You are on page 1of 1

Zaire Russell M.

Balahadia

HUMSS 11-3

Replektibong Sanaysay

Ang isa sa mga pinakakakaibang karanasan na hinding hindi ko makakalimutan ay


noong kasama ko ang aking kaibigan sa bahay niya at mayroong malapit na sunog na
nagliliyab sa kapitbahay. Gumagawa lamang kami ng mga takdang aralin at proyekto na
ibinigay sa eskwelahan na ipapasa kinabukasan, kami ay nagtatawanan lang nang
mapansin namin na umuusok na sa paligid. Umabot ang usok sa amin at ang isang
kapitbahay ay nagsabing mayroong sunog na nagsimula sa kapitbahay. Agad kaming
nagligpit ng gamit at tinulungan ko siyang magempake ng mahahalagang bagay, nakita ko
ang takot sa mga mata ng aking kaibigan at alam kong ganun din ang nararamdaman ko.
Pinatay na naming ang kuryente sa bahay at lumabas na nang dala ang mga gamit na
nahakot. Naawa ako sakaniya dahil nakita ko siyang natataranta at naiiyak na, habang
siya’y hindi mapakali, ako naman ay tulalang nakatingala sa usok dahil ito ang unang beses
ko na makaranas ng sunog. Lumipas ang iilang oras at nagpasalamat kami pareho na
naagapan ang sunog na nagsimula sa kapitbahay dahil sa sobrang paggamit ng kuryente at
nagoverheat ang isang wire. Hindi naman nadamay ang mga katabing bahay nito, pero ang
sunog ay hindi biro dahil sa isang iglap ang tahanan mo ay pwedeng mawala. Sabi nga nila,
ayos na ang manakawan, wag lang ang masunugan. Pinagpatuloy namin ni Renzo ang
aming mga gagawin at tinawa nalang ito. Hanggang ngayon ay nagpapasalamat pa rin ako
dahil hindi na kumalat ang sunog at hindi nadamay ang aking kaibigan.

You might also like