You are on page 1of 16

LAYUNIN

KAHALAGAHAN
MGA ANYO NG PAGSULAT
Ang pag-iisip ay kasama ng set ng
mga kasanayang
lumikha,magmanipula at
makipagtalastasan sa iba ng
personal na simbolo ng pag-iisip.
Ang pag-iisip at pagsusulat ay
kakambal ng utak.
R.T.Kellog (1994)
LAYUNIN NG PAGSULAT:

1.Pansariling Pagpapahayag o Ekspresiv

2.Pagpapahayag na Impormasyonal o
Transaksyunal

3.Malikhaing Pagsulat
Kahalagahan ng pagsulat
1.Nagsisilbing taga-ingat ng mga mayayamang kaalaman
ng tao na
nais ipamana sa mga susunod na saling-lahi.
2.Nagpapamulat ng kamalayan sa mayamang kultura at
tradisyon
ng isang bansa.
3.Tagapag-ugnay ng kasaysayang nakalipas at
kasaysayang
mangyayari pa lamang.
4.Nagkakalapit,nagkakaunawaan at nagkakaisa ang mga
lugar sa
pamamagitan ng pagsulat.
MGA ANYO NG PAGSULAT
1.ANYONG PANGANGATWIRAN O
ARGUMENTASYON
Layunin ng anyong ito na bigyang linaw at maipaliwanag
ang paksa
upang lumitaw ang partikular na bagay na tinatalakay sa
pamamagitan
ng paghahanay ng mga katibayan.
2.ANYONG KLASIPIKASYON O
PAG-UURI-URI
Layunin ng anyong ito na mapagsama-sama ang mga
bagay na
maaaring magkakahiwalay at mapag-isa ang mga bagay
na
maaaring magkakauri.
3.ANYONG PAGSUSURI O ANALISIS
Layunin ng anyong ito na mataya ang nilalaman ng isang akda
batay sa pag-oobserba at namasid sa kabuuan ng teksto.
4.ANYONG PASALAYSAY
Ang pagpapahayag ay may layuning maihayag nang may pagka-
sunod-sunod ang mga pangyayari,tagpuan,karakter,kasukdulan,
kakalasan at wakas.
5.ANYONG PAGLALARAWAN
Pagpapahayag na naglalayong magsaad ng larawan ng kabuuan
ng isang bagay,pangyayari o magbigay ng isang biswal na konsepto
ng mga bagay-bagay,pook,tao o pangyayari.
6.ANYONG PANGHIHIKAYAT
Layunin ng pagpapahayag na ito na makahikayat ng mambabasa
na naaayon sa pananaw ng isang manunulat.
7.ANYONG EKSPOSISYON
Layuning maipahayag nang may kalinawagan ang
pangyayari,
opinyon,kabatiran at mga kaisipan.
8.ANYONG EKSPRESYON
Layunin nitong maipahayag ang saloobin,emosyon at namumuong
damdamin na makatutulong upang mapawi,mapagaan at maibuhos
ang nararamdaman.
9.ANYONG REFLEKSYON
Sa anyong ito,ay may layuning mailagay ang sarili sa perspektibong
sitwasyon na may kalinawan upang masukat ang sariling pagkatao.
Layunin nitong tuklasin ang kahalagahan ng mga pangyayaring nagdaa
at sa kasalukuyan.
10.ANYONG DIREKSYON O PANUTO
Sa anyong ito ay naipapakita ng manunulat ang kanyang pag-
unawa at masunod ang wastong pagsasaayos ng mga bagay ayon
sa tamang proseso at tuntuning dapat gawin.

You might also like