You are on page 1of 26

Ilang kakanyahan ng Pilipino

at Ingles at Implikasyon ng
mga ito sa Pagsasaling-Wika
Nabanggit na sa dakong una na bawat wika
ay may kanya-kanyang natatanging
kakanyahan sa palatunugan, sa palabuuan, at
sa palaugnayan. Ngunit ang mga wikang
magkakaangkan ay malaki ang pagkakatulad
maging sa leksikon o talasalitaan. Sa Kabuuan
ay hindi kukulangin ng kalahati o 50% ang
cognacy o pagkakahawig-hawig kundi man
pagkatulad-tulad ng mga katutubong Wika sa
Pilipinas kapag ang pinag-uusapan ay kayarian
ng mga pangungusap.
Subukin din ang malaking pagkakatulad-tulad
ng mga katutubong wika natin sa leksikon.
Subuking alamin, halimbawa, ang mga salitang
ginagamit sa ibat ibang bahagi ng katawan ng
tao ay mapapatunayan na napakaraming salita
ang magkakatulad o magkakahawig.
Subuking magbigay ng anumang
pangngusap sa Pilipino at ipasalin ito sa
alinmang katutubong wika natin at
mapapatunayang malaking-malaki ang
pagkakatulad ng mga ito sa kayarian o
pagsusunod-sunod ng mga salita.
Sa kabilang dako, kung malaki man ang
pagkakatulad-tulad ng mga katutubong wika sa
Pilipinas, ang pagkakatulad naman ng Pilipino at
Ingles sa leksikon (matangi sa mga salitang
hiram) at sa palabuuan ay zero. Kung sa
palaugnayan man ay masasabing may
pagkakatulad, ang gayon ay aksidental o
nagkataon lamang, dahil sa tinatawag na
university of languages.
Ang dahilan magkalayung-magkalayo ang
Pilipino at Ingles sa mga kakanyahan ay sapagkat
magkaiba ang pinagmulang angkan ng mga ito.
Gaya ng nabanggit na natin, sa larangan ng
pagsasaling-wika, higit na mahirap magsalin
kapag ang dalawang wikang kasangkot ay di-
magkaangkan.
Sapagkat bukod sa likas na may malaking
pagkakaiba sa mga kakanyahan ng dalawang
wika, mayroon pang ibang salik na nakadaragdag
sa kahirapan ng pagsasalin, tulad ng malaking
agwat sa kaunlaran at pagkakaiba sa kultura.
Narito ang ilang pagkakaiba sa mga kakanyahan
ng Pilipino at Ingles na kalimitang kinatitisuran
ng mga bago pa lamang nagsisimulang magsalin:

a. Sa Ingles, ang simuno ng pangungusap ay lagi


nang nauuna sa panaguri. Hindi maaari sa
Ingles ang ayos na panaguri + simuno. Sa
Pilipino ay karaniwang-karaniwan ang
dalawang ayos ng pangungusap.
Halimbawa:
Dinilig ni Jose ang mga halaman.(Panaguri + Simuno)
Ang mga halaman ay dinilig ni Jose.(Simuno + Panaguri)

Sa Ingles ay isang balangkas lamang ang maaaring


tanggapin:
Jose watered the plants.(Subject + Predicate)
The plants were watered by Jose.(Subject
+Predicate)
Ngunit tiyak na hindi maaari ang:
*Watered by Jose the plants.
Anupat kung sa Ingles subject+predicate
lamang ang maaaring maging kayarian ay
normal na pangungusap, sa Pilipino ay maaari
ang panaguri + simuno at simuno + panaguri.
Sa pinakahuling pagsusuring isinagawa ng mga
dalubwika sa Pilipino, ang itinuturing na tuwid
na ayos ng pangungusap ay panaguri+
simuno.
Kasalungat ito ng nagsasaad sa matandang
Balarila ng Wikang Pambansa na ang tuwid na
ayos ay simuno + panaguri, isang paniniwalang
halatang-halatang naimpluwesyahan ng mga
pagsusuring isinasagawa noong araw sa mga
wikang Indo-Europeano, tulad ng Latin, Kastila
at Ingles.
Sa pagsasalin, sapagkat simuno + panaguri ang
kayarian ng lahat ng normal na pangungusap sa
Ingles, malimit na nadadala ng ganitong balangkas
ang nagsasalin sa Pilipino sapagkat maayos din
naman sa Pilipino ang ganito. Ngunit mapapansin
na kapag ganito ang nangyari, ang salin ay lalabas
na hindi natural na Pilipino.
b. Sa Pilipino ay mayroon tayong tinatawag ng
pokus ng pangungusap. Ang pokus ay ang
semantikong pagkakaugnayan ng paksa (o
simuno) at ng pandiwa na ipinahahayag sa
tulong ng panlapi. Natuklasan ng mga dalubwika
na ang pokus ay likas na katangian ng mga
katutubong wika natin.
Sa Ingles, ang stress o ang intonasyon o sa
pamamagitan ng a at the at hindi sa
pamamagitan ng banghay ng pandiwa.
Sa pamamagitan ng pokus ay nalalaman
natin kung alin o sino ang binibigyang-tuon sa
pangungusap.
Mga halimbawa:
(1) Pokus sa Tagaganap
Nagtanim ng halaman ang tatay.
(2) Pokus sa Layon
Itinanim ng tatay ang halaman,
(3) Pokus sa Ganapan
Pinagtamnan ng tatay ng halaman ang paso.
(4) Pokus sa Tagatanggap
Binigyan ng tatay ng pera ang nanay.
(5) Pokus sa Gamit
Ipinansulat ng bata ang lapis.
(5) Pokus sa Gamit
Ipinansulat ng bata ang lapis.
(6) Pokus sa Sanhi
Ikinalungkot ng mga mag-aaral ang
pagkakasakit ng guro.

(7) Pokus sa Pinaglalaanan


Ipinagtira ng nanay ng ulan ang tatay
Mapapansin ng kapag nagbago ang pokus ay
nagbabago rin ang panlapi ng pandiwa. Ang
ganitong semantikong pagkakaugnay ng paksa at
ng pandiwa ay dapat pagsanayan sapagkat dito
malimit magkamali, lalo na ang mga hindi
maingat sa pagsasalin.
c. Kailangang maging maingat ang tagapagsalin
sa paggamit ng mga panlaping (-)um at mag-.
Karamihan sa mga nagkakamali rito ay ang mga
di-Tagalog, lalo na ang mga Bisaya. Malaki ang
nagagawa ng (-)um- at mag- sa kahulugan ng
pangngusap.
Mga Halimbawa:
Bumili siya ng damit.
Nagbili siya ng damit. (karaniwang mali)
d. Tungkol sa mga panghalip, sa Ingles ay
karaniwang-karaniwan ang panghalip na it o
she/he o ang pangmaramihang they/them. Sa
pagsasalin sa Pilipino, malimit na kahit maaari
nang alisin ang panghalip ay inilalagay pa rin
natin sapagkat mayroon niyon sa Ingles.
Mga Halimbawa:

Wheres Pedro? Hes outside.


Nasaan si Pedro? Nasa labas (siya).

Wheres the car? Its in the garage.


Nasaan ang kotse? Nasa garahe (ito).
Pariralang pandiwa na ang katumbas sa
Pilipino ay mga lisaning salita lamang.
Mga Halimbawa:

Tell the children, keep quiet.


Patahimikin ang mga bata.

Let (the substance) settle.


Patiningin()
Gaya ng nabanggit na, mayaman ang Pilipino
sa paglalapi, kayat sikapin ng tagapagsalin na
laging kasangkapanin ito sa kanyang pagsasalin.
Kung sa Ingles ay nangangailangan ng higit sa
isang salita dahil hindi kasingyaman ito ng
Pilipino sa mga panlapi, sa Pilipino ay isang salita
lamang ang gamitin kung siyang kinakailangan.
Patahimikin sa halip na sabihin sa mga bata na
silay tumahimik; patiningin sa halip na Hayaang
tumining..
Anupat ang mga nabanggit sa itaas ay ilan
lamang sa mga halimbawa ng pagkakaiba sa mga
kakanyahan ng Ingles at Pilipino na maaaring
pagmulan ng kalabuan ng salin. Makabubuti
marahil ulitin dito na ang isang kaisipang
ipinahayag sa sariling kaparaanan naman ng
pinagsalinang wika.
Sikaping lagi na huwag patangay sa
kakanyahan ng isinasaling wikang Ingles upang
hindi masabi ng makababasa na ang salin sa
Pilipino ay Ingles din na tinagalog lamang ang
mga salita.
Mga Mungkahing Hakbang sa Pagsasalin sa
Pilipino ng mga Materyales na Nasusulat sa
Ingles.
1. Basahin muna nang buo ang isasalin upang
maunawaan ang kalahatang diwang
napapaloob dito bago magsimula sa
pagsasalin;
a. Habang binabasa ay itala ang mga
katawagang may kahirapang tumbasan; bigyan
ng pansamantalang katumbas sa Pilipino ang
mga ito.
b. Alamin o subukin kung ang ibinigay na
katumbas ay angkop na gamitin sa ibat
ibang sitwasyong tinatalakay sa orihinal.

c. Kung mapatunayang mahina ang ibinigay


na katumbas, humanap ng ibang katumbas
na higit na magiging angkop. Makabubuting
gumamit ng maliliit na kard (3 x 5) upang
maging sistematiko.

You might also like