You are on page 1of 28

FILI 101

KONTEKSTWALISADONG
KOMUNIKASYON SA
FILIPINO
Yunit 1:
ANG PAGTATAGUYOD NG
WIKANG PAMBANSA SA MATAAS
NA ANTAS NG EDUKASYON AT
LAGPAS PA
Balangkas ng Yunit 1 :
1. Mga Posisyong Papel Hinggil sa Filipino at Panitikan sa Kolehiyo
2. Filipino Bilang Wika ng Komunikasyon sa Kolehiyo at mas Mataas na Antas
ARALIN 1:
MGA POSISYONG PAPEL
HINGGIL SA FILIPINO AT
PANITIKAN SA KOLEHIYO
CHED MEMORANDUM ORDER NO. 30, S. 2013


Mga Nanguna sa Pagsasampa ng Kaso
Mga Abugadong Naghanda ng Petisyon
Tanggol Wika



Posisyong Papel
“Ang pagkakaroon ng asignaturang Filipino ay nakapag aambag sa pagiging mabisa
ng community engagement ng ating pamantasan sapagkat ang wikang Filipino ang
wika ng mga ordinaryong mamamayan sa mga komunidad na ating pinaglilingkuran.
Ang pagpapalakas sa ugnayan ng ating pamantasan at ng mga ordinaryong
mamayan ay alinsunod sa bokasyon ni San Juan Bautista De La Salle na nagsikhay
sa paggamit ng wika ng mga ordinaryong mamamayan sa edukasyon. Dapat bigyang
diin ang Filipinisasyon ng mga pananaliksik ng ibat ibang departamento at kolehiyo sa
pamantasan ay makatutulong din ng malaki sa pagtitiyak na ang ating mga
pananaliksik ay higit na magiging kapakipakinabang sa ating mga kababayan. Sa
pamamagitan ng asignaturang Filipino sa DLSU, inaasahang may sapat na katatasan
sa wikang pambansa ang sinumang gradweyt ng pamantasang ito sa
pakikipagtalastasan sa iba’t ibang pangangailangan o kontekstong
pangkomunikasyon, pang-akademiko man o pangkultura, tulad ng nililinang sa ibang
pamantasan. Ang adbokasiyang itoy pagsasalba sa kolektibong identidad, sa salamin
ng ating kultura, sa daluyan ng diskurong pambansa, at pagtataguyod ng
nasyonalistang edukasyon na huhubog ng mga estudyanteng magiging mga kapaki
pakinabang na mamamayaan ng ating bansa.”
Sipi ng Posisyong Papel na may pamagat na: “Pagtatanggol sa wikang Filipino,
tungkulin ng bawat Lasalyano” mula sa De La Salle University – Manila (Agosto 2014)
“Hindi lamang midyum ng pagtuturo ang Filipino, isa itong displina.
Lumilikha ito ng sariling larangan ng karunungan na nagtatampok sa pagka
Filipino sa anumang usapin sa loob at labas ng akademya. Dapat patuloy
itong ituro sa antas ng tersiyarya at gradwado bilang integral na bahagi ng
anumang edukasyong propesyonal… ang banta na alisin ang Filipino sa
akademikong konteksto ay magdudulot ng ibayong pagsasalaylayan o
marhinalisasyon ng mga wika at kulturang panrehiyon. Kakabit ng pag-aaral
ng Filipino bilang disiplina ang pagtatanghal at paglingap ng mga wika at
kultura ng bayan. Hindi dapat mawala ang wikang panrehiyon sa diskurso.
At lalong hindi dapat pagsabungin ang mga wika. Sa halip, dapat maging
mapagmatyag laban sa mga tao at institusyong ginagamit ang
kasalukuyang isyung pangwika upang itangi ang sarili at kanilang mga
interes.”
Sipi ng Posisyong Papel na may pamagat na: “Ang Paninindigan ng Kagawaran ng Filipino ng
Pamantasang Ateneo de Manila sa Suliraning Pangwikang Umuugat sa CHED Memorandum
Order No. 20, series of 2013” mula sa Ateneo de Manila University
“Nasa wika ang pagtatanyag ng kaalamang lokal – mga kaalamang patuloy
na hinubog at humuhubog sa bayan. Sariling wika rin ang pinakamabisang
daluyan para mapalaganap ang dunong bayan at kaalamang pinanday sa
akademya. Layunin dapat ng edukasyon ang humubog ng mga mag-aaral
na tutuklas ng dunong bayan at napakikinabangan ng bayan. Gawain ng
mga guro sa Filipino sa antas tersarya ang sanayin ang mga mag-aaral na
gamitin ang wikang Filipino upang gawing kapakipakinabang ang napili
nilang disiplina sa pang araw-araw na buhay ng mga mamamayan. Ganito
ang karanasan ng mga mag-aaral sa UP Manila sa pagbibigay nila ng
serbisyong pangkalusugan sa mamamayan. Kailangan nilang matutong
magpaliwanag at makipagtalastasan sa wikang Filipino upang
mapakinabangan ng mamamayan ang kanilang kaalaman.”
Sipi ng Posisyong Papel na may pamagat na: “Susi ng Kaalamang Bayan”
mula sa Unibersidad ng Pilipinas, Diliman
“Umiiral sa realidad sa Pilipinas na ang Filipino ay wikang panlahat.
Nandyan ito, umiiral at ginagamit sa araw araw na pakikipag
talastasan ng mga Filipino. Mga Pilipino ang kusang tumanggap nito
bilang wikang pambansa at naging katangi tangi ang tatag nito dahil
ito ang identidad ng lipunang Pilipino. Mahalaga ang pagpapaunlad
nito sa bawat Pilipino kaya kung ihihiwalay sa mga mag aaral ng
kolehiyo sa Pilipinas ang patuloy na pag aaral ng wikang Filipino,
tinanggal narin natin ang identidad natin bilang Pilipino. Dahil kung
ano ang wika mo yun ang identidad mo.”

Sipi ng Posisyong Papel na may pamagat na: “Paninindigan ng Kagawaran


ng Filipinolohiya ng Politeknikong Universidad ng Pilipinas” mula sa
Polytechnic University of the Philippines
“Isang moog na sandigan ang wikang Filipino upang isalin ang hindi
magmamaliw na karunugan na pakikinabanagan ng mga
mamamayan para sa pambansang kapakanan. Ang paaralan bilang
institusyong panlipunan ay mahalagan domeyn na humuhubog sa
kaalaman at kasayan ng bawat mamamayan ng bansa. Kaakibat sa
proseso ng pagtuturo at pagkatuto ang wikang Filipino upang lubos
na maunawaan at mailapat sa paaralan ng buhay ang mga araling
hindi lamang natatapos sa apat na sulok ng silid aralan.”
Sipi ng Posisyong Papel mula sa Philippine Normal University
Sa iyong palagay, ano ang naging tungkulin ng mga
posisyong papel upang matamasa ang hangarin
na muling maging bahagi ng kolehiyo ang
Filipino at Panitikan?
Maraming Salamat!

You might also like