You are on page 1of 24

FILI 101: KONTEKSTUWALISADONG

KOMUNIKASYON SA FILIPINO
➢ Mga Posisyong Papel Hinggil sa Filipino at
Panitikan sa Kolehiyo
➢ Bahagi na ng kasaysayan ng Pilipinas ang pagbabgong bihis ng
sistema ng edukasyon ng Pilipinas. Ito ay naka-angkla sa ideya ng
international standards, labor mobility, at ASEAN integration.
➢ Mga Posisyong Papel Hinggil sa Filipino at
Panitikan sa Kolehiyo
➢ Batid ng mga nagpanukala ng nasabing pagbabago
ang kahingian na sumabay sa tinatawag na
interantional standards dahil ang Pilipinas ay
kabilang sa iilan na lamang na mga bansa na may
sampung taon lamang na basic education at ang
karagdagang dalawang taon ay mabubukas ng pinto
sa mas maraming opurtunidad para sa mga mag-
aaral.
➢ Mga Posisyong Papel Hinggil sa Filipino at
Panitikan sa Kolehiyo
➢ Ang ideya ng labor mobility ay alinsunod sa
pagtatangkang mas mapabilis ang pagkakaroon ng
trabaho ng mga magaaral na magtatapos sa ilalim ng
ngayon ay umiiral na na sistema ng edukasyong K to
12.
➢ Mga Posisyong Papel Hinggil sa Filipino at
Panitikan sa Kolehiyo
➢ Ang ASEAN integration naman ay kabahagi upang
maging tugma ang kalakaran ng mga kasaping bansa
ng organisasyon. Ito ay para sa lalong matibay na
ugnayan at pagtutulungan sa pagitan ng mga
miyembro.
➢Mga Posisyong Papel Hinggil sa Filipino at Panitikan sa
Kolehiyo
✔ Ang Alyansa ng mga Tagapagtanggol ng Wikang Filipino o Tanggol
Wika ang alyansang nangunguna sa pakikibaka laban sa
pagpaslang ng Commission on Higher Education (CHED) sa
Filipino, Panitikan at Philippine Government and Constitution
subjects sa kolehiyo at kapatid na organisasyon ng Alyansa ng Mga
Tagapagtanggol ng Kasaysayan (Tanggol Kasaysayan) na grupong
nagtataguyod naman ng pagkakaroon ng required at bukod na
asignaturang Philippine History/Kasaysayan ng Pilipinas sa hayskul.
✔ Nabuo ang Tanggol Wika sa isang konsultatibong forum noong
Hunyo 21, 2014 sa De La Salle University-Manila (DLSU).
➢ Mga Posisyong Papel Hinggil sa Filipino at
Panitikan sa Kolehiyo
✔ Noong 2015, pinangunahan ng Tanggol Wika ang pagsasampa ng
kaso laban sa anti-Filipinong CHED Memorandum Order (CMO) No.
20, Series of 2013, sa Korte Suprema.
✔ Agad na naglabas ng Temporary Restraining Order (TRO) ang
Korte Suprema para ipahinto ang pagpaslang sa Filipino at
Panitikan sa kolehiyo, bunsod ng kasong isinampa ng Tanggol
Wika.
➢ Mga Posisyong Papel Hinggil sa Filipino at
Panitikan sa Kolehiyo
✔ Noong 2015, pinangunahan ng Tanggol Wika ang pagsasampa ng
kaso laban sa anti-Filipinong CHED Memorandum Order (CMO)
No. 20, Series of 2013, sa Korte Suprema.
✔ Agad na naglabas ng Temporary Restraining Order (TRO) ang
Korte Suprema para ipahinto ang pagpaslang sa Filipino at
Panitikan sa kolehiyo, bunsod ng kasong isinampa ng Tanggol
Wika.
➢ Mga Posisyong Papel Hinggil sa Filipino at
Panitikan sa Kolehiyo
✔ Maraming tulad ng Tanggol Wika ang nagpahayag ng ng kani-
kanilang saloobin sa pamamagitan ng posisyong papel. Ang
posisyong papel ay isang pasulat na gawaing akademiko kung saan
inilalahad ang paninidigan sa isang napapanahong isyu na
tumutukoy sa iba’t ibang larangan tulad ng edukasyon, politika,
batas, at iba.
➢ Mga Posisyong Papel Hinggil sa Filipino at
Panitikan sa Kolehiyo
✔ Agosto 2014 nang nagpayag ang Departamento ng Filipino ng De
La Salle University ng kanilang saloobin sa pamamagitan ng
kanilang posisyong papel na may pamagat na “Pagtatanggol sa
wikang Filipino, tungkulin ng bawat Lasalyano.”
✔ Nakapaloob sa posisyong papel na ito na “ang pagkakaroon ng
asignaturang Filipino ay nakapag aambag sa pagiging mabisa ng
community engagement ng ating pamantasan sapagkat ang wikang
Filipino ang wika ng mga ordinaryong mamamayan sa mga
komunidad na ating pinaglilingkuran.
➢ Mga Posisyong Papel Hinggil sa Filipino at
Panitikan sa Kolehiyo
✔ Dapat bigyang diin ang Filipinisasyon ng mga pananaliksik ng ibat
ibang departamento at kolehiyo sa pamantasan ay makatutulong
din ng malaki sa pagtitiyak na ang ating mga pananaliksik ay higit
na magiging kapaki pakinabang sa ating mga kababayan.
✔ Sa pamamagitan ng assignaturang Filipino sa DLSU, inaasahang
may sapat na katatasan sa wikang pambansa ang sinumang
gradweyt ng pamantasang ito sa pakikipagtalastasan sa ibat ibang
pangangailangan o kontekstong pang komunikasyon png
akademiko man o pang kultura, tulad ng nililinang sa ibang
pamantasan.
➢ Mga Posisyong Papel Hinggil sa Filipino at
Panitikan sa Kolehiyo
✔ ” Ang adbokasiyang itoy pagsasalba sa kolektibong
identidad, sa salamin ng ating kultura, sa daluyan ng
diskurong pambansa, at pagtataguyod ng
nasyonalistang edukasyon na huhubog ng mga
estudyanteng magiging mga kapaki pakinabang na
mamamayaan ng ating bansa.”
➢ Mga Posisyong Papel Hinggil sa Filipino at
Panitikan sa Kolehiyo
✔ Ang posisyong papel naman na may pamagat na
“Ang Paninindigan ng Kagawaran ng Filipino ng
Panantasang Ateneo de Manila sa Suliraning
Pangwikang Umuuugat sa CHED Memorandum
Order No. 20Series of 2013” ay mula sa panulat ng
mga guro ng Ateneo De Manila University.
➢Panitikan
Mga Posisyong Papel Hinggil sa Filipino at
sa Kolehiyo
✔ Nakapaloob dito na “hindi lamang midyum ng pagtuturo ang Filipino isa itong
displina. Lumilikha ito ng sariling larangan ng karunungan na nagtatampok sa
pagka Filipino sa anumang usapin sa loob at labas ng akademya. Dapat
patuloy itong ituro sa antas ng tersiyaryo at gradwado bilang integral na bahagi
ng anumang edukasyong propesyonal… ang banta na alisin ang Filipino sa
akademikong konteksto ay magdudulot ng ibayong pagsasalaylayan o
marhinalisasyon ng mga wika at kulturang panrehiyon. Kakabit ng pagaaral ng
Filipino bilang disiplina ang pagtatanghal at paglingap ng mga wika at kultura
ng bayan. Hindi dapat mawala ang wikang panrehiyon sa diskurso. At lalong
hindi dapat pagsabungin ang mga wika. Sa halip, dapat maging mapagmatyag
laban sa mga tao at institusyong ginagamit ang kasalukuyang isyung pangwika
upang itanggi ang sarili at kanilang mga interes.”
➢ Mga Posisyong Papel Hinggil sa Filipino at
Panitikan sa Kolehiyo
✔ Malinaw sa posisyong papel ng Ateneo de Manila ang
pangangailangang mapagtibay ang Filipino bilang
isang disiplina nang sa gayon ay mapataas din ang
kalagayan ng mga pangrehiyong wika. Ang pagyakap
sa ibang wika habang pinababayaan at iniisang tabi
ang sariling wika ay nagtutulak sa atin palayo sa
sariling bayan at nagpipiring sa atin sa mga totoong
intensyon ng nagpapalawig nito.
➢Panitikan
Mga Posisyong Papel Hinggil sa Filipino at
sa Kolehiyo
✔ Isa rin sa mga pamantasang nagpahayag ng tinig ukol
sa isyung pagtatanggal ng Filipino at Panitikan ang
Unibersidsad ng Pilipinas, Diliman Departamento ng
Filipino at Panitikan sa ilalim ng Kolehiyo ng Arte at
Literatura. Anila ang Filipino ay wika na “susi ng
kaalamang bayan”. Buo rin ang kanilang paninindigang
“nasa wika ang pagtatanyag ng kaalamang lokal – mga
kaalamang patuloy na hinubog at humuhubog sa bayan.
➢ Mga Posisyong Papel Hinggil sa Filipino at
Panitikan sa Kolehiyo
✔ Gawain ng mga guro sa Filipino sa antas tersarya ang sanayin ang
mga mag aaral na gamitin ang wikang Filipino upang gawing kapaki
pakinabang ang napili nilang disiplina sa pang araw araw na buhay
ng mga mamamayan.
✔ Ang pinakamainam na porma na pagkatuto ay ang pagpapatuto din
sa iba. Ang pagbibigay serbisyo sa kapwa gamit ang kaalamang
natutunan ay higit pa sa salaping maaring matanggap ng isang
propesyunal.
➢ Mga Posisyong Papel Hinggil sa Filipino at
Panitikan sa Kolehiyo
✔ Gawain ng mga guro sa Filipino sa antas tersarya ang sanayin ang
mga mag aaral na gamitin ang wikang Filipino upang gawing kapaki
pakinabang ang napili nilang disiplina sa pang araw araw na buhay
ng mga mamamayan.
✔ Ang pinakamainam na porma na pagkatuto ay ang pagpapatuto din
sa iba. Ang pagbibigay serbisyo sa kapwa gamit ang kaalamang
natutunan ay higit pa sa salaping maaring matanggap ng isang
propesyunal.
➢ Mga Posisyong Papel Hinggil sa Filipino at
Panitikan sa Kolehiyo
✔ Binibigyang diin sa posisyong papel ng UP Diliman na
dapat kaagapay ng intelektwalisasyon ay ang pag
gamit nito sa makataong paraan.
➢ Mga Posisyong Papel Hinggil sa Filipino at
Panitikan sa Kolehiyo
✔ Taong 2014 naman noong inilathala ang
“Paninindigan ng Kagawaran ng Filipinolohiya ng
Politeknikong Universidad ng Pilipinas (PUP),
Samahan ng mga Dalubguro at Filipino (SADAFIL),
Samahan ng mga Batang Edukador ng Wikang
Filipino at mga Sining ng Plipinas, PUP Ugnayan
ng Talino at Kagalingan”.
➢ Mga Posisyong Papel Hinggil sa Filipino at
Panitikan sa Kolehiyo
✔ Dito ay ipinahayag ng Polytechnic University of the
Philippines, Manila na ang “umiiral sa realidad sa
Pilipinas na ang Filipino ay wikang panlahat. Nandyan
ito, umiiral at ginagamit sa araw araw na pakikipag
talastasan ng mga Filipino. Mga Pilipino ang kusang
tumanggap nito bilang wikang pambansa at naging
katangi tangi ang tatag nito dahil ito ang identidad ng
lipunang Pilipino.
➢ Mga Posisyong Papel Hinggil sa Filipino at
Panitikan sa Kolehiyo
✔ “Dahil kung ano ang wika mo yun ang identidad mo.”
✔ Malinaw ang pahayag sa posisyong papel na ang pagtatanggal ng
pag-aaral ng Filipino sa kolehiyo ay pagtatanggal din ng
pagkakakilanlan ng mga Pilipino. Ang pag-aaral ng wika at panitikan
sa kolehiyo ay higit na mainam na panahon para mas mapalalim
ang pagmamahal sa sariling identidad at mapataas ang antas
kasabay ang paglinang din ng kani-kaniyang propesyon at
larangan.
➢Kolehiyo
Mga Posisyong Papel Hinggil sa Filipino at Panitikan sa

✔ Ayon naman sa Philippine Normal University ang “isang moog


na sandigan ang wikang Filipino upang isalin ang hindi
magmamaliw na karunugan na pakikinabanagan ng mga
mamamayan para sa pambansang kapakanan. Ang paaralan
bilang institusyong panlipunan ay mahalagan domeyn na
humuhubog sa kaalaman at kasayan ng bawat mamamayan ng
bansa. Kaakibat sa proseso ng pagtuturo at pagkatuto ang
wikang Filipino upang lubos na maunawaan at mailapat sa
paaralan ng buhay ang mga araling hindi lamang natatapos sa
apat na sulok ng silid aralan.”
➢ Mga Posisyong Papel Hinggil sa Filipino at
Panitikan sa Kolehiyo
✔ Samakatuwid, ang bawat posisyong papel na
nailathala sa paksang ito ay naging malaking
bahaging sa pagkakaroon sa kasalukuyan ng mga
asignaturang umiinog sa Filipino at Panitikan. Ang
hakbang at inisyatiba na isinaalang-alang ng mga
organisyon at pamantasan ay nagbigay ng
magandang bunga sa kalagayang pang-edukasyon ng
susunod na henerasyon.

You might also like