You are on page 1of 62

Mga Posisyong Papel

Hinggil sa Filipino at
Panitikan sa Kolehiyo

MAGPATULOY
Nilalaman

BUMALIK SUNOD
Panimula
Mga Layunin
Lunsaran
Mga Posisyong Papel Hinggil sa Filipino at Panitikan
sa Kolehiyo
Talasanggunian

BUMALIK SUNOD
Panimula

BUMALIK SUNOD
Pagbabago sa Sistemang Pang-edukasyon ng Bansa
⮚ umani ng samo’t saring reaksyon lalo’t higit sa usapin ng
pagtatangkang tanggalin ang mga asignatura sa Filipino at
Panatikan sa kolehiyo
⮚ iba’t ibang institusyon at mga makawikang organisasyong ang
nagpahayag ng kani-kanilang tindig at nagpaabot ng kanilang
pagtutol sa mga hakbanging ito at nagbunsod sa pagtatatag ng
Tagapagtanggol ng Wikang Filipino (Tanggol Wika)
⮚ ilang prominenteng paaralan din ang nagpahayag ng kanilang
pagsuporta sa layunin ng grupo sa pamamagitan ng posisyong
papel na nagpapahayag ng pangangailangang maibalik ang mga
naturang asignatura sa kuriulum ng kolehiyo

BUMALIK SUNOD
Mga Layunin

BUMALIK SUNOD
Matapos ng pagtalakay sa paksang ito, ang mga mag-aaral ay
inaasahang:
1. makilala ang mga makawikang organisasyon at institusyong
nakipaglaban para maibalik ang mga asignaturang Filipino at
Panitikan sa kolehiyo;
2. mapalalim ang pag-unawa sa malaking gampanin ng Filipino
at Panitikan sa buhay at pag-unlad ng mga Pilipino; at
3. makapagpahayag ng sariling tindig hinggil sa muling
pagsasama sa Filipino at Panatikan sa kurikulum ng kolehiyo
gamit ang modernong midya.

BUMALIK SUNOD
Lunsaran

BUMALIK SUNOD
Panoorin ang mga sumusunod na video kaugnay ng CMO No.
20, Series of 2013:
• https://www.youtube.com/watch?v=sLJsYViUzGQ
• https://www.youtube.com/watch?v=Jq82Kvl39vo
• https://www.youtube.com/watch?v=EYiNkGBB8Q8

BUMALIK SUNOD
BUMALIK SUNOD
Pagtalakay:
1. Ano ang iyong pananaw sa CMO No. 20, Series of 2013?
2. Sang-ayon ka ba sa pag-aalis ng Filipino at Panitikan sa
kolehiyo? Ipaliwanag ang sagot.
3. Paano makaaapekto ang pag-aalis ng Filipino at Panitikan sa
kolehiyo sa patuloy na intelektwalisasyon, pagtataguyod, at
pagmamahal ng/sa wikang Pambansa?

BUMALIK SUNOD
Mga
Posisyong Papel
Hinggil sa Filipino at
Panitikan sa Kolehiyo
BUMALIK SUNOD
❖ Pambansang Samahan sa Linggwistika at Literaturang Filipino
(PSLLF)
❖ National Commission on Culture and the Arts-National Committe
e on Language and Translation
(NCCA-NCLT)
❖ Komisyon sa Wikang Filipino (KWF)
❖ Departamento ng Filipino ng De La Salle University, Manila
❖ Ateneo de Manila University
❖ Kolehiyo ng Arte at Literatura ng UP, Diliman
❖ Polytechnic University of the Philippines
❖ Pambansang Sentro sa Edukasyong Pangguro ng PNU
❖ Iba Pang Unibersidad
❖ Organisasyong Pangkabataan
BUMALIK SUNOD
Pambansang Samahan sa
Linggwistika at
Literaturang Filipino
(PSLLF)
BUMALIK SUNOD
⮚ sumulat ng isa sa pinakaunang posisyong papel na
nagtataguyod sa pagpapanatili ng Filipino at Panitikan sa
kolehiyo (Mayo 31, 2013)
⮚ nasa ilalim ng pamumuno ni Dr. Aurora Batnag, dating
direktor sa Komisyon sa Wikang Filipino (KWF)

BUMALIK SUNOD
⮚ pinamagatang “PAGTIYAK SA KATAYUANG
AKADEMIKO NG FILIPINO BILANG ASIGNATURA SA
ANTAS TERSYARYA” ang nasabing resolusyon na inilakip
ng PSLLF sa isang posisyong papel na isinumite sa CHED
noong 2014.
⮚ pangunahing inakda ni Dr. Lakandupil Garcia (noo’y isa sa
mga opisyal ng PSLLF)

BUMALIK SUNOD
⮚ ekpresyon ng kolektibong reaksyon ng mga guro sa patuloy
na pagkalat ng balita na wala na sa bagong kurikulum ng
kolehiyo ang asignaturang Filipino
⮚ pangunahing nilalaman ng nasabing resolusyon ang
paggigiit ng mga guro na hindi dapat patayin ang
asignaturang Filipino sa kolehiyo sapagkat “sa antas
tersyarya nagaganap at lubhang nalilinang ang
intelektwalisasyon ng Filipino sa pamamagitan ng
pananaliksik, malikhaing pagsulat, pagsasalin, pagsasalitang
pangmadla at kaalamang pangmidya

BUMALIK SUNOD
⮚ Inilahad din ng PSLLF ang mga argumentong maka-Filipino
sa konteksto ng globalisasyon sa isang bukod na posisyong
papel na inilabas noong 2014 na….
“…sa panahon ng patuloy na globalisasyon at ng napipintong
Association of Southeast Asian Nations (ASEAN) Integration,
nararapat lamang na patibayin ng mga Pilipino ang sariling wika at
panitikan, upang makapag-ambag ang mga ito sa proyekto ng global
at rehiyonal na integrasyong sosyo-kultural. Samakatwid, ang
pagpapalakas ng wika at panitikang Filipino sa lahat ng antas ng
edukasyon ay paghahanda rin para sa ASEAN Integration at sa
patuloy na globalisasyon....

BUMALIK SUNOD
⮚ Inilahad din ng PSLLF ang mga argumentong maka-Filipino
sa konteksto ng globalisasyon sa isang bukod na posisyong
papel na inilabas noong 2014 na….
“…Mahalagang ambag sa edukasyong sosyo-kultural ng maraming
estudyanteng inaasahang darating at mag-aaral sa Pilipinas mula sa
mga kasapi ng ASEAN at iba pang bansa, ang asignatura sa wika,
kultura at identidad ng Pilipinas. Sa panahong ito ng globalisasyon,
higit na kailangan ang pagpapanatili ng wika at panitikang Filipino
sa lahat ng antas ng pag-aaral upang patatagin at pagyamanin ang
ating pagka-Pilipino.”

BUMALIK SUNOD
⮚ Idinagdag pa ng PSLLF ang ugnayan ng wikang pambansa
at ng holistikong paghubog sa mga mamamayang
Pilipino….
“…lagpas pa sa pag-aambag sa kultura ng daigdig, ang pagtuturo ng
wika at panitikang Filipino ay paggigiit ng espasyo para sa
humanidad ng mga Pilipino. Ang ating wika at panitikan ay salamin at
tagapagpahayag ng ating mga hinaing, kasawian, tagumpay,
kasiyahan, hinanakit, sama ng loob, pangarap, pag-asa, at iba pang
damdaming nagbibigay sa atin ng lakas upang humakbang mula rito
patungo sa dako pa roon na hinaharap. Ang pagkakait ng espasyo
para sa wika at panitikang Filipino ay pagkakait ng espasyo para sa
ating pagkatao at pagiging tao.”

BUMALIK SUNOD
⮚ Inilahad din ng PSLLF na ….
“…ang pagtuturo sa wikang pambansa bilang required na asignatura
sa kolehiyo, bukod pa sa paggamit nito bilang pangunahing wikang
panturo ay ginagawa rin sa iba pang bansang nagpapatupad ng
sistemang K to 12 gaya ng Malaysia, Indonesia, at Estados Unidos.”

BUMALIK SUNOD
⮚ Detalyado ring ipinaliwanag ng PSLLF ang historikal na
paninindigan para sa bilinggwalismong pabor sa wikang
pambansa….
“Naninindigan ang aming organisasyon na gamitin ang wikang
Filipino bilang mandatory na wikang panturo sa 12 yunit sa bagong
General Education Curriculum (GEC), bukod pa sa asignaturang
Rizal. Ang ganitong paninindigan ay alinsunod sa patakarang
bilinggwal sa edukasyon na ipinatupad sa pamamagitan ng
Department Order No. 25, Series of 1974 ng Department of
Education, Culture, and Sports (DECS) na hanggang ngayo’y
operatibo at may bisa mula Baitang 4 hanggang antas tersyarya…

BUMALIK SUNOD
⮚ Detalyado ring ipinaliwanag ng PSLLF ang historikal na
paninindigan para sa bilinggwalismong pabor sa wikang
pambansa….
“…Alinsunod sa nasabing dokumento, ang wikang pambansa ang
dapat maging wikang panturo sa ‘social studies/social sciences, music,
arts, physical education, home economics, practical arts, at character
education.’ Katunayan, maraming asignatura sa larangan ng agham
panlipunan sa kolehiyo ang matagal nang itinuturo sa Filipino…

BUMALIK SUNOD
⮚ Detalyado ring ipinaliwanag ng PSLLF ang historikal na
paninindigan para sa bilinggwalismong pabor sa wikang
pambansa….
“…Iminungkahi namin na palawakin pa ang saklaw ng Filipinisasyon
ng wikang panturo sa kolehiyo sa pamamagitan ng mandatory na
paggamit nito sa 12 yunit sa bagong GEC. Ang pagpapalawak sa
paggamit ng Filipino bilang wikang panturo sa kolehiyo ay alinsunod
din sa Artikulo XIV, Seksyon 3 ng Konstitusyong 1987….Hinggil
naman sa pagkakaroon ng asignaturang Filipino bilang mandatory
core course sa kolehiyo, sumusuporta kami sa pagkakaroon ng 9 na
yunit ng asignaturang Filipino na may multi/interdisiplinaring
disenyo.”

BUMALIK SUNOD
National Commission on
Culture and the Arts-
National Committee on
Language and Translation
(NCCA-NCLT)
BUMALIK SUNOD
⮚ pinagtibay noong Mayo 23, 2014 ang isang resolusyon na
humihiling sa Commission on Higher Education (CHED), at
sa kongreso at senado ng Republika ng Pilipinas, na agarang
magsagawa ng mga hakbang upang isama sa bagong
General Education Curriculum(GEC) sa antas tersyarya ang
mandatory na 9 yunit ng asignaturang Filipino
⮚ naging titis ng malawakang media coverage tungkol sa
tangka ng CHED na paslangin ang Filipino at Panitikan sa
Curriculum.

BUMALIK SUNOD
⮚ binigyang-diin na… “puspusan lamang masusunod ang
Konstitusyong 1987 sa paggamit ng Filipino bilang midyum
ng opisyal na komunikasyon, at bilang wika ng pagtuturo sa
sistemang pang-edukasyon kung mananatili sa antas
tersyarya ang asignaturang Filipino…”
⮚ ang lupon ng mga komisyoner ng NCCA ay naglabas din ng
isang bukod na resolusyon noong 2014 para “puspusang
imungkahi sa CHED na gawing kautusan ang pagtuturo sa
Filipino ng tatlong asignaturang pangkolehiyo sa level ng
edukasyong heneral” sa kolehiyo

BUMALIK SUNOD
Komisyon sa Wikang
Filipino (KWF)

BUMALIK SUNOD
⮚ inilabas naman ng KWF (Hunyo 20, 2014) ang “kapasyahan
ng kalupunan ng mga komisyoner blg. 14-26 serye ng
2014…na naglilinaw sa tindig ng Komisyon sa Wikang
Filipino hinggil sa Commission on Higher Education
(CHED) Memorandum No. 20, s. 2013

BUMALIK SUNOD
⮚ tila nakatuon sa sitwasyon ng Filipino bilang wikang
panturo na naggigiit ng “pagtuturo ng siyam (9) na yunit sa
Wikang Filipino, na hindi pag-uulit lamang ng mga sabjek
sa Filipino sa antas sekundarya, kundi naglalayong magamit
at maituro ang wika mula sa iba’t ibang disiplina – na
pagkilala sa Filipino bilang pintungan ng karunungan at
hindi lamang daluyan ng pagkatuto, at upang matiyak ang
pagpapatuloy ng intelektwalisasyon ng Filipino” at
pagtitiyak na “kalahati o apat (4) sa panukalang Core
Courses, bukod sa kursong Rizal, na nakasaad sa
Memorandum Order Blg. 20, s. 2103 ay ituro gamit ang
Wikang Filipino.”

BUMALIK SUNOD
⮚ ang kabuuang layunin ng resolusyon ng KWF: suportahan
ang panawagan ng mga samahang pangwika hinggil sa
pagbuhay ng mga asignaturang Filipino sa kolehiyo sa
paggamit din ng Filipino bilang wikang panturo sa iba pang
asignatura

BUMALIK SUNOD
Departamento ng Filipino De
La Salle University, Manila

BUMALIK SUNOD
⮚ inilathala ang posisyong papel na pinamagatang
“Pagtatanggol sa wikang Filipino, tungkulin ng bawat
Lasalyano” noong Agosto 2014
⮚ ipinakita ang kahalagahan ng pagtataguyod sa wikang
Filipino bilang batayan ng pagpapalakas ng ugnayan ng
akademya o mga unibersidad at ng sambayanang Pilipino sa
pamamagitan ng pagbibigay-diin na “ang pagkakaroon ng
asignaturang Filipino ay nakapag-aambag sa pagiging
mabisa ng community engagement ng ating pamantasan
sapagkat ang wikang Filipino ang wika ng mga ordinaryong
mamamayan sa mga komunidad na ating pinaglilingkuran

BUMALIK SUNOD
⮚ Ang pagpapalakas sa ugnayan ng ating pamantasan at ng
mga ordinaryong mamamayan ay alinsunod sa bokasyon ni
San Juan Bautista De La Salle na nagsikhay sa paggamit ng
wika ng mga ordinaryong mamamayan sa edukasyon.
⮚ Dapat bigyang-diin na ang Filipinisasyon ng mga
pananaliksik ng iba’t ibang departamento at kolehiyo sa
pamantasan ay makatutulong din nang malaki sa pagtitiyak
na ang ating mga pananaliksik ay higit na magiging kapaki-
pakinabang sa ating mga kababayan.”

BUMALIK SUNOD
⮚ Inilahad din ng nasabing posisyong papel ang praktikal na
kabuluhan ng pag-aaral ng Filipino para sa komunikasyong
akma sa sitwasyon ng bansa: “…sa pamamagitan ng
asignaturang Filipino sa DLSU, inaasahang may sapat na
katatasan sa wikang pambansa ang sinumang gradweyt ng
Pamantasang ito sa pakikipagtalastasan sa iba’t ibang
pangangailangan o kontekstong pangkomunikasyon, pang-
akademiko man o pangkultura, tulad ng nililinang sa iba’t
ibang pamantasan.”

BUMALIK SUNOD
⮚ Sa kongklusyon, iginiit ng Departamento ng Filipino ng
DLSU, Manila na “ang adbokasiyang ito’y pagsasalba sa
kolektibong identidad, sa salamin ng ating kultura, sa
daluyan ng diskursong pambansa, at pagtataguyod ng
nasyonalistang edukasyon na huhubog ng mga estudyanteng
magiging mga kapaki-pakinabang na mamamayan ng ating
bansa.”

BUMALIK SUNOD
Ateneo de Manila University

BUMALIK SUNOD
⮚ pinamagatang “Ang Paninindigan ng Kagawaran ng Filipino
ng Pamantasang Ateneo de Manila sa Suliraning
Pangwikang Umuugat sa CHED Memorandum Order No.
20, Series of 2013”

BUMALIK SUNOD
⮚ Binigyang-diin na ang pagkakait ng espasyo sa Filipino ay
pagkakait din ng espasyo para sa iba pang wika ng bansa.
“Hindi lamang midyum ng pagtuturo ang Filipino. Isa itong
disiplina. Lumilikha ito ng sariling larang ng karunungan na
nagtatampok sa pagka-Filipino sa anumang usapin sa loob at
labas ng akademya.

BUMALIK SUNOD
⮚ Dapat patuloy na ituro ang Filipino sa antas tersyarya at
gradwado bilang integral na bahagi ng anumang edukasyong
propesyonal....
⮚ Ang banta na alisin ang Filipino sa akademikong konteksto
ay magdudulot ng ibayong pagsasalaylayan o
marhinalisasyon ng mga wika at kulturang panrehiyon.

BUMALIK SUNOD
⮚ Kakabit ng pag-aaral ng Filipino bilang disiplina ang
pagtatanghal at paglingap ng mga wika at kultura ng bayan.
Hindi dapat mawala ang wikang panrehiyon sa diskursong
akademiko.
⮚ At lalong hindi dapat pagsabungin ang mga wika. Sa halip,
dapat maging mapagmatyag laban sa mga tao at institusyong
ginagamit ang kasalukuyang isyung pangwika upang itangi
ang sarili at kanilang interes.”

BUMALIK SUNOD
Kolehiyo ng Arte at
Literatura
Unibersidad ng Pilipinas,
Diliman

BUMALIK SUNOD
⮚ Binigyang-tuon ng posisyong papel ng UP ang kahalagahan
ng Filipino sa komunikasyong panloob, bilang wikang “susi
ng kaalamang bayan.”
⮚ Ayon sa nasabing posisyong papel, “nasa wika ang
pagtatanyag ng kaalamang lokal – mga kaalamang patuloy
na hinuhubog at humuhubog sa bayan. Sariling wika rin ang
pinakamabisang daluyan para mapalaganap ang dunong-
bayan at kaalamang pinanday sa akademya.

BUMALIK SUNOD
⮚ Layunin dapat ng edukasyon ang humubog ng mga mag-
aaral na tutuklas ng dunong-bayan na pakikinabangan ng
bayan.
⮚ Gawain ng mga guro sa Filipino sa antas tersyarya ang
sanayin ang mga mag-aaral na gamitin ang wikang Filipino
upang gawing kapaki-pakinabang ang napili nilang disiplina
sa pang-araw-araw na buhay ng mga mamamayan.
⮚ Kailangang matutong magpaliwanag at makipagtalastasan
sa wikang Filipino upang mapakinabangan ng mamamayan
ang kanilang kaalaman.”

BUMALIK SUNOD
Polytechnic University of the
Philippines, Manila

BUMALIK SUNOD
⮚ Inilathala ang “Paninindigan ng Kagawaran ng Filipinohiya
ng Politeknikong Unibersidad ng Pilipinas (PUP), Samahan
ng mga Batang Edukador ng Wikang Filipino at mga Sining
sa Pilipinas, PUP Sentro ng Maikhaing Pagsulat, at PUP
Ugnayan ng Talino at Kagalingan” noong 2014.

BUMALIK SUNOD
⮚ Malinaw rin sa iisang tinig ng mga taga-PUP ang
kahalagahan ng wikang Filipino bilang wika ng
pakikipagtalastasan ng mga Pilipino, gaya ng inilahad nila sa
pangwakas ng kanilang posisyong papel.

BUMALIK SUNOD
⮚ “Umiiral sa realidad sa Pilipinas na ang Filipino ay wikang
panlahat. Nandyan ito, umiiral at ginagamit sa araw-araw na
pakikipagtalastasan ng mga Pilipino. Mga Pilipino ang
kusang tumanggap nito bilang wikang pambansa at naging
katangi-tangi ang tatag nito dahil ito ang identidad ng
lipunang Pilipino. Mahalaga ang pagpapaunlad nito sa
bawat Pilipino, kaya kung ihihiwalay sa mga mag-aaral ng
kolehiyo sa Pilipinas ang patuloy na pag-aaral ng Wikang
Filipino, tinanggal na rin natin ang identidad natin bilang
Pilipino. Dahil kung ano ang wika mo, iyon ang identidad
mo.”

BUMALIK SUNOD
Pambansang Sentro sa
Edukasyong Pangguro,
Philippine Normal
University (PNU)

BUMALIK SUNOD
⮚ 2014 naglabas din ng posisyong papel sa isyung ito na
nagpapahayag na “isang moog na sandigan ang wikang
Filipino upang isalin ang hindi nagmamaliw na karunungan
na pakikinabangan ng mga mamamayan para sa
pambansang kapakanan. Ang paaralan bilang institusyong
panlipunan ay mahalagang domeyn na humuhubog sa
kaalaman at kasanayan ng bawat mamamayan ng bansa.
Kaakibat sa proseso ng pagtuturo at pagkatuto ang wikang
Filipino upang lubos na maunawaan at mailapat sa paaralan
ng buhay ang mga araling hindi lamang nagtatapos sa apat
na sulok ng silid-aralan.”

BUMALIK SUNOD
Iba Pang Unibersidad

BUMALIK SUNOD
⮚ National Teachers College
⮚ MSU-IIT
⮚ ang noo’y SBC-Manila
⮚ Technoligical University of the Philippines
(TUP)-Manila
⮚ De La Salle-College of Saint Benilde (DLS-
CSB)
⮚ Xavier University
⮚ Pamantasan ng Lungsod ng Marikina (PLMar)

BUMALIK SUNOD
⮚ “Nagiging bukal ng karunungan ang paggamit ng wikang
Filipino sa iba’t ibang disiplina. Dahil dito, nakalilikha ito ng
mga rehistrong nagpapayaman sa korpus ng wikang
pambansa. Sa madaling salita, itinataas ng paggamit ng
Filipino ang antas ng talastasan sa akademikong larangan.
Malaki ang tungkulin ng Filipino sa pagbuo ng pambansang
kamalayan sa kalinangang Filipino. Bilang disiplina, ito ang
nagbubukas sa isip ng mga Filipino sa higit na kritikal at
analitikal na mamamayang may malasakit sa kaniyang
kultura at pagkabansa. Ito ang wikang nakadarama ng tunay
na pulso ng bayan.
– DLS-CSB (2014)
BUMALIK SUNOD
⮚ Naninindigan kaming napakalaking bahagi ang
ginagampanan ng Filipino sa patuloy na paghahanap natin ng
sariling identidad at pagkakakilanlan. Marubdob din ang
aming paniniwalang patuloy na nagsisilbing instrumento ang
wika at panitikang Filipino sa pagpapalinaw ng landasin
tungo sa makatotohanang kalinaw (kapayapaan) dito po sa
amin sa Mindanao. Sinusuportahan din po namin ang
pagkakaroon ng asignaturang Filipino bilang mandatory core
course sa kolehiyo….
– MSU-IIT (2014)

BUMALIK SUNOD
⮚ ....Sa amin pong paglantaw, napakahalagang maisama ang 9
yunit na asignaturang Filipinong may multi/interdisiplinaring
disenyo. Sa ganitong kaayusan, mas mapahuhusay ang
kasanayan ng mga estudyante sa paggamit ng Filipino at mas
mapalalim ang kanilang unawa sa samu’t saring isyung
panrehiyon at pambansa. Nakalulan din sa wika at panitikan
ang mga diskursong panlipunan at pampolitikang
magpapatalas sa mga mag-aaral at magdidiin upang ang
Unibersidad ay magkaroon ng tunay na nasyonalistang
karakter.
– MSU-IIT (2014)

BUMALIK SUNOD
Organisasyong Pangkabataan

BUMALIK SUNOD
⮚ Dalubhasaan ng mga Umuusbong na Mag-aaral ng Araling F
ilipino
(DANUM)
⮚ University Student Government (USG) ng DLSU
⮚ League of Filipino Students (LFS)

BUMALIK SUNOD
⮚ Sa isang bansa na pinagdedebatehan pa rin ang pambansang
identidad, hindi matatawaran ang ambag ng pagkakaroon ng
asignaturang Filipino sa lahat ng antas ng edukasyon, tungo
sa pagpapatibay ng kolektibong kaakuhan ng ating
sambayanan.”

BUMALIK SUNOD
⮚ “Ang pagpapanatili ng mga asignaturang Filipino at Ingles sa GEC
ay umaangkop sa ninanais ninyong (CHED) pagkakaroon ng
holistic growth sa mga mag-aaral, upang mas mahasa at maging
bihasa pa lalo ang mga Pilipino sa dalawang wika na ito.
Karagdagan pa roon, ang kahalagahan ng pagmamahal sa ating
kultura at wika ay lalo pang mapatitibay kung mananatili ang
asignaturang Filipino sa GEC. Ngunit, nararapat lamang na mas
maging komprehensibo at magbigay ng mas malalim at malawak
na kaalaman sa mga mag-aaral. Samakatuwid, nais naming
idagdag sa GEC ang asignaturang Filipino na hindi lamang basic
Filipino ngunit magtuturo rin ng mas malalim na pang-unawa at
pagpapahalaga sa wika.
– USG ng DLSU-Manila (2014)
BUMALIK SUNOD
⮚ …ang CMO (No.) 20 ay larawan ng pagpapasahol ng
kolonyal na oryentasyon ng edukasyon na nakadirekta sa
pagtugon ng mga guniguni ng globalisasyon o ang lalong
pagpapalakas ng kontrol sa ekonomiya, politika, at kultura ng
mga dayuhang bansa, pangunahin ang Estados Unidos. Hindi
nito pinagsisilbihan ang interes ng mamamayang Pilipino para
sa ganap na pag-unlad bagkus ay sinusunod ang
pangangailangan ng mga makapangyarihang bansa. Isa itong
kaparaanan ng gobyerno upang gapiin ang ideyalismo at
diwang makabayan ng kabataan at ipalaganap sa kanila ang
kaisipang palaasa sa dayuhan.”
– LFS (2014)
BUMALIK SUNOD
Talasanggunian

BUMALIK SUNOD
San Juan et al., 2019. Piglas-diwa: Kontekstwalisadong
komunikasyon sa Filipino. Lungsod ng Malabon: Mutya
Publishing House Inc.

BUMALIK LUMABAS

You might also like