You are on page 1of 10

BIBLI-HISTORIKAL NA SIPAT SA PINAGMULAN NG WIKANG

FILIPINO
Mababasa sa mga talata sa Bibliya na lahat ng nasa mundong ginagalawan ng
tao ay nalikha dahil sinabi ng Diyos. Wika ang ginamit ng Diyos sa paglikha ng
sanlibutan. Samakatuwid, sa paglikha pa lamang ng Diyos sa lahat ng nilalang sa
mundong ito, ay mayroon nang wikang umiiral na siyang WIKA ng Diyos.

Nang lalangin ng Diyos ang tao “…at nilalang ng Diyos ang tao ayon sa
kaniyang sariling larawan, ayon sa larawan ng Diyos siya nilalang; nilalang niya sila na
lalaki at babae” (Genesis 1:27) makikita na hindi ito sa pamamagitan ng wika,
“Pagkatapos, ginawa ng Panginoong Yahweh ang tao  mula sa alabok, hiningahan niya
sa ilong, at nagkaroon ito ng buhay.” (Genesis 2:7) Bukod sa nilalang niya ang tao ayon
sa kaniyang larawan ay hiningahan niya ito na siyang naging dahilan ng pagkakaroon
nito ng buhay. Kalakip ng paglikha niya sa tao ang wika na maaaring magamit upang
makipag-ugnayan sa Diyos at makapamahala sa lahat ng kanyang nilalang.

Hebreo: Sinaunang Wika ng mga Pilipino?

Nagsimulang dumami ang tao sa daigdig mula sa angkan ni Adan at Eba ngunit
dumating sa puntong sumobra ang kasamaan ng tao: (Genesis 6:5-8)

5 At nakita ng Panginoon na mabigat ang kasamaan ng tao sa lupa, at


ang buong haka ng mga pagiisip ng kaniyang puso ay pawang masama
lamang na parati.
6 At nagsisi ang Panginoon na kaniyang nilalang ang tao sa lupa, at
nalumbay sa kaniyang puso. 
7 At sinabi ng Panginoon, Lilipulin ko ang tao na aking nilalang sa ibabaw
ng lupa; ang tao at gayon din ang hayop, at ang mga umuusad at ang
mga ibon sa himpapawid; sapagka't pinagsisisihan ko na aking nilalang
sila. 
8 Datapuwa't si Noe ay nakasumpong ng biyaya sa mga mata ng
Panginoon. 

Nasumpungan ng Diyos si Noe bilang lalaking matuwid at sakdal na siya Niyang


inatasan na gumawa ng daong upang mailigtas sa paggunaw ng Diyos sa mundo sa
pamamagitan ng baha.
Nalipol ang lahat ng tao sa buong sanlibutan at tanging ang angkan lamang ni
Noe ang nakaligtas. (Genesis 10:1,5 )

1 Ito nga ang sali't saling lahi ng mga anak ni Noe: si Sem, si Cham, at si
Japhet: at sila'y nangagkaanak pagkaraan ng bahang gumunaw.
5 Sa mga ito nangabahagi ang mga pulo ng mga bansa, sa kanilang mga
lupain, na bawa't isa'y ayon sa kanikaniyang wika; ayon sa kanikanilang
angkan, sa kanikanilang bansa. 
Mula sa anak ni Noe na si Sem ay iniluwal si Arphaxad na ama ni Sala na ama ni
Heber na ama ni Joctan at ama ni Ophir. (Genesis 10:21-32)

Ninais ng Dios na ang lahat ng tao ay makapangalat sa buong daigdig, ngunit


nang dahil sa pagnanais ng tao na huwag magkahiwa-hiwalay ay nagtayo sila ng tore
na siyang magiging palatandaan ng kanilang pagtitipunan, ngunit hindi ninais ng Diyos
na mangyari ito kung kaya’t binigyan niya ng iba’t ibang wika ang mga tao (Genesis 11)
at sila’y hindi nagkaintindihan at tuluyang nakapangalat sa buong daigdig.

Si Ophir na sinasabing nagmula sa lahi ni Sem ay pinaniniwalaan na


nakapanahan sa isang lugar na sagana sa ginto. Binanggit rin ng Biblia na ang kanilang
lahi ay nanahan sa Silangan.

Si Gregorio F. Zaide (1959, sa Tabilog, 2008) sa kanyang aklat na “ History of


the Filipino People” ay nagsabi na ang mga manunulat na mga taga-kanluran ay
tinawag ang ating lupain sa pangalang Maniolas, Ophir, Islas del Oriente, Islas del
Poniente, Archipelago de San Lazaro, Islas de Luzones (Isla ng Mortars), Archipelago
de Magallanes at Archipelago de Legaspi.

Tahasan ding pinaninindigan ni Alfonso Datu-Aca Tabilog (2008) na tinatawag ng


mga Nabigador ang mga isla na Ophir na nakasulat sa Biblia at sinasabi niya na ang
mga inapo ni Ophir ay ang mga Pilipino, at ang sinasalita ay ang Wikang Lumang-
Hebreo sapagkat ang kanyang ama na si Joktan ay anak ni Heber na sinasabing
nakapagpanatili ng Wikang Hebreo mula sa pag-iba-iba ng wika noon sa Tore ng Babel
(Genesis 11) kaya siya pinangalanang Heber.

Maging si Padre Pedro Chirino (1604) sa kaniyang ulat hinggil sa mga Wika sa
Pilipinas sa aklat na Relacion de las Islas Filipinas, ay nagsabi na:
Sa mga wikang ito, ang  Tagal ang nakaaliw sa akin nang pinaka, at ang wikang
hinangaan ko sa lahat. Gaya ng sinabi ko sa unang obispo (ng Manila, si Domingo
Salazar) at tapos, sa ibang matataas na pinuno sa Pilipinas at sa Europa, may 4
katangian ang wikang ito na natagpuan sa 4 pinakamatikas na wika sa buong  mondo  -
Hebrew, Greco, Latin  at  Espanyol.
Hindi maikakaila na ang isang bihasa sa wika na katulad ni Padre Pedro Chirino
ay mapansin ang mga katangian ng wikang kaniyang sinusuri. Masasabing hindi
lamang katangian ng wikang Hebreo mayroon ang Wikang Tagalog kundi maging mga
salitang Hebreo ay bahagi ng wikang ito. Pinatutunayan ito ng Merriam-Webster
International Unabridged Dictionary:
“..ang wikang TAGALOG at ang wikang VISAYA ay galing sa isang grupo
ng wika na tinawag na TAGALA na kapatid ng sina-unang wikang Malay-
Javanese na tinawag na KAWI na ngayon ay wala na. Ang TAGALOG ay
may 30,000 root words, 700 affixes at ang root words na kilalang-kilala
ay 5,000 salita mula sa Kastila; 3,200 salita mula sa Malay-Indonesia,
1,500 salita mula sa Hebreo, 1,300 salita mula sa English, 300 salita
mula sa Sanskrit, 250 salita mula sa Arabic at kaunting salita mula sa
Persia, Japanese, Russian. Ang wikang Latin ay na-impluwensya ang
Spanish at English. Ang wika ng Bisaya at ang wika ng Tagalog ay
maraming salitang magkakaparehas mahigit 3,800 na kilalang-kilalang
salita at parehas ng paggamit.
Isa itong matibay na ebidensya na mayroong nanirahang mga Hebreo sa bansa
bago pa man ito pangalanang Pilipinas ng mga Kastila. Hindi maitatanggi ang
pagkakaroon ng 1,500 salitang ugat mula sa Hebreo at hindi rin masasasabing ito’y
impluwensiya lamang ng kalakalan, kundi ito’y isang matibay na batayan na may mga
Hebreong nanirahan sa lupaing ito.

Isa pa sa mga maaaring magpatunay ay ang aklat sa Espanya na Coleccion


General de Documentos Relativos a las Islas Filipinas na natagpuan sa Archivos de
Indias de Sevilla. Ito ay muling nilimbag noong 1920 sa Barcelona, Espanya ng
Compania General de Tabaccos de Filipinas. Ang Tomo III (1519-1522), pahina 112-
138, ay naglalaman ng Dokumento bilang 98 ng paglalarawan kung paano
matatagpuan ang bayan ng Ophir. Sa bolyum ring ito naroroon ang opisyal na
dokumento hinggil sa paglalayag ni Ferdinand Magellan at logbook ni Francisco Albo na
siyang kapitan ng barkong Victoria.

Mula sa Dokumento bilang 98 ay mahihinuha na hindi sa India matatagpuan ang


Ophir na pinaniniwalaan ng marami. Isa sa katunayan ay ang Cabot expedition noong
Abril 3, 1526 na may misyong, "hanapin at tahakin ang ruta panungong Tarsis, OPHIR,
Oriental Cathay (China), at Japan." Inilarawan dito kung paano mapupuntahan ang
lupain ng Ophir. Nagsimula ang kanilang paglalayag sa Africa patungong India,
patungong Burma, sa Sumatra, sa Moluccas, sa Borneo, sa Sulu, sa China, at kahuli-
hulihan, sa Ophir. Ang Ophir ay "…nasa harap ng Dagat China, binubuo ng kapuluan
kung saan ang mga Moluccans, Chinese, at mga Lequios ay nagtutungo upang
makipagkalakalan …" Mula sa deskripsyong ito, totoo nga na Pilipinas ang Ophir, at
ang lahing Pilipino ay ang mga inapo ni Ophir, at ang Wikang Tagalog ay maaaring
nagmula sa Wikang Hebreo na nagmula pa kay Adan, patungo kina Noe, Sem,
Arphaxad, Sala, Heber, Joctan, Ophir, hanggang sa makarating sa ating lupain.

Mula sa biblikal na perspektibo, ang kauna-unahang wika sa Pilipinas ay Hebreo


na nahaluan ng mga salita mula sa Malay-Indonesia, Kastila, Ingles, Sanskrit, Arabic at
kaunting salita mula sa Persia, Japan at Russia. Ang pagkakahalu-halo ng mga wikang
ito ay batay sa pandarayuhan, kalakalan at pananakop ng ibang bansa sa lupain ng
Pilipinas.

Preserbasyon ng Wikang Tagalog sa Panahon


ng Kolonyalismo Tungo sa Wikang Filipino

Bagama’t mahigit tatlong daang taong nanakop ang mga Kastila sa Pilipinas,
nanatiling Tagalog ang gamit ng mga Propagandista upang gisingin ang mga
kamalayan ng mga Pilipino laban sa mga banyaga. Ito rin ang isinigaw ng Katipunan
na maging pambansang wika noong 1896 sa pamamagitan ng Saligang Batas ng Biak
na Bato.
Ayon pa nga kay Miclat (2009), “…ang pagiging Linggua Franca ng Tagalog
(noong panahon ng Kastila) ay hindi dahil sa kolonyalismo ng Maynila, kundi sa kabila
ng kolonyalismo ng banyaga.” Higit na pinag-alab ng Wikang Tagalog ang
paghihimagsik at kasabikang makalaya sa mga Espanyol.

Pansamantalang nakalaya ang bansa mula sa mga mananakop na Kastila upang


magpalit lamang ng panginoon sa katauhan ng mga Amerikano. Kakaiba naman ang
istilong ginamit ng mga Kano sapagkat pilit nilang isinusubo sa bunganga ng mga Pinoy
ang kanilang wika. Bagama’t walang tuwirang inihahayag na pambansang wika noong
panahong ito ay tanging Ingles at Espanyol lamang ang opisyal na wikang ginagamit sa
pamahalaan, edukasyon at iba pang larang kung kaya’t parang ang mga ito na rin ang
nagsisilbing pambansang wika ng Pilipinas.

Tuluyang nanganib ang pagkakaroon ng pambansang wikang magmumula sa


katutubong wikang sinasalita sa Pilipinas, ngunit dahil sadyang ang katutubong wika ng
mga Pilipino ay iniingatan ng Diyos, hindi Niya hinayaang tuluyang mawala ito sa
sirkulasyon ng bayang Pilipinas. Gumamit siya ng mga taong patuloy na magtatanggol
sa wikang ito. Mula sa pagsusuring ginawa ni Roberto Añonuevo (2008) na may
pamagat na “Tula, WIka at Nasyonalismo”, nasabi niya na: … “Hindi totoo na
pinangibabawan ng Tagalog ang mga taal na wika sa Filipinas upang pagkaraan ay
patayin. Ang totoo, Tagalog ang lantarang lumaban sa kapuwa Ingles at Espanyol—na
mga wika ng kolonisasyon—at naging halimbawa ng iba pang taal na wika sa Filipinas
hinggil sa produksiyon ng panitikan at iba pang lathalain.” Binanggit niya ang mga
pangalan ng mga taong nagkaroon ng malaking ambag sa pagpapanatili ng Tagalog sa
puso at damdamin ng mga Pilipino katulad nina Francisco Balagtas, Andres Bonifacio,
Marcelo H. Del Pilar, Emiio Jacinto, at Lope K. Santos.

Ayon pa rin sa kanya, inilarawan ang Maynila sa tula ni Ruperto Cristobal bilang
lunan ng mga wikang dayuhan na ibig akitin ang mga walang kibong mamamayan
ngunit kahit na anong pang-akit mayroon ang mga wikang banyaga ay hindi pa rin
malimot ang Tagalog na ubod ng tamis, puno ng pag-ibig at pangarap na pawang
ipinamamana ng mga magulang sa kanilang mga anak.

Ngunit dahil nga sa napakaraming paraan ng kaaway upang wasakin at tuluyang


durugin ang wikang Tagalog, gamitin ba namang batayan ng pagbibigay-kalayaan sa
bansa ang pagsasalita nito sa wikang Ingles. Mabuti na lamang at nariyan si Jose
Corazon de Jesus at sumulat ng “Imperyalismo” noong Enero, 1923 na nagtanggol sa
katutubong wika at tinuligsa ang dulot ng wikang banyaga na nagturo sa mga Pilipino
ng kabastusan, kasagwaan, pang-eestapa, at panunulisan.

Naging mahalaga ang gampanin ng mga akdang ito sa pagpapanatili ng


pagmamahal sa Wikang Tagalog ng mga Pilipino kung kaya’t binigyang-katugunan ang
pangangailangan ng Pilipinas ng isang pambansang wikang magbubuklod sa bansa ng
kumbensiyong Konstitusyunal kaya’t nakasaad sa Artikulo XIV, Seksiyon 3 ng sa 1935
Konstitusyon ang ganito:
Ang pambansang Asemblea ay gagawa ng mga hakbang tungo sa paglinang
at pagpapatibay ng isang panlahat na Wikang Pambansa na nasasalig sa isa
sa mga wikang katutubo. Hangga’t walang ibang itinatadhana ang batas, ang
Ingles at Kastila ay magpapatuloy na mga wikang opisyal.

Isinulong ng Pangulong Manuel L. Quezon ang pagkakaroon ng isang


tanggapang magsusuri sa mga wikang katutubo ng Pilipinas tungo sa paglinang at
pagpapatibay ng isang panlahat na Wikang Pambansa (Batas Commonwealth Blg. 184)
Naging matagumpay ang Surian ng Wikang Pambansa sa tungkuling iniatang rito kaya’t
ipinahayag ng Pangulong Quezon noong Disyembre 30, 1937 ang Kautusang
Tagapagpaganap Bilang 134 na nagtatakda sa Wikang Tagalog bilang batayan para sa
paglinang at pagpapatibay ng wikang pambansa ng Pilipinas.

Upang maisakatuparan ang pagiging wikang panlahat ng Tagalog, nagpalabas


ng Kautusang Tagapagpaganap Blg. 263 noong Abril 1, 1940, ng pagpapahintulot ng
Pangulo ng Pilipinas sa pagpapalimbag ng A Tagalog English Vocabulary at Ang
Balarila ng Wikang Pambansa, at pagpapasimula ng pagtuturo sa mga paaralang
publiko at pribado ang wikang pambansa noong Hunyo 19, 1940.

Naisama naman bilang isa sa mga wikang opisyal ang Tagalog noong Hulyo 4,
1946 sa pamamagitan ng Batas Komonwelt Blg. 570

Noong Agosto 13, 1959, nang magkaroon ng bagong pangalan ang


Pambansang Wikang Tagalog na “Pilipino” sa pamamagitan ng Kautusang
Pangkagawaran Bilang 7 ng Kalihim ng Edukasyon na si Jose E. Romero.

Dumaan pa sa napakaraming pagsubok ang wikang pambansa nang may mga


mambabatas na nagpanukala na Ingles ang siyang maging pambansang wika ng
Pilipinas, hanggang sa nakasuhan ang mga tagapagtaguyod ng Wikang Pilipino ngunit
di-naglaon sila ay kinatigan ng Hukumang Mababang Dulugan ng Maynila na may
desisyong:

Mahirap magtayo, madaling magwasak. Ang likha ng isang henerasyon na


pinaggugulan ng milyun-milyong piso ay di-mapagwawalang-bahala o
mawawasak sa isang kumpas lamang ng panulat.
Umuunlad ang wika sa pamamagitan ng pagtanggap at paggamit ng bayan.
Patuloy pa ang proseso ng pagpapadalisay at pagpapayaman at di ito
mapipigil sapagkat patuloy na nagbabago ang isang wikang buhay. Hindi
maipagkakailang paparami ang bilang ng mga Pilipinong nagsasalita na ng
wikang Pambansa kung ihahambing sa bilang noong nakalipas na salinlahi
nang pairalin ang Tagalog bilang batayan ng wikang pambansa.

Tunay na muli na namang ginabayan ng Diyos ang desisyong ito sapagkat


maging ang Korte Suprema ay nagsabing ito’y nasa katayuang lampas sa awtoridad ng
mga hukuman upang rebisahin at isaisantabi.
Maging nang panahong dumaan ang takipsilim sa bayang Pilipinas at
magkaroon ng Batas Militar, nanatili pa rin ang pambansang wika na naging
kasangkapan ng mga maliliit ngunit napakaraming kilos protesta laban sa diktaduryang
Marcos. Ingles ang wikang gamit ng mga pahayagan at telebisyon habang nananatiling
nakikipaglaban sa demokrasya ang mga Pilipino gamit ang pambansang wika bilang
ilaw at lakas sa pagsusulong ng mga adhikaing maituwid ang bansa.

Dumating ang bukang-liwayway at nasilayan ang demokrasya sa pamamagitan


ng Pangulong Corazon C. Aquino, at isa sa mga tanda ng ating tagumpay ay ang
pagkakaroon ng bagong Konstitusyon at dito’y tuluyang inilahad ang umiiral na Wikang
Pambansang Filipino na nakasaad sa Artikulo 14 seksyon 6 ng 1987 Konstitusyon na
nagsasabing: “Ang Wikang Pambansa ng Pilipinas ay Filipino, samantalang nililinang,
ito ay dapat na payabungin at pagyamanin pa salig sa umiiral na mga wika sa Pilipinas
at sa iba pang mga wika.”

Nagbagong bihis ang mga pahayagan at higit na namayani ang mga inililimbag
sa Wikang Filipino. Ginamit ang Pambansang Wika sa paghahatid ng mga balitang
nauunawaan ng sambayanan at ito’y lumaganap sa buong kapuluan.

Sa kabila ng ganitong sitwasyon ay napakarami pa ring nagtangkang


magpabansot sa Wikang Pambansa at nagpupumilit na gamitin ang Ingles na sinasabi
nilang magiging kasangkapan raw sa pagpapaunlad ng Pilipinas. Ang pinakahuli sa
lahat ng ito ay ang iniwanan ng nakaraang administrasyong Pangulong Gloria
Macapagal-Arroyo na Executive Order 210 na nag-aatas sa paggamit ng Ingles bilang
pangunahing wikang panturo na sinusugan pa ng iba pang mga mambabatas noon
ngunit hindi sila nagtagumpay.
Buo ang pananalig sa Wikang FIlipino ng kasalukuyang pangulo ng Pilipinas na si
Benigno Simeon C. Aquino III, na siyang magiging ilaw at lakas ng bansa sa pagtahak
sa tuwid na landas: Ang wikang ito ang ginamit niya sa kaniyang pangangampanya
kontra korapsyon; ang wikang ito ang ginamit niya sa talumpati noong kaniyang
inagurasyon; ang wikang ito rin ang ginagamit niya sa kaniyang pagtugon sa mga
katanungan at pangangailangan ng mga mamamayan; ang wikang ito ang ginamit niya
sa mga State of the Nation Addres (SONA); sapagkat ang wikang ito ay
pinakamahalagang pamana ng kaniyang ina nang muli niyang masilayan ang
demokrasya.
Ang Wika at ang Debelopment ng Wikang Filipino

1. Wika: Kalikasan at Katangian


2.
� Sa mga pag-aaral na isinagawa hinggil sa wika, maraming mga linggwista at dalubhasa
ang nagbigay ng sarili nilang bersyon at kahulugan hinggil dito.
� Una na rito ay si Gleason (1961). Ayon sa kanya, "Ang wika masistemang balankas ng
sinasalitang tunog na pinili at isinaayos sa paraang arbitrary upang magamit sa
pakikipagtalastasan ng mga taong kabiang sa isang kultura."
� Iba pang kahulugan ng wika ayon sa mga dalubhasa: "Ang wika ay masasabing
sistematiko, set ng mga simbolong arbitrary, pasalita, nagagana sa isang kultura, pantao
at natatamo ng lahat ng tao." (Brown 1980)
� "Ang wika ay isang paraan ng komunikasyon sa pagitan ng mga tao, sa isang tiyak na
lugar para sa isang particular na layunin na ginagamitan ng mga verbal at visual na signal
para makapagpahayag." (Bouman 1990)
� "Ang wika ay kalipunan ng mga salitang ginagamit at naiintindihan ng isang maituturing
na komunidad." (Webster 1990)
� Ayon naman sa Komisyon sa Wikang Filipino (KWF) "Ang Filipino ay ang katutubong
wika na ginagamit sa buong Pilipinas bilang wika ng komunikasyon ng mga etnikong
grupo katulad ng iba pang wikang buhay, ang Filipino ay dumaraan sa proseso ng
paglinang sa pamamagitan ng mga panghihiram sa mga wikang Pilipinas at mga di
katutubong wika at sa ebolusyon ng iba't ibang varayti ng wikapara sa iba-ibang
sitwasyon, sa mga magsasaliya nito na may iba't ibang saligang sosyal.at para sa mga
paksa ng talakayan at iskolarling pagpapahayag.
Dalawang Paraan ng Pagdulog sa Pag-aaral ng Wika
� Noong ika-20 siglo, Si Ferdinand de Saussure, isang Swiss Linguist ang kauna-unahang
nagbigay-diin sa pundamental na pagdulog upang malaman kung papaanong nagbago
ang isang wika sa loob ng isang tiyak na panahon. Ang dalawang pamaraang ito ay ang
dayakronik at singkronik.
Pag-aaral ng Wika
• Dayakronik - Ito ay masasabing historical nakatuon sa ebolusyon o paglago ng wikang
ginagamit.  Sa paraang ito tinitingnan kung paano nadebelop o nalinang ang isang wika
sa bawat panahon
● Singkronik - Hindi nakatuon sa element ng panahon upang ilarawan Ang wika (RL. Trash 1999)
May dalawang wika itong kasangkot at sabay itong pinag-aaralan sa iisang panahon lamang

Ang Wikang Pambansa sa bawat panahon


PANAHONG KATUTUBO
Alibata ang tawag sa katutubong paraan/ sistema ng pagsulat ng mi katutubo sa
panahong ito. Ang alibata ay binubuo ng labimpitong (1 titik- tatlong (3) patinig at labing-apat
(14) na katinig. Ang kanilang panitikan ay nakasulat / nakaukit sa mga balat ng puno, kawayan o
dahon. Gumagamit sila ng anumang matulis na bagay bilang pang-ukit o pagsulat ng mga
simbolo.

PANAHON NG MGA KASTILA

Sa pagdating ng mga Kastila, pinalitan nila ang alibata ng Alpabetong Romano na siya
namang pinagbatayan ng ABAKADANG Tagalog. Nagsagawa ng maraming pag-aaral sa wika. Ang
mga prayle ang unang nagsulat ng diksyunaryo at gramallk tungkol sa iba't ibang wika ng
Pilipinas.

PANAHON NG PROPAGANDA AT HIMAGSIKAN

Wikang Kastila ang ginamit ng mga propagandista sa pagpapalabas ng damdamin at mga


hinaing laban sa mga Kastila. Tagalog naman ang ginamit ng mga manghihimagsik sa mga tula,
sanaysay, liham at talumpati.

PANAHON NG AMERIKANO
Wikang Ingles ang ginamit na midyum sa pagtuturo at ang mga sa pagtuturo ay nasa
wikang Ingles din. Nagpahayag ng sariling pananaw ang marami hinggil sa kung wika ang
midyum ng pagtuturo. Subalit sa kabila ng lahat, wikang Ingles pa rin ang nanatiling wikang
panturo, at pantulong naman ang mga wikang rehiyunal.

PANAHON NG KOMONWELT/ MALASARILING PAMAHALAAN


Itinatag noong 1936 ang Surian ng Wikang Pambansa at ang pamunuan nito sa
pamamagitan ng Batas Komonwelt Big. 184. Nagsimula nang gumawa ng pag-aaral ng mga wika
sa Pilipinas upang makapili ng wikang pambansa. Naging bahagi ng kurikulum ang pagtuturo ng
wikang pambansa sa mataas na paaralan at paaralang pang-edukasyon. Simula noong Hulyo
4,1940, sa pamamagitan ng Batas Komonwelt Big. 570, pormal nang kinilala ang wikang
pambansa bilang isa sa mga opisyal na wika ng Pilipinas.

PANAHON NG HAPON
Sapilitang pinaturo ang wikang Hapon at inalis ang wikang Ingles. Pinagamit ang mga
katutubong wika lalo na ang Tagalog. Naging masigla ang mga Pilipino sa paggmit ng sariling
wika sa pagsulat. Naging masigla ang panitikang Pilipino at umunlad nang malaki ang mga
panitikang rehiyunal gayundin ang sirkulasyon ng mga local na publikasyon tulad ng pahayagan
at magasin.

PANAHON NG REPUBLIKA
Pinagtibay ng Kongreso ang Batas Komonwelt Big. 570 na nagtatadhana na ang wikang
pambansa ay maging isa sa mga wikang opisyal ng Pilipinas. Marami ang pag-aaral na isinagawa
sa wika upang magamit itong panturo. Big. 7, na nagsasaad na kailanma't tutukuyin ang wikang
pambansa, ang salitang Pilipino ang siyang gagamitin.

PANAHON NG BAGONG LIPUNAN

Noong Hunyo 19,1974, nilagdaan ng Kalihim Juan L. Manuel ng Edukasyon at Kultura


ang Kautusang Pangkagawaran Big.25 na nagtatadhana ng mga panuntunan sa pagpapatupad ng
Patakarang Edukasyong Bilinggwal sa mga paaralan na magsisinula sa taong aralan 1974-1975.
Ang Kautusang ito ay alinsunod sa mga tadhana ng Saligang- Batas ng 1972. Sa panahong ito
sumulong at umunlad nang malaki ang wikang pambansa.

PANAHON NG DEMOKRASYA
Itinadhana ng Konstitusyon ng 1987 ang Probisyong Pangwika:
Artikulo XIV
� Seksyon 6- Ang Wikang pambansa ng Pilipinas ay Filipino. Samantalang nililinang, ito ay dapat
payabungin at pagyamanin pa salig sa mga umiiral na wika sa Pilipinas at iba pang mga wika.
Dapat magsagawa ng mga hakbangin ang pamahalaan upang ibunsod at puspusang itaguyod
ang pagganit ng Filipino bilang midyum ng opisyal na komunikasyon at bilang wika ng pagtuturo
sa sistemang pang-edukasyon.
Itinadhana ng Konstitusyon ng 1987 ang Probisyong Pangwika:
Artikulo XIV
� Seksyon 7- Ukol sa mga layunin ng komunikasyon at pagtuturo,, ang mga wikang opisyal ng
Pilipinas ay Filipino, at hangga't walang ibang itinatadhana ang batas, Ingles. Ang mga wikang
panrehiyon ay pantulong na mga wikang opisyal sa mga rehiyon at magsisilbing pantulong na
mga wikang panturo roon. - Sa panahong ito'y muling binuhay ang Patakarang Edukasyong
Bilinggwal sa pamamagitan ng Kautusang Pangkagawarn Big. 52 S. 1987.
� Ebolusyon ng Wikang Pambansa
Saligang- Batas ng Biyak-na-Bato (1896)
Ang wikang Tagalog ang magiging opisyal na wika ng Pilipinas.
Saligang-Batas ng 1935
Ang Kongreso ay gagawa ng mga hakbang tungo sa pagpapaunlad at pagpapatibay ng
isang Wikang pambansa na batay sa isa sa mga umiiral na katutubong wika. Hanggang hindi
Nagtatadhana ng iba ang batas, Ingles at Kastila ay patuloy na gagamiting mga wikang opisyal.
Disyembre 30,1937 - iprinoklamang ang wikang Tagalog ang magiging batayan ng Wikang
Pambansa. Magkakabisa ang proklamasyong ito dalawang taon matapos itong mapagtibay.
1940 - ipinag-utos ang pagtuturo ng Wikang Pambansa sa ikaapat na taon sa lahat ng pam-
publiko at pribadong paaralan atsa mga pribadong institusyong pasanayang pangguro sa buong
bansa.
Hunyo 4, 1946 - nagkabisa ang Batas Komonwelt Big. 570 na pinagtibay ng Pambansang
Asemblea. Noong Hunyo 7, 1940 na nagproklama na ang Wikang Pambansa na tatawaging
Wikang Pambansang Pilipino ay isa nang wikang opisyal.
1959 - ibinaba ng Kalihim Jose B. Romero ng Edukasyon ang Kautusang Pangkagawaran
Blg. 7 na nagsasaad na ang Wikang Pambansa ay tatawaging Pilipino upang mailagan na ang
mahabang katawagang "Wikang Pamabansang Pilipino" o "Wikang Pambansa Batay sa Tagalog."

Saligang-Batas ng 1987
� Sek. 6 - Ang Wikang Pambansa ng Pilipinas ay Filipino.Samantalang nililinang, ito ay dapat
payabungin at pagyamanin pa salig sa umiiral na mga wika ng Pilipinas at sa iba pang mga wika.
Alinsunod sa mgatadhana ng batas atsang-ayon sa nararap;ii na maaaring ipasya ng Kongreso,
dapat magsagawa ng mga hakbangin ang pamahalaan upang ibunsod at puspusan itaguyod ang
paggamit ng Filipino bilang midyum ng opisy na komunikasyon at bilang wika ng pagtuturo sa
sisteman pang-edukasyon.
� Sek. 7 - Ukol sa mga layunin ng komunikasyon at pagtuturo, ang mg wikang opisyal ng Pilipino ay
Filipino at hangga"t walan itinatadhana ang batas, Ingles.

Ang mga wika ng rehiyon at pantulong na mga wikang opisyal sa mga rehiyon ay magsi-
silbing opisyal na pantulong na midyum ng pagtuturo.
Sek. 8 - Ang Konstitusyong ito ay dapat ipahayag sa Filipino at Ingles at dapat isalin sa mga
Pangunahing wikang panrehiyon, Arabic, at Kastila.
Sek. 9 - Dapat magtatag ang Kongreso ng isang komisyon ng wikang pambansa na binubuo ng
mga kinatawan ng iba't ibang mga rehiyon at mga disiplina na magsasagawa, mag-uugnay at
magtataguyod ng mga pananaliksik para sa pagpapaunlad, pagpapalaganap at pagpapanatili sa
Filipino at iba pang mga wika
1973 Ang Batasang Pambansa ay dapat gumawa ng mga hakbang tungo sa paglinang at pormal
na adopsyon ng isang panlahat na wikang pambansa na tatawaging Filipino.
 1987 - Filipino na ang ngalan ng wikang pambansa, alinsunod sa Konstitusyon na
nagtatadhanang "ang wikang pambansa ng Pilipinas ay Filipino." Ito ay hindi pinaghalo-halong
sangkap mula sa iba't ibang katutubong wika; bagkus, ito'y may nucleus, ang Pilipino o Tagalog.

You might also like