salysay na ang mga kumakatawan ay ang mga
pag-uugali at mga turo ng mga mamamayan sa isang lipunan.
-Karamihan dito ay tungkol sa kanila ng mga Diyos at mga espirito na
siyang nagtatakda ng kapalaran ng mga tao.
-naglalarawan ng mga kaugalian, pananampalataya at mga suliraning
panlipunan ng panahong iyon.
-isang uri ng salaysay na mababakas sa balangkas nito ang pagkakaugnay-
ugnay ng mga pangyyari na kakikitaan ng kultura ng mga Pilipino.
-ang banghay nito ay maaring maging payak o komplikado.

Mindanao- pangalawang pinakamalaking pulo sa Pilipinas na matatagpuan sa timog-


silangang bahagi ng bansa.
-tinaguriang PROMISED LAND o Lupang Pangako.
-ang pulo na kakikitaan ng kayamanag likas tulad ng Bundok Apo na
pinakamataas na bundok sa Pilipinas; Bundok Matutum na napabilang sa
World Heritage ayon sa UNESCO; Waling-Waling na “Reyna ng mga
Orkidya” at ang Agila na Monkey Eating Eagle, pambansang Ibon ng
Pilipinas.
-Muslim, Badjao, Tausug, Samal, Maranao, Bagobo, B’laan, Manobo,
T’boli ang mga nakatira sa pulong ito.

Ang Kwento ng Ang Mabuting Anting-Anting


Noong unang panahon ay may isang mabait na datu na ang nasasakupan ay isang pulo
rito sa Pilipinas. Tatlo ang kanyang anak na pawang lalaki na nangasigulang na.
Isang araw ay inutusan niya ang tatlong anak na ito upang magtungo sa ibang pook at
maghanap ng isang mabuting anting-anting. Sinabi niya sa tatlo na kung sino ang
makapaghaharap sa kanya ng mabuting anting-anting ay siyang magmamana sa kanyang
kapangyarihan bilang datu yaman din lamang na matanda na siya.
Matapos makapaghanda na ang magkakapatid ng mga babaunin sa paglalakbay ay
nagpaalam na sila sa matanda, kinabukasan din matapos silang basbasan ng datu.
Pagkaraan ng isang taon ay nagbalik ang pinakamatandang anak. Sinalubong siya ng
malakas na tunog ng gong at nagdaos ng sayawan ang mga kabig ng datu.
Isinalaysay ng anak sa kanyang ama ang ginawa niyang paglalakbay. Sinabi niya na
malalayong pook ang kanyang narrating sa paghahanap ng mabuting anting-anting. Inakyat niya
ang matataas na bundok, pinasok niya ang mga yungib sa paghahanap ng anting-anting na
inaakala niyang magiging dapat sa pamimili ng kanyang ama.
Sa bulwagan ng tahanan ng amang datu ay parang naagmamalaking pang inihagupit ang
dala-dalang buntot-pagi na may tatlong dipa ang haba.
“Narito po, Mahal kong Ama, ang aking anting-anting na pasalubong sa inyo.” wika ng
panganay na anak.

FILIPINO 7 Page 8
COLLEGES OF SCIENCE AND TECHNOLOGY INC.
Central West, Bauang, La Union

“Anong kabutihan ng anting-anting na iyan?” tanong na masusi ng amang datu.


“Ipaliwanag mo nga.”
Tumingin muna ang anak sa maraming taong nasa paligid niya at saka ibinaling ang
mata sa kanyang ama. Pagkatapos ay tatlong ulit na inihagupit ang dalang buntot-pagi.
“Mabuti po ang anting-anting na ito,” sabi ng anak at hinaplus-haplos ang agimat.
“Kung may kaaway kayo’y magagamit itong panghagupit, malayo man ang kaaway o kahit
hindi ninyo nakikita. Magsusumigaw siya sa sakit habang inihahagupit ninyo sa hangin
hanggang sa mamatay ang kaaway, kung ibig ninyo.”
Nagpasiya ang matanda, “Hintayin muna natin ang dalawa mo pang kapatid at saka ko
hahatulan ang inyong anting-anting.
Lumipas ang ilang araw at umuwi na rin ang pangalawa sa panganay. Ipinahayag ang
kanyang pagdating sa pamamagitan ng pagtugtog ng malalaking gong at sayawan ng tribu ng
datu, katulad ng pagdiriwang sa pagdating ng unang anak.
Walang iniwan sa unang anak, ang pangalawang anak ay waring nagmamarangya sa
kanyang uwing anting-anting.
“Mahal na Ama,” ang kanyang pagmamalaki, “narito nap o ang aking anting-anting,
itlog poi to ng tagak na itim. Nakipagbuno muna ako sa higante na nag-aalaga sa pugad ng
tagak bako ko nakuha ang itlog na ito sa punong-kahoy na nasa pampang ng dagat.”
“Anong kabutihan mayroon ang anting-anting na iyan?” tanong ng wari’y gulilat na
ama. “Isalaysay mo sa akin.”
“Ang anting-anting pong ito’y may tagabulag. Hindi po kayo makikita ng sinuman kung
dadasalan ninyo na may kasamang orasyon ang agimat na ito. Marami po akong uwing salapi,
ginto, alahas, brilyante pagkat ginamit ko ang anting-anting na ito sa pang-umit at pagnanakaw
sa mga kahon ng mayayamang hari. Marami pong panggagamitan ang anting-anting na ito gaya
ng pamimihag sa babae at kung anu-ano pa.”
Isang impit na ngiti ang lumuwal sa labi ng matanda at saka nagturing “Hintayin muna
natin ang pangatlo ninyong kapatid at saka ko hahatulan kung alin ang pinakamabuti sa inyong
mga anting-anting.”
Lumipas ang ilang araw at umuwi na rin ang bunsong anak ng datu. Inihudyat ng
malaking gong ang kanyang pagdating. Subalit kakaiba sa dalawang naunang kapatid, ang
bunso’y walang dala na labis na pinagtakhan at ikinalungkot ng kabig ng datu. Hindi ganoon
ang kanilang inaasahan. Maging ang datu ay kinabakasan ng pagtataka at pagkabigo.
Gayunpaman, walang kalungkutan o pagkabahalang masisinag sa mukha ng bunsong anak ng
datu. Kapayapaan ng kalooban ang mababakas sa kanyang mukha at kilos.
“Diyata’t ikaw pa naman ang pinakahuling dumating,” paninisi ng ama sa bunso, “ay
ikaw pa ang walang dalang agimat kahit ano!” Nanlisik ang mga mata ng datu.
“Mahal kong Ama, panimula ng anak, “napakarami pong mga bayan at lunsod at
kaharian ang aking narrating. Napakarami rin pong nag-alok sa akin ng kung anu-anong agimat.
Ginalugad ko po ang kagubatan at ako’y nagtawid-dagat. Hindi ko po nagustuhan lahat ng
anting-anting na aking natuklasan pagkat kung gagamitin ko poi yon, tiyak na makaaapi ako ng
aking kapwa-tao na labag sa Gintong Tuntunin. Sa madaling sabi po, ang mabuting anting-
anting na handog ko sa inyo ay ang aking mabuting pakikisama sa kapwa-tao.”
“Sa pamamagitan po ng anting-anting kong ito,” patuloy ng anak at tinutop pa niya ng
kanang palad ang dibdib sa tapat ng puso, “ay marami akong magiging kaibigan at
kapalagayang-loob saan man ako mapadako.”
Biglang napatayo ang matandang datu sa pagkakaupo sa laki ng tuwa sa isinalaysay na
yaon ng kanyang bunsong anak. Niyakap niya ang anak at ganito ang ipinahayag sa lahat.
“Mula ngayon, ikaw ang kahalili ko bilang datu sapagkat ang anting-anting na uwi mo , di man
nahahawakan ay makabuluhan sa buhay. Iyan ay PAG-IBIG na makapagbabago sa mundong ito
na ginagalawan ng mga taong makasalanan at SAKIM.”

FILIPINO 7 Page 9
COLLEGES OF SCIENCE AND TECHNOLOGY INC.
Central West, Bauang, La Union

Aralin 1.2- Mga Pahayag na Nagbibigay ng mga Patunay

TANDAAN: Sa iba’t ibang pagpapahayag – mapasalaysay, pangangatuwiran,


paglalahad at paglalarawan – mahalagang alam nating gumamit ng mga pahayag na
nagpapatunay. Ang mga pahayag na nagpapatunay ay may layuning higit na maging malinaw
ang isang kaisipang inihahayag.
Ilan sa mga pahayag na nagbibigay ng mga patunay ay:
 Ayon sa balita..
 Ayon kay…
 Batay sa ebidensiya,
 Batay sa pananaliksik ni…
 Batay sa pahayag ni..
 Hango sa imbestigasyon ni ..
 Mula sa aklat na ..
 Mula sa pahayag ni..

Halimbawa: Ayon sa balita ay nanganganib na ang ating bansa dahil sa padami nang padami
ang kaso ng pandemya sa.
Batay sa pahayag ng ating Presidente ay maaring ma-banned ang mga online
games dahil sa mga masamang dulot nito sa mga kabataan.
Pangalan:____________________ Iskor:_____________
Petsa:______________

PAGTATAYA:
Gawain 1: Bilang pagtataya sa pag-unawa, punan ang bawat kahon ng mga nararapat na
hinihingi nito.

PAMAGAT BUOD KULTURANG MGA ARAL


ITINAMPOK

Gawain 2: Gamitin ang mga sumusunod na mga pahayag na nagbibigay ng patunay.

1. Ayon sa balita,
_____________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________.

2. Mula sa pahayag ni,

FILIPINO 7 Page 10
COLLEGES OF SCIENCE AND TECHNOLOGY INC.
Central West, Bauang, La Union

_____________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________.

3. Batay sa,
_____________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________.

4. Ayon kay,
_____________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________.

5. Batay sa aklat na,


_____________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________.

Aralin 2.1- Nakalbo ang Datu


Ni Nicomedes G. Alieza

Paghahanda: Bawat lipunang ating kinabibilangan ay may kanya-kanyang paraan o kultura


ng pag-aasawa.
Sa iyong lipunang kinabibilangan, ano-ano iyong mga kultura o paniniwala ng pag-
aasawa sa lipunang iyong kinabibilang. Maari kang humingi ng tulong sa iyong mga magulang.
Itali ito isa-isa.

Katangian ng Kwentong Bayan


Patuloy na lumalaganap at nagpapasalin-salin sa iba’t ibang henerasyon.
Nagtataglay ng anyong tuluyan at naglalaman ng mga kaugalian at tradisyon ng lugar na
pinagmulan nito.
Naglalahad ng mga mahihiwagang bagay o pangyayari.
Naglalaman ng mga gintong aral na nagpapahiwatig ng mga bagay na nagaganap sa
paligid.

Ang Kwento ng Nakalbo ang Datu


Noong unang panahon, may isang Datu na tumandang binata dahil sa pag sisilbi sa
kanyang nasasakupan. Lagi itong abala sa gawain sa kanilang pook kaya''t nakalimutan na nito
ang pag-aasawa.
Siya ay pinayuhan ng mga nakakatanda na mag asawa na upang magkaroon sya ng taga
pagmana.
Napilitang mag asawa ang Datu ngunit ito ay naging pihikan dahil sa napakaraming
magagandang dilag sa kanilang pook.
Kinalaunan ay umibig din ang Datu, ngunit hindi sa isa, kundi sa dalawang magandang
dilag.
Dahil walang tulak kabigin sa dalawang dalaga ay parehong pinakasalan ng Datu ang
dalawa.Ang isa sa mga ito ay si Hasmin. Siya ay batang bata at ubod ng lambing.
Kahit matanda na ang datu ay mahal na mahal pa rin ito ni Hasmin.
Dahil sa lubos na pagmamahal ni Hasmin sa Datu ay ayaw nitong magmukhang
matanda ang asawa, kaya''t sa tuwing namamahinga ang Datu ay binubunutan niya ito ng puting
buhok.
FILIPINO 7 Page 11
COLLEGES OF SCIENCE AND TECHNOLOGY INC.
Central West, Bauang, La Union

Ang isa namang asawa ng Datu ay si Farida. Siya ay kaedad lamang ng datu ngunit ito
ay maganda din.
Dahil sa kadahilanang ayaw nyang magmukhang matanda ay binubunutan nya ng itim
na buhok ang Datu sa tuwing ito ay namamahinga sa tanghali.
Dahil sa ipinakikitang kabaitan at pagmamahal ng dalawa nyang asawa ay galak na
galak ang Datu.
Ngunit gayon na lamang ang pagkagulat nito ng manalamin sya.
"Kalbo ako! Kalbo na ako!" sigaw ng Datu.
Nakalbo ang Datu sa pagmamahal ng dalawang asawa.

ARALIN 2.2 MGA PANG-UGNAY NA GINAGAMIT SA


PANGHIHIKAYAT
Sa pagpapahayag, hindi lamamng sapatna mapaniwala; mahalaga ring mahikayat mo ang iyong
kausap na pumanig sa iyo.
Ilan sa mga ginagamit dito ay totoo nga, sadya nga, talaga, tunay, totoo, siya nga, oo at
tama ka.

Halimbawa: Tunay na mainit ang pagtanggap ng mga Pilipinosa mga bisitang dumarating sa
ating bansa.
Totoong ang nanalo sa Ms. Universe 2015 ay si Pia Wurtsbach.

FILIPINO 7 Page 12
COLLEGES OF SCIENCE AND TECHNOLOGY INC.
Central West, Bauang, La Union

Pangalan:____________________ Iskor:_____________
Petsa:______________

PAGTATAYA:
Gawain 1: Suriin ang tradisyong inilahad sa binasang kwentong-bayan lalo na ang tungkol sa
pag-aasawa. Ihambing ito sa ibang pangkat-etniko sa ating bansa o iba pang lugar sa bansa.
Gumamit ng VENN DIAGRAM.

Muslim Ibang pangkat etniko

Pagkakatulad

Gawain 2: Gumawa ng isang pahayag, diyalogo o pag-uusap ninyong magkaibigan na


hinihikayat mo siyang mamasyal sa isang pasyalan na malapit sa inyo. Ilagay ito sa isang buong
papel o bond paper.

FILIPINO 7 Page 13
COLLEGES OF SCIENCE AND TECHNOLOGY INC.
Central West, Bauang, La Union

Aralin 3.1- SI KIKANG AGILA (PABULA)

Paghahanda: Panoorin kung paano pahalagahanan ng mga eksperto ang mga mangilan-
ngilan na lamang na spicies sa ating bansa. ( https://youtube.be/Df2HmFxBEvl )
Pumili ng 3 ibon na makikita sa ating bansa at paghambingin ito batay sa katangian ng bawat
isa.

PABULA- hango sa salitang Latin na “Fabula” na ang ibig sabihin ay isang kwento. (Kasyapa)
-nagmula sa salitang Griyego na “Muzos” na ang ibig sabihin ay Myth o mito.
-ang mga ito ay nagsimula sa bansa sa silangan.
-ang pangunahing karakter dito ay mga hayop na nagsasalita na parang tao.
-Si Aesop ang tinaguriang “Ama ng Sinaunang Pabula”
-ginamit ito at aral na mapupulot sa mga pabula sa pagtuturo ng kagandahang asal
lalona sa mga kabataan.
-ito ang nagsilbing libangan at lunsaran sa pagtuturo sa mga bata sa mga katangiang
dapat taglayin sapakikipagkapwa dahil taglay nito ang mahahalagang kaisipan.

PAALALA: Pakibasa ang maikling pabula na Si Kikang Agila na nasa inyong aklat sa
pahina 28-29.

Aralin 3.2- MGA EKSPRESYON NG POSIBILIDAD

TANDAAN:
May mga pagkakataon na nagpapahayag tayo ng ating opinyon at nagmumungkahi o
nagbibigay-suhestiyon kaugnay ng paksa o suliraning pinag-uusapan.
Sa mga pahayag na nagsasaad ng mga posibilidad bunga ng iyong mungkahi o
suhestiyon o pananaw, gumagamit tayo ng mga salitang nagpapakilala ng mga pahayag ng
posibilidad.

Sa Filipino, gumagamit tayo ng pangatnig at/o pang-abay.


Ang pangatnig ay isang uri ng pang-ugnay tulad ng at, upang, kung, at iba pa.
Ang pang-abay naman ay mga salitang nagbibigay-turing sa pandiwa, pang-uri at kapwa
pang-abay tulad ng talaga, yata, opo, at marami pang iba.

Gaya ng naunang sinabi na sa pagpapahayag ng posibilidad, gumamit ng pangatnig at/o


pang-abay. Partikular ang paggamit ng pangatnig na panubali at/o pang-abay na pang-agam.
Suriin ang mga halimbawa sa ibaba.

Pangatnig na Panubali – ginagamit sa pagpapahayag ng isang hindi ganap na pagkukuro;


halimbawang pangatnig kung, pag/kapag, sakali.
Halimbawa: Patatawarin kita kung hindi mo na uulitin ang iyong ginawa.

Pang-abay na Pang-agam - nagsasaad ng di-katiyakan ng pang-uri o pandiwa; halimbawang


pang-abay yata, baka, maaari.

FILIPINO 7 Page 14
COLLEGES OF SCIENCE AND TECHNOLOGY INC.
Central West, Bauang, La Union

Halimbawa: Magdala ka ng payong baka umulan.

Ilan pa sa mga ekspresyong ginagamit natin sa pagpapahayag ng posibilidad ay maari, puwede,


baka, possible, marahil o siguro.

Halimbawa: Maari bang hindi maipatupad nang matagumpay ang K to 12?


Siya na marahil ang sinasabing papalit sa akin bilang lider.

Pangalan:____________________ Iskor:_____________
Petsa:______________

PAGTATAYA:
Gawain 1: Sumulat ng isang SANAYSAY ukol sa iyong opinyon tungkol sa kulturang pag-
aasawa ng mga Muslim. Ano ang pinagkaiba nito sa ibang kultura?

Gawain 2: Panuto: Surin ang mga sumusunod na pangungusap at salungguhitan ang mga
angkop na salitang ginamit sa pagpapahayag ng mga posibilidad.

FILIPINO 7 Page 15
COLLEGES OF SCIENCE AND TECHNOLOGY INC.
Central West, Bauang, La Union

1. Posible kaya na magkakabalikan pa sina ate at ang pinsan mo?


2. Siguro ay magkakasabay kami ni Rom na uuwi sa bahay.
3. Marahil malakas ang bagyo.
4. Maghanda na ang bawat isa sa atin baka malakas ang paparating na bagyo.
5. Tatanggapin kita muli kung magbabago ka na.

Aralin 4.1- ANG MATALINONG PILANDOK (PABULA)


Ni Rogelio G. Mangahas

Paghahanda: “Ang panlalamang sa kapwa ay masamng gawain na dapat na iwasan.”


Ano-ano iyong mga nagiging sanhi kung bakit gusting manlamang ng ibang tao sa
kapwa niya?

Elemento ng Pabula
A. Tauhan- Sila ang nagbibigay buhay sa kuwento.
1. Bida o pangunahing Tauhan bilang pinakatampok sa kuwento;
2. Kontrabida- siyang nagsisilbing kalabaan ng bida
3. Pantulong na Tauhan- maaring sumusuporta sa bida o kontrabida.

B. Tagpuan- ito ang lugar at panahong nagyari ang kwento.

FILIPINO 7 Page 16
COLLEGES OF SCIENCE AND TECHNOLOGY INC.
Central West, Bauang, La Union

C. Banghay- ito ay ang maayos na pagkakasunod-sunod ng mga pangyayari; mula sa simula


kung saan inilalarawab ang tagpuan at ipinapakilala ang mga tauhan; ditto rin inilalahad ang
suliranin hanggang samagkaroon ito ng solusyon bago magwakas ang kwento.

D. Mahalagang Kaisipan- ang mga aral nahatid ng kuwento para sa mga mambabasa.

Ang Kwento ng Matalinong Pilandok


Isang mainit na hapon, isang matalinong pilandok ang umiinom sa isang malinaw na
batis sa gubat. Habang siya ay umiinom, isang tigre ang dumaan. Napahinto ang tigre pagkakita
sa pilandok. Pasalbaheng tumawa ang tigre at sinabi nito sa mabangis na tinig, "Aha! Munting
Pilandok, kaysarap mong gawing hapunan! Dalian mo't ihanda mo ang iyong sarili upang
maging pagkain, dahil maghapon akong hindi kumakain."
"Maghapon kang walang makain?" tanong ni Pilandok, nagkukunwang naaawa sa tigre. Ang
totoo'y nanginginig siya sa takot pagkakita sa malalaking panga at matatalim na ngiping garing
ng tigre. Ngunit pinilit niyang huwag magpahalata.
Dugtong niya, "O, kawawang Tigre! Ang totoo, gusto kong magkaroon ka ng masarap na
hapunan, pero palagay ko'y hindi ka mabubusog sa isang munting hayop na tulad ko."
"Pero nagugutom ako!" atungal ni Tigreng hindi na makapaghintay.
"Iyon nga!" sigaw ni Pilandok habang nag-iisip ng gagawin. "Ang kailangan mong pambusog sa
iyong gutom ay laman ng tao."
"At ano ang tao, Pilandok?"
"Di mo ba alam kung ano ang tao?" sambit ni Usa, na nagkukunwang namangha.
"Hindi. Hindi ko yata alam," sabi ni Tigreng nagiging mausisa. "Sabihin mo, Pilandok, ano ba
ang tao?"
"Buweno," sabi ni Pilandok na nasiyahan sapagkat ang Tigre ay nahuhulog na sa kanyang bitag.
"Ang tao ay isang uri ng hayop na may dalawang paa at siyang pinakamakapangyarihang hayop
sa mundo."
"Totoo? Mas malakas pa kaysa akin?" tanong ng Tigre na medyo nasaktan.
"A,oo, pero kung napakabilis mo, puwede mo siyang sagpangin at gawing hapunan."
"Magaling. Pero kung hindi ako makasunggab ng tao, ikaw ang aking kakainin. Kasunduan ba
natin ito?"
"Kasunduan!" sigaw ni Pilandok na nasiyahan.
"Pero saan ako makakakita ng tao? Ipakita mo agad ito sa akin dahil ako'y gutom na gutom na.
Kundi ka magmamadali, kakainin kita ngayon din!"
"Makapaghintay ka sana, dakilang Tigre," sagot ni Pilandok. "Sumama ka ngayon sa akin sa
gilid ng daan at baka may isang taong magdaan."
At sinamahan ng Pilandok ang tigre sa gilid ng daan Habang nakakubli sa damuhan,
naghintay sila ng pagdaan ng tao. Di nagtagal ay dumaan ang isang batang lalaking papunta sa
eskwela. Abala siyang nag-iisip ng kanyang gawaing-bahay at di niya namamalayang dalawang
hayop ang nagmamatyag sa kanya.
"Iyon ba ang tao?" tanong ni Tigre. "Ba, tiyak kong mas malaks ako sa kanya!" pangungutya
niyon.
"Ba, hindi iyon ang tao," sagot ni Pilandok. "Iyo'y patungo pa lang sa pagiging tao. Kailangan
pa niya ang maraming taon-dalawampu o higit pa marahil kaya maaaring patay ka na noon."
Pagkaraa'y isang matandang lalaki ang mabagal na lumakad sa ibaba ng daan.
Matandang-matanda na ang lalaki at ang balbas niya'y simputi ng yelo. At siya'y nakatungkod
habang naglalakad.
"Tiyak na iyan ang taong sinasabi mo. Di kataka-takang napakapayat niya pagkaraang mabuhay
nang maraming taon! Niloloko mo naman ako," galit na sabi ni Tigre.
"Hindi, hindi! Hindi iyan tao. Tira-tirahan lang iyan ng isang tao. Ang isang mabuting hayop na
tulad mo'y ayaw kumain ng tira, di ba?"
FILIPINO 7 Page 17
COLLEGES OF SCIENCE AND TECHNOLOGY INC.
Central West, Bauang, La Union

"Hindi, hindi, syempre. Pero hindi ko rin gustong maghintay pa."


"Shhh! Narito na ang isang tunay na tao!" sabi ng Usa, habang paparating ang matabang
katawang punung-puno ng laman at ang kanyang mamula-mulang pisnging sagana sa dugo.
Tiyak na hindi mo na ako gustuhing kainin 'pag nakain mo ang taong iyon, di ba?"
"Baka nga, Pilandok, baka nga! Panoorin mo ako ngayon!" Pagkasabi niyon ay sinugod ng tigre
ang mangangaso. Ngunit mas mabilis ang mangangaso kaysa kanya. Itinutok ng mangangaso
ang kanyang riple at binaril ang tigre noon din.
Masaya si Pilandok dahil nakaligtas siya, ngunit sa sobrang pagod ay bumalik siya sa
batis para uminom. Habang siya'y umiinom, biglang may sumakmal sa isang paa niya. Sumigaw
siya, ngunit nang makita niya kung sino ang sumakmal sa kanya ay tiniis niya ang sakit at
mabilis na nag-isip.
Ang buwaya iyon, isa sa kanyang mahihigpit na kaaway. Galit ang buwaya sa pilandok
dahil sa mga panlilinlang nito. At galit din ang pilandok sa buwaya dahil palagi siyang tinatakot
nito tuwing gusto niyang uminom sa batis. Ngayo'y lalo siyang galit, ngunit itinago niya ang
kanyang damdamin at nakuha pa niyang tumawa. Nagsabi siya sa mapanghamak na tinig: "Ay,
kawawang Buwaya, kailan mo ba malalaman ang pagkakaiba ng paa ng usa at ng isang patpat?
Isang lumang patpat lang iyang kagat-kagat mo!"
Ngunit sanay na ang buwaya sa mga panlilinlang ng usa. "Huwag mo akong lokohin uli," sabi
niyon. "Alam na alam kong kagat-kagat ko'y paa mo at hindi ko ito pawawalan hanggang hindi
kita nakakain ng buo."
"Pero hindi kita niloloko," sabi ng Usa. "Kung sa palagay mo'y nililinlang kita, ano ito kung
gayon?" At iwinasiwas ng usa ang isa pa niyang paa sa tapat ng mukha ng buwaya.
Ang gunggong na buwaya ay naniwala sa sinbi ng usa. Mabilis niyang binitawan ang
kagat na paa at sinagpang ang isa pang paa. Ngunit ito ang hinihintay na pagkakataon ng usa.
Lumukso siyang palayo. Pagkaraan, nang siya'y di na maabot, binalingan niya at sinigawan ang
buwaya "Higitkang gunggong kaysa asno. Ni hindi mo alam ang pagkakaiba ng aking paa at ng
lumang patpat!"
At sa gayo'y tumakbong palayo ang Pilandok, naiwan ang buwayang lumubog muli sa
lawa, galit sa isa na namang pagkatalo sa patalinuhan.
Ngayon nama'y nakatagpo ng pilandok ang isang suso. Natutuwa siyang makita ang suso dahil
gusto niyang magyabang at ngayo'y makapagyayabang na siya sa suso . Hinamon niya iyon ng
karera at takang-taka siya nang tanggapin iyon ng suso. At ang isa pang lalong nakakapagtaka
ay ang hamon ng suso na ito'y mananalo. Tumawa ang Pilandok. Paanong maiisipan ng isang
suso na manalo sa takbuhan?
Ngunit nagkataong ang susong ito ay tuso rin. Nauna rito ay binalak na niya at ng isang
kaibigan kung paano nila matatalo ang mapanloko ring pilandok.
"Tingnan mo kung paano kang mananalo sa takbuhan, mabagal na suso," sigaw ni Pilandok at
siya'y nawalang tulad ng hangin. Ngunit nang marating niya ang dulo ng takbuhan, halos
mapalundag siya sa pagkabigla nang makita niyang naroon na at nauna sa kanya ang suso.
Hindi matanggap ni Pilandok na siya ay natalo; hinamon niya ang suso sa panibagong karera.
Ngunit kahit ilang ulit siyang maghamon, laging nananalo ang suso.
Ngayon, ang hindi alam ng pilandok, ay laging ginagamit ng suso ang sarili nitong utak.
Tuwing karera ay may ibang susong tumatayo sa dulo ng takbuhan, una'y ang kaibigan ng suso,
pagkatapos ay ang orihinal na suso. Ang dalawang suso ay magkamukhang-magkamukha at
akala ng pilandok ay isa lamang ang mga iyon.
Pabalik-balik na tumakbo ang Pilandok hanggang sa maubusan siya ng lakas at hingal
na hingal na bumagsak sa lupa."Nanalo ka, Ginoong Suso," pahingal na sabi ng pilandok. "suko
na ako."
At sa gayon, ang munting pilandok na nag-aakalang napakatalino niya ay natalo nang
araw na iyon sa wakas-hindi ng mabangis na tigre, hindi ng mabagsik na buwaya, hindi ng ano
pa mang malalaking hayop sa gubat, kundi ng isang maliit at madulas na suso!

FILIPINO 7 Page 18
COLLEGES OF SCIENCE AND TECHNOLOGY INC.
Central West, Bauang, La Union

Aralin 4.2- MGA PARAAN NG PAGPAPAHAYAG NG


SALOOBIN, EMOSYON O DAMDAMIN
1. Mga Pangungusap na Padamdam– Ito ay mga pangungusap na nagpapahayag ng
matinding damdamin o emosyon. Ginagamitan ito ng tandang padamdam (!)
Halimbawa: Naku po, hindi ko maaatim na patayin ang inosenteng sanggol na ito!
Ang sakit malamang ang sariling anak ang pumaslang sa ama!

2. Maikling Sambitla– Ito ay mga sambitlang iisahin o dadalawahing pantig na nagpapahayag


ng matinding damdamin.
Halimbawa: Aray! Nasugatan ako ng patalim.
Wow! Ang bango ng ulam natin ngayon.

3. Mga Pangungusap na Nagsasaad ng Tiyak na Damdamin o Emosyon ng Isang Tao


– Ito’y mga pangungusap na pasalaysay kaya’t hindi nagsasaad ng matinding damdamin, ngunit
ito ay nagpapakita ng tiyak na damdamin o emosyon.
Halimbawa: Kasiyahan: Napakasayang isipin na may isang bata na namang isinilang sa
mundo.
Pagtataka: Hindi ko lubos maisip kung bakit ipatatapon ng isang magulang ang
isang walang kamalay-malay na sanggol.
Pagkalungkot:Masakit isiping ang mag ama ay ang nagharap sa isang
pagtutunggali.
Pagkagalit: Hindi dapat kinikitil ang buhay ng isang sanggol.
Pasang-ayon: Tama ang naging desisyon ng pastol na hindi patayin ang bata.
Pagpapasalamat: Mabuti na lamang at nakapag-isip ang pastol.

4. Mga Pangungusap na Nagpapahiwatig ng Damdamin sa Hindi Tuwirang Paraan


-Ito ay mga pangungusap na gumagamit ng matatalinghagang salita sa halip na tuwirang paraan.
Halimbawa: Kumukulo ang dugo ko kapag naiisip ko ang mga magulang na pinababayaan ang
mga anak. (Ibig sabihin ng kumukulo ang dugo ay galit na galit.)

Pangalan:____________________ Iskor:_____________
Petsa:______________

PAGTATAYA:
Gawain 1. Pumili ng isang Tauhan ng pabula at ilahad ang kaniyang mga positibo at
negatibong katangian gamit ang Character Analysis.

FILIPINO 7 Page 19
COLLEGES OF SCIENCE AND TECHNOLOGY INC.
Central West, Bauang, La Union

Tauhan

Positibong Negatibong
Katangian Katangian

Gawain 3: Panuto: Suriin ang saloobin, emosyon o damdaming nakapaloob sa mga pahayag.
Isulat sa patlang bago ang bilang ang tamang sagot.

________________1. “Aha! Munting Pilandok, kaysarap mong gawing hapunan.”


________________2. “Maghapon kang walang makain?”
________________3. “Pero nagugutom ako!”
________________4. “Totoo? Mas Malakas pa kaysa akin?”
________________5. “Makapaghihintay k asana, dakilang Tigre.”
________________6. “At ano ang tao, Pilandok?’
________________7. “Huwag mo akong lokohinuli.”
________________8. “Tignan mo kung paano kang mananalo sa takbuhan, mabagal sa Suso.”
________________9. “Kung sa palagay mo’y nililinlang kita, ano ito kung gayon?”

FILIPINO 7 Page 20
COLLEGES OF SCIENCE AND TECHNOLOGY INC.
Central West, Bauang, La Union

________________10. “Nanalo ka, Ginoong Suso. Suko na ako.”

Aralin 5.1 ALAMAT NG MINDANAO (ALAMAT)

Paghahanda: Bawat bagay ay may kanya-kanyang kwentong pinagmulan.


Ngayon, tuklasin niyo kung saan nagmula o pinagmulan ng inyong pangalan. Maari
kayong magtanong sa inyong mga magulang.isulat ito sa isang buong papel.

Alamat- panumbas sa legend ng Ingles.


-ang katawagan namang ito ay nagmula sa Latin na “Legendus” na ang kahulugan ay
“upang mabasa”.
-kwento tungkol sa pinagmulan ng tao, hayop, lugar o pangyayari.
-isa sa mga sinaunang anyo ng panitikan na nagpasalin-dila sa iba-ibang henerasyon.
-ang mga tauhan ay likhang-isip at ilan sa kanila ay may taglay na kapangyarihan.
-may mga pangyayaring hindi kapani-paniwala kaya nagiging mahiwaga ang
pagkakalikha ng kwento gayunpaman, ito’y kapupulutan ng mga aral na maaring
maging inspirasyon at gabay sa buhay.

FILIPINO 7 Page 21
COLLEGES OF SCIENCE AND TECHNOLOGY INC.
Central West, Bauang, La Union

Kwento ng Alamat ng Mindanao


Si Sultan Kumpit ay isa sa mga naging pinuno ng isang malaking pulo. Siya ay matalino
nguni't ang mga Muslim ay takot sa kanya dahil sa siya raw ay masungit. Ang sultan ay may
kaisa-isang anak na dalaga. Ang pangalan niya ay Minda.
Si Minda ay ubod ng ganda. Dahil sa kagandahan ng prinsesa ay marami ang nanliligaw
dito. Kabilang na ang mga sultan, raha, datu at prinsipe ng iba't ibang pulo. Bawat manliligaw ni
Prinsesa Minda ay may kani-kaniyang katangian kung kaya't nagpasiyang magbigay ng tatlong
pagsubok si Sultan Kumpit. Ang mananalo sa tatlong pagsubok na ito ang siyang mapalad na
makaka-isang dibdib ng kanyang anak.
Ang unang pagsubok ay kung sino ang makapagsasabi ng kasaysayan ng kanyang
angkan hanggang sa ikasampung salin nito. Ang ibig sabihin nito ay kung sino at ano ang
naging buhay ng ama, nuno, ama ng nuno, nuno ng nuno at mga kanunununuan hanggang sa
ikasampung salin.
Ang ikalawang pagsubok naman ay kinakailangang malagpasan ang kayamana ng hari
upang maging daan patungo sa ikatlong pagsubok. Nguni't ang higit na mayaman ang siyang
magmamay-ari ng kayamanang natalo.
Marami ang nakipagsapalaran at natalo sa unang pagsubok. Isa na rin ang kilalang si
Prinsipe Kinang. Siya ay nakapasa sa unang pagsubok nguni't natalo sa ikalawang pagsubok
sapagkat ang kanyang tatlong tiklis na ginto ay nahigitan ng apat natiklis na ginto ng hari.
Lalong yumaman si Sultan Kumpit. Alam ng lahat na marami pang ginto si Sultan Kumpit at
ngayon nga ay nadagdagan pa ng tatlong tiklis na tinalo kay Prinsipe Kinang.
Isang matalinong prinsipe ang nais na sumubok. Ngunit bago niya ito gawin ay nag-isip
siyang ma buti kung papaano niya matatalo ang kayamanan ng Sultan. Nanghiram siya ng ginto
sa kanyang mga kaibigang maharlika hanggang sa makatipon siya ng labintatlong tiklis ng
ginto.
Nagbihis at nag-ayos ng buong kakisigan si Prinsipe Lanao. Una niyang nakausap si
Prinsesa Minda. Sa unang pagkikita pa lamang ay sumang-ayon agad ang prinsesa sa binatang
prinsipe. Lihim na natuwa ang puso ni Prinsipe Lanao sapagkat nasiguro niyang may pagtingin
din sa kanya Prinsesa.
Nakaisip siya ng pangalan at nag-imbanto ng kagitingan nito. Laking pasasalamat niya
nang siya ay makapasa sa unang pagsubok. Sa ikalawang pagsubok ay, "Ilang tiklis na ginto ang
dala mo, Mayroon akong pito, iyon ba ay iyong mahihigitan? ang pagmamalaking tanong ng
sultan.
"Mayroon akong labintatlong tiklis ng ginto rito ngayon nguni't kung kulang pa ito ay
handa akong, ilabas ang mga nakatago pa sa aming kaharian," ang tugon ni Prinsipe Lanao.
"Hindi na bale, iyo na ang pitong tiklis ko. Ganito naman ang ikatlong pagsubok. Ikaw
ay tutulay sa isang lubid sa may malalim na bangin. Pag ito'y nagawa mo ay ikakasal kayo ng
aking mahal na prinsesa sa pagbibilog ng buwan," ang sabi ng sultan. "Ang ikatlong pagsubok
ay kinabukasan na natin itutuloy."
Umalis si Lanao napunong-puno ng pag-asa. Nagsanay siyang tumulay sa baging na
sampayan. Ngunit lingid sa kanya ay may masama palang balak ang sultan sa pagtulay niya sa
lubid. Natunugan ito ni Minda at laki ng kanyang pag-ibig sa binata ay gumawa siya ng paraan.
Inutusan niya ang kanyang katulong na putulin ang matibay at manipis na sinulid na nakakabit
sa tulay na tatawiran ni Lanao. Ang sinulid palang ito ay hahatakin upang malaglag sa bangin si
Lanao. Mabilis na natupad ang ipinag-utos ni Minda sa kanyang katulong.
Kinabukasan ay maluwalhating nakatawid si Lanao sa lubid at ang kanilang kasal ni Prinsesa
Minda ay naganap. Namuno ang mag-asawa sa kaharian ni Sultan Kumpit. Dahil sa kabaitan ay
napamahal sa mga tao ang dalawa kaya't ang malaking pulong iyon ay pinangalanang Minda
Lanao na di nagtagal ay naging "Mindanao."

FILIPINO 7 Page 22
COLLEGES OF SCIENCE AND TECHNOLOGY INC.
Central West, Bauang, La Union

Aralin 5.2- PANGUNGUSAP

Pangungusap- isang salita o pangkat ng mga salita na nagpapahayag ng buong diwa. May
dalawang sangkap o bahagi ng pangungusap. Paksa o Simuno ang pokus o
pinag-uusapan sa pangungusap. Panaguri, nagbibigay ng impormasyon o
naglalarawan sa paksa.

Pangungusap na Walang Tiyak o Lantad na Sangkap

1. Exsistensyal- pangungusap na nagpapahayag ng pagkamayroon o pagkawala ng pinag-


uusapan.
Halimbawa: Wala na bang darating?
May gaganaping pagdiriwang sa kanilang bahay.

2. Temporal- pangungusap na nagsasaad ng kalagayan o panahong panandalian lamang.


Madalas ay mga pang-abay na pamanahon ang mga ito.
Halimbawa: Gabi na. Pasko na!

3. Penomenal- pangungusap na nagsasaad ng kalagayan ng panahon o ng kapaligiran.


Halimbawa: Umaambon. Malamig.

4. Panawag- pangungusap na binubuo ng isang kataga/salita lamang at nagpapahiwatig na nais


kausapin ang kaniyang tinawag o kumukuha lamang atensyon.
Halimbawa: Hoy! Pssstttt!

5. Sambitla- isang salita na nagpapahayag ng matinding damdamin.


Halimbawa: Aray! Grabe!

6. Pormularyong Panlipunan- pangungusap na ginagamit sa pakikipagkapwa para


maipahayag nang maayos ang mensahe. Maaari itong pagbati,
pasasalamat, paggalang o iba pang ekspresyong naging bahagi
na sa kultura.

FILIPINO 7 Page 23
COLLEGES OF SCIENCE AND TECHNOLOGY INC.
Central West, Bauang, La Union

Halimbawa: Salamat. Magandang hapon.

7. Sagot Lamang- pangungusap na sagot sa mga tanong na hindi na kailangan ng paksa.


Halimbawa: Oo.

8. Pautos/Pakiusap- pangungusap na pautos.


Halimbawa: Pakihawak.

Pangalan:____________________ Iskor:_____________
Petsa:______________

PAGTATAYA:
Gawain 1. Base sa binasang teksto “alamat ng Mindanao”, gumawa ng isang komiks strip sa isang
long bond paper.

Gawain 2: Sagutan ang mga sumusunod na tanong.

1. Ipakilala ang mga tauhan sa alamat sa pamamagitan ng pagpuno sa talaan.

Tauhan Pisikal na Anyo Katangian

2. Bakit kailangang pagdaanan ang mga pagsubok ng mga nagnanais makasal kay Prinsesa Minda?

FILIPINO 7 Page 24
COLLEGES OF SCIENCE AND TECHNOLOGY INC.
Central West, Bauang, La Union

3. Sang-ayon k aba sa huling pagsubok na ibinigay ng datu para kay Prinsipe Lanao? Bakit?

Gawain 3: Panuto: Suriin kung anong uri ng pangungusap na walang lantad na paksa at panaguri
ang bawat pangungusap. Isulat sa patlang bago ang bilang ang tamang sagot.

________________1. Mama!
________________2. May mga pasok din.
________________3. Mawalang galang nga po.
________________4. Mahamog
________________5. Wala pang pagkain.
________________6. Naku!
________________7. Paumanhin.
________________8. Panagbenga na!
________________9. Takipsilim.
________________10. Maalinsangan.

FILIPINO 7 Page 25
COLLEGES OF SCIENCE AND TECHNOLOGY INC.
Central West, Bauang, La Union

Aralin 6.1- TULALANG (EPIKO)

Paghahanda: Magbigay ng mga kilalag bayani sa ating bansa at ibigay ang kani-kanilang
naiambag sa ating bansa.

Epiko- isang uri ng panitikan na nagsasalaysay tungkol sa kabayanihan at pakikitunggali ng


pangunahing tauhan laban sa mga kaaway sa paraang hindi kapani-paniwala.
-nagmula sa salitang griyego na “Epos” na ang ibig sabihin ay awit o salawikain.
- isang kuwento ito na punong-puno ng kagila-gilalas na mga pangyayari.
-itinatanghal noong panahon ng Espanyol para magsilbing libangan at parangal sa mga
pinuno ng bayan upang kanilang magampanan ang kanilang mga tungkulin.

Biag ni Lam-ang-Iloko Hudhud ni Aliguyon- Ifugao Handiong-Bicol


Maragtas- Visayas Bendian-Ibaloi Bantugan-Maranao
Darangan- Mindanao Agyu-Ilianon Tuwaang-manobo

Epiko ng Tulalang

Isang araw ay nasa gubat si Tulalang at nangunguha ng ubod ng rattan na kanilang


pagkain. Nakakita siya ng isang matanda na naaawa pala sa kanilang magkakapatid. Lumapit
sa kaniya ang matanda at ang wika: Huwag kang mag-alala sa inyong pagkain, Tulalang.
Simula ngayon ay hindi na kayo magugutom. Anuman ang naisin ninyo ay mapapasainyo.
Simula noon, ang magkakapatid ay nanagana sa pagkain. Sa kabila ng kanilang kasaganaan ay
nanatili pa rin silang masisipag. Umunlad ang kanilang kabuhayan at ito ay nabantog sa buong
kapuluan. Maraming mga tao sa iba’t ibang tribu ang nagtungo sa kanilang tahanan upang
pumailalim sa kanilang kapangyarihan.
Pagkalipas ng maraming taon, ipinasya ng magkakapatid na manirahan sa torohan o
palasyo. Ang palasyo ay napakalawak at ang trono ay napapalamutian ng mga ginto, pilak at
iba pang mamahaling bato. Walang tigil ang mga alipin sa pagtugtog ng magagandang musika,
kaya ang mga naninirahan sa paligid ng palasyo ay naaaliw rin.
Si Tulalang ay isang binatang matangkad, payat, may maitim na mga ngipin at
mahabang buhok. Siya ay may sinturong isang damak lamang ngunit naipupulupot niya ng
pitong ulit sa kanyang baywang. Puting-puti ang kanyang damit na may mahabang manggas at
ang pantalon niya ay hanggang tuhod lamang. Ang kanyang mga daliri ay nagkikislapan sa
mga gintong singsing. May balaraw sa baywang at may pulang turban sa ulo na ginagamit sa
paligid. Siya ay laging nakayapak lamang.
Ang magkakapatid ay may kani-kaniyang silid sa palasyo maliban sa kaisa-isang kapatid
na babae na inilagay sa pinakamalalim na bahagi ng pitong patong na basket na nakabitin sa
loob ng silid ni Tulalang. Siya ay hiyas ng magkakapatid na dapat ingatan. Ngunit ang dalaga
ay may kapangyarihang mag-anyong iba’t-ibang hugis na naisin niya. Siya ay gadaliri lamang
habang nasa loob ng basket. Siya ay nananatili sa loob ng basket kung wala siyang ginagawa.
Ang kapatid nilang babae ay nagtatanim ng mahiwagang rosas tuwing umaga at bago
tumanghali ay namumulaklak ito. Kapag nalanta agad ang mga bulaklak na rosas ay
nagbabalang may darating na kaaway sa kanilang kaharian. Isang araw ay biglang nalanta ang
bulaklak na rosas. Dumating si Agio at sinalakay ang Kulaman, ang kanilang kaharian. Hindi
man lamang nabahala o natakot si Tulalang at ipinagpatuloy ang kanyang ginagawa.
Hinamon ng mayabang na heneral si Tulalang. Isa sa kanyang mga singsing ang
nagsalita at pinayuhang labanan ang kaaway. Inalis niya sa daliri ang singsing at inutusan ito na
labanan ang mga kaaway. Sa isang iglap ay naging sundalo ang singsing. Lumaban ito at
maraming napatay na mga kaaway, Nakita ito ni Agio at ibinunyag niya na ang sundalo ay isa
FILIPINO 7 Page 26
COLLEGES OF SCIENCE AND TECHNOLOGY INC.
Central West, Bauang, La Union

lamang singsing. Kaagad nilang pinaghahampas ng sibat ang sundalo kaya huminto ito at
naging singsing na muli.
Muling hinamon ng mayabang na heneral si Tulalang. Inutusan ni Tulalang ang
kanyang balaraw na makipaglaban. Ito ay naging sundalo at muli na namang pumuksa ng mga
kaaway. Ibinunyag na naman ni Agio na ang sundalo ay isang balaraw lamang. Hinawakan
niya sa leeg ang balaraw na naging sundalo, at ito ay bumalik sa dating anyo, ang leeg ang
naging hawakan ng balaraw.
Sa pangatlong hamon ay si Tulalang na ang lumaban. Marami siyang napatay na mga
tauhan ni Agio. Nang siya ay napagod ay umakyat siya sa palasyo at nagpahinga. Hinalinhan
naman siya ng kapatid niyang si Mangampitan. Sa kanyang kamay naman namatay ang kalahati
ng mga kalabang natitira. Siya ay napagod din at nagpahinga sa palasyo kaya siya ay
hinalinhan naman ng pinakabunso sa magkakapatid, si Minalisin. Nangamatay ng lahat ang
mga kalaban maliban kay Agio. Naglaban naman sina Agio at Minalisin. Tinamaan ng sibat si
Agio. Nagbalik sa dating anyo si Agio na kanina ay nag-anyong pulubi bago maglabanan. Siya
ay naging isang makisig na binata. Nagpatuloy sila sa paglalaban hanggang sa mapagod.
Nakita pala sila ng kapatid na babae ni Tulalang sa mahiwagang langis na nagpatulog sa kanila.
Nalaman nila pagkagising na sila palang dalawa ay magpinsan.
Kung araw ay natutulog si Tulalang sa ilalim ng isang punungkahoy. Isang uwak na
nakadapo sa sanga ang dumumi sa kanyang mukha. Nagising siya at ipinagbigay-alam sa kanya
ng uwak na may darating na isang napakalaking higanteng kumakain na tao. Sinabi rin sa
kanya kung paano ito matatagpuan.
Agad-agad ay nagtungo siya sa kagubatan at dito ay nakakita siya ng isang kubong may
nainirahang matandang babae. Sinabi sa kanya ng matanda ang tungkol sa higante at sa
magandang dilag na bihag nito.
Tinungo niya agad ang tahanan ng higante na sinabi sa kanya ng matandang babae. Ang
bahay ng higante ay napakataas kaya maraming punong saging na tumubo sa ilalim nito.
Natutulog ang higante at nakakulong ang dalaga sa hawla nang siya’y dumating. Nagising ang
higante. Sino ang nariyan? ang sigaw ng higante. Nakaamoy ako ng baboy, tamang-tama sa
aking pananghalian. Hindi ako baboy, ang sagot ni Tulalang. Ako ay taong kagaya mo.
Kinuha ng higante ang panggarote at ang dalawa ay naglaban. Nagawang putulin ni Tulalang
ang dalawang kamay, dalawang paa at ulo ng higante.
Inilabas ni Tulalang ang babae mula sa hawla. Napag-alaman ng binata na ang pangalan
ng magandang babae ay Macaranga at ang pook na pinanggalingan niya ay Macarangga rin ang
pangalan. Naakit siya sa dalaga kaya niyaya niya itong pakasal. Tumanggi ang dalaga. Dahil
pagod, si Tulalang ay nakatulog. Nalimutan tuloy niya ang iniluluhog na pag-ibig sa dalaga.
Nang magising siya ay wala na ang dalaga, ngunit isang suklay ang sadyang iniwan nito at
nakuha naman ng binata. Kaagad siyang nanaog sa tahanan ng higante at sumakay sa kanyang
musala.
Nagtanong siya sa pitong babaeng nanahi na natagpuan niya. Tinungo niya ang itinuro
ng mga ito. Napag-alaman niya na si Macaranga ay nagtungo sa Kulog. Tinungo niya kaagad
ang Kulog, ngunit ang babae raw ay nagtungo sa Kidlat. Ngunit ito raw ay nasa langit nang
puntahan niya. Nagtungo siya sa langit at dito ay nakita niyang naliligo sa ilog ang dalaga.
Binanggit niyang muli ang kanyang pag-ibig ngunit hiniling ng dalaga na bayaan muna raw
siyang makauwi sa kalangitan.
Nakauwi ang dalaga sa kanyang palasyo at napag-alaman niya na ang ama pala niyang
hari ay namatay na. Sa gayon, ang kanilang kaharian ay nangangailangan ng hari. Pumayag
siyang pakasal kay Tulalang. Umuwi muna si Tulalang sa kanilang kaharian bago pakasal.
Pagdating sa kaharian ay napag-alaman niya na sinalakay na muli ang Kulaman upang kunin
ang kanyang kapatid na babae. Iniligtas muna niya ang kanyang kapatid hanggang sa
makalimutan niya ang pangako kay Macaranga.
Minsang wala si Tulalang sa kaharian ay muling sumalakay ang mga kaaway. Ang hari
ng mga Bagyo ang pinuno ng mga kaaway. Siya ang pinakamalakas na kaaway ni Tulalang

FILIPINO 7 Page 27
COLLEGES OF SCIENCE AND TECHNOLOGY INC.
Central West, Bauang, La Union

sapagkat hindi siya nakikita. Nagapi ng kaaway ang dalawang kapatid na lalaki ni Tulalang, at
ang babae naman ay dinala sa kaharian nito. Nang tumangging pakasal ang babae sa hari ng
mga Bagyo ay nilaslas ang kamay niya.
Nang malaman ito ni Tulalang ay madali siyang sumakay sa musala at tinungo ang
kuweba ng hari ng mga Bagyo. Nag-anyo siyang sibat at pumasok sa kuweba ngunit ang
hangin ay wala na roon. Gumawa siya ng paraan upang makapasok sa kaharian. Nagbalatkayo
naman siyang isang bata at sa isang paraan ay nakapasok sa palasyo at naging alila. Siya ay
nadistino sa kusina. Minsan ay nakasalubong niya ang kanyang kapatid na babae.
Isang gabi ay itinakas niya ang kanyang kapatid. Naghinala ang hari na ang batang
alipin ay si Tulalang, kaya ipinasya niyang lusubing muli ang Kulaman. Bago umalis ang hari
ng mga Bagyo at ang mga tauhan nito ay hiniling muna ng hari na huminga sila sa isang bote at
takpang mahigpit at ibitin sa loob ng palasyo.
Nang maglaban na ang dalawang pangkat ay napansin ni Tulalang na kapag may
napapatay silang kaaway ay napapalitan kaagad ng dalawa mula sa dugo nito. Lalong
dumarami ang kaaway habang marami silang napapatay. Tinungo niya kaagad ang kaharian ng
mga Bagyo. Gumawa siyang muli ng paraan upang makuha ang boteng pinag-iwanan ng
kaluluwa ng hari at mga kawal nito.
Kinabukasan, sa harap ng mga kaaway ay tumayo siya sa beranda ng palasyo at binalaan
ang hari at mga kawal nito. Kung hindi kayo susuko ay babasagin ko ang boteng ito upang
mangamatay ang inyong kaluluwa. Napilitang sumuko ang Hari at mga kawal nito at
napaalipin kay Tulalang.
Isang araw, ipinabatid ni Tulalang sa kanyang nasasakupan na ang sarimbar na galing sa
langit ay darating na upang silang lahat ay kunin. Hiniling niya sa mga tao na manalangin sa
loob ng apat na buwan upang pagdating sa langit ay magiging Katolosan o Kaluluwa, (immortal
beings) maging ang apat na magkakapatid.
Pagkatapos ng apat na buwang panalangin, ay biglang may humihip na malakas na
hangin. Nagdala ito ng balita kay Tulalang na isang malaking baboy ramo ang manggagaling sa
Silangan upang silain ang mga tao sa Kulaman at isang higante ang haharang sa sarimbar
pagbabalik sa langit. Dahil sa taglay na lakas ni Tulalang ay napatay niya ang baboy ramo at
higante.
Katanghaliang tapat ay bumaba na ang sarimbar sa nakasabit sa kadenang ginto. Ito ay
hugis bangka ngunit yari sa bato. Isa-isang sumakay ang mga tao upang iakyat sa langit. Isa
pang higante ang nagtangkang pumutol ng kadena ng sarimbar ngunit napatay rin siya ni
Tulalang. Ang mga kapatid ni Tulalang at ang mga mamamayan ay naging maligaya sa
kalangitan at nagtamo ng buhay na walang hanggan.

Aralin 6.2- PANG-UGNAY SA PAGBIBIGAY NG SANHI AT BUNGA

TANDAAN:
Sa pagpapahayag ng sanhi at bunga, gumamit tayo ng mga pang-ugnay na pangatnig.
Ang mga pangatnig o conjunction sa Ingles ay mga salitang nag-uugnay ng salita, parirala,
sugnay, pangungusap at talata sa isa’t isa alinsunod sa layunin nang nagpapahayag.
Sa mga pahayag na nagbibigay ng sanhi at bunga kadalasa’y gumagamit ng mga
pangatnig na pananhi tulad ng dahil, dahil sa/kay, sapagkat, palibhasa at kasi na nagpapakilala
sa mga salitang taglay ang kaisipang pananhi sa pahayag. Kung minsan gumagamit din ng
pangatnig na panlinaw tulad ng kaya at kung kaya sa paglalahad ng bunga ngunit madalas
taglay ng pandiwang nagpapahiwatig na may ibinunga o kinalabasan ang isang sanhi.
Halimbawa:
 Sapagkat masama ang kanyang pakiramdam kaya hindi na siya nakapasok sa paaralan.
SANHI BUNGA
 Nagkagulo sa palengke dahil sa balitang may nakatanim na bomba roon.

FILIPINO 7 Page 28
COLLEGES OF SCIENCE AND TECHNOLOGY INC.
Central West, Bauang, La Union

BUNGA SANHI

May mga pahayag namang nagbibigay ng sanhi at bunga nang hindi gumagamit ng
pangatnig na pananda tulad ng pangungusap sa ibaba.
Halimbawa: Ikinalungkot niya ang iyong pag-alis.
BUNGA SANHI
Pangalan:____________________ Iskor:_____________
Petsa:______________

PAGTATAYA:
Gawain 1: Paano mo isusulong ang kapayapaan? Sagutin ito sa pamamagitan ng paggawa ng
isang poster slogan. Ilagay ito sa isang long bond paper.

Gawain 2: Ano ang iyong gagawin upang maprotektahan ang iyong pamilya? Sagutan ang
tanong sa pamamagitan ng paglalagay ng hash tag sa loob ng t-shirt.

Gawain 3: Maglahad ng mga pangyayaring mula sa epikong Tulalang. Ilagay ito sa angkop na
hanay ng talahanayan kung ito ay sanhi o bunga.

TULALANG
SANHI BUNGA

FILIPINO 7 Page 29
COLLEGES OF SCIENCE AND TECHNOLOGY INC.
Central West, Bauang, La Union

Gawain 4: Magbigay ng maaring sanhi at bunga ng mga sumusunod na larawan.

1.
Sanhi: _____________________

Bunga: _____________________

2.

Sanhi: _____________________

Bunga: _____________________

3.

Sanhi:

_____________________

Bunga: _____________________

FILIPINO 7 Page 30
COLLEGES OF SCIENCE AND TECHNOLOGY INC.
Central West, Bauang, La Union

Aralin 7.1- ANG MUNTING KAIBIGAN (MAIKLING KWENTO)

Paghahanda: Pakisagot ang mga sumusunod na tanong.


Sino ang masasabi mong pinakamatalik mong kaibigan?
Paano mo nasabing siya ang pinakamatalik mong kaibigan?
Ano-ano iyong mga bagay na talagang magkasundo kayo?
Ano iyong paraan niyo upang maging matibay ang inyong pagkakainigan?

PAALALA: Pakibasa sa inyong libro ang maikling kwento na


pinamagatang “Ang Munting Kaibigan” na sinulat ni Ibrahim Jubaira na
nasa pahina 76-81.

Aralin 7.2- MGA RETORIKAL NA PANG-UUGNAY

TANDAAN:
PANG-UGNAY – mga salitang bahagi ng wika na ang pangunahing tungkulin ay umagapay sa
pag-uugnay ng konsepto o kaisipang taglay ng mga salita sa isang pahayag.

1) Pangatnig – nag-uugnay ng dalawa o higit pang salita, sugnay, pangungusap at talata upang
ipakita ang relasyon ng mga ito sa isa’t isa
 pangatnig na pamukod (naghihiwalay o nagbubukod ng ideya)
 o, ni, maging
 pangatnig na panubali (naghahayag ng di katiyakan, kung sakali lamang)
 kung, kapag, pag, sakali, sana
 pangatnig na paninsay (sumasalungat sa naunang kaisipan)
 ngunit, subalit, samantala
 pangatnig na pananhi (nagbibigay-paliwanag o dahilan sa isang kaisipan)
 dahil, dahil sa/kay, sapagkat, palibhasa
 pangatnig na panlinaw (paghingi o paghayag ng paglilinaw ng kaisipan)
 kung gayon, samakatuwid
 pangatnig na pandagdag (nagdudugtong o nagsasama ng kaisipan)
 at, pati, saka, habang, hanggang
 pangatnig na nagsasaad bunga (naghahayag ng naging bunga o inaasahang bunga)
 kaya, kung kaya, upang, nang sa gayon
 pangatnig na panapos (nagbubuod o nagsasara ng pahayag)
 sa wakas, sa lahat ng ito

Halimbawa: Masaya Jane at James.


Naglalaba si Mommy habang nagluluto si Daddy.

FILIPINO 7 Page 31
COLLEGES OF SCIENCE AND TECHNOLOGY INC.
Central West, Bauang, La Union

2) Pang-angkop – nag-uugnay sa panuring at salitang tinuturingan sa layong angkop ang


pananalita; dalawang pang-angkop lamang mayroon sa Filipino – ang /na/ na inilalagay sa
pagitan ng panuring at salitang tinuturingan kung nauna ang salitang nagtatapos sa katinig
maliban sa /n/, samantalang ikinakabit naman ang /ng/ sa dulo ng panuring o tinuturingan kung
nauuhan na nagtatapos sa patinig at /n/.

Halimbawa: mataas na puno punong mataas ngiping maputi


matigas na ulo ulong matigas ibong maliit
malalang sipon sipong malala kalayaang nawala

3) Pang-ukol – nag-uugnay sa pangngalan sa iba pang salita sa pangungusap; may dalawang uri
– pang-ugnay ng pangngalang panao at pangngalang hindi panao.
mga pang-ukol: ni/nina, kay/kina, laban kay/sa, ayon kay/sa, para sa/kay, alinsunod sa/kay,
ukol sa/kay, tungkol sa/kay, ukol sa/kay, hinggil sa/kay, dahil sa/kay, sa/sa mga, ng/ ng mga.

Halimbawa: Naligo kami sa ilog.


Kumain ng mangga si Joy.
Nananaliksik sila tungkol sa pagbasa.
Nagtatanong kami tungkol kay Ben.

Pangalan:____________________ Iskor:_____________
Petsa:______________

PAGTATAYA:
Gawain 1: Sino sa mag-ama sa kuwento ang nagpakita ng tunay na pagpapahalaga sa pamilya?
Sa kaibigan? Bakit? Sagutin ang tanong sa tulong ng graphic organizer “My thought, my
feeling, my action.”
FILIPINO 7 Page 32
COLLEGES OF SCIENCE AND TECHNOLOGY INC.
Central West, Bauang, La Union

Gawain 2: Suriin at ibuod ang maikling kwentong binasa gamit ang Banghay ng isang
Maikling Kwento.

KASUKDULAN

FILIPINO 7 Page 33
COLLEGES OF SCIENCE AND TECHNOLOGY INC.
Central West, Bauang, La Union

KASIGLAT NA KASIGLAHAN KAKALASAN

SIMULA WAKAS

Gawain 3: Tukuyin kung anong pangatnig ang ginamit sa bawat pangungusap at kilalanin ang
uri ng pangatnig na ito. Isulat ang tamang sagot sa patlang bago ang bilang.

_____________________1. Idiniin ko nang maigi ang nakadikit kong mukha sa salamin upang
makita nang maayos ang mga makukulay na laruan.
_____________________2. Mabilis akong umilag ngunit huli na nang mabangga niya ako at
tumilapon kami sa daan.
_____________________3. Nabitawan niya ang binibitbit na maitim na bag dahil sa
pagmamadali niya.
_____________________4. Kung hindi dahil sa iyo hinding-hindi ko makukuha ulit ang bag
ko.
_____________________5. Inayos ko ang buhok ko’t ipinagpag ang pantalon.

PANGHULING PAGTATAYA:
Pangalan:____________________ Iskor:_____________
Petsa:______________

Panuto: Basahin at unawaing mabuti ang bawat tanong at piliin ang titik na kumakatawan sa
pinakaangkop na sagot. Isulat ang tamang sagot sa patlang bago ang sagot.

1. Inalog ko ang baryang matagal nang nakaimbak sa bulsa ng aking kupas na pantalon habang
nakadikit ang aking mukha sa salamin sa labas ng tindahan ng mga laruan. Sumimangot ang
aking mukha nang makita ang nakatayong karatula ng presyo. Inalog ko ulit ang aking bulsa,
kinapa ang kakaunting barya sa isang araw kong pagtitinda at paglalako ng dyaryo at sampagita
malapit sa simbahan. Nakabenta ako ng marami ngayong araw na ito. Subalit ang hilaw na
tunog ng baryang inalog ko ay hindi yata kakasya sa singkuwenta pesos na nakasulat sa karatula
ng mga laruang kanina ko pa minamasdan.

FILIPINO 7 Page 34
COLLEGES OF SCIENCE AND TECHNOLOGY INC.
Central West, Bauang, La Union

Anong bahagi at elemento ng kuwento ang binibigyang-tuon sa talata sa itaas?


a. simula-suliranin b. kasukdulan-tauhan
c. wakas-resolusyon d. simula-tauhan

2. Anong uri ng pangungusap na walang tiyak na paksa ang pahayag na ito, “May bahaghari.”?
a. penomenal b. eksistensyal c. pormularyong panlipunan d. sambitla

3. Papaano magiging makabuluhan sa kabataang Pilipino na pag-aralan ang mga panitikan mula
sa Mindanao kaugnay ng pag-unawa sa mga Mindanaoan?
a. Upang maging ganap ang pagtalakay sa mga panitikan ng Pilipinas
b. Upang mabatid nilang tama ang kanilang persepsyon sa mga taga-Mindanao
c. Upang dumami ang mga panitikang Mindanao na malalathala sa kasalukuyan
d. Upang matutuhan nila ang ugat ng mga pag-uugali ng mga tao sa Mindanao

4. Bakit mahalagang maunawaan ng mga Pilipino ang buhay at kultura ng mga mamamayan sa
Mindanao?
a. Nang sa gayon ay mabatid nila ang epekto ng digmaan sa Mindanao
b. Nang makilala nila ang magagandang tanawin sa Mindanao
c. Nang masuri nila ang pamamahala ng gobyerno sa Mindanao
d. Nang maunawaan nila ang mga kababayan sa Mindanao

5. Paano makabuluhan ang papel sa panitikan ng Mindanao ang kababaihan kaugnay ng mga
nagaganap na digmaan?
a. Hindi nabibigyang-tuon ng kababaihan dahil pulos lalake ang namamagitan sa iba’t ibang
usapin sa Mindanao.
b. Inilalahad nila ang uri ng pamumuhay mayroon sa Mindanao.
c. Mahalaga ang papel na ginagampanan ng kababaihan sa usapin ng kapayapaan sa Mindanao.
d. Sila ang nagiging biktima ng digmaan at hidwaan.

6. Ano ang dapat mabatid ng mga Pilipino sa kanilang sarili kaugnay ng mga suliranin sa
Mindanao?
a. Makilala nila ang kanilang sarili bilang salik ng pag-unlad ng Mindanao.
b. Mapayayaman ang kanilang kaalaman ukol sa Mindanao.
c. Matutuhan nila ang iba’t ibang kultura ng Mindanao.
d. Nakaaapekto ang Mindanao sa turismo at ekonomiiya ng bansa.

7. Paano inilarawan sa mga panitikang Mindanao ang suliraning pangkapayapaan?


a. Marami itong magagandang tanawin na maaaring pasyalan.
b. May iba’t ibang kultura ang mamamayan dito.
c. Pangkaraniwan ang digmaan sa lahat ng bahagi ng Mindanao.
d. Bunga ng mga pangyayari sa kasaysayan ang kasalukuyang hidwaan sa Mindanao.

8. Mayaman ang pamilya Cruz ______________ naghihikahos sa hirap ang pamilyang Lopez.
a. sakaling b. samantalangc. kapag d. kung

9. Ang bayaning nasusugatan, nag-iibayo ang tapang.


Ano ang bunga sa pangungusap?
a. bayaning nasusugatan b. nag-iibayo ang tapang
c. ang tapang d. ang bayani

10. Kapag may isinuksok, may madudukot.


Alin sa mga sumusunodna paliwanag ang angkop na nakapaloob sa nabanggit na salawikain?

FILIPINO 7 Page 35
COLLEGES OF SCIENCE AND TECHNOLOGY INC.
Central West, Bauang, La Union

a. Kapag may nailagay ay may makukuha.


b. Maraming pera sa bahay dahil may sariling negosyo ang magulang.
c. Mag-aksaya ng pera dahil may ipong malaki sa bangko ang magulang,
d. Kapag marunong mag-ipon, sa oras ng kagipita’y may mapagkukunan.

II. Panuto: Basahin at suriin ang mga salawikain na nasa loob ng kahon. Tukuyin ang
inilalahad na sanhi at bunga nito sa dalawang magkabilaang kahon sa gilid at ipaliwanag ito.
Isulat ang sagot sa sagutang papel.

SANHI BUNGA

Habang maiksi ang


kumot, matutong
mamaluktot.

PALIWANAG:
_____________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________

SANHI BUNGA

Ang Lumakad ng matulin,


kung matinik ay malalim.

PALIWANAG:

FILIPINO 7 Page 36
COLLEGES OF SCIENCE AND TECHNOLOGY INC.
Central West, Bauang, La Union

_____________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________

EBALWASYON O AKTIBIDAD NA PAGGANAP:

PAGSASAGAWA NG ISANG MALIKHAING TRAVEL BROCHURE


Travel brochure- madalas gamitin ng mga turista upang maging gabay sa paghahanap ng lugar
na nais puntahan.
Dito nakalagay ang iba’t ibang magagandang pasyalan sa lugar.

Dapat Isaalang-alang sa Paggawa

1. Nakapupukaw-pansin na pabalat
2. Alamin ang target audience
3. Payak at malinaw na nilalaman

Mga Nilalaman ng Isang Travel Brochure

1. Introduksiyon o Panimula- maglalarawan sa lugar ukol sa kasaysayan.


2. Lokasyon ng mga prominente o kilalang pasyalan- may kasamang mapa o paraan kung
paano ito pupuntahan. Di dapat kaligtaan ang paglalagay ng mga lugar na may makatawag
pansin na outdoor activities.
3. Lugar kung saan maaaring kumain at magpahinga
4. Mga larawan ng mga lugar na maaaring pasyalan, kainan at mapagpahingaan
5. Halaga ng taransportasyon at iba pang bilihin

 Maari din kayong gumamit ng ACRONYMS sa paggawa ng Travel brochures

Gumawa ng isang malikhaing travel brochure na tumatalakay sa Mindanao


(kasaysayan, kultura, paniniwala at pasyalan sa lugar). Kung maari o hinihikayat ko
kayong gumamit ng mga recycle na materyales na makikita na lamang sa tahanan.
RUBRIK SA PAGMAMARKA

RUBRIK SA Katangian 5 4 3 2
PAGMAMARKA
PAMANTAYAN
MASAKLAW Sapat ang sakop na mga impormasyong
NA NILALAMAN (pangkasaysayan, kultural, pang-ekonomiya at
panturismo) inilalahad kaugnay ng itinatampok
na rehiyon sa Mindanao bilang tunguhing
panturismo.

FILIPINO 7 Page 37
COLLEGES OF SCIENCE AND TECHNOLOGY INC.
Central West, Bauang, La Union

PAGKAMALIKHAIN Orihinal ang pagkakasulat sa teksto dahil


gumamit ng iba’t ibang matatalinhaga at
malikhaing pagpapahayag, mapang-akit ang
panimula’t wakas, at nagsanib ng mga tekstong
hinalaw mula sa mga panitikan ng itinatampok
na rehiyon.
Orihinal na gawa at ginamitan ng recycle
materials
KAPAKI-PAKINABANG Praktikal para sa Mindanao ang inilahad na
NA AGENDA agendang panturismo sa itinatampok na rehiyon
MABISANG Malinaw ang ginawang paglalahad at
PAGPAPAHAYAG paglalarawan sa iba’t ibang impormasyon
kaugnay ng itinatampok. May kaisahan ang
daloy ng mga pahayag sa kabuuan.
GAMIT ANG WIKA Mahusay ang pagkakagawa dahil sinusunod ang
mga alintuntuning panggramatika (baybay,
bantas, gamit ng salita, pangungusap) sa lahat ng
pagkakataon.

Mga Pinaghanguan o Sanggunian:


Acosta, Mercy T. et al. Banyuhay 7. KLEAFS Publishing 2018.

https://vdocuments.mx/asignatura-na-filipino-ang-mabuting-anting-anting-makapaghanda-na-
ang-magkakapatid.html
https://www.kapitbisig.com/philippines/tagalog-version-of-folktales-mga-kuwentong-bayan-
nakalbo-ang-datu-kuwentong-bayan-folktale_594.html
http://angela-akademika.blogspot.com/2011/08/ang-matalinong-pilandok.html?m=1
https://epikongpersiyanoblog.wordpress.com/paraan-ng-pagpapahayag-ng-emosyon-o-
damdamin/
https://www.scribd.com/doc/185050802/Ang-Alamat-Ng-Mindanao
https://charlenemacaraig.wordpress.com/2016/11/25/pangungusap-na-walang-paksa/
https://www.kapitbisig.com/philippines/tagalog-version-of-epics-mga-epiko-tulalang-epiko-ng-
manobo_1036.html
https://www.google.com/url?sa=t&source=web&rct=j&url=https://peac.org.ph/wp-
content/uploads/2019/10/FilipinoGr7Qtr1-Reg.pdf&ved=2ahUKEwjp
8TLupTrAhUlL6YKHdutBGIQFjAAegQIARAB&usg=AOvVaw1m4wxWNHBkgrwKCPnOQ
vsN
http://www.slideshare.net/JenitaGuinoo/proyektong-panturismo-travel- brochure?
from_m_app=adroid

Repleksyon:
Pagkatapos ng modyul na ito, natutunan ko ang mga
_____________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________
FILIPINO 7 Page 38
COLLEGES OF SCIENCE AND TECHNOLOGY INC.
Central West, Bauang, La Union

_____________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________
____.

FILIPINO 7 Page 39

You might also like