You are on page 1of 55

Ang mga Konsepto ng Wika

Ano ba ang WIKA?

Ayon sa Bibliya, ang wika ang pinakamagandang handog ng Diyos

1
Ulat ni: Marivic C. Dela Pena

TEORYA NG WIKA BILANG PANGALAWANG WIKA

Teoryang Behaviorist

Batay sa teoryang ito, ang bata ay ipinanganak na may sapat na lakas at kakayahan sa
pagkatuto. Ang gawi at kilos ay maaring hubugin sa pamamagitan ng pagkontrol ng
kanyang kapaligiran.

Burrhus Frederic Skinner (1968) – Pangunahing tagapagsulong ng teoryang


behaviorist, higit na pinagtutuunan ng pansin sa teoryang ito ang “pag-aalaga” kaysa
sa pag unlad ng intelekwal.Ang konsepto ng pagkatuto ay itinakda ng mga panloob at
panlabas na salik.

Teoryang Innative

Ito ang teoryang nagsasabi na nag pagkatuto ng wika ng bata ay batay sa kanyang
angking likas na kakayahan. Nagsisimula ang ganap na pagkatuto ng wika ng isang
bata sa gulang na lima o anim na taon.

Noam Chomsky - ang prosesong ito sa pamamagitan ng analohiya ng isang likhang-


isip na “aparato” na taglay ng mga bata at tinawag niya itong Language-Acquisition
Device (LAD). Ang LAD ang tumatanggap ng mga impormasyon mula sa kapaligiran sa
anyo ng

Ang wikang ito ay sinusuri at pagkatapos marinig bubuuin na sa isipan ang mga
tuntunin. Ang mga tuntunin ay inilalapat habang nakikipag-usap ang mga bata. Ang
LAD ay patuloy na ginagamit ng mga bata bilang sistema ng pagbuo ng mga tuntunin
hanggang sa marating nila ang kaganapan ng kanilang edad

2
(maturation).Pinaniniwalaan ng mga innativist na hindi kailangang suportahan ang bata
sa pagtatamo ng wika dahil likas niya itong matututuhan.

Teoryang Cognitive

Ang pagkatuto ng wika ay nagaganap matapos maunawaan ang isang bagay o


pangyayari. Sa teoryang ito ang kamalian sa paggamit ng wika ay karaniwan at
kadalasang nangyayari. Ayon pa rin sa mga cognitivist, ang pagkakamali ay
palatandaan (sign) ng pagkatuto.

Bnjamin Lee Whorf (1956, sinabi na: . . . the categories and relations that we use to
understand the world come from our particular language, so that speakers of different
languages conceptualize the world in different ways. Language acquisition, then, would
be learning to think, not just learning to talk.

Page at Pinnel (1979)

Ang teoryang Cognitive at teoryang Innative ay halos magkatulad. Ang tanging


pagkakaiba ng dalawang teorya ay ang implikasyon ng mga ito sa paraan ng pagkatuto
ng bata.

Lev Vygotsky

Malaki ang papel na ginagampanan ng kamalayan ng bata sa kanyang kapaligiran, na


siya namang nagtatakda ng kanyang pagkatuto. Hindi magsasalita ang isang bata ng
isang salita kung hindi nya ito narinig o hindi ipaparirinig.

3
Ulat ni: Jethruen E. Docallos

ANG MGA ANTAS NG WIKAS

May Dalawang Antas ng Wika na Umiiral sa Isang Lipunan.

1. Pormal

Ito ay ang mga estandard na wikang ginagamit at kinikilala ng higit sa


nakararaming tao lalo na ang mga may pinag-aralan. May dalawa itong lebel:

a. Pambansa

Ito ang pinakagamitin sa lahat sapagkat nauunawaan ito ng buong bansa.

Ito ay ginagamit sa mga aklat pangwika at nagsasaalang-alang sa paggamit ng


gramatika.

Ginagamit din sa wikang panturo sa mga paaralan at wikang ginagamit sa


pakikipag-ugnayan sa pamahalaan.

Halimbawa:

“ Anuman ang ating lahi, anuman ang ating


pinagmulan wala pa ring magbabago sapagkat
tayo ay pare-parehong Pilipino.”

4
b. Pampanitikan

Ito ang pinakamataas na lebel ng wika sapagkat mayaman ito sa paggamit ng


mga idyoma, tayutay, at matalinghagang pananalita. (Romeo P. Gonzalvo Jr.)

Ayon naman sa aklat ni Romeo P. Peña et. al., 2016, na dito nakasalalay at
nakikita ang kagandahan, yaman, kariktan, retorika ng wika.

Nasasalamin ang paggamit nito sa pagsulat ng obrang pampaniktikan, talumpati,


at maging sa mga talakayan.

Halimbawa:

(Sa Pagsasalin wika)

Tagalog

“ Walang sunog na kanin sa taong gutom”.

Aklanon

“Wa’t sunog na dukot sa tawong nasusueok.”

2. Di- Pormal

Ang wikang ito ay karaniwang ginagamit sa pang-araw-araw na pakikipagtalastasan.

a. Balbal

Ito pang pinakamababang lebel ng wika na kung saan impormal itong nalikha at nabuo
sa pamamagitan ng pagsasama-sama ng mga salitang maaaring maikli o may kahabaan.

Nalilikha ito ng mga grupo ng tao upang nagsilbing koda sa kanilang pag-uusap.

5
Karaniwan nang maihahanay rito ang salita ng mga bakla og gay lingo at salita ng mga
tambay.

Halimbawa:

Gay Linggo

Salita Kahulugan
Chaka Hindi Maganda
Mels Kunwari
Subi Ayaw’ng Mabuyagyag

B. Kolokyal

Hango ito sa pormal na mga salita na araw-araw a ginagamit.

ayon sa mga lingwistika, ito ay isang penomenong pangwika.

Halimbawa:

Pormal Kolokyal
Nasaan Nasa’n
Maghintay ka Teka
Mayroon Meron

C. Lalawiganin

Ito ang mga wikang ginagamit sa iba’t ibang lalawigan, tiyak at particular na pook.

Makikita ito sa pagkakaiba ng mga punto o tono sa pagsasalita.

Ito ay diyalekto ng isang wika, may tanging pamamaraan kung paano binibigkas ang
mga salita na nauunawaan ng mga nag-uusap na kabilang sa isang lugar o lalawigan.
6
Halimbawa:

Guyam - Laggam (batangas)

Inday- Magandang babae (Bisaya)

Hadja- Babaeng Muslim na nasagawa ng banal na paglalakbay sa Mecca

(Maguindanao)

T’nalak- Habing yari sa abaka ng mga T’boli.

7
UNANG WIKA, IKALAWANG WIKA AT MARAMI
PANG WIKA
Unang Wika

Una nang nabanggit na multilinggwal ang mga mamamayan ng Pilipinas. Bunsod ito ng
heyograpikal at sosyolinggwistikal na salik. Gayunpaman, marami nang wika ang
mayroon sa Pilipinas, ang wikang unang natutunan, ginamit sa pakikisalamuha at
unang nakapagbatid ng mga kaalamang magiging kasangkapan sa pang araw-araw na
buhay ang tinutukoy na wika. "Mother Tongue" ang akademikong termino na tawag sa
unang wika. Ito ay sapagkat sa ina na nagsilang nanggaling ang wikang ito: Ika nga ni
Panganiban "sinusong wika" ito ng anak sa kanyang nanay. Ito ang wika ng
pagmamahal ng ina sa kanyang isinilang na anak: pag-aaruga, pagtuturo, paggabay at
higit sa lahat, kung paanong huhubugin bilang tao ang sariling sanggol.

Pangalawang Wika

Ito ang wikang gamit sa mga paaralan kung paanong matatamo ng mga wika.

Halimbawa:

Ang isang Ilocano na natuto ng Ilocano bilang unang wika at natuto ng Ingles, Filipino at
Fookien ay masasabing may unang wikang Ilocano at mga pangalawang wika ng
Ingles, Filipino at Fookien. Ilan sa mga salik sa pagsibol ng pangalawang wika ay ang
migrasyon at emigrasyon bunsod ng hanapbuhay, pag-aasawa, edukasyon at mga
polisiya.

Wikang Panturo

Ito ang wikang gamit sa mga paaralan kung paanong natatamo ng mga mag-aaral ang
leksyong dapat natutunan. Tinatawag din itong "Medium of Instruction" o MOI. Sa
Pilipinas ang mga wikang Kastila, Nihonggo, Ingles, at mga pangunahing wika sa
Pilipinas ang ginamit na MOI sa iba't ibang panahon. Sa mga ginamit na MOI

8
napakalaki ng impluwensiya ng wikang Ingles. Gayunpaman, ang paggamit ng wikang
banyaga bilang MOI ay sinasabing hindi ganap na nagiging epektibo. Hindi diumano
naipahahayag ng isang tao ang sariling talino o karunungan kung hindi amg unang wika
ang kanyang ginamit.

Sa kasalukuyan, kinikilala ang paggamit ng unang wika o "Mother Tongue" bilang MOI
mula Kindergarten hanggang Baitang 3. Ang pagkilos na ito ay bunga ng isang
pananaliksik na isinagawa ng mag-asawang Dekker katuwang ang dating Komisyoner
ng Komisyon ng Wikang Filipino ang lingguwista na si Dr. Ricardo Ma. Duran F.
Nolasco sa Lubuagan, Kalinga. Sa naturang pag-aaral na may humigit kumulang na
isinagawa sa loob ng sampung taon at pinomdohan ng World Bank ay natuklasan na
higit na mataas ang iskor ng mga mag-aaral sa eksaminasyon sa mga asignaturang
gumagamit ng kanilang pangunahing wika, ang Lubuagen bilang wikang panturo. Sa
natura ring pag-aaral ay inilahad ng mga mag-aaral at guro na higit silang
nakapagpapahayag at nagkakaunawaan kung ang unang wika ang gagamitin. Ang
Lubuagan Elementary School ay kinikilala ngayon bilang modelo ng Mother Tongue
Based Multi-Lingual Education (MTBMLE) sahil sa tagumpay nitong nakamit na
pinakanagunang paaralan.

Lingua Franca

Tumutukoy ang lingua franca sa tatlong konseptong pangwika:

-Pinakagamiting wika sa sentro ng kalakan

-Wikang nabuo bunga ng magkausap na may magkakaibang wika

-Dominanteng wika ng iba't ibang larangan ng pag-aaral o disiplina

Sa pagnenegosyo, pamamasukan o pagkakaloob ng servbisyo, nakukuha ng isang tao


ang kanyang panustos upang mabuhay. Sa puntong ito kung kaya malaki ang
tungkuling nakaatang sa pakikipagkomunikasyon uoang mabili at magbili o magkaloob
ng serbisyo. Bunga nito, ang lahat ng sangkot sa siklong pangkabuhayan ay nagsisikap

9
na bumagay o umadap sa isa't isa upang gawing matagumpay at tuluyan ang siklo. Sa
proseso ng pag-aadap sa isa't isa nabubuo ang lingua franca.

Ang wikang komon na nabubuo mula sa dalawang sangkot na may magkaibang wika
ay masasabi ring lingua franca.

Halimbawa:

Kung si kausap A ay Ilocano at hindi makaunaw ng iba pang wika samantalang si


kausap B ay tanging Tagalog lamang ang alam na wika, sisikapin ng magkausap, sa
tulong ng iba pang mga kasangkapang pangwika na humanap ng mga
bokabularyo,senyas,ekspresyon na maaaring magkapareho sa kani-kanilang mga wika
na magiging daan ng kanilang pag-uunawaan. Anuman ang nabuo rito ay magsisilbi
nilang lingua franca sa gayong sitwasyon.

Lingua Franca ring maituturing ang pangunahing wikang pili sa iba't ibang larangan:
brodkas, medisina,hukumam,akademya,teknolohiya,siyensya,bisnes, atbp.

Kung lilingon sa nakaraan, dalawampung taon pabalik sa kasaysayan ng wika,


masasabing Ingles ang wika ng brodkas, medisina, hukuman, akademya, teknolohiya,
siyensya at maging ng bisnes. Malaki na ang naging pagbabago sa mga kalakarang
pangwika kung ang pag-uusapan ay ang kasalukuyang panahon. Higit na ang
espasyong ibinibigay sa wikang Filipino sa larangan ng pagbabalita (sa radyo man o
telebisyon), bagamat may puwang pa rin ang wikang Ingles samantalang nabibigyang-
puwang na rin ang iba pang pangunahing wika; May pagsisikap na sa mga
isinasagawang "hearing" sa senado o hukuman ay isinasaalang-alang ang paggamit ng
wikang pambansa. Rekwayrd ang mga doktor na ipaliwanag sa wikang gagap ng
pasyente ang diyagnosis, pag-inom ng gamot, prognosis at iba pang instruksiyon sa
pasyente. Nilalagyan ng salin sa iba' ibang disiplina na nakasulat sa wikang Filipino; at
maging talumpati ng pangulo at iba pang mga halal ng bayan ay 'di na nag-aatubili o
nag-aagam-agam na Filipino ang wikang nararapat na gamitin.

Opisyal na Wika

10
Nakatadhana sa Saligang Batas ng Pilipinas na may dalawang opisyal na wika ang
Pilipinas: Filipimo at Ingles. Ang mga wikang ito ang legal na wikang ginagamit ng
pamahalaan sa mga transaksyong panggobyerno, pasulat man o pasalita. Bagamat sa
mga talumpati ng kasalukuyang Pangulo ay ginagamit ang Filipino (nang sinusulat ang
aklat na ito), madalang naman ang mga korespondensiyang nasa wikang sarili.
Nakalulungkot din na habang umaasam ang mga guro sa Filipino sa Akademya na
matiyak ang paggamit sa Filipino sa mga transaksyong opisyal ng gobyerno, sa
Komisyon sa Lalong Mataas na Edukasyon (Commission on Higher Education-CHED)
pa matutuklasang napkadalang kung ito ay gamitin (at kung gamitin man ay sa tiyak na
sa mga Filipinong Asignatura lamang). Pinatunayan ito ng kawalan ng anumang CHED
Memorandum order na nasusulat o binigyang-salin sa Filipino.

11
ANG PILIPINAS BILANG ISANG BANSANG
MULTILINGGWAL
- Ay humigit kumulang sa 3,000 pangunahing wika sa daigdig na nabibilang sa
may siyam (9) na pamilya ng mga wika.

May Apat na malalaking bansa ang wikang Malayo-Polynesian

1. Malay sa Malaysian
2. Indonesia sa Republika ng Indonesia
3. Tagalog sa Republika ng Pilipinas
4. Malagasy sa Republika ng Malagasy

May Tatlong Subpamilya

1.Polynesian - Sawaiori

Jahori - Hawaiian

Maori

Samoa

2.Melanesian - Micronesian

Tarapon - Caroline, Gilbertese, Ladrone, Marshall

Melanesian

Fijian - Bank's Island, Fiji

Melano-Papuan - Kiriwina, Mesina, Tagala

3.Malay - Malayo-Javanese - Malay - Peninsulang Malay, Sumatra, Borneo

Celebes, Nicobars

-Javanese - Java, Madura, Sudra

- Pilipinas Formosa, Madagascar

Cambodia.

-Tagala -Tagala -Peninsulang Malay, Arkipelagong


12
Formusan Merqui

Malagasy

Cham-Se-Lung

Pangunahing Wikang Katutubo

Tagalog, Ilocano, Bicol, Waray o Samar-Leyte, Cebuano, Hiligaynon o Ilongo, Tausug


at Maguindanao.

Tagalog - Tagalog-Rizal, Tagalog-Bulacan at Tagalog-Cavite

Cebuano – Cebuano-Bohol, Cebuano-Surigao at Cebuano-Cebu

Hiligaynon – Aklanon, Kiniray-a at Ilongo

Bicol – Naga, Legaspi at Sorsogon

zIlocano – Ilocos, Cagayan at Bulubundukin

13
14
Mga batas, kautusan at mga atas pangwika sa
panahon ng pagsasarili
Ekstruktura Bilang Pangalawang Wika

• Linggo ng Wikang Pambansa Pambansa (Marso 29-Abril 4) taun-taon na


nilagdaan ng Pangulong Ramon Magsaysay (Proklamasyon Blg. 13, s. 1954).

• Itoy sinusugan ng Proklamasyon Blg. 186. s 1955 na naglilipat sa petsa ng


pagdiriwang ng nasabing Linggo ng Wikang Pambansa sa Agosto 13-19 taun-
taon.

• Pangulong Fidel V. Ramos sa bias ng kaniyang inikagdang Proklamasyon Blg.


1941, s. 1997 na ginagawang Buwan ng Wikang Pambansa ang pagdiriwang
tuwing Agosto, taun-taon.

• Ang mga kautusang may kaugnay sa pagtuturo at paggamit ng wikang


Pambansa ay kinabibilangan ng Kautusang Pangkagawaran ng (Edukasyon at
Kultura) Blg. 5, s. 1956 na nilagdaan ng Kalihim Gregorio Hernandez na nag-
aatas ng pag-awit sa wikang Pambansa ng binagong “Lupang Hinirang”.

• Memorandum Blg. 1 (Enero 3, 1961) ni Direktor Benigno Aldana ng mga


Paaralang Bayan.

• Si Pangulong Diosdado Macapagal ay naglagda naman ng Kautusang


Tagaganap Blg. 60, s. 1963 na nag-aatas ng pag-awit ng Pambansang Awit ng
Pilipinas sa Pilipino sa alinmang pagkakataon, maging dito o sa ibang bansa.

• Simula noong 1959, sa bisa ng Kautusang Pangkagawaran (ng Edukasyon at


Kultura) Blg. 7, s. 1959 ay tinawag na “Pilipino” ang wikang Pambansa ng
Pilipinas.

• Noong 1962, nagsimulang gamitin ang Pilipino sa mga teksto ng pasaporte, visa
at iba’t ibang dokumento ng ugnayang pannlabas, selyong pangkoreo, salaping

15
Pilipinas, sertipiko at diploma sa mga paaralan sa lahat ng lebel ng edukasyon
(Kautusang Pangkagawaran Blg. 24, s. 1967 ng Kalihim Alejandra Roces.)

• Kautusang Tagapaganap Blg. 96, s. 1967 nilagdaan ng Pangulong Marcos na


nag-aatas na ang lahat ng edipisyo, gusali at tanggapan ng pamahalaan ay
pangalan sa Pilipino.

• Memorandum Sirkular Blg. 172 (1968). Nilagdaan ng Kalihim


Tagapagpaganap Rafael Salas na nag-aatas na ang mga letter head ng mga
tanggapan ng pamahalaan ay isulat sa Pilipino, kalakip ang kaukulang teksto sa
Ingles. At nag aatas din na sa mga kagawaran, kawanihan, tanggapan at iba
pang ahensya ng pamahalaan na gamitin ang wikang Pilipino hanggat maari sa
pagdiriwang ng Linggo ng Wikang Pambansa.

• Kautusang Tagapagpaganap Blg. 187 (1969). Nilagdaan ng Pangulong


Marcos na nag aatas sa mga pinuno at kawani na pamahalaan na dumalo sa
mga pagsasanay sa Pilipino na idaraos ng Surian ng Wikang Pambansa.

• Memorandum Sirkular Blg. 277 (1969). Nilagdaan ng Kalihim Tagapagpaganap


Ernesto Maceda na nag-aatas na mahigpitan na implementasyon ng kautusang
Tagapagpaganap Blg. 172, s. 1968.

• Memorandum Sirkular Blg. 368 (1970) Nilagdaan ng Kalihim Tagapagpaganap


Poncio B.A. Mathay na nag-aatas ng pagdaraos ng palatuntunan sa pagdiriwang
ng Linggo ng Wika sa mga tanggapan ng pamahalaan.

1973 – 1985

Konstitusyon 1973 (Artikulo XV Seksyon 3);

• Ang saligang batas na ito dapat ipahayag na opisyal sa English at sa Pilipino at


isalin sa bawat dyalektong sinasalita ng mahigit sa limampung libong taong-
bayan at sa Kastila at Arabic. Sakaling may hidwaan, ang tekstong English ang
mananaig.

16
• Ang Pambansang Asemblea (nahing Batasang Pambansa) ay gagawa ng mga
hakbang tungo sa pagpapaunlad at pormal na pagpapatibay ng panlahat na
wikang pamabansa na tatawaging Filipino.

• Hanggang walang itinadhana ang batas, ang English at Pilipino ay magpapatuloy


na mga wikang opisyal.

Artikulo XV, Seksyon 3

• Kautusang Pangkagawaran Blg. 25, s. 1974 Nilagdaan ng Kalihim Juan


Manuel ng Kagawaran ng Edukasyon at Kultura na nagtatakda ng panuntunan
sa pagpapatupad ng patakaran sa edukasyon bilinggwal.

• Memorandum Pangkagawaran Blg. 194, s. 1974 Nilagdaan ng Kalihim Juan


Manuel ng Edukasyon at Kultura na ipinatatalastas sa mga guro ang bagong
mga tuntunin sa ortograpiyang Pilipino.

• Kautusang Pangkagawaran Blg. 50 (1975) Dagdag na patnubay na sa


implementasyon ng patakaran sa edukasyon bilinggwal na nilagdaan ng Kalihim
Juan Manuel.

• Memorandum Sirkular Blg. 77 (1977) Nilagdaan ni Minister Jose A. Rono ng


Ministri ng Pamahalaang Lokal (MLG) kaugnay sa pagsasanay ng mga pinuno at
kawani ng mga pamahalaang local sa paggamit ng wikang Pilipino sa mga
transkasyon, komunikasyon at korespondensya.

• MEC Order No. 22 (1978) Nilagdaan ni Minister Juan Manuel na nag-aatas na


ang Pilipino ay kailangan pag-aralan sa antas ng tersyarya.

• MEC Order No. 47 (1979) Nilagdaan ni Minister Manuel na nag-aatas na ang


Pilipino ay kailangan ng mga dayuhang estudyante sa pagtatapos ng pag-aaral
sa kolehiyo.

• MEC Order No. 40 (1979) Nilagdaan ni Minister Manuel na nag-aatas na nag


Pilipino ay kailangan ng mga estudyante sa mga kolehiyo ng medisina at batas
sa mga paaralang gradwado.
17
• MEC Order No. 102 (1980) Nilagdaan ni Minister Onofre D. Corpuz na
nagtatakda ng mga Sentro ng Pagsasanay ng mga guro sa Pilipino bilang
midyum ng pagtuturo sa tersyarya.

• Memorandum Sirkular Blg. 40-68 (1980) Nilagdaan ni Minister Rono na nag


aatas sa lahat ng gobernador at alcalde ng pagsasa-Pilipino ng mga sagisag
opisyal.

• Kautusang Pangministri Blg. 50 (1981) Nilagdaan ni Minister Corpuz na


nagtatakda ng mga susog at panuntunan sa mahigit na mabisang paggamit ng
silabus sa Pilipino 2 na kalakip ng Kautusang Pangministri Blg. 22, s. 1978.

• Ang wikang Pambansa ng Pilipinas ay Filipino. Samantalang nalilinang ito ay


dapat payabungin at pagyamanin pa batay sa iba pang mga wika sa Pilipinas.

• Alinsunod sa mga tadhana ng batas at sang-ayon sa nararapat na maaaring


ipasya ng Kongreso, dapat magsagawa ng mga hakbangin ang pamahalaan
upang ibunsod at puspusang itaguyod ang paggamit ng Filipino bilang midyum
ng opisyal na komunikasyon at bilang wika sa pagtuturo sa sistemang pang
edukasyon (Seksyon 6).

• Ang Konstiyusyon ito ay dapat ipahayag ng Filipino at English at dapat isalin sa


mga panhunahing wikang panrehyon, Arabic at Kastila (Seksyon 8).

• Kautusang Pangkagawaran Blg. 22, s. 1987 Nilagdaan ng Kalihim Lourdes R.


Quisumbing ng Kagawaran ng Edukasyon, Kultura at Isports na nag-aatas ng
paggamit ng katagang “Filipino” sa pagtukoy sa wikang Pambansa ng Pilipinas.

• Kautusang Pangkagawaran Blg. 52, s. 1987 Nilagdaan ng Kalihim Quisimbing


ng Kagawaran ng Edukasyon, Kultura at Isports na naglalahad ng Patakarang
Edukasyong Bilinggwal ng 1987

• Kautusang Pangkagawaran Blg. 81, s. 1987 Nilagdaan ng kalihim Lourdes


Quisimbing ng Kagawaran ng Edukasyon, Kultura at Isports na nagpapakilala sa
“Binagong Alpabeto at Patnubay sa Ispeling ng Wikang Filipino”

18
• Atas Tagapagpaganap Blg. 335 (Agosto 25, 1988) Nilagdaan ni Pangulong
Corazon Aquino na nag-aatas sa lahat ng mga kagawaran/kawanihan/ opisina/
ahensya / instrumentaliting pampamahalaan na magsasagawa ng mga hakbang
na a kailangan para sa layuning magamit ang Filipino sa opisyal na mga
transaksyon, komunikasyon at korespondensya.

• Proklamasyon Blg. 1941, s. 1997 Nilagdaan ng Pangulong Fidel V. Ramos na


nagpapahayag ng Pambansang Pagdiriwang ng Buwang Ng Wikang Pambansa
(dati’y Linngo ng Wika) sa buwang ng Agosto, tau-taon.

19
ANG KONSTITUSYON NANG 1935 AT PROBISYONG PANGWIKA

Sa konstitusyon ng Malolos (Enero 21,1899), itinatadhanang pansamantalang


gamitin ang Espanyol bilang opisyal na wika bagama’t noon pa ay nakita na ng mga
bumuo ng konstitusyong ito ang maaaring maging papel ng Ingles sa bansa.

Noong Marso 24, 1934, ipinagtibay ni Pangulong Franklin D. Roosevelt ng estados


Unidos ang Batas Tydings-McDuffie na nagtatadhang pagkalooban ng kalayaan ang
Pilipinas matapos ang sampung taong pag-iral ng Pamahalaang Komonwelt.

Noong Pobrero 8, 1935, ipinagtibay ng Pambansang Asemblea ang Konstitusyon


ng Pilipinas na naritipika ng sambayanan noong Mayo 14, 1935. Hindi totoong noong
1935 nilagdaan ang batas at umiral ang Filipino bilang wikang pambansa. Sa bisa ng
Saligang Batas ng 1935, ang Kongreso “ay inaatasang magpaunlad at magpatibay ng
pangkalahatang Pambansang Wika na batay sa isa sa mga umiiral na katutubong wika”
(akin ang diin). Ibig sabihin wala pa noong ahensiya ang pamahalaan na
mangangasiwa o magpapalaganap ng mga patakaran hinggil sa pambansang wika. At
wala pa ring napipili noo g 1935 kung aling katutubong wika ang magiging batayan ng
pambansang wika.

Mababatid lamang ang halaga ng pambansang wika kapag isinaalang-alang na


ang Espanyol at Ingles noon ay umiiral bilang mag opsiyal na wika sa buong kapuluan.
Ang siniping probisyon sa Saligang Batas ng 1935 ay ipinaglaban ng mga delegado sa
kumbensiyong Konstitusyonal na hindi Tng agalog. Kabilang sa pangkat sina Felipe R.
Jose (Mountain Province), Wenceslao Q. Venzons (Camarines Norte), Tomas Confesor
(Iloilo), Hermenegildo Villanueva (Negros Oriental) at Norbeto Romualdez (Leyte). Si

20
Remualdez na dating batika ng mahistrado ang sumulat Batas Komonwelt Blg. 184 na
nagtatag ng Surian ng Wikang Pambasa

Ang probisyong pangwika ay nasa Seksyon 3, Artikulo XIII “ Ang pambansang


Asemblea ay gagawa ng mga hakbang tungo sa pagpapaunlad at pagpapatibay ng
isang pangkalahatang pambansang wika na batay sa mga umiiral na katutubong
wika.Hangga’t walang ibang itinatadhana ang batas, ang Ingles at Kastila ay patuloy na
gagamiting wikang opisyal. Binago ng nasabing Komite ang resolusyon at naging
probisyon ito sa Seksyon 3, Artikulo IX ng Konstitusyon ng 1935.

Sa paglulunsad ng Komonwelt, isa sa mga unang Administrasyon ng noon ay


pangulo ng bansa na si Manuel L. Quezon ang pagpaptupad ng probisyon ukol sa
pambansang wika.

Kaugnay nito, nanawagan ang Pangulong Asemblea na magtatag ng isang ahensiya


na magsasagawa ng mga pag-aaral sa paglinang ng wikang pambansa.

Bilang tugon sa nasabing panawagan, pinagtibay ng Pambansang Asemblea ang


Batas Komonwelt Blg. 184 noong Nobyembre 13, 1936 na nagtatag sa Surian ng
Wikang Pambansa (SWP na naging Linangan ng mga Wika sa Pilipinas o LPW, at
ngayo’y Komisyon sa Wikang Filipino o KWP)

Dumami na ang natutong magbasa at magsulat sa wikang Ingles dahil ito ang naging
tanging wikang panturo batay sa rekomendasyon ng komisyonng Schurman noong
Marso 4, 1899.

Marami ring Pilipino ang nakinabang sa programang iskolarship na ipinadala sa


Amerika at umiwing taglay ang kaalaman sa wikang Ingles. Noong 1935, “halos lahat
ng kautusan, proklamasyon at mga batas ay nasa wikang Ingles”.

21
Ngunit nagsimula pa lamang ng pakikibaka para sa kalayaan, ginamit na ng mga
Katipunero ang wikang Tagalog sa mga opisyal na kasulatan. Sa konstitusyong
Probisyonal ng Biak-na-Bato noong 1896-97, itinatadhanang Tagalog ang opisyal na
wika.

22
SITWASYONG PANGWIKA SA PANAHON NG HAPON

Samantalang nasa transisyon pa ang pamahalaang Komonwelt, pumutok ang


pandaigdig na digmaan II at noong Enero 3, 1942 ay sinakop ng mga hapones ang
Maynila. Kaalinsabay ng military na pananakop ang `Pananakop Kultural ng mga
Hapones.` Ginamit ng mga ito ang mga paaralan bilang kasangkapan sa
pagpapalaganap ng kanilang ideolohiya. Ipinaliwanag nila sa mga Piliupino ang
kaisipang Greater East Asia Co Prosperity Sphere na malayo sa mga kaisipang
demokratiko na ipinalaganap ng mga amerikano.

Noong Enero 17, 1942 pagkaraang masakop ang Maynila, ang Punong tagaatas
ng pwersang imperial ng Japan ay naglalahad ng `Mga Saligang Prinsipyo ng
Edukasyon sa Pilipinas` (Agoncillo 1965) na nagtatakda, bukod sa iba pa, ng mga
layunin:

1. Ipaunawa sa taong bayan ang posisyon ng Pilipinas bilang myembro ng East


Asia Co Prosperity Sphere tungkol sa tunay na kahulugan ng pagtatatag ng
Bagong Kaayusan sa Sphere at ang dapat gampanan ng Pilipinas para sa
pagsasakatuparan ng bagong kaayusan at sa gayu`y maitaguyod ang sukdulang
pagkakaibigan ng Japan at Pilipinas.
2. Burahin ang dating kaisipan ng pagiging depende sa mga kanluranin, lalo na sa
United States at sa Great Britain at maitaguyod ang bagong kulturang Pilipino na
batay sa kamalayang pansarili ng sambayanan bilang mga silanganin.
3. Pagsikapang mapalaganap ang wikang Hapones ,at wakasan ang paggamit ng
Ingles.

Bukod sa pag-aalis ng Ingles at pagbubura sa mga nilalaman ng mga aklast na


nakakapinsala sa kurikulum sa elementarya ay nananatiling halos walang
pagbabago (UNESCO 1953) sa Struktura ng edukasyon. Ang Niponggo na wikang
Hapones, ay itinakdang dapat pag-aralan sa lahat ng antas sa lahat ng paaralan,
samantalang ang tagalog na ipinahayag na wikang opisyal ay nananatiling midyum
ng pagtuturo.

23
May iba pang klase sa Niponggo na, bukod sa itinuturo ang wikang Hapones,
itinuturo rin ang pamumuhay at kulturang Hapones, kasaysayan at kulturang
silanganin, edukasyong pisikal, pati ang mga awiting Pilipino at Hapones. Noong
Octobre 14, 1943, ipinoklama ang `independensya. Nailipat sa mga Pilipino ang
pangangasiwa sa sistemang edukasyonal, ngunit sa teorya lamang ito sapagkat
higit na nakapangyayari ang mga may kapangyarihang Hapones. Naging aktibo si
Jose P. Laurel sa paglahok sa paghahanda ng Bagong Konstitusyong Pilipino sa
layuning maituon sa paglinang ng nasyonalismo upang matugunan ang mga
realidad ng panahong iyon. Isang Surian ng Tagalog na tulad ng Surian ng
Niponggo ang binuksan noong Enero 3, 1944 upang ituro ang tagalog sa mga
gurong di-tagalog.

24
MGA BATAS, KAUTUSAN AT MGA ATAS PANGWIKA SA PANAHON
NG PAGSASARILI

 Proklamasyon Blg. 13, s. 1954

Ang pagdiriwang ng Linggo ng Wikang Pambansa (Marso 29-Abril 4) taun-taon


na nilagdaan ni Pangulong Ramon Magsaysay.

 Proklamasyon Blg. 13, s. 1954

Ang pagdiriwang ng Linggo ng Wikang Pambansa (Marso 29-Abril 4) taun-taon


na nilagdaan ni Pangulong Ramon Magsaysay.

 Proklamasyon Blg. 186, s. 1955

Ito ay proklamasyong naglilipat sa petsa ng pagdiriwang ng Linggo ng Wikang


Pambansa sa Agosto 13-19 taun-taon.

 Proklamasyon Blg. 1941, s. 1997

Sa bisa ng inilagdang proklamasyon ni Pangulong Fidel V. Ramos na


ginsgawang Buwan ng Wikang Pambansa ang pagdiriwang tuwing Agosto, taun-
taon.

 Simula noong 1959, sa bisa ng Kautusang Pangkagawaran (ng Edukasyon at


Kultura) Blg.7, s. 1959 ay tinawag na “PILIPINO” ang wikang pambansa ng
Pilipinas.

 Kautusang Pangkagawaran Blg. 7, 1959 Jose B. Romero

25
Ang pag gamit ng pilipino ay isa pang hakbang tungo sa pag aalis ng rehyonalismo
at nag bubunga ng pag sasabansa ng dating panrehiyon o dyalekto.

 Noong 1962, nagsimulang magamit ang Pilipino sa mga teksto ng pasaporte, visa
at iba’t ibang dokumento ng ugnayang panlabas, selyong pangkoreo, salaping
Pilipino, sertipiko at diploma sa mga paaralan sa lahat ng lebel ng edukasyon
(Kautusang Pangkagawaran Blg. 24, s. 1967 ng Kalihim Alejandro Roces)

 1967 (Okt. 24)

Naglagda ang Pangulong Ferdinand E. Marcos ng isang Kautusang


Tagapagpaganap Blg. 96, na nagtatadhana na ang lahat ng gusali, edipisyo, at
tanggapan ng pamahalaan ay pangalanan sa Pilipino.

 1968 (Marso 27)

Pinalabas ng Kalihim Tagapagpaganap Rafael M. Salas ang Memorandum Sirkular


Blg. 172 na nagbibigay-diin sa pagpapairal ng Kautusang Tagapagpaganap Blg. 96
bilang karagdagan ay iniaatas din na ang mga letterhead ng mga
kagawaran,tanggapan, at mga sangay na pamahalaan ay nararapat na nasusulat
sa Pilipino, kalakip ang kaukulang texto sa Ingles. Iniaatas din na ang formularyo
ng panunumpa sa tungkulin ng mga pinuno at empleyado ng pamahalaan ay sa
Pilipino gagawin.

 1968 (Marso 27)

Pinalabas ng Kalihim Tagapagpaganap Rafael M. Salas ang Memorandum Sirkular


Blg. 172 na nagbibigay-diin sa pagpapairal ng Kautusang Tagapagpaganap Blg. 96
26
bilang karagdagan ay iniaatas din na ang mga letterhead ng mga
kagawaran,tanggapan, at mga sangay na pamahalaan ay nararapat na nasusulat
sa Pilipino, kalakip ang kaukulang texto sa Ingles. Iniaatas din na ang formularyo
ng panunumpa sa tungkulin ng mga pinuno at empleyado ng pamahalaan ay sa
Pilipino gagawin.

 1973-1985
Nagpatuloy ang higit na pagpapaunland, pagpapayaman, pagpapalaganap ng
Pilipino sa pamamagitan ng iba’t ibang ahensya, ng mass media, ng sistemang
pampaaralan, ng mga tanggapan ng pamahalaan at ng lipunan, sa kabuuan.
Ang pambansang Asamblea (naging Batasang Pambansa) ay gagawa ng hakbang
tungo sa pagpapaunlad at pormal na pagpapatibay ng panlahat na wikang
pambansa na tatwaging Filipino.

 Sinikap ng mga delegado na mailahad ang layuning katawanin ang pambansang


wika ng mga wikang sinasalita sa bansa.

 Napalitan ang Pilipino ng Filipino na katawagang napili ng mga delegado sa


Kombensyonng Konstitusyon 1971 sa layuning maisakatuparan ang pagkakaroon
ng matibay na instrumento ng pambansang pagpapalaganap ng impormasyon
tungkol sa nagawa na at ginagawa pa sa Bagong Lipunan.

 (Kontitusyon 1973 (Artikulo XV, Section 3)


Ang Saligang Batas na ito ay dapat ipagayag na opisyal sa English at sa Pilipino at
isalin sa bawat dyalektong sinasalita ng mahigit sa limampung libong taong- bayan,
at sa Kastila at Arabic. Sakaling may hidwaan, ang tekstong English ang
mananaig.

27
 Antas ng Pangulo Blg. 73 (1973)
Nilagdaan ni Pangulong Marcos na ang Surian ng Wikang Pambansa ay isasalin
ang Konstitusyon sa mga wikang sinasalita ng mga limampung libong (50,000)
mamamayan alinsunod sa Artikulo XV, Seksyon 3.

 Kautusang Pangkagawaran Blg. 25 s. 1974


Nilagdaan ng Kalihim Juan Minuel ng Kagawaran ng Edukasyon at Kultura na
nagtatakada ng panuntunan sa pagpapatupad ng patakaran sa edukasyong
bilinggwal

 1986-1999

Ang Pilipino ay nanatiling opisyal na wika at pambansang wika hanggang sa


mapagtibay ang Konstitusyon 1987.

 Konstitusyon 1987 na nag tatadhana sa Artikulo XIV:


Ang wikang pambansa ng Pilipinas ay Filipino.
Dapat magsagawa ng mga hakbangin ang pamahalaan upang puspusang itaguyod
ang paggamit ng Filipino bilang midyum na opisyal na komunikasyon at bilang wika
ng pagtuturo sa Sistema ng edukasyon.

 Pangulong Corazon C. Aquino


Nilagdaan ang Kautusang Tagapagpaganap Blg. 335.

 Kautusang Tagapagpaganap Blg. 335


Nag aatas sa mga kagawaran o kawanihan na magsagawa ng mga hakbang para
sa layuning magamit ang wikang Filipino.

 Kautusang Pangkagawan Blg. 22, s.1987


nag aatas ng paggamit ng katagang "Filipino" sa pagtukoy sa wikang pambansa.

 Kautusang Pangkagawaran Blg. 54, s.1987


28
nag lalahad ng Panuntunan ng Implementasyon sa Patakarang Edukasyon
Bilinggwal ng 1987.

 Kautusang Pangkagawaran Blg. 81, s. 1987


nag papakilala sa "Binagong Alpabeto at Patnubay sa Ispeling ng Wikang Filipino".

 Atas Tagapagpaganap Blg. 335


nag aatas sa lahat ng kagawaran na magsagawa ng mga hakbang na kailangan
para sa layuning magamit ang wikang Filipino.
-Agosto 25, 1988
 Proklamasyon Blg. 1941, s.1997
na nilagdaaan ni Pangulong Fidel V. Ramos na nag papahayag ng Pambansang
Pagdiriwang ng Buwan ng Wikang Pambansa (dati’y Linggo ng Wika) sa buwan ng
Agosto, taun-taon.

29
PATULUYANG KODIFIKASYON AT MODERNISASYON NG
WIKANG FILIPINO

Sa bisa ng Kautusang Tagapagpaganap Blg. 117, s. 1987, ng Pangulong Corazon C. Aquino

na nag-aatas ng "Reorganization of the Ministry of Education, Culture and sports, Prescribing

It's Power and Functions and for the Other Purposes", and Surian ng Wikang Pambansa (SWP)

na nasa ilalim ng naturang Kagawaran (Ministri) ay magiging Institute of Philippine Language

(IPL) o Linangan ng mga

Wika sa Pilipinas (LWP).

30
Ang mga plano at programa para sa sumusunod na mga taon (1987-1992) ay nakatuon sa

patuloy na paglinang, pagpapayaman at pagpapalaganap pa ng Wikang Pambansa sa

pamamagitan ng iba't ibang mga proyekto at serbisyo gaya ng:

LEKSIKOGRAPIYA

- Sumasaklaw sa:

a. Pagbubuo ng diksyunaryo ng mga sinonimo

b. Pagpapalawak ng muling nilimbag na diksyunaryong bilinggwal ng 1986 para sa

Istandardizasyon bat Intelektwalisasyon ng Filipino

c. Kodipikasyon ng leksikon ng iba't ibang katutubong wika

d. Pagsusuri sa mga kagamitan sa pagtuturo para sa mga paaralan at unibersidad/kolehiyo

31
PANANALIKSIK

- Sumasaklaw sa:

a. Pagpapabilis ng paglinang ng Filipino pamamagitan ng diksyunaryong Filipino-English

b. Paghahanda ng malawak na patnubay sa pagsusuri sa literaturang Filipino

c. Pagpapataas ng antas ng kaalaman sa pamamagitan ng matalinghagang pagpapahayag

d. Paghahanda ng mga kagamitan sa pagtuturo ng mga kursong bokasyunal at teknolohikal

e. Pagsusuri sa mga uri ng wikang sinasalita ng mga lalabintaunin o teen-agers

f. Paglalathala ng awtoriteytiv na aklat patnubay tungkol sa managing gramatika ng mga Wika

32
sa Pilipinas sa pamamagitan ng isang polyetong naglalathala ng 200 panlapi

PAGSASA

NGWIKA

Sumasakla

w sa:

a.Pagkakaloob sa kabataan ng salin ng mga etnikong literatura kasamang pambansang kultura

at pampapayanang mga wika

33
b. Pagsasalita sa Filipino ng mga Kodigo ng mga batas, kautusang tagapagpaganap,

proklamasyon, mga ranging batas, atb.

c.Pagkakaloob sa mga mamamayan ng salim sa Filipino ng mga pormularyong opisyal o

pamahalaan

d. Pagsasalin sa Filipino ng mga impormatibo/instruksyonal na mga kagamitan para sa mga

estudyante at guro sa Filipino sa lahat ng level

e. Pagkakaloob ng paglilingkod sa mga sumasanggunibl at nagpapaedit

PROMOSYON

Sumasaklaw sa:

a Pagsasagawa ng sarbey sa iba't ibang larangang ginagamitan ng wika sa lahat ng sektor

b. Pangunguna sa mga pagsasanay, gawaing kapulungan, seminar,komperensya at iba pang

ganitong Gawain

c. Pagtatatag ng mga sanib lupon at koordinasyon sa iba't ibang organisasyon at institusyong

pangwika, linggwistiko, literaryo, kultural, akademiko at sibiko

d. Pagdaraos ng mga programang promotional, parangal at pag-alala at mga ranging

selebrasyon

e. Pagpapalaganap ng mga publikasyon at impormasyong pangwika

f. Pabebenta at distribution ng mga publikasyon.

34
PANGKALAHATANG

PANGASIWAAN AT

LINGKURANG

PANAGUYOD

- Sumasaklaw sa:

a. Pagbubuong muli ng Lupon

(Board) na bubuin ng mga

kinatawan ng iba't ibang

larangan o disiplina, di gaya ng dating Lupon na ninyo ng mga kinatawan ng iba't ibang wika

b. Pagtatatag ng mga tanggapang rehyonal sa iba't ibang panig ng Pilipinas

c. Puspusang kampanya tungo sa intelektwalisasyon sa pamamagitan ng paggamit ng Filipino sa

iba't ibang disiplina

35
d. Lekskulturasisyon, o ang pagpasok ng mga salita mula sa iba't ibang katutubong wika ng

Pilipinas, na naglalarawan ng unikong katangiang kultural ng bawat pangkat etniko

e. Paghahanda at paglalathala ng higit na malawak ng mga diksyunaryo, ensayklopidya, at mga

kauring kasangkapang pangwika.

36
KOMPOSISYON NG UNANG LUPON NG KWP

Pag-alinsunod sa itinatakda ng Seksyon 5 ng nasabing Batas Republica blg. 7104, ang

kmoposisyon ng unang komisyon na hinirang ng Pangulong Aquino ay gaya ng mga sumusunod:

Ponciano B.P. Pineda, Tagapangulong Komisyoner (Tagalog)

Ernesto N. Cubar' Komisyoner (Ilocano) Full-time

Nita P. Buenaobra, Komisyoner (Bicol) Full-time

Andrew B. Gonzales, Komisyoner (Pampanga) Part-time

Florentine H. Hornedo, Komisyoner (Ivatan) Part-time

Teresita G. Maceda, Komisyoner (Cebuano) Part-time

Angela P. Sarile, Komisyoner (Hiligaynon) Part-time

Bonifacio P. Sibayan, Komisyoner (Kankanay) Part-time

Rosario E. Maminta, Komisyoner (Pangasinan) Part-time

Abdulmari Asia Imao, Komisyoner (Tausug) Part-time

Ernesto B. Aban, Komisyoner (Samar-Leyte) Part-time

Nang matapos ang taming ng panunungkulan Nina Komisyoner Maceda at Imao, ang pumalit na

nahirang ay sina:

37
Lourdes U. Barcenas, Komisyoner (Cebuano)

Diamar P. Jason, Komisyoner (Maranaw)

MISYON AT BISYON NG KWF

Ang itinakdang Bisyon ng KWF ay "nagawa ang Filipino na isang modernong Wikang magagamit

na mabisang kasangkapan sa kabuuan ng pambansang pagpapaunlad. At ang Misyon ay

"magbalangkas, mag-ugnay at magpatupad nga mga programa at proyekto ng pananaliksik

upang higit pang mapabilis ang pagsulong at pagbulas ng Wikang Filipino at gayundin ng mga

38
layuning intelektwal. Kakambal ng pagpupunyaging Ito ang mga gawaing pangangalaga at

pagpapanatili ng iba pang mga katutubong wika ng bansa"

39
40
TUGON NG MGA CEBUANO SA KONTROBERSYANG PANGWIKA:
IMPLIKASYON PARA SA DEVELOPMENT NG FILIPINO

Noong 1989, nag hain ng petisyon sa korte ang pamahalaang panlalawigan ng

Cebu upang ipatigil ang pagpapatupad ng tatlong kautusang pangkagawaran ng

Departamento ng Edukasyon, Kultura at Isports kaugnay ng paggamit ng Filipino; D.O.

52, S. 1987. Noong Mayo 1990, sa pamumuno ni Gob. Osmeña, pinetesyon ng mga

opisyal na lokal ang Cebu Regional Trial Court na magpalabas ng isang preliminary

injunction laban sa mga kautusan DECS na nag pagamit ng Filipino bilang midyum ng

pagtuturo sa lalawigang ito sa implementasyon ng Patakarang Bilinggwal. Naging pabor

sa mga Cebuano ang naging kapasyahan ng huwes ng Cebu Regional Trial Court.

Maliwanag na may bahid ng emosyon at pulitika ang tugong ito ng Cebu. Nag bunga ito

ng dagdag pang mga kontrobersya tulad ng:

• May karapatan bang magdikta ang pamahalaang lokal ng pansariling palising

pangwika at paaralang kurikula?

• Makapangingibabaw ba ang karapatang pangwika sa pambangsang

aspirasyon na mabigkis ang mga mamamayan sa pamamagitan ng isang wika?

• Ang aksyon ba ng panlalawigang pamahalaan ng Cebu ay nagpapahayag ng

kolektibong saloobin sa Filipino ng nga Cebuano?

Ang mga saloobing pangwika ng mga Cebuano Sa pagkakaroon ng

Pambansang Wika Binigyan-diin ni Dr. Resil Mojares isa sa mga manunulat na

Cebuano, na sa pangkalahatan, sang-ayon ang mga cebuano na kailangan ang isang

41
wikang pambansa. Kahit daw ang mga pulitiko ay kumikilala sa katotohanang ito. Hindi

rin sila tutol na Fililipino ang hinirang wikang pambansa. Wala sa kanilang hinagap na

imungkahi na Cebuano o English ang piliing wikang pambansa.

Sa kung anong Wikang Gagamiting Midyum ng pagtuturo

Ipinaliwanag nila na hindi makapagpahayag sa Ingles ang mga mag-aaral mula

nang ipatupad ang edukasyong bilinggwal. Para sa kanila ang Filipino ay para lamang

sa Tagalog, hindi ito nakakatulong sa mag-aaral na hindi nakakaunawa ng Filipino.

Sa Pagdevelp ng mga Rehyonal na Wika (Cebuano)

Isa pang hangarin ng mga Cebuano ay ang madevelop ang kanilang rehyonal na

wika, kasabay ng development at pagpapaunlad ng Filipino.

Sa Pagdevelop at Pag-intelektwalisa sa Filipino

Waring nagkakaisa ang mga kalahok sa konsultasyon na sa pagdedevelop sa

Filipino. Naniniwala silang maraming magagandang salita na maibabahagi ang mga di

Tagalog upang mapayaman ang Filipino.

Implikasyon

Ang isyu ng pagbuo at pagpapaunlad ng Filipino ay patuloy na pinag-uusapan sa

ibat-ibang panig ng bansa. Ang konsultasyong nilahukan ng mga Cebuano ay

nagpapahiwatig na di dapat tawaran ang kakayahan ng mga di tagalog na malaki ang

maitutulong sa pagpapaunlad ng Filipino.

42
ANG FILIPINO AT ANG KAMALAYANG PAMBANSA
ni Virgilio Almar

(Si G. Virgilio S. Almario, na kilala rin bilang si Rio Alma sa kanyang pagsusulat, ay

kasalukuyang tagapangulo ng Komisyon ng Wikang Filipino, at naging Pambansang

Alagad ng Sining sa Literatura noong 2003) "Kung mamarapatin, isa itong personal na

gunita tungkol sa isang napakadramatikong yugto sa kasaysayan ng Wikang

Pambansa. Ito ang ilang taon bago ang kumbensiyong konstitusyonal noong 1972.

Niyanig noon ang Surian ng Wikang Pambansa ng iba’t ibang uri ng protesta. Una ang

mga sulating kontra-Pilipino na gaya ng kay Geruncio Lacuesta simulang 1964 na

“purista” ang Surian at dapat dagdagan ang mga titik ng abakada upang madaliang

tumanggap ng mga hiram na salita mulang Espanyol at Ingles. Ikalawa, ang tahas na

habla ni Kongresista Inocencio Ferrer ng Negros Occidental, mulang 1963 hanggang

1970, na tumututol sa pagpilì sa Tagalog bilang batayan ng Pilipino. Ikatlo, ang

paglabas ng Maugnaying Talasalitaan ng Lupon sa Agham sa pangunguna ni Gonzalo

del Rosario na umimbento ng mga salitang pantapat sa mga katawagang pang-agham

at teknolohiya, isang gawaing higit na nagpatindi sa paratang na “purista” ang wikang

tinatangkilik ng Surian at ng pamahalaan. Mula sa mga pangyayaring ito, at ibang mga

katulad, ay sumulpot ang panukalang “Filipino” upang ipalit sa “Pilipino.” Pangunahing

proponent nitó si Dr. Ernesto Constantino at ilang guro sa UP na naniniwala sa

tinatawag niyang universal approach upang lumikha ng isang wikang pambansa mula

sa amalgamasyon ng mga wika ng bansa. Una kong narinig ang bagay na ito sa

kamanunulat na Rogelio Sicat na katulong noon ni E. Constantino sa pagsulat ng

konsepto ng “Filipino.” Sasamahan ko sana si Roger sa krusada ngunit bago maganap


43
iyon ay kumalas siyá sa grupo ni E. Constantino. Naramdaman daw niya, sumbong ni

Roger, na may motibong politikal ang grupo. Mukhang gusto niláng agawin ang

pamumunò sa Surian mula kay Direktor Ponciano B.P. Pineda. Kaibigan naming

manunulat si Ka Ponsing at kasama ako sa mga manunulat na pumasok sa

Malacañang upang itaguyod ang paghirang sa kaniya kapalit ni Jose Villa

Panganiban. (Naalaala ko sa puntong ito ang mahigpit din noong tunggalian nina Lope

K. Santos, na isang manunulat, at Cecilio Lopez, na isang doktorado sa lingguwistika,

upang maging pinunò ng Surian bago magkadigma. Disipulo ni Lopez si E. Constantino

at alagad ng panulat ang katangian ni Ka Ponsing. Sa panahong ito, marami nang

ibang tapos sa lingguwistika at kumikilos para sirain ang pamanang balarila ni Lope K.

Santos. Isa sa kanila si Dr. Alfonso Santiago ng Philippine Normal College noon at

pumoposisyon din kontra balarila at tuntunin sa ortograpiya ng Surian.) Inabutan ng

kumbensiyong konstitusyonal ang sigalot. Naging aktibo ang naturang mga pangkatin

sa debate hinggil sa wikang pambansa. Tulad ng dapat asahan, naging tagapagtanggol

si Ka Ponsing ng Pilipino at ng Surian. Masuwerte siyá at tinangkilik siyá ni Blas Ople,

isang malapit na tagapayo ni Pangulong Marcos noon, at ipinalalagay kong siyáng

bumalasa sa kinalabasan ng mga tadhanang pangwika sa 1973 Konstitusyon. Sa isang

banda, nagtagumpay sina E. Constantino. Bininyagang “Filipino” ang bubuuing wikang

pambansa. Ngunit isinaad din sa pangkalahatang tadhana ng saligang-batas na

mananatiling isa sa mga opisyal na wika ang Pilipino hábang hinihintay ang pagsilang

sa Filipino.Pilipinas o Filipinas: Ano nga ba ang dapat na baybay sa pangalan ng

ating bansa? sa maikling salita, nanatili si Ka Ponsing sa Surian at kahit nang buwagin

ito at palitan ng Linangan ng mga Wika sa Pilipinas (1987) at hanggang magkaroon ng

1987 Konstitusyon at itatag ang Komisyon sa Wikang Filipino (1991). Samantala,


44
pinapasok ni Ka Ponsing ang mga tinawag

kong mga “Linggwistadero” sa Surian bilang

mga konsultant. Nagresulta ito ng isang

bagong tuntunin sa ortograpiya noong 1976,

na labis kong tinutulan at hindi sinunod ng

maraming manunulat sa Liwayway at Balita.

(Ito sa palagay ko ang simula ng pagbabà ng

awtoridad ng Surian hanggang sa totoong

sumadsad bilang KWF.) Nagresulta din ito ng pagpapaaral ng lingguwistika sa mga

kawani ng Surian at ng pagdami ng mga gurong gradweyt sa naturang programa. Ang

mga ito ang magtataguyod bilang mga titser at bilang mga awtor ng teksbuk sa bagong

tuntuning ortograpiko. Kahit si Ka Ponsing ay nagbago ng ispeling sa pagsulat at

nakilingguwistika sa mga forum pangwika. Gayunman, retoke lang kung bagá ang lahat

dahil ang mga patakarang pangwika ng Surian ay hindi nagbago at walang naging

pagkilos upang maghunos ang Pilipino tungo sa Filipino. Dapat din paláng isaalang-

alang ang papel ng aktibismo sa dramatikong panahong ito. Naging wika ng mga rali at

demostrasyon ang Pilipino, at kung tutuusin ay isang makapangyarihang salik na

bumigo sa muling pagpapairal ng Ingles at susi sa pagpapatibay ng isang patakarang

bilingguwal sa pambansang edukasyon. Ang aktibismo ang rurok ng paggamit ng

Pilipino bilang wika ng pagbabagong panlipunan at pampolitika. Naging galít-batî

naman ang relasyon namin ni Ka Ponsing, lalo na nang hayagang manawagan ang

UMPIL sa estandardisasyon at hayagan kong tuligsaan ang ilang tuntunin sa bagong

ortograpiya ng Surian. Ngunit ipinagtanggol ko siyá sa mga banat nina Santiago at Ka

Vito Santos. Pinayuhan ko siyáng maglabas ng makapal na diksiyonaryong


45
monolingguwal bilang legacy bagaman ako rin ang isa sa mga bumanat sa naging

produksiyon. Inabutan kami ng kumbensiyon para sa 1987 Konstitusyon sa ganitong

alanganing relasyon. Sa kumbensiyon, muling naging aktibo ang mga katunggali niya,

lalo na ang grupong E. Constantino. Masisinag sa tadhanang pangwika ng 1987

Konstitusyon ang tagumpay ng paglalakad nina E. Constantino. At alam kong

ipinagmalaki nilá ito sa buong UP kung hindi man sa mga pambansang

kumperensiyang pinagsalitaan nilá.

Ipinanganak sa 1987 Konstitusyon ang wikang Filipino. Ngunit isa itong wika na Filipino

lamang ang pangalan ngunit Pilipino ang nagtataguyod na angkan. Nais itong maging

ulila ng mga kontra-Pilipino na kagaya ng DILA. Samantala, hindi ko na narinig

ang universal approach ni E. Constantino. Nang imungkahi kong palitan ang pangalan

ng aming kagawaran sa UP at gawing “Kagawaran ng Filipino at Panitikan ng Filipinas”

ay ipinagpilitan ng mga kagrupo ni E. Constantino na mas mainam panatilihin ang

Espanyol na “Departamento” at ang Pilipino na “Pilipinas.” Hindi ko maintindihan ang

lohika ng kanilang pasiya. Basta iyon daw ang kanilang preference at waring magmula

noon ay hindi lohika kundi preference lamang ng naghaharing grupo ang sinusunod na

tuntunin sa ispeling. Sa kabilang dako, iyon din ang dahilan kung bakit hindi nilá

maiintindihan ang lohika ng aking kampanya para sa estandardisasyon at saligang

pangkasaysayan ng bawat tuntuning ortograpiko. Nagtuturo silá ng language

planning ngunit mukhang ayaw din niláng pinakikialaman ang takbo ng

wika. Descriptivists daw kasi silá. Gustong-gusto ko ang inisyals ng aming kagawaran

DFPP—“deaf” (DF) na “pipi” (PP) pa. Inaasahan kong hindi nilá maiintindihan ang

panukalang Ortograpiyang Pambansa ng KWF. Unang-una, nagmula sa pamumunò ko.

46
(Jok onli!) Repeat, unang-una, dahil hindi nasasaklaw ng kanilang planong “Filipino”

ang implikasyong rebolusyonaryo ng tadhana sa Artikulo XIV, Seksiyon 6 ng 1987

Konstitusyon na payabungin at paunlarin ang Filipino sa pamamagitan ng mga wikang

katutubo ng Filipinas. Kayâ noon pa, interesado lamang silá sa mga “baryasyon at

varayti” ng Pilipino sa palengke, sa kalye, sa tabloyd, sa wikang bakla, jejemon. Sa

lahat ng nakatatawang ituro sa klase. Sa lahat ng kakatwa. Ayaw niláng ilarawan man

lamang ang kailangan at nararapat na paglalahok ng mga matipuno at katutubong salita

mula sa mga buháy na wika ng bansa. Nakalulungkot isiping palalakihin at aalagaan

ngayon ng KWF ang Filipino bilang wikang pambansa sa kabila ng pagtutol at

pagsalakay ng mga ninong at ninang nitó sa binyag. Patawad kung maraming mali at

laging pabor sa akin ang gunitang ito. Ito ang problema kapag tulad nina Aguinaldo at

Enrile ay matanda na ang gumugunita."

47
WIKANG FILIPINO SA PAGLINANG NG FANKSYUNAL

LITERASI TUNGO SA GLOBALISASYON

Simula ng Paglalakbay

Sa taong1492, naganap ang makasaysayang paglalakbay ni Christopher

Columbus. Sila ay naglakbay araw-araw at pumapalaot sila sa daigdig na walang

kasiguruhan. Tulad nila, naglalakbay rin tayo tungo sa isang mundong walang

kasiguruhan. Naiiba lamang tayo sa mga manlakbay na nabanggit pagkat higit na

impormasyon ang nasa ating mga kamay. Bukod sa nakalamang am gating kaalaman,

mayroon tayong teknolohiyang isalin at bigyang kahulugan ang mga karunungang

nabanggit.

Kasalukuyang Siytwasyon

Mabilis at ga-higante ang mga aluyong ng pagbabago sa karagatang tinatawid

natin ngayon at sanhi ito sa mga rebolusyong teknikal. Mula sa isang panahong

agricultural, tungo sa industriyal, patungo tayo sa isang ekonomiyang ang pokus ay

nasa pagpapabuti ng pansariling kalayuan at pakikiangkop sa pagbabago.

Nasa impormasyon, edukasyon at libangan ang tatlong malaking larangan ng

pagbabago. Malalapad ang mga highway ng impormasyong nakaugnay sa bawat isa.

Wala na ahlos hangganan ang mga larangang ugnay sa kompyuter, telekomunikasyon,

edukasyon, balita, pelikula, telibisyon at medisina.

Sa ating larangan sa edukasyon, itinuturing nating panghabambuhay na tunguhin ang

pagkatuto. Namumuhay tayo sa isang organisasyon ng pagkatuto, kung saan mula sa

48
pagiging fetus hanggang sa pagtanda ay kailangan ang una at muling pagkatuto upang

makaangkop. Hindi na basta pagpasok sa paaralan ang edukasyon ngayon.

Makahalong pag-aangkop ng kasiyahan at pagkatuto ang pag-aral at mahalaga ang

teknolohiyang digital, internet at ang mga edukasyunal na software upang maisagawa

ito.

Sa kabuuan, nakikiangkop tayo sa isang panahong pinaiikli ng bolyum ng

impormasyon. Gumagamit tayo ng microwave, genetic, engineering, internet,

telekomunikasyon at digital na kumpresya upang makahabol sa ginagahol na oras. Ito

ang daigdig na ginagalawan at kahaharapin ng susunod na henerasyon ng mga

Pilipino. Kailangan nating ihanda ang ating mga mag-aaral sa panahong ito. Hindi

lamang pagtuon ang mahalaga kundi ang bilis ng panahon sa pagtugon sa mga

pangangailangan nito.

Wika Bilang Instrumento sa Lakbayin

Marahil ay maitatanong natin sa ating sarili. Ano ng aba ang nangyari sa Filipino

bilang wika ng komunikasyon at midyum ng instruksyon? Hindi kaya pag-aaksaya

lamang ng panahon ang pagsusulong ng Filipino sa pagdatal ng Information Age? Sa

panahong Ingles ang dominanteng wika ng cyberspace, kailangan pa ba natin ang

wikang ito? Ang kasagutan ay nasa uri ng edukasyon at wikang dapat nating gamitin sa

paglinang nito. Mapapataas ang karunungan at kahusayan ng mga Pilipino sa

pamamagitan ng paggamit ng wikang Filipino sa batayang edukasyon. Malaki rin ang

bahaging ginampanan ng mga tagapagtaguyod ng Wikang Filipino kabilang na ditto ang

(Pambansang Samahan ng Tagapagtaguyod ng Wikang Filipino) PASATAF, (Samahan

ng mga Guro sa Filipino) SANGFIL, (Language Education Council) LEDCO at sa lahat


49
na mga masugid na kabahagi ng PSLF (Pambansang Samahan ng mga Linggwistang

Filipino). Mula sa inyong hanay nagmumula ang nagaganap na modernisasyon at

siyentipikasyon ng Wikang Filipino uoang makaagapay ito at maging mabisang

instrument sa panahon ng globalisasyon.

Kasalukuyang Kalagayan ng Filipino sa Larangan ng Edukasyon

Filipino sa ngayon ay kaagapay ng Ingles sa wikang panturo sa kurikulum ng batayang

edukasyon. Sabay na natututo sa dalawang wikang nabanggit ang mga nililinang nating

panghabambuhay na mag-aaral. Mahalaga ang Ingles sa pagkuha ng teknolohiya at

impormasyon mula sa iba’t-ibang bahagi ng mundo. Kasinghalaga ito ng Filipino na

siyang kailangan sa pag-unawa ng mga batayang konsepto ng teknolohiya-ang Agham

at matematika.

Lahat halos ng tagapagtaguyod ng Wikang Filipino, mula sa bokabularyo, ponolohiya,

morpolohiya, sintaksis, idiom, retorika at lalong higit sa semantika ay nagbago na rin.

Bunga ito ng pagkilala na ang wika ay dapat magbago tungo sa pag-agapay sa

globalisasyon at bilis ng pagbabago. Salamat at hindi na rin itinuturing na preskriptiv

ang wika. Manapa, ito ay deskriptiv, dinamiko, buhay at umaangkop sa kalakaran ng

panahon.

Artikulong mababasa sa world wide web, sa isang homepage pam-Pinoy. Ganito ang

nakasaad sa artikulong tungkol sa Diyos…

Ang Diyos ay katulad ng Coke, He is the real thing.

Katulad siya ng Pepsi, He is the choice of the new generation.

50
Katulad siya ng Alaska, wala pa ring tatalo sa Kanya.

Katulad siya ng San Miguel Beer, mabuting kaibigan.

Katulad siya ng Rexona, He won’t let you down.

Katulad ka ng PNB, para kang nakasandal sa pader.

Katulad ka ng Safeguard, siya ang iyong konsensya.

Katulad siya ng Power Gold-ang hamon niya-tatagal kaba?

Sa isa naman may ka-chat sa panahon ng Araw ng mga Puso, ganito ang nakasaad sa

internet…

U r like SM- u’ve got it all

U r like extelcom- u never caring about me

U r like my balikbayan box- I get excited when u arrive

U r like a yosi vendor, u give me Hope and More

U r like my shoes, u r there wherever I go

I’ll see you in court, ninakaw mo ang puso ko!

Maaring hindi maging katanggap-tanggap ang mga ito sa marami sa ating mga

tagapagtaguyod ngunit sa katotohanan, kapag nag-search kayo sa internet ay ito ang

inyong matatagpuan sa mga website na pang-Filipino. Ganito ang namamayani sa ating

lipunan ngayon at hindi dapat isasantabi ang nagaganap. Ito ang lingua franca na

namamayani sa ating mga pamayanan at lingua francang namamayani sa internet.

51
52
53
Mga Sanggunian:

Adaya J.G.,Bondame F.r., Castillo M.J. L., Malaga M.A., Mendoza V. S., Salorsano G. D.,

San Diego k. G. (2016).Pagbasa at Pagsusuri sa Iba’t Ibang Teksto Tungo sa Pananaliksik.

Jimczyville Publication, Tinajeros Malabon City

Carpio P D.S. et.al., (2016) Komunikasyon at Pananaliksik sa Wika at Kulturang Pilipino,

Jimczyville Publication, Tinajerps Malabon City

Castillo M..J.A, Pena R. P., Carpio P. D. s., Bondame F.R., Camba A.M., Sagun R.D.

(2017).Pagbasa at Pagsulat Tungo sa Pananaliksik.Jimczyville Publication, Tinerejos Malabon

City

Catacataca P. at Espiritu C.(2005) Wikang Filipino: Kasaysayan at Pag-unlad, Rex Printing

Company,Inc., Lungsod ng Quezon

Constantino P.C.,(2014) Katutubo vs Banyaga, UP Sentro ng Wikang Filipino-Diliman 3/P

Gusaling SURP,E. Jacinto St. UP Campus,Lungsod Quezon

Espina L. D., Ramos R. V., Plasencia, N.R., Velasco H.(2014) Komunikasyon sa Akademikong

Filipino, Mindshapers Co. ,Inc.Intramurous Manila. Corpuz

Gonzalvo R P. JR.(2016) Komunikasyon at Pananaliksik sa Wika at Kulturang Pilipino,

MINDSHAPPER CO., INC. Intramurous, Manila

Ortograpiyang Pambansa, (2014)Komisyon ng Wikang Filipino, Aklat ng Bayan, Metro Manila

54
55

You might also like