You are on page 1of 1

Ang karaniwang ayos ng pangungusap na Filipino, kailangang mauna ang panaguri kaysa sa

paksa/simuno. Kabaliktaran ito sa English na nauuna ang paksa sa panaguri. Ang ganitong paraan ng
pagsulat ng pangungusap ay tinumbasan sa Filipino ng di karaniwang ayos ng pangungusap.

Madaling malamang ang pangungusap ay nasa di karaniwang ayos o karaniwang ayos. Palatandaan
dito ang paggamit ng pangawing na ay. Pag may ay ang pangungusap ito ay nasa di-karaniwang
ayos.

Halimbawa ng di-karaniwang ayos ng pangungusap:
Ang bata ay matabil.
Ang bata ay mabait at matabil.
Ang bata ay mabait ngunit matabil.

Halimbawa ng pangungusap na nasa di karaniwang ayos.
Matabil ang bata.
Matabil at mabait ang bata.
Mabait ngunit matabil ang bata.
KARANIWANG AYOS- ang ayos ng pangungusap kung nauuna ang pang-uri sa simuno.
HALIMBAWA: Masayahin ang mga Pilipino
DI-KARANIWANG AYOS- ang ayos ay may ay na nag-uugnay sa simuno at pang-uri.
HALIMBAWA: Ang mga Pilipino ay masayahin

You might also like