You are on page 1of 4

San Juan Bautista De Lasalle

Sa pamamagitan ng assignaturang Filipino sa DLSU, inaasahang may sapat na


katatasan sa wikang pambansa ang sinumang gradweyt ng pamantasang ito sa
pakikipagtalastasan sa ibat ibang pangangailangan o kontekstong pang
komunikasyon png akademiko man o pang kultura, tulad ng nililinang sa ibang
pamantasan.” Ang adbokasiyang itoy pagsasalba sa kolektibong identidad, sa
salamin ng ating kultura, sa daluyan ng diskurong pambansa, at pagtataguyod ng
nasyonalistang edukasyon na huhubog ng mga estudyanteng magiging mga kapaki
pakinabang na mamamayaan ng ating bansa.” Mababatid sa posisyong papel na
ang responsibilidad ng paaralan na hubugin angpagkakakilanlan ng bawat
indibidwal. Isa sa mga inaasahan ay ang mapanatili ang ugnayan ng paaralan at ng
komunidad lalo at higit yaong mga nabibilang sa lalylayan. Higit kanino man ay
sila ang mas nangangailangang marinig at mabigyang atensyon. Sa pamamagitan
ng wikang Filipino ay magiging mabisa ang pagpapahayag ng mga saloobin at
pangangailangan ng mga mamamayan. Ito ang nagbibigay boses sa mg
ordinaryong tao at kung mawawala ito ay tuluyan nang hindi malilinang ang ugat
na sanay magdudugtong sa malayong agwat ng karaniwan at mga edukadong tao.
Mas magiging malabo na na maging pantay ang mga mamayan mula sa iba’t ibang
estado sa buhay at manantiling pinid ang mga labi kung dayuhang wika ang
kailangan upang makapagpahayag ng saloobin at pangangailangan.

Atteneo De Manila
Dapat patuloy itong ituro sa antas ng tersiyaryo at gradwado bilang integral na
bahagi ng anumang edukasyong propesyonal… ang banta na alisin ang Filipino sa
akademikong konteksto ay magdudulot ng ibayong pagsasalaylayan o
marhinalisasyon ng mga wika at kulturang panrehiyon. Kakabit ng pagaaral ng
Filipino bilang disiplina ang pagtatanghal at paglingap ng mga wika at kultura ng
bayan. Hindi dapat mawala ang wikang panrehiyon sa diskurso. At lalong hindi
dapat pagsabungin ang mga wika. Sa halip, dapat maging mapagmatyag laban sa
mga tao at institusyong ginagamit ang kasalukuyang isyung pangwika upang
itanggi ang sarili at kanilang mga interes.” Bilang mga Pilipino tungkulin nating
pagyabungin ang bawat butil ng ating pagkakakilanlan. Kaakibat ito ng ating
pagiging malaya at ng lahat ng sakripisyo ng ating mga ninuno. Kaya naman ang
tahasang pagtatanggal sa asignaturang Filipino at Panitikan sa kurikulum ay isang
paraan ng pagkitil sa ating identidad at pagsasawalang bahala ng lahat ng buhay na
binuwis para makamit ito. Malinaw sa posisyong papel ng Ateneo de Manila ang
pangangailangang mapagtibay ang Filipino bilang isang disiplina nang sa gayon ay
mapataas din ang kalagayan ng mga pangrehiyong wika. Ang pagyakap sa ibang
wika habang pinababayaan at iniisang tabi ang sariling wika ay nagtutulak sa atin
palayo sa sariling bayan at nagpipiring sa atin sa mga totoong intensyon ng
nagpapalawig nito.

UP DILIMAN
Sariling wika rin ang pinakamabisang daluyan para mapalaganap ang dunong
bayan at kaalamang pinanday sa akademya. Layunin dapat ng edukasyon ang
humubog ng mga magaaral na tutuklas ng dunong bayan at napakikinabangan ng
bayan. Gawain ng mga guro sa Filipino sa antas tersarya ang sanayin ang mga mag
aaral na gamitin ang wikang Filipino upang gawing kapaki pakinabang ang napili
nilang disiplina sa oang araw araw na buhay ng mga mamamayan. Ganito ang
karanasan ng mga magaaral sa UP Manila sa pagbibigay nila ng serbisyong
pangkalusugan sa mamamayan. Kailangan nilang matutong magpaliwanag at
makipagtalastasan sa wikang Filipino upang mapakinabangan ng mamamayan
ang kanilang kaalaman.”
Ang pinakamainam na porma na pagkatuto ay ang pagpapatuto din sa iba. Ang
pagbibigay serbisyo sa kapwa gamit ang kaalamang natutunan ay higit pa sa
salaping maaring matanggap ng isang propesyunal. Kaya gaano man kahusay ang
magiging produkto ng bagong kurikulum kung hindi naman ito magagamit sa
pagtulong sa kapwa ay hindi din makapagbibigay ng pagunlad.Binibigyang diin sa
posisyong papel ng UP Diliman na dapat kaagapay ng intelektwalisasyon ay ang
pag gamit nito sa makataong paraan. Hindi dapat natatapos ang paglago sa
pagkakamit ng degri kundi sa pagbabalik nito sa iba sa pamamagitan ng serbisyo at
ang mainam na serbisyo ay nagsisimula sa pagkakaunawaan. Wala nang hihigit pa
sa unawaang dulot ng parehas na wika.

PUP
Dito ay ipinahayag ng Polytechnic University of the Philippines, Manila na ang
“umiiral sa realidad sa Pilipinas na ang Filipino ay wikang panlahat. Nandyan ito,
umiiral at ginagamit sa araw araw na pakikipag talastasan ng mga Filipino. Mga
Pilipino ang kusang tumanggap nito bilang wikang pambansa at naging katangi
tangi ang tatag nito dahil ito ang identidad ng lipunang Pilipino. Mahalaga ang
pagpapaunlad nito sa bawat Pilipino kaya kung ihihiwalay sa mga mag aaral ng
kolehiyo sa Pilipinas ang patuloy na pag aaral ng wikang Filipino, tinanggal narin
natin ang identidad natin bilang Pilipino. Dahil kung ano ang wika mo yun ang
identidad mo.”Kalakip ng pagka Pilipino ang wikang Filipino at ang paglinang nito
ay paglinang din ng sariling identidad. Ito ay nagbibigay diin sa lalong
pangangailangan ng mga mamayan lalo’t higit ng mga mag-aaral na linangin ang
kani-kanilang identidad. Malinanw ang pahayag sa posisyong
papel na ang pagtatanggal ng pag-aaral ng Filipino sa kolehiyo ay pagtatanggal din
ng pagkakakilanlan ng mga Pilipino. Ang pag-aaral ng wika at panitikan sa
kolehiyo ay higit na mainam na panahon para mas mapalalim ang pagmamahal sa
sariling identidad at mapataas ang antas kasabay ang paglinang din ng kani-
kaniyang propesyon at larangan. Upang kasabay ng mga lumalagong Pilipino ay
ang pagyabong din ng wikang Filipino

PNU
upang isalin ang hindi magmamaliw na karunugan na pakikinabanagan ng mga
mamamayan para sa pambansang kapakanan. Ang paaralan bilang institusyong
panlipunan ay mahalagan domeyn na humuhubog sa kaalaman at kasayan ng bawat
mamamayan ng bansa. Kaakibat sa proseso ng pagtuturo at pagkatuto ang wikang
Filipino upang lubos na maunawaan at mailapat sa paaralan ng buhay ang mga
araling hindi lamang natatapos sa apat na sulok ng silid aralan.”

SUMMARY
Ang paaralan ang nagiging kanugnog ng tahanan kung saan lalong pinapanday ang
pagkatao ng bawat indibidwal. Ito ang siyang nagbibigay katuturan sa mga
karaniwang karanasan
at nagpapaliwanag ng mga bagay sa mas malalim na perspektibo. Binigyang
pansin sa posisyong
papel ang malaking gampanin ng paaralan sa pagbuo ng tulay na magdudgutong sa
kung ano man
ang mga napagaralan sa silid ay syang magamit at madala sa paglabas dito. Ito ang
nagpapaigting ng pagnanais na malinang sa paaralan ang sariling wika at panitikan
at nang sa gayon ay masiguradong bahagi ng paglago ng mga mag-aaral ang
midyum na batid ng bawat Pilipino. Ito ay magbibigay daan din sa
kapakinapakinabang na talastasan at talaban ng ideya Samakatuwid, ang bawat
posisyong papel na nailathala sa paksang ito ay naging malaking bahaging sa
pagkakaroon sa kasalukuyan ng mga asignaturang umiinog sa Filipino at Panitikan.
Ang hakbang at inisyatiba na isinaalang-alang ng mga organisyon at pamantasan
ay nagbigay ng magandang bunga sa kalagayang pang-edukasyon ng susunod na
henerasyon. Patuloy na magiging mapanghamon ang pagyakap sa globalisasyon at
nawa kaalisabay nito ay mas humigpit ang pagyakap sa sariling pagkakakilanlan at
identidad. Sa kabila ng pagbabago sa napakaraming aspekto ay manatili sana ang
pagmamahal sa Filipino at Panatikan. Inaasahang dadami ang mga propesyonal na
magmamahal at magpapaunlad sa sariling wika matapos ang pagtatalakay sa mga
posisyong papel na ito upang maibalik ang Filipino at Panitikan sa kolehiyo.

You might also like