You are on page 1of 13

KONTEKSWALISADONG

KOMUNIKASYON SA FILIPINO
EDRIN ROY C. SY
GURO, HUMANIDADES AT AGHAM PANLIPUNAN
PATUNGKOL SA GURO

EDRIN ROY C.SY, LPT ay isang lisensyadong guro na kasalukuyang nagtuturo sa La Union Colleges of Science and
Technology Inc., Bauang, La Union. Siya ay kasulukuyang nagtuturo ng mga asignaturang may kaunagyan sa
Humanidades at Agham Panlipunan kagaya ng Filipino at Panitikan, Kasaysayan, Pulitika at Konstitusyon at iba mga
asignatura sa high school at kolehiyo sa loob ng humigit kumulang tatlong taon. . Siya ay nagtapos ng kursong Batsilyer
ng Sining sa Agham Pampulitika (AB Political Science) sa Don Mariano Marcos Memorial State University Mid La Union
Campus noong taon 2014. Siya rin ay nagtapos ng kursong Sertipiko sa Pagtuturo sa Don Mariano Marcos Memorial
State University Open University System noong 2015 at pumasa sa Pambansang Pagsusulit ng mga Guro noong Marso
2016 na idinaos sa Siyudad ng Baguio. Nagtapos din sya ng Diploma sa Pangangasiwa sa Lokal at Rehiyonal na
Pamahalaan (Diploma in Local Government and Regional Administration) nito lamang Mayo 2020 at kasulukuyang
kumuha ng kanyang Masteral sa Pangangasiwa sa Kaunlaran (Master in Development Administration) sa Don Mariano
Marcos Memorial State University Open University System.
MGA MANDATONG
BATAS SA PAG
AARAL NG FILIPINO
FILIPINO BILANG ISANG
DISIPLINANG PANG AKADEMIKO
Noong taong 2017, ang mga guro ng Filipino ay nakaranas ng labis na
pagkabahala sa desisyon ng Commission on Higher Education dahil sa
moratorium nito na hindi na maituturo bilang asignatura ang Filipino at
Panitikan sa kolehiyo bagkus ito ay pagpapayabungin nalang sa Senior High
School ang pagtuturo at paglinang ng asignaturang ito. Kalakip ng desisyon ng
nasabing komisyon ay lumabas mula dito ang memorandum na nagsasaad na
hindi kasali ang Filipino bilang GENED Subject sa kolehiyo at ito ay ang CMO
20 series of 2013.
Bunsod nito, gumawa ng mga hakbang ang Komisyon ng Wikang Filipino (KWF)
at mga Kapisanan ng mga Guro sa Filipino kasama na ang National Historical
Commission upang hindi maalis ang Filipino sa Kolehiyo bilang disiplina sa
larangan ng Humanidades. Kasabay ng kanilang protesta at adhikaing
mapanatili ang asignatura dito na buo ang CMO 57 series of 2017
(memorandum na nagsasabing dapat mapanatili ang Filipino at Panitikan bilang
GENED subjects.
CHED MEMORANDUM ORDER 20
series of 2013 (CMO 20 s. 2013)
Napasinayan ang memoranda na ito noong taong 2013
habang nirerepaso ang bagong kurikulum ng mga mag
kokolehiyo sa taong 2016 (sila yung mga unang batch na
nagtapos ng k to 12 senior high school curriculum.
Kalakip ng batas na ito ang bagong GENED subjects minor
na asignatura ng mga mag aaral sa kolehiyo.
Hindi nakapaloob dito ang Filipino at Panitikan bilang isang
asignatura.
36 na yunits ang bilang na kredit para sa asignatura sa
bagong GENED subjects.
MGA ASIGNATURANG NAKAPALOOB
SA CMO 20 series of 2013
Readings in Philippine History/ Mga babasahin hinggil sa Kasaysayan
ng Pilipinas
Contemporary World/ Ang Kontemporaryung Mundo
Ethics/ Etika
Mathematics in the Modern World/ Matemika sa Makabagong Mundo
Science, Technology and Society / Agham, Teknolohiya at Lipunan
Arts Appreciation/ Pagpapahalaga sa Sining
Purposive Communication/ Malayuning Komunikasyon
MGA ASIGNATURANG NAKAPALOOB SA CMO 20
series of 2013 (ELECTIVE SUBJECTS)
Mga Asignaturang nabibilang sa mga sumusunod na klaster:
a. Mathematics, Science and Technology- LIVING IN THE ICT ERA
b. Humanities- RELIGION AND RELIGIOUS BELIEF, PHILIPPINE
INDIGENOUS
c. Social Sciences- GENDER AND SOCIETY
MGA ASIGNATURANG NAKAPALOOB SA CMO
20 series of 2013 (MANDATED SUBJECTS)
1. Physical Education 1-4
2. RA 1425: Life and Works of Dr. Jose Rizal
3. RA 9163: National Service Training 1-2
(CWTS, ROTC and LTS)
CHED MEMORANDUM ORDER 57
series of 2017 (CMO 57 s. 2017)
Nakapaloob sa memorandum na ito ang mga bagong asignatura sa
Filipino na matatalakay sa kolehiyo.
Nakapaloob dito na ang mandatong 9 yunits na Filipino at 6 yunits na
Panitikan bale ang kabuuan ay 15 yunits.
Isinilang ang memorandum na ito noong nagpasa ng MOTION for
RECONSIDERATION sa korte Suprema ang grupo ng KWF at mga
kapisanan ng mga Guro sa Filipino upang tigilan ang pag alis tuluyan
ng CHED sa Filipino bilang isang disiplinang pinagdadalubhasaan.
Aniya ng grupong ito, ito raw labag sa saligang batas 1987 at tahasang
pinapatay nito ang diwang maka-bayan at makabansa ng mga mag
aaral na Filipino.
MGA ASIGNATURANG NAKAPALOOB SA
CMO 57 series of 2017 (MANDATED
SUBJECTS)
FILIPINO 1- Kontekswalisadong Komunikasyon sa Filipino
FILIPINO 2-Filipino sa Iba’t Ibang Disiplina
FILIPINO 3- Dalumat sa Filipino
PANITIKAN 1- Sosyedad at Literatura/ Panitikang Panlipunan
PANITKAN 2-Sinesosyal/ Pelikulang Panlipunan
KURIKULUM NG FILIPINO PAULIT ULIT NGA BA??
SENIOR HIGH SCHOOL KOLEHIYO
Komunikasyon at Pananaliksik sa Wika at Kulturang Kontekswalisadong Komunikasyon sa Filipino
Filipino
Pagbasa at Pagsusuri sa Ibat Ibang Disiplina Filipino sa Ibat Ibang Disiplina
Dalumat sa Filipino
21ST Century Literature from the Philippines and to Sosyedad at Literatura/ Panitikang Panitikang
the World Panlipunan

Sinesosyal Pelikulang Panlipunan


DAHILAN NG MUNTIK NA SANANG PAG ALIS NG
ASIGNATURANG FILIPINO SA KOLEHIYO.
Redundant o paulit- ulit nalang daw ang Filipino at nakuha na ito mula
pa noong nasa SHS.
Maaari namang maituro ang ibang GENED subjects sa Tagalog.
MARAMING
SALAMAT PO SA
PAKIKINIG !!

You might also like