You are on page 1of 3

ASSH2003

Pangalan: Abarquez, Princess Maire Angela Seksyon: IT MAWD


Petsa: Setyembre 27, 2021 Puntos:

Basahin at unawain ang kuwento sa ibaba. Sagutin ang mga sumunod na katanungan. Sagutan ang mga
hinihingi sa mga patlang upang malaman ang bilis sa pagbasa at antas ng pag-unawa.

Oras ng simula ng pagbabasa: 3:35 pm

“Ang Mga Nawawalang Sapatos ni Kulas”

Nasa katamtamang estado ng pamumuhay ang pamilya ng batang si Nicholas Cruz. Mas kilala siya sa Kalye
Sampaguita bilang si Kulas, sampung taong gulang na anak nina Julio at Vina Cruz.

Nagtatrabaho sa isang pagawaan ng mga kasangkapan sa bahay ang ama ni Kulas samantalang kahera
naman isang tindahan ang kanyang ina.

Isang araw, habang tinatali ni Vina ang sintas ng sapatos ng anak ay nagtaka ito.

“Nak, ba’t ang lumang rubber shoes mo ang suot mo? Di ba binilhan ka namin ng papa mo ng bago?” tanong
ng ina sa bata.

Hindi sumagot si Kulas at nagkataon naman na bumusina na ang sasakyan na maghahatid sa kanya sa
paaralan. Humalik ito sa mama niya at dali-daling tumakbo palabas ng bahay.

“Leon, bilisan mo nariyan na iyong school bus,” sabi ni Kulas sa nakababatang kapatid habang tumatakbo siya
palabas.

Natapos ang kalahating-araw ng klase at hinatid na pauwi sa kanilang bahay sina Kulas at Leon. Pagdating nila
sa sala, nagulat ang panganay na may karton na naglalaman ng bagong sapatos.

“Ma, kanino po ‘tong rubber shoes?” tanong ni Kulas sa ina niya.

Ngumiti ang ina at sinabihan siyang sa kanya iyon. Bagong rubber shoes at mukhang mamahalin yung binili ng
mama niya para sa kanya. Kinabukasan, sinuot niya ito papuntang paaralan dahil sakto naman na P.E. nila.

Pagkalipas ng isang linggo, nagulat si Vina noong sinumbatan sya ni Julio habang nag-aayos siya sa harap ng
salamin at ang asawa naman ay nagbabasa ng dyaryo sa higaan nila.

“Akala ko ba binilhan mo ng bagong sapatos si Kulas kaya naubos ang sweldo mo. Bakit mukhang luma yata
yung nabili mo,” sabi ni Julio.

Nagulat si Vina sa sinabi ng asawa. Idiniin niya bumili talaga siya ng bago at mahal iyon kaya humiram pa siya
ng pera sa may-ari ng tindahan.

Pagdating ng tanghalian, nakarating na ang mga bata. Tama si Julio at luma na ang sapatos na suot ni Kulas.
Nagulat ang ina at tinanong ang anak.

“Nak, binilhan kita ng bagong sapatos, e, bakit luma pa rin iyang sinusuot mo?” tanong ni Vina sa anak.

Nagdahilan si Kulas na nakalimutan niya raw na may bago na pala siyang sapatos. Inutusan siya ng ina na
kunin iyon at dalhin ito sa kanya. Ilang minuto na naghintay si Vina pero hindi bumalik si Kulas.

Pinuntahan niya ito sa kwarto at nadatnan niya palakad-lakad si Kulas at balisa. Tinanong ulit ni Vina ang anak
tungkol sa sapatos niya. Pang-apat na pares ng sapatos na iyon na binili para sa kanya ngayong taon.

01 Worksheet 1 *Property of STI


Page 1 of 2
ASSH2003

“Mama, patawad po. Binigay ko po sa kaibigan ko sa labas ng paaralan ang bagong sapatos na bili niyo para
sa akin,” pagtatapat ng bata.

“Ano? Binilhan ka ng bago tapos ipamimigay mo lang pala? Walang mali sa pagbibigay anak pero sana, inisip
mo rin na binili namin ng papa mo iyon para sa iyo. Nagsinungaling ka pa,” sabi ni Vina sa anak.

Pinuri ng ina ang bata sa pagiging mapagbigay nito pero pinaalalahanan rin niya na mali ang magsinungaling
kahit ano pa ang dahilan. Inihayag niya rin kay Kulas na sana ay pahalagahan nito ang mga binibigay nila ng
ama niya dahil pinaghihirapan nila ito.

Humingi ng patawad si Kulas at nangako sa ina na pahahalagahan na niya ang susunod na mga sapatos at
mga gamit na ibibigay sa kanya ng mama at papa niya. Nangako rin siyang hindi na siya magsisinungaling.

Pinagkuhanan: https://philnews.ph/2018/11/26/maikling-kwento-nawawalang-sapatos-kulas/

1. Ano ang pangalan ng kapatid ni Kulas?


A. Julio
B. Julian
C. Vina
D. Leon
2. Ano ang naging dahilan ni Kulas noong tinanong siya kung bakit hindi niya gamit ang bagong sapatos?
A. Nanghihinayang siya sa paggamit ng bagong sapatos
B. Nakalimutan niya na may bago siyang sapatos
C. Hiniram ng kanyang kapatid ang sapatos
D. Ipinamigay niya ang sapatos
3. Pang-ilang pares na ng sapatos ang ibinili kay Kulas sa loob ng taong iyon?
A. Dalawa
B. Tatlo
C. Apat
D. Lima
4. Mula sa ika-sampung talata, anong salita ang kasingkahulugan ng terminong “sinisi”?
Ang salitang kasingkahulugan ng “Sinisi” ay “Sinumbatan”.
5. Sa iyong palagay, tama ba ang ginawa ni Kulas na ibigay ang mga bagong sapatos sa kanyang
kaibigan? Bakit?
Sa aking sariling opinyon, tama naman ang pagiging mapag-bigay sa kaniyang kapwa ngunit
mayroon rin siyang pagkakamali. Mali ang kanyang ginawang pagtatago at pagsisinungaling sa
kanyang mga magulang. Hindi rin tama na ipamigay sa iba ang mga natatanggap nating bagay o
regalo, kundi ay nararapat nating itong pangalagaan dahil pinaghirapan nila ito para maibigay sa atin.
Kaya ang masasabi ko ay mali ang kanyang ginawa, at kung gusto man niyang magbigay ng sapatos
sa kaniyang mga kaibigan ay sana nagpaalam muna siya sa kaniyang mga magulang upang
mapagdesisyunan muna ang kanilang nararapat na gawin dahil hindi naman niya sariling pera ang
gagamitin sa pagbili ng sapatos na ipamimigay.
6. Ano kaya ang nais iparating ng manunulat ng kuwentong ito? Magbigay ng hindi bababa sa dalawa (2)
sa anyo ng pangungusap.
Sa aking palagay, ang nais iparating ng manunulat sa kuwentong ito ay isang napakabuting
gawain ang pagbibigay sa ating kapwa na nangangailangan, ngunit kailangan parin natin magtira
para sa sarili natin. Isa pang aral dito ay huwag magsinungaling o magtago ng kung ano man sa ating
mga magulang, dahil napakarami ang kanilang sakripisyo upang maibigay nila ang mga
pangangailangan natin. Isa pang aral ay dapat magpasalamat tayo sa mga bagay na ating
natatanggap, ipakita natin kung gaano tayo kasaya kung ano man ang naibigay sa atin. Kailangan din
nating isipin ang paghihirap na ginagawa ng ating mga magulang para sa ating kapakanan.

01 Worksheet 1 *Property of STI


Page 2 of 2
ASSH2003
Oras na matapos ang pagbasa at pagsagot ng mga katanungan: 4:20pm
Kabuuang oras/minuto na iginugol sa pagbasa at pagsasagot: 45 minutes

01 Worksheet 1 *Property of STI


Page 3 of 2

You might also like