You are on page 1of 9

Kontekstwalisadong Komunikasyon

sa Filipino

YUNIT I
ANG PAGTATAGUYOD NG WIKANG PAMBANSA
SA MATAAS NA ANTAS NG EDUKASYON AT LAGPAS
PA
Mga Posisyong Papel Hinggil sa Filipino at Panitikan sa Kolehiyo
Panimula

ng samo’t saring reaksyon ang pagbabago sa sistemang pangedukasyon ng bansa


U
lalo’t higit
manisa usapin ng noong pagtatangka na tanggalin ang mga asignatura sa Filipino at
Panatikan sa kolehiyo. Iba’t ibang institusyon at mga makawikang organisasyong ang nagpahayag
ng kani-kanilang tindig at nagpaabot ng kanilang pagtutol sa mga hakbangin na ito. Ang mga
inisiyatibang ito ang nagbunsod sa pagtatatag ng Tagapagtanggol ng Wikang Filipino (Tanggol
Wika), isang alyansang binubuo ng mga dalubiwika, guro, mga mag-aaral, at iba pang
nagmamahal sa wika upang isulong ang patuloy na pagyabong ng wika. Ilang promenenteng
paaralan din ang nagpahayag ng kanilang pagsuporta sa layunin ng grupo sa pamamagitan ng
posisyong papel. Ang ilan sa mga posisyong papel na nagpapahayag ng pangangailangan ng
pagbabalik ng mga naturang asignatura sa kuriulum ng kolehiyo ay matatalakay sa bahaging ito
ng Yunit 1.

Layunin

Matapos ng pagtatalakay ng paksang ito, ang mga mag-aaral ay inaasahang:


1. makilala mga makawikang organisasyon at institusyong nakipaglaban para maibalik ang
mga asignaturang Filipino at Panitikan sa kolehiyo;
2. mapapalalim ang pagunawa sa malaking gampanin ng Filipino at Panitikan sa buhay at
pagunlad ng mga mag-aaral; at
3. makapagpahayag ng sariling tindig sa hinggil sa Filipino at Panatikan sa kolehiyo gamit
ang modernong midya.

Lunsaran

Ang sumusunod na lunsaran ay makatutulong sa mas malalim na pagtatalakay ng paksa.


● https://www.youtube.com/watch?v=K3O0U7IXdNM
● https://www.youtube.com/watch?v=sLJsYViUzGQ
● https://www.youtube.com/watch?v=Jq82Kvl39vo
● https://www.youtube.com/watch?v=EYiNkGBB8Q8

Bahagi na ng kasaysayan ng Pilipinas ang pagbabgong bihis ng sistema ng edukasyon ng


Pilipinas. Ito ay naka-angkla sa ideya ng international standards, labor mobility, at ASEAN
Nilalama
n
integration. Batid ng mga nagpanukala ng nasabing pagbabago ang kahingian na sumabay sa
tinatawag na interantional standards dahil ang Pilipinas ay kabilang sa iilan na lamang na mga
Kontekstwalisadong Komunikasyon
sa Filipino
bansa na may sampung taon lamang na basic education at ang karagdagang dalawang taon ay
mabubukas ng pinto sa mas maraming opurtunidad para sa mga mag-aaral. Ang ideya ng labor
mobility ay alinsunod sa pagtatangkang mas mapabilis ang pagkakaroon ng trabaho ng mga mag-
aaral na magtatapos sa ilalim ng ngayon ay umiiral na na sistema ng edukasyong K to 12. Dahilan
nito ay mas magiging handa ang mga mag-aaral na harapin ang pagiging kabahagi ng lakas
paggawa ng bansa. Ang mga magtatapos ng grade 12 ay maaring pumili sa pagitan ng pagtrabaho
o pagpapatuloy sa kolehiyo mataposang labindalawang taon sa basic education. Ang ASEAN
integration naman ay kabahagi upang maging tugma ang kalakaran ng mga kasaping bansa ng
organisasyon. Ito ay para sa lalong matibay na ugnayan at pagtutulungan sa pagitan ng mga
miyembro.
Bagaman maraming positibong implikasyon ang K to 12, mayroon din itong mga naging
hamon. Tulad na lamang ng tangkang pagaalis sa mga asignaturang may kaugnayan sa Panitikan
at Filipino. Taong 2011 pa lamang nang magsimula ang usap-usapan ukol dito. Dahil sa ilan nga
sa pokus nito ay mas mapadulas ang pagkakaroon ng trabaho dito at higit sa ibang bansa at ang
pagsunod sa yapak ng mga mauunlad na bansa, nabigyang diin ang pagpapaunlad ng kasanayan
sa pag gamit ng wikang Ingles sa K to 12. Ito ay tumataliwas sa mga nauna nang mga hakbangin
para sa pagpapayabong ng wikang pambansa, ang Filipino. Mula rito ay umusbong na ang mga
damdaming handang ipahayag ang kanilang pagtutol ang pasasawalang bahala sa Filipino.
Ang Alyansa ng mga Tagapagtanggol ng Wikang Filipino o Tanggol Wika ang alyansang
nangunguna sa pakikibaka laban sa pagpaslang ng Commission on Higher Education (CHED) sa
Filipino, Panitikan at Philippine Government and Constitution subjects sa kolehiyo at kapatid na
organisasyon ng Alyansa ng Mga Tagapagtanggol ng Kasaysayan (Tanggol Kasaysayan) na
grupong nagtataguyod naman ng pagkakaroon ng required at bukod na asignaturang Philippine
History/Kasaysayan ng Pilipinas sa hayskul. Nabuo ang Tanggol Wika sa isang konsultatibong
forum noong Hunyo 21, 2014 sa De La Salle University-Manila (DLSU). Halos 500 delegado
mula sa 40 paaralan, kolehiyo, unibersidad, organisasyong pangwika at pangkultura ang lumahok
sa nasabing konsultatibong forum. Kasama sa mga tagapagsalita sa forum na iyon si Dr.
Bienvenido Lumbera, Pambansang Alagad ng Sining. Ang forum na iyon ay kulminasyon ng mga
nauna pang kolektibong inisyatiba mula pa noong 2012. Noong 2015, pinangunahan ng Tanggol
Wika ang pagsasampa ng kaso laban sa anti-Filipinong CHED Memorandum Order (CMO) No.
20, Series of 2013, sa Korte Suprema. Agad na naglabas ng Temporary Restraining Order (TRO)
ang Korte Suprema para ipahinto ang pagpaslang sa Filipino at Panitikan sa kolehiyo, bunsod ng
kasong isinampa ng Tanggol Wika. Bagamat tuluyang binawi ng Korte Suprema ang TRO noong
2019, tuloy ang pakikipaglaban ng Tanggol Wika sa iba pang arena. Marami-rami pang kolehiyo
at unibersidad ang mayroon pa ring Filipino at Panitikan, at nakahain na sa Kongreso ang House
Bill 223 upang muling ibalik ang Filipino at Panitikan bilang mga mandatoring asignatura sa
kolehiyo. (https://tanggolwika.org/)
Maraming tulad ng Tanggol Wika ang nagpahayag ng ng kani-kanilang saloobin sa
pamamagitan ng posisyong papel. Ang posisyong papel ay isang pasulat na gawaing akademiko
kung saan inilalahad ang paninidigan sa isang napapanahong isyu na tumutukoy sa iba’t ibang
larangan tulad ng edukasyon, politika, batas, at iba. Kadalasang idinadaan sa pagsulat ng posisyong
papel ang paggaganyak, at pagpapaunawa ng punto ng sumulat tungkol isang paksa. Karaniwang
ginagamit ito ng mga organisasyon at institusyon upang ipabatid sa publiko ang kanilang
paniniwala at rekomendasyon bilang isang pangkat.
Agosto 2014 nang nagpayag ang Departamento ng Filipino ng De La Salle University ng
kanilang saloobin sa pamamagitan ng kanilang posisyong papel na may pamagat na “Pagtatanggol
Kontekstwalisadong Komunikasyon
sa Filipino
sa wikang Filipino, tungkulin ng bawat Lasalyano.” Nakapaloob sa posisyong papel na ito na “ang
pagkakaroon ng asignaturang Filipino ay nakapag aambag sa pagiging mabisa ng community
engagement ng ating pamantasan sapagkat ang wikang Filipino ang wika ng mga ordinaryong
mamamayan sa mga komunidad na ating pinaglilingkuran. Ang pagpapalakas sa ugnayan ng ating
pamantasan at ng mga ordinaryong mamayan ay alinsunod sa bokasyon ni San Juan Bautista De
La Salle na nagsikhay sa paggamit ng wika ng mga ordinaryong mamamayan sa edukasyon. Dapat
bigyang diin ang Filipinisasyon ng mga pananaliksik ng ibat ibang departamento at kolehiyo sa
pamantasan ay makatutulong din ng malaki sa pagtitiyak na ang ating mga pananaliksik ay higit
na magiging kapaki pakinabang sa ating mga kababayan. Sa pamamagitan ng assignaturang
Filipino sa DLSU, inaasahang may sapat na katatasan sa wikang pambansa ang sinumang gradweyt
ng pamantasang ito sa pakikipagtalastasan sa ibat ibang pangangailangan o kontekstong pang
komunikasyon png akademiko man o pang kultura, tulad ng nililinang sa ibang pamantasan.” Ang
adbokasiyang itoy pagsasalba sa kolektibong identidad, sa salamin ng ating kultura, sa daluyan ng
diskurong pambansa, at pagtataguyod ng nasyonalistang edukasyon na huhubog ng mga
estudyanteng magiging mga kapaki pakinabang na mamamayaan ng ating bansa.”
Mababatid sa posisyong papel na ang responsibilidad ng paaralan na hubugin ang
pagkakakilanlan ng bawat indibidwal. Isa sa mga inaasahan ay ang mapanatili ang ugnayan ng
paaralan at ng komunidad lalo at higit yaong mga nabibilang sa lalylayan. Higit kanino man ay
sila ang mas nangangailangang marinig at mabigyang atensyon. Sa pamamagitan ng wikang
Filipino ay magiging mabisa ang pagpapahayag ng mga saloobin at pangangailangan ng mga
mamamayan. Ito ang nagbibigay boses sa mg ordinaryong tao at kung mawawala ito ay tuluyan
nang hindi malilinang ang ugat na sanay magdudugtong sa malayong agwat ng karaniwan at mga
edukadong tao. Mas magiging malabo na na maging pantay ang mga mamayan mula sa iba’t ibang
estado sa buhay at manantiling pinid ang mga labi kung dayuhang wika ang kailangan upang
makapagpahayag ng saloobin at pangangailangan.
Ang posisyong papel naman na may pamagat na “Ang Paninindigan ng Kagawaran ng
Filipino ng Panantasang Ateneo de Manila sa Suliraning Pangwikang Umuuugat sa CHED
Memorandum Order No. 20Series of 2013” ay mula sa panulat ng mga guro ng Ateneo De Manila
University. Nakapaloob dito na “hindi lamang midyum ng pagtuturo ang Filipino isa itong
displina. Lumilikha ito ng sariling larangan ng karunungan na nagtatampok sa pagka Filipino sa
anumang usapin sa loob at labas ng akademya. Dapat patuloy itong ituro sa antas ng tersiyaryo at
gradwado bilang integral na bahagi ng anumang edukasyong propesyonal… ang banta na alisin
ang Filipino sa akademikong konteksto ay magdudulot ng ibayong pagsasalaylayan o
marhinalisasyon ng mga wika at kulturang panrehiyon. Kakabit ng pagaaral ng Filipino bilang
disiplina ang pagtatanghal at paglingap ng mga wika at kultura ng bayan. Hindi dapat mawala ang
wikang panrehiyon sa diskurso. At lalong hindi dapat pagsabungin ang mga wika. Sa halip, dapat
maging mapagmatyag laban sa mga tao at institusyong ginagamit ang kasalukuyang isyung
pangwika upang itanggi ang sarili at kanilang mga interes.”
Bilang mga Pilipino tungkulin nating pagyabungin ang bawat butil ng ating
pagkakakilanlan. Kaakibat ito ng ating pagiging malaya at ng lahat ng sakripisyo ng ating mga
ninuno. Kaya naman ang tahasang pagtatanggal sa asignaturang Filipino at Panitikan sa kurikulum
ay isang paraan ng pagkitil sa ating identidad at pagsasawalang bahala ng lahat ng buhay na
binuwis para makamit ito. Malinaw sa posisyong papel ng Ateneo de Manila ang
pangangailangang mapagtibay ang Filipino bilang isang disiplina nang sa gayon ay mapataas din
ang kalagayan ng mga pangrehiyong wika. Ang pagyakap sa ibang wika habang pinababayaan at
Kontekstwalisadong Komunikasyon
sa Filipino
iniisang tabi ang sariling wika ay nagtutulak sa atin palayo sa sariling bayan at nagpipiring sa atin
sa mga totoong intensyon ng nagpapalawig nito.
Isa rin sa mga pamantasang nagpahayag ng tinig ukol sa isyung pagtatanggal ng Filipino
at Panitikan ang Unibersidsad ng Pilipinas, Diliman Departamento ng Filipino at Panitikan sa
ilalim ng Kolehiyo ng Arte at Literatura. Anila ang Filipino ay wika na “susi ng kaalamang bayan”.
Buo rin ang kanilang paninindigang “nasa wika ang pagtatanyag ng kaalamang lokal – mga
kaalamang patuloy na hinubog at humuhubog sa bayan. Sariling wika rin ang pinakamabisang
daluyan para mapalaganap ang dunong bayan at kaalamang pinanday sa akademya. Layunin dapat
ng edukasyon ang humubog ng mga magaaral na tutuklas ng dunong bayan at napakikinabangan
ng bayan. Gawain ng mga guro sa Filipino sa antas tersarya ang sanayin ang mga mag aaral na
gamitin ang wikang Filipino upang gawing kapaki pakinabang ang napili nilang disiplina sa oang
araw araw na buhay ng mga mamamayan. Ganito ang karanasan ng mga magaaral sa UP Manila
sa pagbibigay nila ng serbisyong pangkalusugan sa mamamayan. Kailangan nilang matutong
magpaliwanag at makipagtalastasan sa wikang Filipino upang mapakinabangan ng mamamayan
ang kanilang kaalaman.”
Ang pinakamainam na porma na pagkatuto ay ang pagpapatuto din sa iba. Ang pagbibigay
serbisyo sa kapwa gamit ang kaalamang natutunan ay higit pa sa salaping maaring matanggap ng
isang propesyunal. Kaya gaano man kahusay ang magiging produkto ng bagong kurikulum kung
hindi naman ito magagamit sa pagtulong sa kapwa ay hindi din makapagbibigay ng pagunlad.
Binibigyang diin sa posisyong papel ng UP Diliman na dapat kaagapay ng intelektwalisasyon ay
ang pag gamit nito sa makataong paraan. Hindi dapat natatapos ang paglago sa pagkakamit ng
degri kundi sa pagbabalik nito sa iba sa pamamagitan ng serbisyo at ang mainam na serbisyo ay
nagsisimula sa pagkakaunawaan. Wala nang hihigit pa sa unawaang dulot ng parehas na wika.
Taong 2014 naman noong inilathala ang “Paninindigan ng Kagawaran ng Filipinolohiya
ng Politeknikong Universidad ng Pilipinas (PUP), Samahan ng mga Dalubguro at Filipino
(SADAFIL), Samahan ng mga Batang Edukador ng Wikang Filipino at mga Sining ng Plipinas,
PUP Ugnayan ng Talino at Kagalingan”. Dito ay ipinahayag ng Polytechnic University of the
Philippines, Manila na ang “umiiral sa realidad sa Pilipinas na ang Filipino ay wikang panlahat.
Nandyan ito, umiiral at ginagamit sa araw araw na pakikipag talastasan ng mga Filipino. Mga
Pilipino ang kusang tumanggap nito bilang wikang pambansa at naging katangi tangi ang tatag
nito dahil ito ang identidad ng lipunang Pilipino. Mahalaga ang pagpapaunlad nito sa bawat
Pilipino kaya kung ihihiwalay sa mga mag aaral ng kolehiyo sa Pilipinas ang patuloy na pag aaral
ng wikang Filipino, tinanggal narin natin ang identidad natin bilang Pilipino. Dahil kung ano ang
wika mo yun ang identidad mo.”
Kalakip ng pagka Pilipino ang wikang Filipino at ang paglinang nito ay paglinang din ng
sariling identidad. Ito ay nagbibigay diin sa lalong pangangailangan ng mga mamayan lalo’t higit
ng mga mag-aaral na linangin ang kani-kanilang identidad. Malinanw ang pahayag sa posisyong
papel na ang pagtatanggal ng pag-aaral ng Filipino sa kolehiyo ay pagtatanggal din ng
pagkakakilanlan ng mga Pilipino. Ang pag-aaral ng wika at panitikan sa kolehiyo ay higit na
mainam na panahon para mas mapalalim ang pagmamahal sa sariling identidad at mapataas ang
antas kasabay ang paglinang din ng kani-kaniyang propesyon at larangan. Upang kasabay ng mga
lumalagong Pilipino ay ang pagyabong din ng wikang Filipino.
Ayon naman sa Philippine Normal University ang “isang moog na sandigan ang wikang
Filipino upang isalin ang hindi magmamaliw na karunugan na pakikinabanagan ng mga
mamamayan para sa pambansang kapakanan. Ang paaralan bilang institusyong panlipunan ay
mahalagan domeyn na humuhubog sa kaalaman at kasayan ng bawat mamamayan ng bansa.
Kontekstwalisadong Komunikasyon
sa Filipino
Kaakibat sa proseso ng pagtuturo at pagkatuto ang wikang Filipino upang lubos na maunawaan at
mailapat sa paaralan ng buhay ang mga araling hindi lamang natatapos sa apat na sulok ng silid
aralan.”
Ang paaralan ang nagiging kanugnog ng tahanan kung saan lalong pinapanday ang
pagkatao ng bawat indibidwal. Ito ang siyang nagbibigay katuturan sa mga karaniwang karanasan
at nagpapaliwanag ng mga bagay sa mas malalim na perspektibo. Binigyang pansin sa posisyong
papel ang malaking gampanin ng paaralan sa pagbuo ng tulay na magdudgutong sa kung ano man
ang mga napagaralan sa silid ay syang magamit at madala sa paglabas dito. Ito ang nagpapaigting
ng pagnanais na malinang sa paaralan ang sariling wika at panitikan at nang sa gayon ay
masiguradong bahagi ng paglago ng mga mag-aaral ang midyum na batid ng bawat Pilipino. Ito
ay magbibigay daan din sa kapakinapakinabang na talastasan at talaban ng ideya.
Samakatuwid, ang bawat posisyong papel na nailathala sa paksang ito ay naging malaking
bahaging sa pagkakaroon sa kasalukuyan ng mga asignaturang umiinog sa Filipino at Panitikan.
Ang hakbang at inisyatiba na isinaalang-alang ng mga organisyon at pamantasan ay nagbigay ng
magandang bunga sa kalagayang pang-edukasyon ng susunod na henerasyon. Patuloy na magiging
mapanghamon ang pagyakap sa globalisasyon at nawa kaalisabay nito ay mas humigpit ang
pagyakap sa sariling pagkakakilanlan at identidad. Sa kabila ng pagbabago sa napakaraming
aspekto ay manatili sana ang pagmamahal sa Filipino at Panatikan. Inaasahang dadami ang mga
propesyonal na magmamahal at magpapaunlad sa sariling wika matapos ang pagtatalakay sa mga
posisyong papel na ito upang maibalik ang Filipino at Panitikan sa kolehiyo.
Kontekstwalisadong Komunikasyon
sa Filipino
Filipino Bilang Wika ng Komunikasyon sa Kolehiyo at mas Mataas na Antas

Panimula

Kasabay ng mga pagbabagong dulot ng internasyonalisasyon at globalisasyon ay tila


paglamlam din ng pagunawa at pagluwag ng yakap ng mga Pilipino sa sariling wika. Isa sa mga
karaniwang mukha ng pang araw araw na gawain ang mga pinaiksing salita sa chat at text at ang
mga pinahalong wika sa isang pangungusap. Kadalasang mali rin ang baybay sa mga pasulat na
gawain at gayun din sa bigkas sa mga pasalitang aktibidad. Marami rin ang naglilitawang
makabagong salita mula sa iba’t ibang dako ng mundo na dulot ng kulturang popular na mas
pinipiling gamitin lalo’t higit ng mga kabataan sa pakikipagtalastasan. Nagbago na ang porma at
paraan ng komunikasyon ngayon at tila ito ay palayo sa sariling atin. Matutunghayan sa paksang
ito ang pagtatalakay sa mga isyung kinapaloloban ng paggamit ng Filipino bilang midyum ng
komunikasyon.

Layunin

Matapos ng pagtatalakay ng paksang ito, ang mga mag-aaral ay inaasahang:


1. makagawa ng mga malikhain at mapanghikayat na presentasyon ng impormasyon na
nagpapakita ng mga gamit ng Filipino bilang wika ng komunikasyon; at
2. mabigyang halaga ang Filipino bilang wika ng komunikasyon sa pamamagitan ng pag
gamit nito sa iba’t ibang tiyak na sitwasyong pangkomunikasyong.

Lunsaran

Ang sumusunod na lunsaran ay makatutulong sa mas malalim na pagtatalakay ng paksa.


● https://www.youtube.com/watch?v=Cy19L31XCfk
● https://www.youtube.com/watch?v=4xMUnKIAG5k
● https://www.youtube.com/watch?v=p5IRKbYDCy0

Nilalama
n
Minsang binalita GMA News ang diumano’y pagpurol ng kakayahan ng mga kabataan sa
wikang Filipino bunsod ng mga umiiral na makabagong paaran ng komunikasyon. Dala ng mga
gadyet at mga pang madlang midya na ang pangunahing midyum ay Ingles, maraming mga
kabataan ang hindi na batid ang gamit sa ilang mga salitang sariling atin. Nakalulungkot mang
isipin na ganito ang nangyayari sa mga kabataan ay kailngang maikital sa kanilang isipan ang
patuloy na paggamit sa sariling wika sa gitna ng modernong panahon.
Maaalaala na ang pagpapayabong ng Filipino ay hindi lamang dala ng mga umpukan
bagkos ito ay nagmula sa mas malalim na pundasyon tulad ng nasasaad sa ikalawang talata ng
Artikulo XIV, Seksiyon 6 ng kasalukuyang saligang-batas na “Subject to the provisions of law and
as the Congress may deem appropriate, the Government shall take steps to initiate and sustain the
use of Filipino as a medium of official communication and as language of instruction in the
educational system.” Malinaw sa probisyong ito ang responsibilidad ng gobyerno na itaguyod ang
pagbuo ng mga hakbnagin upang patuloy na magamit ang wika sa mas malalim pamamaraan
Kontekstwalisadong Komunikasyon
sa Filipino
sa pamayanan man o paaralan. Ang mga inisiyatibang nagpapalawak ng saklaw ng gamit sa Filipino
bilang wikang panturo at wika ng komunikasyon ay inaasahang magmumula sa pamahalaan ayon sa
Saligang Batas. Kaya naman ang mga nagdaang pagtatangka na alisin ang Filipino at Panitikan ay
tunay na nagsindi sa mga damdaming makabansa ng mga Pilipino.
Hindi lamang dito limitado ang mga opisyal na dokumento na sumusuporta sa paggamit
ng Filipino sa mas interaktibo at malalim na paraan. Ang dating Pangulong Corazon C. Aquino ay
nagbigay diin din sa probisyong ito sa pamamagitan ng Executive Order No. 335 na “Nag-aatas sa
Lahat ng mga Kagawaran/Kawanihan/Opisina/Instrumentaliti ng Pamahalaan na Magsagawa ng
mga Hakbang na Kailangan para sa Layuning Magamit ang Filipino sa Opisyal na mga
Transaksiyon, Komunikasyon, at Korespondensiya.”
Ayon kay Lumbera et al. (2007) ang Filipino ang wikang gingamit sa paglinang at
pagpapalaganap ng isang edukasyong na nagtataguyod ng kapakanan ng bansa, nagpapayaman ng
diwang mapagtanong at mapanlikha at umuugat sa buhay at pakikibaka ng nakararami. Mula dito
ay mababatid na ang ugat ng sinasabing wika na likas sa ating mga Pilipino ay Filipino. Kaya ito
ay nararapat lamang gamitin sa ano mang aspekto ng komunikasyon at pagkatuto.
Agosto 10, 2014 noong inilathala ni G. David Michael M. San Juan ang kanyang
artikulong 12 Reasons to Save the National Language. Tamang tama ang pagkakagawa ng
atikulong ito dahil sa Buwan ng Wika kung kailan binibigayang pugay at tuon ang wikang
pambansa at isa ay sa panahong ito kainitan ang pagpakikipaglaban sa pagbabalik ng
asignaturang Filipino at Panitikan sa kurikulum ng kolehiyo. Sa artikulong ito ay inisa isa niya
ang labindalawang dahilan kung bakit ang Filipino ay kailangan gamiting wikang panturo at
dapat mapabilang sa kurikulum sa kolehiyo. Ang unang dahilan na kaniyang binigay ay ang
nasasaad sa Artikulo XIV Seksyon 6 ng kontistusyon ng bansa. Aniya ay nakaririmarin ang mga
ahensya ng gobyerno na gumgamit ng Ingles bilang opisyal na wika ng komunikasyon at
gayundin ay ang mga institusyong tila sumasalungat sa pagsusulong ng Filipinisasyon. Sunod
niyang binigyang diin ay ideya ng epektibong gamit ng Filipino bilang wikang panturo kung ito
ay ituturo rin bilang isang sabjek o disiplina. Isa rin ay ang globalisasyon at ASEAN integration,
kung saan inaasahan ang pagpapatibay ng sariling wika, panitikan, at kultura upang may
maibahagi tayo sa pandaigdigan at pangrehiyong na palitan sa panlipunan at pangkalingang
unawaan. Ito ay isa ring paraan ng paglinang ng napag-aralan at napagtalakayan sa hayskul tulad
ng kung paano nililinang ang ibang disiplina sa hayskul at kolehiyo. Bukod pa rito, ang Filipino
at Panitikan ay parehas sa College Readiness Standard sa CHED’s Resolution No. 298-2011.
Ang resulta ng National Achievement Test sa Filipino ng sa hayskul ay mababa pa rin sa
itinalagang lebel ng masteri ng Kagawaran ng Edukasyon at dahil dito ay lalong na
ngangailangan ng Filipino sa kolehiyo upang mapunang ang
kulang pang natutuhan ng mga mag-aaral sa hayskul.
Batid din ng lahat na hindi kaya senior hayskul masakop lahat ng content at performance
standards na kasalukuyan ng itinuturo sa kolehiyo. Filipino ang wikang pambansa at sinasalita ng
nasa 99% ng populasyon. Ito ang kaluluwa ng bansa. Ito ay nagbubuklod sa mga mamayan tulad
kung paano tayo binubuklod ng mga awit, tula, at iba pang panitikan na nakalimbag sa Filipino.
Kaya naman ang pagalis nito ay pagalis din sa ating sarili. Kaugnay naman ng mga bansang
nagpapatupad din ng K to 12 tulad ng Estados Unidos, Malaysia, at Indonesia, ang kanilang wikang
pambansa at panitikan ay mandatori na core courses sa kolehiyo. Dinagdag pa niya na maraming
panukalas na isinumete sa CHED upang gamitin sa Filipino sa multi/interdidiplinari na
pamamaraan. Ipinahayag din ni G. San Juan na matagal nang namamayagpag ang Ingles sa
kurikulum ng kolehiyo mula noon 1906 samantalang ang Filipino ay nito lamang 1996, at panahon
na upang maremedyohan ang nagdaang panahon ng makasaysayang kaapihan. Higit sa lahat ang
Kontekstwalisadong Komunikasyon
sa Filipino

Filipino ay isang pandaigdigang wika na itinuturo at pinagaaralan sa mahigit


walumpong institusyon at unibersidad sa ibang bansa. Ang pag-aalis nito sa
kurikulum ng sariling bansa kung saan ito ay nag-ugat ay tiyak na makaaapekto sa
negatibong paraan sa katayuan ng Filipino bilang pandaigdigang wika.
Nakalathala sa akda ni G. Virgilio S. Almario (2014) na napakarami pang
dapat gawin upang ganap na magtagumpay ang wikang Filipino. Aniya hindi sapat
ang pagdedeklara ng Buwan ng Wikang Pambansa tuwing Agosto bilang tugon sa
Proklamasyon Blg. 1041 ng Pangulong Fidel
V. Ramos noong Hulyo 5, 1997. Dagadag pa niyang na ang wikang Filipino ay
totoong mabubuhay at yayaman sa pamamagitan ng patuloy na paggamit araw-
araw ng mga mamayan. Bagaman kung tutuusin, hindi sapat kahit ang panyayaring
siyento posiyento na ang mga mamayang Pilipino ay nakapagsasalita at nakuunaw
sa wikang Filipino.
Kasama rin sa akdang ito Pambansang Alagad ng Sining ang pag-aasam na
sa darating na panahon, sinumang nais mag-aral pa ay maaaring magbasa sa isang
aklatang tigib sa nga aklat sa mga aklat at sangunian na nakalimbag sa Filipino.
Ang lahat ng balikbayan at bisita ay sinasalubong sa airport ng mga karatula sa
wikang Filipino ang banyagang nais magtagal sa Pilipinas. May tatak at paliwanag
sa Filipino ang mga ibinebentang de-lata at nakapaketeng produkto. Idinadaos ang
mga kumperensiya sa wikang Filipino, at kung kailangan, may mga tagasalin sa
Ingles at ibang wikang global. Nagtutulong-tulong ang mga eksperto at guro sa
mga wikang katutubo sa Wikang Pambansa. Nagsasalita sa Filipino ang mga
mambabatas kahit hindi sila nkaharap sa telebisyon para maintindihan ng bayan.
At hindi nag-iisa ang Pangulong Benigno
C. Aquino III sa pagtatalumpati sa wikang Filipino. Tunay nga na kapag nangyari
ang mga bagay na ito ay maikukunsidera na ang paggamit sa Filipino bilang wika
ng komunikasyon ay nasa mataas na antas na o higit pa.

You might also like