You are on page 1of 3

Liza V.

Villamin
BEED-III
Pagtuturo ng Filipino sa Elementarya
Talakayan

1. Ibigay ang mga katangian ng awit at kurido.


Ang awit at korido ay parehas na tulang pakwento o naratibo.  Parehas din na kilala bilang
tanyag na panitikan noong unang panahon sa Pilipinas.  Ilan sa mga nakilalang awit at korido sa ating
bansa at sa ating kasaysayan ay ang Ibong Adarna at Florante at Laura.

Ang mga tulang awit at korido ay may mahigpit na pagsusukat at pagtutugma sa bawat linya at
saknong.  Parehas na hindi basta-basta ang pagsulat ng ganitong klaseng panitikan.  Tanging mga
matiyaga at malikhain sa pag-iisip ang nakakagawa ng mga awit at korido.
Ang mga tema ng awit at korido ay kalimitang may parehong layunin. Ito ay ang may hiranging tao o
bida sa kwento na siyang dapat nagtataglay na kahangahangang pagkatao at kakayahan.

Ang katangian ng korido at katangian ng awit ay nagkakaiba lamang sa mga bilang ng pantig,
espisipikong tinataglay na lakas ng bida sa kwento, at sa bilis o bagal ng kani-kanilang musika o
himig.

2. Paano nagkakaiba at nagkakatulad ang dalawang nabanggit na tulang pasalaysay?


Ang pagkakatulad ng awit at korido ay makikita sa ingat ng sukat, tugma, taludturan at
pagpapantig.
Ang kaibahan ng Awit at Kurido
AWIT
 Sukat ay tig-labindalawang (12) pantig ang bawat taludtod
 Mabagal kung awitin/tulain
 Inaawit nang mabagal o ang himig ay may kabagalan sa saliw ng gitara o bandurya;
"andante" dapat
 Ang ikinaganda nito ay ang mga aral na ipinahihiwatig ng kabuuan ng kwento. Maaaring
kakaiba ang paksa ng awit: May bida ay ang magiging bayani, o kaya naman ito ay isang
mahabang alamat, o kaya naman ay tungkol sa mandirigma.
 Ang himig ay banayad o andante
 May pagkamakatotohanan ang Awit. Ang pakikipagsapalaran ng mga tauhan ay maaring
nangyayari sa tunay na buhay ng tao o sa tunay na mundong ating kinagagalawan.
 Nagsasaad lagi ng kabayanihan ang awit kahit na ang mga tulang ito ay may pinapaksa
ring pagka-romansa.
 Ang Awit ay may mga salaysay o taludturan sa pakikipag-ibigan at pakikipagsapalaran
ngunit ang mga tauhan ay walang mga sangkap na kababalaghan o kakaibang
kapangyarihan gaya ng mga nangyayari sa korido

KORIDO
 
 Isang uri ng panitikang Pilipino na may o naging impluwensya ng mga Espanyol na
sumakop sa atin 300+ na taon
 Binibigkas sa pamamagitan ng pakanta o pahimig na pagpapahayag
 Mabilis ang bigkas at pagkakabasa at binibigkas sa kumpas ng martsang "allegro"
 Sukat ay may walong (8) pantig
 Kalimitang tulang panrelihiyon
 Ang kuwento ay kasaysayan, alamat o kababalaghan
 Ang pakikipagsapalaran naman ng mga tauhan sa korido ay malabong mangyari sa tunay
na buhay dahil ang protagonista sa kuwento ay maaaring may kapangyarihang
supernatural na hindi naman karaniwang nangyayari sa ating mundo.

3. Bakit itinuturing na “Pinakamatayog na Tuluktok ng Panitikang Filipino” si Francisco Baltazar?


Tinawag siyang Pinakamatayog na Tuluktok ng Panitikang Filipino dahil sa kanyang anking galing
sa pagsulat ng awit at kurido. Walang mga nasulat na tula sa alinmang panahon na katulad ng
mga akda niya. At hindi maaaring hindi mabanggit ang panganlan ni Balagtas kapag ang paksa ay
tungkol sa panitikang Filipino.

4. Basahin ang mga mapanghimagsik na saknong ng “Florante at Laura” na matatagpuan sa


pahinan 99-100. Ipaliwanag ang kahulugan ng mga ito batay sa mga nagaganap sa kasaysayan
ng ating bansa noong panahong iyon.
Ang unang himagsik ay laban sa malupit na pamahalaan sapagkat ito ay naglalarawan ng
tiwaling pamamalakad ng pamahalaang kastila, pang – aabuso ng mga kastila sa mga Pilipino at hindi
pantay na karapatan sa pagitan ng mga kastila at Pilipino.
Ang ikalawang himagsik ay laban sa hidwaang pananampalataya sapagkat ito ay
naglalaman ng pakikialam ng mga kastila sa pamamahala ng simbahan at pamahalaan. Hindi tulad sa
kasalukuyang panahon, ang simbahan at estado noon ay saklaw ng kapangyarihan at pamamalakad
ng kastila. Noong panahon ni Balagtas, ang pagtanggi ng mga Muslim sa Jolo at Mindanao sa
relihiyong katoliko ay dahilan para sila ay tawaging walang Diyos, hamak, aba, dusta, at kasuklam –
suklam.  
Ang ikatlong himagsik ay laban sa maling kaugalian sapagkat pinuna ni Balagtas ang maling
paraan ng pagpapalaki sa mga anak tulad ng paglalayaw, pagiging mainggitin, mapanghamak,
katamaran, paghihiganti sa mga kaaway, pang – aagaw ng minamahal, at masamang trato sa
lipunan.
Ang ikaapat na himagsik ay laban sa mababang uri ng panitikan sapagkat noong panahon
na iyon ay walang kalayaan sa pagsulat at pagpapahayag ng sariling saloobin at ang tanging
pinapayagan lamang ay ang mga sulating may kaugnayan sa relihiyon at pabor sa mga kastila. Ang
pagpapahayag ng saloobin ay isang uri ng paghihimagsik na idinadaan sa panitikan.

5. Ibigay ang buod ng Florante at Laura. Paano maihahalintulad ang mga pangyayari sa awit sa
nagaganap sa Pilipinas noong Panahon ng Kastila?

Si Florante ay anak ni Prinsesa Floresca at ang taga-pagpayo ng mga maharlika na si Duke


Briseo. Sa murang edad ay ipinadala siya ng kanyang mga magulang sa Atenas, Gresya upang doon
ay mag-aral at makapagsanay ng pakikidigma.
Dito niya nakilala si Adolfo na isa ring taga Albanya. Si Adolfo ang itinuturing na pinkamagaling sa
kanilang paaralan. Ngunit ito ay nagbago nang dumating si Florante na siyang nakaagaw satitulong
“pinakamatalinong mag-aaral” sa kanilang bayan.
Dito nag-umpisa ang tunggalian nina Adolfo at Florante. Isang hidwaan na nagpatuloy hanggang sa
kanilang pagbabalik sa Albanya.
Sa kanyang pag-uwi ay naimbitahan si Florante sa bahay ng hari ng Albanya at doon niya nakilala si
Laura, ang dalagang anak ni Haring Linceo.
Naging kilala si Florante bilang isang magiting at matapang na mandirigma. Pinangunahan niya ang
Krotona upang maitaboy ang puwersa ng mga mandirigmang Persiya.
Nailigtas din niya sina Duke Briseo, Adolfo, Haring Linceo at Laura sa kamay ni Emir. Dahil sa
kanyang ipinamalas na katapangan siya ay itinalaga na taga-pagtanggol ng Albanya.
Sa gitna digmaan ng Turkiya iniwan ni Florante ang kanyang mga kawal dahil sa liham na nanggaling
sa kanyang ama. Dahil dito, nagapi ang kanyang mga mandirigma. Ikinulong si Florante at itinapon sa
gubat bilang kaparusahan sa kanyang nagawang pagkakasala sa kaharian.
Mula sa kanyang pananatili sa gubat ng anim na taon ay nakilala niya si Aladin.Iniligtas niya si
Florante sa bangis ng dalawang liyon sa gubat. Tinulungan at inalagaan niya ito hanggang sa lumakas
ang kanyang pangangatawan.
Nagpatuloy sa paglalakbay ang dalawa hanggang sa hindi inaasahang pagkakataon ay muli
nilang nakita pareho ang kanilang mga iniirog, sina Laura at Flerida.
Dahil dito ay nagkanya-kanya na sila ng landas at muling bumalik sa kanilang mga kaharian at
namuhay ng payapa at masaya.

6. Pumili ng isang saknong mula sa “Florante at Laura na matatagpuan sa 103-104. Ipaliwanag


ang kahalagahan nito sa kasalukuyang panahon batay sa kahalagahang pantao na nililina ng
saknong.

Saknong 103 -Ang matatawag kong palayaw sa akin ng ama ko’y itong ako’y paliguhin, agawan
ng sinta’t pananasaing lumubog sa dusa’t buhay ko’y makitil.
Sa saknong ito nagdadalamhati si Florante dahil sa pagkasawi ng kanyang ama. Pinatay
ito ng pataksil ni Adolfo dahil ang kanyang iniibig na si Laura ay iba ang iniibig kundi si Florante.
Kaya ganun na lamang ang puot na nadarama ni Florante dahil lamang sa babaeng kanyang
sinisinta siya’y pananasaing lumubog sa dusa at buhay niya’y makitil.

7. Isalaysay sa sariling paraan ng Siete Infantes de Lara”. Anu-anong mga kahalagahang pantao
na nalilinang sa mambabasa ng panitikang ito?

Sabi nga nila matuto tayong rumispeto sa mga taong nakatatanda sa atin. Ngunit kung ang pag-
uugali ng mas nakatatanda ay katulad na lamang ni Lambra na hindi pa man reyna ay nagmamagaling na
kahit napakaraming taong tumitingin ay ganun na lamang ang sinasabi sa mga pamangkin ng kanyang
mapapangasawa. Kaya walang batang makatitiis na hindi sumagot dito.

8. Anu-anong mga pangyayari sa kurido ang maaaring maganap sa tunay na buhay?


 Mawawalan ng respito ang mga bata sa magiging asawa ng kanilang tiyo.
 Magkakaroon ng sama ng loob ang mga bata na hanggang sa paglaki nila’y hindi nila ito
makakalimutan.
 Hindi nila makakasundo sa anumang bagay ang kanilang magiging tiya na si Lambra.

You might also like