You are on page 1of 6

Rice Tarrification Law sa pagsasaka:

Naratibong pananaliksik sa pananaw ng mga magsasaka sa isang pamayanan

Isang Akademikong Pananaliksik

na ipinasa sa

Departamento ng Filipino

MOLAVE VOCATIONAL TECHNICAL SCHOOL

Molave, Zamboanga del Sur


Kabanata 1

Suliranin at Kaligiran nito

I. Panimula

Noon, kilala ang Pilipinas bilang isang matatag na bansa pagdating sa

produksyon ng bigas. Kilala din ito bilang isa sa mga eksporter ng bigas sa kalapit na

bansa tulad ng Indonesia, China, at Myanmar. Gayunman, nang dahil sa mabilis na

paglaki ng populasyon at ang mga lupang pangsaka ay hindi sapat para sa produksyon

ng bigas, ang bansa ay naging isa sa mga nag-angkat ng bigas. Nang dahil dito, ang

Pilipinas ay pumapangalawa bilang pinakamalaking importer ng bigas kasunod ng

Tsina (Simeon, 2019).

Salungat sa layunin ng biglaang pagbabago sa presyo ng na-import na bigas na

kung saan ito ay naging mura, ipinatupad ng gobyerno ang Rice Tariffication Law na

pinamagatang “An Act Liberalizing the importation, exportation, and trading of rice,

lifting for the purpose the quantitative import restriction on rice and for other purposes’’

na aprobado bilang batas ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte noong ika- 14 ng Pebrero,

2019. Kilala rin sa tawag na Rice Liberalization Act o Batas Republika bilang 11203, na

nagrebisa sa Agricultural Tarrification Act of 1996 na nagpapataw ng taripa sa lahat ng

produktong agrikultural maliban sa bigas. Layunin din nito na protektahan ang lokal na

magsasaka sa patuloy na pagtaas ng kompetisyon laban sa imported na bigas at

makamit ang sapat na bigas para sa Pilipinas sa 2020.

Sa pagpapatupad ng batas na ito, nagbigay ito ng iba’t ibang epekto sa lokal na

magsasaka at sa hindi magsasaka. Ibinaba nito ang retail price ng bigas para sa mga
mamimili, bilang solusyon sa kakulangan ng bigas, ibinaba ang inflation rate at

interbensyon para masuportahan ang mga magsasaka (Tobias, n.d) ngunit ayon kay

Omi Royandoya (n.d) kasama ng kasalukuyang takbo ng presyo ay ang pagtigil ng mga

magsasaka na magtanim ng palay.

Dagdag pa rito, ang mga eksperto ng World Trade Organization (WTO) ay

nagsabi na ang gobyerno ay dapat unang binigyan pansin ang epekto ng taripa bago

isulong ang Rice Tariffication Law. May ilang pananaliksik na ang nagawa sa epekto ng

Rice Tariffication Law sa mga magsasaka, at ang paggawa ng pananaliksik na ito ay

maaring maging kasangkapan sa pagpapahayag ng panananaw ng lokal na mga

magsasaka sa implementasyon ng Rice Tariffication Law. Maaari rin itong makatulong

upang masulosyonan ang krisis na nararanasan ng mga magsasaka.

II. Pahayag ng Suliranin

Isa ang bansang Pilipinas sa mga nangunguna pagdating sa produksyon ng

bigas. Dahil sa mabilis na pagtaas ng populasyon at kakulangan sa mapagtatamnang

lupa, bumaba ang rango ng Pilipinas pagdating sa produksiyon ng bigas. Sinubukan ng

gobyerno na salungatin ang epekto nito kung kaya’t ipinatupad ang Rice Tarrification

Law. Habang ipinatutupad ang batas, nagbigay ito ng iba’t ibang epekto sa mga lokal

na magsasaka. Pinahintulutan ng gobyerno ang pag-angkat ng mga bigas mula sa

ibang bansa at kasama nito ang paglubog ng lokal na produkto.


III. Layunin ng Pag-aaral

Ang Rice Tarrification Law ay nakapagbibigay ng malaking tulong sa mga

mamimili dahil binababa nito ang presyo ng bigas sa lokal na merkado. Gayunpaman,

nagbibigay ito ng malaking pasanin sa mga lokal na magsasaka dahil ang mga import

na bigas ay mas mura ang presyo at nakikipag kompitensiya sa kanilang produkto na

maaaring nakakaapekto sa kanilang kita. Sa pananaliksik na ito, mahalagang

maunawaan ang mga saloobin ng mga lokal na magsasaka tungkol sa implementasyon

ng RTL. Ang pangunahing layunin ng pag-aaral ay upang maunawaan kung paano

nakakaapekto ang pagpapatupad ng RTL sa pang-ekonomiyang aspekto ng mga lokal

na magsasaka at ang paraan na kanilang ginawa upang makabawi mula sa epekto na

dala ng RTL. Bukod dito, ang bagay na ito ay kailangang matugunan dahil mahalaga na

malutas ang krisis na dulot ng RTL dahil ang mga lokal na magsasaka ng bigas ang

pinaka-apektado.

Mga Tanong ng Pananaliksik

Ang pangunahing problema sa pag-aaral ay upang matukoy ang mga karanasan

at reaksyon ng mga magsasaka ng bigas matapos ang pagpapatupad ng Rice

Tariffication Law. Sinubukan nitong sagutin ang mga sumusunod na mga katanungan:

1. Ano ang mga karanasan ng mga magsasaka ng bigas sa pagpapatupad ng

Rice Tariffication Law?


2. Paano naapektuhan ng mga karanasan ang pag-iisip ng magsasaka sa

pagpapanatili ng hinaharap na pangangailangan ng kanilang mga pamilya?

3. Kung mayroong mga pagbabago, ano ang magagawa upang labanan ang

mga negatibong epekto ng Rice Tariffication Law sa mga magsasaka?

Saklaw ng Pag-aaral

Ang pag-aaral ay isinagawa sa Barangay Parasan, Molave, Zamboanga del Sur.

Ang mga kalahok ay ang mga magsasaka sa Parasan. Ang pag-aaral ay nakasentro sa

pagtukoy sa mga karanasan at reaksyon ng mga magsasaka tungkol sa Rice

Tarrification Law matapos itong isabatas. Ang kanilang karanasan sa aspektong

ekonomiks ay matutukoy rin sa pananaliksik. Pahahalagan din ng pag-aaral ang

suhestiyon ng mga magsasaka sakaling may pagbabago ng nasabing batas.

Limitasyon ng pag-aaral

Ang paghahambing sa mga kita ng magsasaka ng palay bago at pagkatapos ng

pagpapatupad ng Rice Tarrification Law ay may malaking tulong sa pag-aaral.

Gayunpaman dahil sa limitadong oras, ang mga epekto sa pagpapatupad ng batas sa

taripa ng bigas tungo sa kita ng mga magsasaka ng palay ay hindi kasama.

Ang pag-aaral ay tutugon lamang sa mga pananaw ng mga magsasaka ng bigas

tungo sa pagpapatupad ng Rice Tarrification Law at ang mga saklaw na nabanggit.


Kahalagahan ng pag-aaral

Ang resulta ng pananaliksik ay maaaring humantong sa isang bagong paraan ng

pag-unawa sa mga panig at opinyon ng mga nagtatanim ng palay sa pagpapatupad ng

Rice Tarrification Law. Maaaring masalaysay ng pag-aaral ang mga kwento at

paghihirap ng mga magsasaka at maipahayag nila ang kanilang damdamin sa

pamamagitan ng pananaliksik na ito. Ang pag-aaral na ito ay maaring mag-resulta sa

pag-unawa ng mga Pilipino na suportahan ang lokal na magsasaka at tangkilikin ang

kanilang produkto sa halip ang mga naiangkat na bigas. Makukuha rin nito ang atensyon

ng pamahalaan at baguhin ang batas na maging pantay at pabor sa mga magsasaka ng

palay.

You might also like