Professional Documents
Culture Documents
LAYUNIN
INTRODUKSYON
Tayo ay naninirahan sa isang napakalawak na mundo, kung saan dito nabuo ang ating
magandang buhay.Sa mundong ating kinagagalawan naranasan natin ang iba’t ibang klase ng
pamumuhay sa iba’t ibang klase ng pamilya na ating kinabibilangan. Pero hindi maiiwasan ang
pag kakaroon ng problema sa atin kapaligiran a kalikasan, lalong-lalo na sa ating mga tao,
mahirap man o mayaman ang iyong estado sa buhay tayo ay naapektuhan sa problemang
kinakaharap ng ating bansa.
SAKLAW AT LIMITASYON
MANILA BAY, MANILA CITY – Ang pag-iba ng kulay at acidity ng tubig dulot ng polusyon
sa hangin.
Kung ikaw man ay estudyante at kawani ng gobyerno tayo ay may kasalanan at pananagutan
sa problemang ito."Tayo ang gumawa at nagsimula, Tayo ang mag-isip ng solusyon at
maglutas ng problema". Bawat isa sa atin ay may ginagampanang tungkulin, Bawat isa ay
makakatulong sa paglutas nito. Bawat isa ay may karapatang simulan ang paglutas ng
problema. Bawat isa ay may ma itutulong bata man o matanda. Dahil lahat tayo ay kasali sa
pagkakaroon ng problema sa kapaligiran. Lahat tayo ay nangangarap na malutas ito upang ang
sa susunod na henerasyon ay makakalanghap ulit ng sariwang hangin at makakain ng
sariwang isda. Kaya huwag magsisihan, tangapin ang katotohanang tayo ang may kasalanan.
KABANATA II
MGA KAUGNAY NA LITERATURA
Noong unang panahon, ang bawat letra sa telegraph ay nagkakahalaga ng 100 na piso.”
Kung ito ay gagamitin sa kasalukuyang panahon, maaaring hindi na magkaintintindihan ang
bawat isa. Halimbawa, “Diana, pty pa”, hindi mo maiintindihan kung ano ang ibig sabihin ng
mensahe at kung ito ay papahabain o bubuuin ang mensahe, tayo ay magsasayang at
magwawaldas ng malaking halaga ng pera para lamang sa isang mensahe. “Noong naimbento
ang pagtetext gamit ang cellphone noong 1992, ito ay mayroong limitasyon: halimbawa na dito
ay ang pagkakaroon ng limitasyon sa paggamit lamang ng 140 karakters sa pagbuo ng
mensahe.”. Sa pagkakaroon ng limitasyon, nagagamit ang SMS language upang mapaikli ang
salita o mensahe para maipagkasya sa 140 karakters at maipadala sa taong ipapadala ng
mensahe. “Ang paggamit din ng tamang bantas at tamang gramatika ay hindi masyadong
nagagamit.”. Mahihinuha natin dito na noong 90’s, ang mga nagtetext ay lumalabag sa tamang
balarila na sumasaklaw sa pagbabantas; ang pagbabantas ay mahalaga dahil dito masasabi
kung ang tao ay bumubuo ng malinaw na mensahe. “Noong 2002, ang SMS language ay
lumago at higit na ginagamit na nagresulta sa 250 billion SMS messages ang naipapadala sa
buong mundo.”. Dahilan nga sa pag-usbong ng teknolohiya, naimbento ang mga applications o
mga social media na tutulong sa pakikipagkomunikasyon sa bawat isa. Isang halimbawa nito ay
ang twitter. “Ang Twitter ay isang text-based service noong 2006. Ito ay patok dahilan sa
paggamit lamang ng 140 karakters sa pagbuo ng mensahe na itinakda ng SMS at
pinangunahan ng Hillerbrand.”. Hanggang sa kasalukuyan, ang pagtetext ay ginagamit
mapabata o matanda. Mayroon pa ring mga tatak ng cellphone na nagtatakda lamang ng 140
karakters sa pagbuo ng mensahe dahilan sa “ito ay higit na napapabilis at napapaikli ang
pagbuo ng mensahe.”
Isang sangay kung paano naapektuhan ng mga conyo ang kulturang Pilipino ay ang
multilinggwalismo. Ano ba ang multilinggwalismo? Ito ay ang paggamit ng higit sa isang wika.
Paano ba nito naaapektuhan ang kulturang Pilipino? Dahil sa paggamit ng mga conyo ng
multilinggwalismo ay napaghahalo nila ang wikang Pilipino sa wikang Ingles, at dahil dito nabuo
ang tinatawag na ‘Taglish‘ na ang resulta ay gulo sa paggamit ng wikang Pilipino.
Ayon kay Chris Urabano, ang pagkakaiba ng Taglish at conyo ay makikita sa kanilang balarila.
Ang Taglish ay ang paghahalo ng wikang Inlges at Filipino, at kung ika’y bihasa sa dalawang
nasabing wika, ito ay agad mong maiintindihan kahit ang dalawang wika ay magkahalo. Ngunit
kung mapapansin, ang mga taong gumagamit ng conyo ay ipinaghahalo-halo ang mga
pandiwang Filipino at Ingles at ginagamit upang makabuo ng isang pangungusap, na kung
isasalin sa isa sa dalawang wika ay mali at hindi angkop. Isang halimbawa nito ay ang pahayag
na “Why are you making me away?” kung ang pahayag na ito ay isasalin sa wikang Inlges, ito
ay magiging “Why are you making me argument?” makikita na ang isinalin na pahayag ay mali,
gayun din kung ito ay isasalin sa wikang Filipino.
Ang conyo ay marahil nanggaling sa mga mestizo na dating nag-aaral sa mga unibersal na
unibersidad. (Raymond Torrecampo, 2015) Sinabi rin ni Torrecampo na ang paglaganap
ng conyo sa panahon ngayon ay dahil sa kamangmangan ng ibang mga Pilipino ukol sa
orihinal na kahulgan nito at ang conyo ay isang lengguwahe lamang na patuloy na nagbabago.
Makikita sa 1.2 ng kabanata 1 ang pahayag ni Jessie Grace U. Rubriko; ang conyo ay ang higit
na komplkadine bersyon ng taglish. Kaakibat nitong pahayag na ito, maipapakita nga na
ang conyo ay higit na komplikado kaysa sa taglish, halimbawa ang salitang conyo na ‘carps’
ang pinanggalingan nitong salita ay ang salitang ‘carpet’ na kung tawagin rin ay ‘rug’. Kung ang
‘rug’ ay gagawing acronym, ito ay magiging R.U.G. at kung babasahin ay “Are you G?” ang ibig
sabihin ng ‘G’ ay ‘game’. Ang magiging kalabasan na ng pahayag ay “Are you game?” kaya
masasabi na ang ibig sabihin ng salitang carps ay nangangahulugang “Are you G?” o sa
wikang Filipino “Game ka ba?”
Kaugnay na Literatura
Ang wika ang sumasalamin sa isang bansa, dahil kung walang wika ang isang bansa
hindi maituturing maunlad ang isang bansa lalong-lalo na ang kanilang ekonomiya. Kaya ang
wika ay seryosong usapan pagdating sa ekonomiya. Pero dahil sa pagbabago ng panahon ang
wika ay bumabago rin ng dahil sa mga makabagong teknolohiya.
Ayon kay Edward Sapir (2001), ang wika ay isang likas at makataong pamamaraan ng
paghahatid ng mgak aisipan, damdamin at mihiin. Sa madaling sabi ang wika ay seryosong
usapan pagdating sa pakikipag-ugnayan sa iba dahil ang wika ang nagsisilbing sandata upang
ang bawat isa ay magkaintindihan. Ito rin ang pamamaraan ng paghahatid ng gustong iparating
sa kausap mo.
Ayon kay Dr. Aurora Batnag ( Kabayan, 2001) sapagkat ang Pilipinas ay multilinggwal
at multicultural, nabubuklod ang ating mga watak-watak na isla ng iisang mithiin na
ipinapahayag hindi lamang sa maraming tinig ng iba’t- ibang rehiyon kundi gayon din sa
isahang midyum na Wikang Filipino. Samakatuwid hindi matutumbasan ang papel ng wika sa
pagtatangkang baguhin ang kalagayan ng lipunan ng isang bansa. Sa madaling salita, ang
Pilipinas ay nagkakaisa upang ang isang mithiin, yon ay ipalaganap ang sariling atin sa buong
mundo.
Ayon naman kay ni Johanna Therese Diama (2015), ang sariling wika ay sumasalamin
sa kulturang ating kinagisnan. Sa pamamagitan ng wika nakikilala ang kultura ng isang bansa.
Dahilan sa ito ang nagbibigay ng titulo , katawagan o paglalarawan sa kulturang mayroon tayo.
Ngunit sa pagbabago ng panahon, nagkakaroon din ng pagbabago sa wikang kinagisnan na
maaaring magdulot ng paglimot sa kulturang iningatan ng ating mga ninuno. Karagdagan sa
sinabi niya ang pagbabago na sinabi niya ay dahil sa makabagong teknolohiya. Maraming
naidudulot ang teknolohiya sa wika. Sa pag-usbong ng makabagong henerasyon ay marami
naring pagbabago sa pamumuhay ng mga Pilipino. Kaya naman ang mga pinagiingatan ng
ating mga ninuno ay unti-unti nang nalilimutan.
Ayon niya sa kanyang artikulo, naging madali sa atin ang makasagap ng impormasyon
sa pamamagitan ng mga social networking sites, text messaging, mass media at iba
pa. Halimbawa na lamang ang pagkakaroon ng impormasyon ukol sa mga nangyayaring
karahasan, kalamidad, at kasiyahan sa bansa. Dahilan nga sa laganap na ang iba’t ibang uri ng
media mabilis tayong magkaroon ng komunikasyon sa ibang tao sa loob at labas ng bansa. Ito
rin ang nagbunsod upang makagawa ng maraming bagong salita na hindi nararapat na mabuo
sapagkat ito’y hindi angkop sa lengwaheng nakasanayan. Dahilan sa kagustuhan ng mga
Pilipino na mapadali ang komunikasyon sa ibang tao kaya pinaiikli nila ang mga salita o
“shortcut”. Ang pagnanais na makisabay sa kung ano ang uso at pagkakaroon ng sariling
pagkakakilanlan ng grupo ay nagdudulot upang mabuo ang mga salitang pabebe, jejemon,
bekimon, mga wikang fliptop, mga ginawang bagong terminolohiya sa mga malalalim na salita,
tulad ng “beki” na ang ibig sabihin ay “bakla”, at “mudrabels” na ang ibig sabihin ay “nanay”.
Mabilis itong kumalat o matutunan ng iba sapagkat laganap ang iba’t ibang uri ng media sa
bansa.
Ayon naman kay Yayee Lumbres (2016) sa artikulo nyang tungkol sa “Epekto ng
Teknolohiya sa Wika” ang makabagong teknolohiya ay mayroong masamang epekto sa wika.
Isa sa mga masamang epekto ng teknolohiya sa wika ay ang pagiging asa na lamang sa
teknolohiya tulad ng smartphone, tablet at laptop para sa kanilang araw araw na
pangangailangan. Nagiging ugat din ng hindi pagkakaunawaan ng mga mamamayan ang
paggamit ng teknolohiya sapagkat dito ay may kanya kanyang pananaw ang ibang tao kung
kaya’t dito ay malakas ang loob nilang makipag sagutan sa isa’t isa lalong-lalo na at ito ay
magagawa sa pamamagitan ng pagpindot lamang kahit walang pagkilos na nagaganap.
Nagiging sanhi ito sa pagiging agresibo sa mga gumagamit ng teknolohiya dahil sa mga
natatanggap nilang impormasyon.
KAUGNAYAN NG PAG-AARAL
Ayon kay Hin (Sa tumangon, et al., 2000) at Gleason (Sa tumangon, et al., 2000) ang
wika ay nagababago. Dinamiko ang wika at hindi ito maaaring tumangging magbago. Ang
wikang stagnant ay maaaring mamatay tulad ng hindi paggamit ngayon. Paano nagbabago ang
wika? Ang isang wika ay maaring nadadag-dagan ng mga bagong bokabolaryo, bunga ng
pagiging malikhain ng mga tao, maaaring sila ay nakakalikha ng mga bagong salita. Ang
pinakamahusay na halimbawa nito ay ang mga salitang balbal at pangkabataang salita o mas
tawagin nilang “Millenials” samantala, kailangang lapatan ng mga katawagan ang mga produkto
ng pag-unlad ng teknolohiya at sensya. Bukod dito, ang dating wika ay nadaragdagan ng mga
bagong salita na hindi umiiral noon may mga salita ning maaaring nawawala sapagkat hindi na
ginagamit.
Sabi naman ni J.R Chambess (2008) Sosyolek naman ang tawag sa barayting nabubuo
batay sa dimensyang sosyal o panlipunan. Nababatay ito sa mga pangkat panlipunan.
Halimbawa nito ang wikang gamit ng mga estudyante, wika ng matatanda, bakla, ng mga
kabataan at iba pang mga pangkat. Makikilala ang iba’t-ibang barayti nito sa pagkakaroon ng
kakaibang rehistro na natatangi lamang sa pangkat o grupo na gumagamit ng wika.
Ayon kay Mendoza (2004) ang makasining na paraan ng wastong pagpili at akmang
paggamit ng mga salita sa loob ng pangungusap sa kawili-wili at kasiya siyang pagpapalayag
ng wika. Ang ibig sabihin nito ay sa pagbibitaw ng mga salita ay makakapagbuo ka ng mga
ibang salita na hindi ginagamit noon at sa pagkasining ng mga Pilipino maraming mga
panibagong wika na lumalabas sa sariling diksyonaryu ng Pilipinas.
“Textspeak in the Philippines.. Isang artikulo mula sa Text Buff News: Text Messaging In The
Philippines. Ang artikulo na ito ay nagsasabi na ang SMS language ay nabubuo sa paggamit ng
Initials (Halimbawa, JK – Just Kidding; OTW – On The Way); Kontraksiyon (Halimbawa, bakit –
bkit; dahil – dhil); at phonetics (Halimbawa, later – l8r; ito – i2)
“Katumbas na ng mga bantas ang isang buong mensahe para sa mga Pilipino. Ngunit hindi
lahat ng pagkakataon ay kayang ibigay ng isang simpleng simbolo ang buong kaisipan na
gusto ihatid ng text. Ito minsan ang dahilan ng hindi pagkakaintindihan. At ayaw natin ng
malabong mensahe.” Ang SMS language ay sumasaklaw sa gramatika sa angkop ng
pagbabantas. Ayon sa aming nasaliksik, karamihan sa mga kanila ay marahil at hindi
gumagamit ng tamang pagbabantas sa pagtetext. Kung ito ay hindi maaagapan at patuloy na
hindi gagamitin ang tamang pagababantas, ito ay maaaring magdulot ng maling
pagkakaintindihan o malabong mensahe.
Ang SMS language ay angkop sa wika dahilan sa ang wika ay dynamiko at arbitraryo.
Kadalasan sa mga shortcuts na ginagamit ng mga Pilipino ay galing sa wikang Ingles.
Nagreresulta ito ng paggamit ng wikang Ingles sa maling pamamaraan; at lumalabas na higit
na tinatangkilik ng mga Pilipino ang wikang Ingles kaysa sa wikang Filipino.
Sumasaklaw din ito sa pagbabaybay. Kung titignan niyo ang SMS language gamit ang
phonetics at kontraksiyon; sa phonetics, ito ay gumagamit ng numero para mapaikli ang ang
salita. Sa koktraksiyon, ito ay magtatanggal ng mga letra upang mapaiksi ang salita. Ang
kakalabasan nito ay makakabuo ka ng maling baybay ng salita na nagagamit sa pangungusap.
Ang tatlong saklaw ng SMS language ay sasaklaw sa pormal na sanaysay. Kung patuloy na
gagamitin ang SMS language, maaari ito’y magamit sa pormal na sanaysay ata mawala ang
pagkapormal ng isang sanaysay kung gagamit tayo ng mga salita na antas ng balbal.
Napapanahon ngayon na tawaging conyo ang mga taong galing sa mataas na katayuan
ng lipunan sa Pilipinas. Ayon kay Bautista (2004) ang mga salitang conyo ay ginagamit na
noong mga nakaraang dekada ng mga taong nasa middle at upper-class, mga taong nakatapos
ng kolehiyo at mga taga-lungsod na Pilipino, upang sila ay mabukod sa pagkakakilanlan sa iba
pang mga Pilipino.
Sa nakaraang taong 2012, si Mignette Marcos Garvida ng Ryerson University sa Toronto,
Ontario, ay naglimbag ng kanyang pananaliksik na tumatalakay at sumusuri sa epekto ng mga
taong conyo sa kultura at ekonomiya ng Pilipinas, at kung ano ang katayuan nila bilang tao sa
ekonomiya. Ang mga Pilipino ay tuluyan pa ring nagsisikap upang makilala gamit ang mga iba’t
ibang social group (Garvida, 2012). Ang kanyang konklusyon sa kanyang pananaliksik ay
ang conyo ay isang pagkakakilanlan sa kultura, na kung saan ang mga gumagamit nito ay
maituturing na mayroong pagkakaroon ng halata na paggamit ng dalawang kultura; ang
paggamit ng wikang Ingles at Filipino. Ipinapikita nitong pag-aaral na nito ang kontradiksyon,
limitasyon at ang pagiging dynamic ng ibang Pilipino dahil sa kanilang pagdududa sa kanilang
sarili; ukol sa kanilang sosyal at ekonomikal na katayuan pati na ang galing nila sa pagsasalita
gamit ang isang partikular na wika. Bilang isang estudyante, hindi nakapagtataka na laganap
ngayon ang paggamit ng mga iba’t ibang wika sa pakikipagkomunikasyon dahil na rin sa
impluwensiya na dala ng social media. Masasabi nga na ang paggamit ng mga
salitang conyo ay tinatanggap na ng karamihan sa mga Pilipino, ngunit hindi pa rin mawawala
ang pagkalungkot at pagkadismaya, sapagkat hindi na lubusang pinapapahalagahan ang ating
sariling wika; na kung titingnan ay mayroon ding sariling kagandahan.
Ayon naman sa pag-aaral ni Ma. Lourdes S. Bautista, Ph.D. ang Tagalog-English code-
switching o ang pagpapalit sa paggamit ng wikang Ingles sa wikang Filipino, ay nakapalibot sa
atin. Ito ay isang obserbasyon ng mga dayuhan na bumibisita sa Pilipinas, lalong lalo na sa
Maynila. Ang higit na komplikadong paggamit nitong Tagalog-English code-switching ay
tinatawag na conyo.
Ayon sa isang teorya, ang pagtukoy ng isang Pilipino sa pagkakaiba ng Taglish sa conyo ay
natural at hindi kailangang komplikado. Kapag narinig ng isang Pilipino ang mga pahayag na
“Nag-beast mode sila sa akin kasi ‘di ko daw finollow yung rules.” At “Puhrung they got mad
sa akin because ‘di ko daw finollow the rules.” Agad na makikilala ang pahayag na Taglish;
“Nag-beast mode sila sa akin kasi ‘di ko daw finollow yung rules.” At pahayag
na conyo; “Puhrung they got mad sa akin because ‘di ko daw finollow the rules.”
BATAYANG TEORETIKAL
Pamamahagi Mabisang
ng kwestyuner pamamaraan
Mga sa mga mag- ng paggamit
impluwensya aaral na ng
ng mga Senior High makabagong
makabagong School GAS teknolohiya
teknolohiya sa 11 A upang tulad ng
pagbabago sa makakalap ng paggawa ng
akademikong mga “Facebook
gawain ng impormasyon Page” upang
mga mag- o datos hinggil mapaunlad
aaral. sa paksang ang gamit ng
pinag-aaral o wikang
tinatalakay. Filipino.