You are on page 1of 4

Pangalan: Gabriel Jovan C.

Buenaventura Grade & Section: 12-STEM

BUOD ng SONA 2021 ni Pangulong Duterte

Ang pangulong Duterte ay dumating sa batasang pambansa noong July 26. 2021
upang ibigay ang kanyang huli at pang anim na State of the Nation Adress (SONA).
Bago simulan ni Pangulong Duterte ang kanyang talumpati kinanta muna ni Morissete
Amon ang pambansang awit ng Pilipinas. Sumunod dito ay ang panalangin para sa
ating bansa. Matapos nito pinaupo na ng Presidente ang mga bisita sa batasang
pambansa at binati sila batay sa kanilang posisyon. Sinabi niya rin na “By far This is the
most beautiful crowd that ever happened here”. Sa simula ng kanyang talumpati sinabi
niya na sa simula ay marami siyang mga pangako na inisip niya na pwedeng magawa
sa panahonh iyon. Binanggit niya rin ang kanyang pagsisimula sa pagiging presidente
at sinabi niyang ang kanyang intensiyon ay dalisay at hindi nadumihan sa kanyang
termino. SInabi niya rin na mapaghamon ang kanyang posisyon at makapagkumbaba.
Ang mga nakamtan ng kanyang termino ay kanya ring sinabi at ang mga bagay na
naiba nito. Pinasalamatan niya rin agad ang mga frontliners ngayon sa COVID-19.
Matapos nito ay kanyang binalikan muli ang natupad niyang mga plataporma. Bago
niya kunin ang kanyang opisina napansin daw ng pangulo ang paglaganap ng mga
komunista na nakakalat sa buong bansa na ginugustong hatiin ang mga Filipino upang
magkagulo at ang mga illegal na droga rin na lumalaganap. Sinabi niya na an gating
mga pulis at sundalo ay may mahihinang mga armas kung kayat sila ay nahihirapan
isuplong ang criminal kaya ginawa niya itong prioridad at pinalakas ito. Pinataas niya
ang mga pension pangmilitar para mabigyan ng maayos na retirement plan ng mga
beteranong sundalo. Ang mga pagpapaganda rin sa depensa ng ating bansa ay
kaniyang sinabi na tiyak na makakapagpakita ng ating “territorial integrity”. Pinagmalaki
niya rin ang paggawa ng “National Task Force to End Local Communist Armed Conflict
(NTF-ELCAC)” na ang gawain ay itigil ang mga komunista na naririto sa Pilipinas ng
maraming dekada. Dahil dito ay halos 17,000 na ng mga rebelde ang sumuko sa
gobyerno na sumali sa “Enhanced Community Local Integration Program (E-CLIP)”.
Matapos ito nagkaroon ng makulit na pagbibiro ang presidente dahil sa teknikal isyu sa
operator ng mic. Matapos niya magbiro sinabi niya na ang mga komunista ay unti-
unting mawawala ang komunista at binaggit niya rin na kolehiya pa lamang siya ay
laganap na ang mga komunista. Matapos niya dito ay sinabi niya ang tungkol sa
taxation at pinunto niya na marami sa mga partido ng mga komunista ay kumikita ng
maraming pera ngunit nagbabayad lamang ng kakaunting tax habang binubulsa ang
maraming pera. Ginagamit nila ito upang pag-aralin ang kanilang mga anak sa ibang
bansa at matapos nito ay sisiraan pa nila ang ating bansa at gobyerno. Nabanggit niya
ang mga mahihirap at mga tao sa tribo at sinabi niya na hindi na napagod ang mga
kurakot nito sa 53 taon nilang pamamayagpag. Nabanggit niya na may isang komunista
na dating colonel ay isang “idiot” na nagbigay ng armas(AK-47) sa mga rebelde sa
bundok. Nabanggit niya rin ang kanyang laban sa droga ay naglalaman ng mga 9 na
heneral mula sa PNP na nasa likod ng mga manufacturer ng mga illegal na droga.
Sinabi niya na masakit sa loob niya na ang kalaban niya ay ang sarili niyang gobyerno.
Nabanggit niya na papatayin niya ang mga taong pumapatay sa ating bansa dahil
mahal niya ang Bansang Pilipinas. Matapos ay nabanggit niya ang tungkol sa Mindanao
at ang pagpapatupad ng “Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao” na
nakapagtupad ng magandang pangako. Ang pagkapanalo rin natin sa Marawi ay
nagpapakita ng Patriotism ng mga Filipino. Nabanggit din ng Pangulo ang ginawa niya
na nagpataas ng ating GDP na ngaun ay kitang kita ang resulta sa bansa. Nasabi niya
rin ang tungko; sa MRT-3 na sira sira at kung paano niya ito naayos. Nasaad niya rin
ang tungkol sa extension ng LRT-2 ng dalawang stasyon. Ang stage 3 ng Metro Manila
Skyway ay kaniya ring pinuri dahil ito ay nakapagbukas na at ang mga iba pang road
infrastructure na kanyang natapos. Ang mga bagong teknolohiya at terminal din sa
Clark International Airport ay nasabi niya at ang maganda at bagong teknolohiya na
kasama nito. Ang mga daanan din ay kanyang nabanggit na nagpapaganda sa ruta ng
ating trade. Ang “Junction Lanao-Pagadian-Zamboanga City Road” din ay nasabi
niyang na makakatulong sa agrikultura. Ang mga Coastal By-Pass Road din sa
Sorsogon na matatapos sa pagtatapos ng 2021 ay kanyang nabanggit ganun na rin
Davao na magtatapos sa 2023 dahil sinabi niya na uunahin niya muna ang mga nasa
Luzon bago ang nasa Visayas at Mindanao. Matapos ay nabanggit niya ang tungkol sa
backlog ng driver’s license noong 2016 at pagextend nito ng 5 taon. Sinabi niya pa na
ang “Ease of Doing Business Act” ay daan upang itigil ang mahahabang pila sa
government processes ng Pilipinas. Nabanggit rin ang “Salary Standardization Law 5”
upang makilala ang hirap at pagod ng mga manggagawa. Mula noong 2016 sinabi ng
president na mayroon ng 138 Executive Orders, 43 Administrative Orders, 86
Memorandum Circulars, 52 Memorandum Orders at 1,038 procalamations na naintegra
sa administrasyon ng gobyerno at development agenda. Ang Freedom of Information
din ay nabuksan na nagpapakita ng mga transakyon, desisyon at paglabas ng pera ng
gobyerno. Ang “Presidential Anti-Corruption Commission” rin ay kanyang nabanggit na
ang gawain ay mapuksa ang mga korap sa gobyerno. Pinagusapan niya rin ang foreign
policy ng bansa at ang sinabi ang ating bansa ay nakikipag partner sa iba dahil ang
mga paniniwala ay nagkakasalubong. Nagpasalamat siya sa ASEAN at mga kaibigan
ng bansa sa buod mundo. Nabanggit niya rin ang basura ng Canada at paano niya ito
pinabalik dahil gusto niya maipakita ang lakas ng ating bansa. Sinabi niya rin ang
pagbabalik ng mga Amerikano sa ating mga Balangiga Bells dahil ito ay yamang Pinoy.
Ang kafala system rin ay kanyang nabanggit at kung paano niya ito napatigil dahil ito ay
isang pangaalipin. Ang tungkol sa west Philippine sea ay kanyang nabanggit at an
gating pagkapanalo sa Arbitration sa ASEA. Nasabi niya rin na ang pakikipag giyera sa
china ay kamangmangan. Ang relasyon ngayon ng China sa Pilipinas ay maganda dahil
ang unang nilapitan ng ating presidente para sa donasyon ng bakuna ay ang China at
sila ay nagbigay ng 1,500,000 na bakuna. Sinabi niya na wala pa tayong sapat na
armas at ayaw niyang mamatay ang ating sundalo kung nakipaggera sa China. Ang
“Cocunut Farmers and Industry Fund Act” ay kanya ring ipinagmalaki at ito ay nasa 75
billion pesos. Ang “Rice Tarriffication Law” rin noong 2019 ay nasabi niya na
nakapagbalanse ng supply ng kanin sa ating bansa dahil sa mga teknolohiya at makina
na bago. Ang tungkol rin sa “Free Irrigation Sevice Act of 2018” ay kanyang nasabi na
nakakapagbigay ng libreng irigasyon para sa mahihirap na magsasaka. Ang “Revised
Concession Agreements” rin para sa water concesiionaries ay naipatupad at
magtatagal hanggang 2037 dahil ang kanilang pagprepresyo ay hinda tapat. Nabanggit
niya rin ang mga concession na nagawa ay halos lahat lumalabag sa Anti-Graft law.
Ang tungkol rin sa ABS-CBN at ang pandadaya nito sa tax ay kanyang nabanggit at
kung gaano ito kaunfair sa mga Filipino na naghihirap pero nagbabayad parin ng
sariling tax. Ang mga radical reforms sa tax system din ay kanyang ipinagmalaki dahil
ito ay makakatulong sa mga maliliit na negosyo. Ang Ekonomiya ay lumago dahil sa
mga tax reforms mula 2016 hanggang sa 2019. Nasabi niya narin ang mga bagay
tungkol sa social and health issues. Ang pagpapatupad ng “Universal Access to Quality
Tertiary Eduction Act of 2017” kung saan nagbibigay ng libreng edukasyon para sa
kolehiyo sa mga state universities. Naipasa rin ang “Universal Health Care Act” in 2019
at ang “Malasakit Centers Act in 2019” na nagpapalawak ng pagtratrabahuhan at
pupuntahan ng mga Filipino na nangangailangan ng medical assistance at pinunto niya
na ang gobyerno na ang lalapit sa tao upang magbigay tulong. Binaggit niya rin kung
gaano kasama ang epekto ng COVID-19 sa bansa at paano ito nakapagpababa sa
ating ekonomiya at GDP. Nabanggit niya kung paano nagresponde ang gobyerno at
ang mga measure na kanilang ginawa upang mapaganda ang pagganap ng ating
bansa ukol sa COVID-19. Nasabi niya ang bilang ng bakuna at bilang ng nabakunahan.
Naitala niya rin ang kamangmangan na ginawa ni Isko Moreno na nagpabakuna sa
gitna ng dumadagundong na ulan. Sinabi niya na siya ay may pinirmahang Executive
order for The “National Employment Recovery Strategy” dahil marami na ang Pilipinong
nawawalan ng trabaho dahil sa pandemya na ito. Ang “COVID-19 Assitance to Restart
Enterprises” ay nakapaglabasa din ng 988 million pesos na loan sa 14,000 na
enterprises sa ilalim ng Bayanihan 1. Sa bayanihan 2 naman ay nakapag labas ng 2.9
billion pesos na loan sa 12,000 na enterprises na kasama ang mga OFW at enterprise
sa tourism sector upang makatulong sa pagtayo ng negosyo sa pandemya. Siya ay
nagbilin rin sa kongreso na ipatupad agad ang Investments Act, Public Service Act, at
Retail Trade Liberalization act. Ganun na rin ang pagtatag ng legislation na nagtatayo
ng isang agency para sa pagsagot ng mabilisan sa mga problema at hinaing ng OFW.
Matapos ay binanggit ng pangulo ang kanyang naiisip tungkol sa ating pagkilos ukol sa
COVID-19. Nais ng pangulo na ang mga tao ay magkaisa upang mas mapadali ang
buhay natin at mas madaling mapuksa ang pandemyang ito.Nabanggit niya rin ang
tungkol sa face to face class na kahit na wala ito ay kaya parin natin matuto at ito ay sa
pamamagitan ng Basic Education Learning Continuity Plan para hindi masagabal ang
mga estudyante sa pag-aaral. Pinapapasa niya rin sa kongreso ang “Department of
Migrant Workers and Overseas Filipinos”. Pati na rin ang “Disaster Resillience Act” na
nakakapagligtas ng Filipino ng maayos. Sa kongklusyon ng SONA ang Pangulong
Duterte ay nagbiro muli tungkol sa operator ng kanyang mic. Sa dulo ay nagpasalamat
ang Presidente sa bansa at Sinabing “Together let’s rise as a nation, Thank You.”

You might also like