Professional Documents
Culture Documents
111/INTRODUKSYON
SA PAG-AARAL NG
WIKA
AKTIBITI 1
KABANATA I
1.Wika: Katuturan at Katangian
2 .Mga Teorya ng Pinagmulan ng Wika
3.Kahalagahanng Wika Bil
4.Mga Tungkulin ng Wika
5.Antas ng Wika
Inihandi ni:
Rana May F. Compas
BSED 2-A FILIPINO MAJOR
Isinumite kay:
Gng. Josierene V. Abel
Instruktor
FIL 111
Bachelor of Secondary Education – Filipino Major
v
PANUTO: Ibigay ang kasing kahulugan ng mga salita na nakatala sa titik A, isulat ang
sagot sa bawat kahon na nakapalibot sa salitang wika. Pagkatapos, ibigay ang mga
detalyeng hinihingi ng bawat kahon na may kinalaman sa inyong naunang isinagot na
maaaring mag-ugnay sa wika.
A. Ibigay ang kahulugan o tinutukoy ng mga sumusunod na pahayag.
1. Tawag sa siyentipikong pag-aaral sa iba‟t ibang paniniwala ng mga bagay-bagay na
may mga batayin subalit hindi pa lubusang napapatunayan.
2. Tumutukoy sa kahulugan ng isang salita.
3. Salitang tumutukoy sa mga bagay na inaasahang magagawa o maisasakatuparan
4. Tumutukoy sa katayuan, bilang o posisyon.
Teorya Kahulugan
1. Teorya 2. Kahulugan
Wika
3. Tungkulin 4. Antas
Tungkulin Antas
Heuristic
At Imahinatibo Kolokyal
Regulatori Representasyunal Impormal Lalalawiganin
At Balbal
at
FIL 111
Bachelor of Secondary Education – Filipino Major
v
Aktibiti
Gawin ang mga sumusunod na panuto.
A..Sumulat ng isang usapan gamit ang sumusunod na salita: tena, nagsusunog ng kilay,
kamo, beki, erap, iniibig, kaklase, asignatura, istambay, pagsusulit.
Mga pangungusap :
1. Tena sa paaralan upang mag aral at matuto.
2. Ang mga mag-aaral ay talaga namang nagsusunog ng kilay upang maipasa
lamang ang kanilang mga pagsusulit sa susunod na araw.
3. Kamo ay naging napakahirap ng taong ito para sa mga guro at estudyante dahil
sa bagong sistema ng edukasyon.
4. Ang mga beki ay napakasayang kasama hindi lamang dahil palagian nila tayong
pinapatawa kundi dahil din sa totoo sila sa atin.
5. Erap ang tawagan nila dahil uso ngayong ang pagbabaliktad ng mga salita lalo na
sa mga kabataan.
FIL 111
Bachelor of Secondary Education – Filipino Major
v
6. Ang bansang Pilipinas ay labis na iniibig ng kanyang mga mamamayan.
7. Masayang tinanggap ng seksiyon 2-A and kanilang bagong kaklase sa
asignaturang Filipino.
8. Higit na mas nadadaliaan at nauunawaan ng mga mag-aaral ang isa nilang
asignatura sapagkat ang sarili nating wika ang gamit na medyum dito.
9. Ang mga magkakaibigan ay palagi na lamang naka-istambay sa silid-aklatan
tuwing tanghali upang magbasa-basa para sa susunod nilang klase.
10. Napakahirap ng pagsusulit na ibinigay ng kanilang guro kaya naman madami
ang nakakuha ng mabababang marka kahit na labis naman nila itong pinaghandaan.
“dehins”- hindi
- Gaya din ng ibang salita, binaliktad din ang pagbaybay ditto at dinagdagan
pa ng letra. Madalas na ginagamit ito kapag nag-uusap ang magkakaibigan.
“Erap”-pare
- Ginagamit ng mga kabataan lalo nan g mga kalalakihan bilang tawagan dahil
tingin nila ay mas kaaya-ayang pakinggan ito at gamitin.
“nosi”- sino
- Ito ay isa pang halimbawa ng pagbabago ng pagbaybay ng salita. Sa halip na
gamitin ang tamang pamamaraan ng pabaybay ay mas gianagamit ng mga
kabataan ang ganito dahil mas nagugustuhan nila ang nalilikha nitong tunog
“amats”- tama
- Ginagamit ito sa tuwing nakakainom ng alak o tinatamaan nan g kalasingan.
D. Kung ikaw ang tatanungin, alin sa mga teorya ang higit nanakapagpaniwala sa iyo
na maaaring pinagmulan ng wika? Ipaliwanag ang iyong kasagutan gamit ang 10-15
pangungusap.
Ang tao ay sadyang naiiba sa lahat ng nilalang na nabubuhay sa mundo at
naniniwala akong tayo ay may kakaibang kakayahan na natatangi sa lahat. Sa aking
mga nabasang teorya, ang higit na nakapagpaniwala lamang sa akin ay ang teorya ni
Rene Descartes sapagkat makatuwiran ang kanyang inilahad na teorya. Sa lahat ng
nilalang na may buhay, tao lamang ang may rasyonal na kaisipan na may kakayahang
mag-isip, mangatuwiran, maglahad, at lumikha ng mga bagay-bagay.
Sa pamamagitan ng ating pag-iisip, nakalilikha tayo ng mga bagay na hindi
kailanman kayang gawin ng iba. Hindi nakapagtataka kung ang wika ay likas na sa tao
dahil gaano man ito kakomplikado at gaano man kataas ang antas nito, likas na sa tao
ang matuto lalo‟t higit magagamit natin ito sa pagganap sa mga tungkulin at
pangangailangan sa araw araw. Hindi lingid sa ating kaalaman na halos sa lahat ng
pagkakataon ay kinakailangan natin ang wika upang magkaintindihan o
magkaunawaan. At dala na nga rin ng ating pangangailangan upang mabuhay, ang
wika ay ating natututunan at mas napagyayaman.
FIL 111
Bachelor of Secondary Education – Filipino Major
v
Ang ating kakayahan sa pangangatwuwiran, at kakayahan sa
pakikipagtalastasan ay isa lamang patunay na ang utak ng tao ay isang aparatong
naiiba sa lahat dahil mas naipahahayag natin ang ating mga nais sabihin sa
pamamagitan ng ating kaalaman sa wika. Samakatwid, ang teoryang inihayag ni Rene
Descartes ay nagpapaliwanag lamang na ang wika ay bahagi na ng kalikasan ng tao.