You are on page 1of 3

Pahapyaw na Kasaysayan ng Retorika

Sinasabing nagsimula ang retorika bilang isang sistema ng pakikipagtalo sa Syracuse, isang isla
sa Sicily noong ika-limang siglobago dumating si Kristo. Makaraang bumagsak ang kanilang
pamahalaang diktaturyal, ang mga mamamayan doon ay binigyang pagkaka-dumulog at ipagtalo sa hukuman
ang kanilang karapatan sa mga lupang inilit ng nakaraang rehimen.

Ang marunong na si Corax, isang tagaroon, ang nagpanukala sa mga tuntunin ng paglalahad ng
kanilang argumento. Ayon sa kanya, upang makuha ang simpatiya ng mga nakikinig kailanagan ang maayos at
sistematikong pagpapahayag ng mga katwiran. Nakasentro ang kanyang pamamaraan sa talumpati na
kakikitaan ng limang mahahalaganag elemento:

1.      ang proem o introdusyon;

2.      ang salaysay o pahayag nahistorical;

3.      ang mga pangunahing argumento;

4.       mga karagdagang pahayag (supplemental statements) o kaugnay na argumento(supporting arguments);

5.       at ang konklusyon. Naimbento nila ang retorika sa layuning makahikayat at mapunuan ang anumang
pagkukulang sa mga konkretong katibayan (concrete evidence).

Makikita agad dito na sadyang ginagamit ang retorika sa pag-apila sa emosyon at di gananong
binibigyang diin ang katumpakan at kalakasan ng argumento. Ayon pa sa mga sophist, Makapal na panitik
(katawagan sa pangkat ng matatalinong tao noon), ang retorika ay angkop sa pagtatamo ng
kapangyarihang political sa pamamgitan lamang ng kanilang pagpapahalaga sa paksang ipinaglalaban
at estilo sa pagbigkas.

Maaring binabatikos naman ito ni Socrates (c. 470–399 B.C.) sa pagsasabing walang hangad ang
mga sophist maliban sa kabayarang kanilang tinatanggap sa pagtuturo at ang kanilang lubhang pagbibigay diin
sa retorikabilang sining ng pakikipagtalo (debate) at hindi sustansiya ng talumpati. Ang ganitong
pamamaraan, banta pa niya, ay nagtuturo lamang sa mga estudyanteng palabasin ang kasamaan ng isang
mabuting adhikain. Kinikilalang pinakama-impluwensiyang retorisyan noon si Isocrates (c. 436–338 B.C.).

Nagtatag siya ng sariling paaralang magtuturo ng istilo ng pananalumpati batay sa maindayog at


magandang pagkakatugma ang mga salita sa paraang tuluyan o prosa. Kakikitaan ang kanyang
sariling prosa ng mga maikli ngunit eleganteng nakabiting pangungusap na mayaman
sa kasaysayan at pilosopiya.

Sa Rhetoric ni Aristotle (384–322 B.C.) sinuri niyang mabuti ang sining ng panghihikayat (Art of


Persuasion), binigyan ng parehas na empasis ang katangian ng nagsasalita, ang lohika ng kanyang kaisipan, at
ang kakayahang pumukaw ng damdamin ng mga nakikinig. Inihiwalay niya ang retorika sa pormal na lohika at
ang mga kasangkapang panretorika sa siyentipikong pamamaraan ng pagbibigay katuturan dito ayon sa
maaring maganap kaysa sa tiyak na magaganap. Nilikha niya ang ideya ng probabilidad o malamang na
mangyari o maganap sa pamamagitan ng mga panumbas na retorikal sa lohikang kaisipan:
ang enthymemekung saan ang pansamantalang kongklusyon ay kinuha sa pansamantalang batayan, sa halip
na silohismo na mula sa katotohanang unibersal; at ang halimbawa o analogypara sa pangangatwirang
induktibo.

Si Cicero (106–43 B.C.) ang batikang orador ng Roma, katulad din ni Aristotle, ay hayagan ding
nagtagubilin sa kasangkupan ng prinsipyo ng mananalumpati. Nasabi niyang ang pagtatalakay sa anumang
adhikain ay batay sa mabuting panlasa at pagpasiya ng orador kaya’t sa isyu ng moralidad ipinahayag niyang
nararapat na maging mabuting tao ka muna upang maging mabuting mananalumpati. Sagana
ang prosa ni Cicero sa mga hugnayang nakabiting pangungusap. Ipinamana ni Aristotle sa larangan ng
oratoryo ang forensic na nagging batayan sa ngayon ng mga abogado para sa kanilang legal na salaysay.
Nakatuon ang forensic sa nakaraan. Sa kaibuturan ng mga pangyayari, iniwan ni Aristotle ang oratoryong
deliberative o pampolitika na nakatuon naman ang pansin sa hinaharap. Dito sinasabing nagsimula ang
malayang pagkilos at talakayan o mga pagtatalong pampubliko (public debate). Si Aristotle din ang
nagpasimula ng oratoryong panseseremonya o epideictic na kakikitaan ng mga mabubulaklak at
madamdaming mga salita. Karaniwang binibigkas ito sa pagbibigay ng papuri. Ito ang tinatawag natin sa
Ingles na declamation.

Klasikal na Retorika (510 BC, Athens)


1.      sa pagkakatatag ng demokra-tikong institusyon, nagkaroon ng pangangailangan sa serbisyong
publiko.

2.      Kinilala ang pangkat ng mga guro na tinatawag na Sophist

3.      Ang mga Sophistay nagsikap upang gawing higit na mabubuting tagapagsalita ang mga tao.

Protagoras -kauna-unahang Sophist, Siya ay nagsagawa ng isang pag-aaralsa wika at nagturo


kung paanong ang mahihinang argumento ay magiging malakas na pahayag

Corvus Corax ng Syracuse, nagsabing ang retorika ay persuasionat nag-akda ng handbooksa


sining ng retorika
Antiphon -una sa itinuturing na Ten Attic Orators, ang nagsanib ng teorya at Praktika ng
retorika

Isocrates -ang dakilang guro ng oratoryo noon ikaapat na siglo, nagpalawak sa sining ng retorika
upang maging isang pag-aaral ng kultura at isang pilosopiya na may layuning praktikal

Retorika sa Gitnang Panahon


Sa gitnang panahon, isa sa tatlong sabyek ng liberal na siningang retorikasa mga unibersidad
kasama ng gramar at lohika Retorika sa Gitnang Panahon

Sa panahon ng Renasimyento

(ika-14 hanggang ika-17 siglo) -ang pag-aaral ay muling ibinatay sa mga akda ng klasikal na
manunulat tulad nina Aristotle, Cicero at Quintillian.

Isa sa kontemporaryong disertasyon ng panahong ito ay ang The Art or Crafte of Thethorykeni
Thomas Wilson

Modernong Retorika
 Nabawasan ang importansya ng retorika sa teoretikal na aspeto ngunit hindi sa praktikal (ika-18
siglo)

·         Mga popular na akda sa panahong ito:


·         Lectures on Rhetoric (1783)-Hugh Blair
·         Philosophy of Rhetoric (1776)-George Campbell
·         Rhetoric (1828)-Richard Whately

You might also like