You are on page 1of 2

ASSH2003

Group Members: Abarquez, Princess Maire Seksyon: IT MAWD


Angela
Begonia, Nicandro Lorenz
Petsa: September 30, 2021
Lumikha ng isang web organizer upang makapagbigay ng sariling pakahulugan sa salitang “pagbasa”.
Ipaliwanag ang nagawang web organizer sa anyo ng isang sanaysay habang nagbibigay ideya sa mga
sumusunod na tanong:
1. Ano ang mga gawaing dapat isaalang-alang bago magbasa?
Sinagutan ni: Begonia, Nicandro Lorenz

Pag ayos sa tekstong babasahin, pagsusuri sa itsura ng babasahin, pagbasa o pagsilip ng onti
sa unahan ng teksto, linisin ang pagiisip para masuri ng mabuti ang tekstong babasahin. Ang
mabilisang pag tingin sa mga larawan na kasama sa babasahin at ang mga sunod na pamagat sa aklat.
Ginagawa din ang tinatawag na previewing sa Ingles ang previewing ay ang saglit na pagtingin sa mga
nilalaman ng aklat o tekstong ito, ginagawa ito ng mga indibidwal upang mas malaman pa kung tungkol
saan o anong uring aklat o libro ito. Ang pagsiyasat ng mga kagilirang kaalaman upang lubusan na
makilala o masuri kung anong uri ang babasahin para alam kung ano ang inaasahan natin na malaman
habang binabasa, sinusuri din sa labas itsura ng babasahin ay nakaktulong upang malaman ng mga
indibidwal kung anong istratehiya ang kanilang gagamitin habang nagbabasa.

2. Ano ang epekto ng pagbabasa sa antas ng pag-iisip ng isang tao?


Sinagutan ni: Begonia, Nicandro Lorenz

Ang epekto ng pagbabasa sa pag-iisip ng tao ay naka depende sa binabasa. Ang pagbabasa
minsan ay nakaka aliw at nakakalungkot, naka depende ito kung ano ang gustong basahin nang
mambabasa, may mga tao din na mahilig mag basa para mapadami ang kaalaman. Mabuti ang
pagbabasa sa hindi lang iisang tao dahil ang pagbabasa ay hindi lang nag-bibigay aral sa mga taga-
basa at mga mahilig mag-basa dahil may mga nakaka aliw din at meron ding iba't ibang klase na
babasahin at may iba-ibang epekto ito sa mga magbabasa. Madaming epekto sa pag-iisip ng isang
indibidwal dahil ang pagbabasa ay isa din sa mga bagay na pwedeng gawin upang mapahinga ang
ating mental system dahil ito;y nililinis o tinatanggal ang mga iniisip nating negatibo habang nagbabasa,
magandang libangan ang pag-aaral dahil hindi lang pag aaral ang iyo’ng makukuha kundi aliw din..

3. Paano nakatutulong ang pagbasa sa pamilya, komunidad, lipunan, at bansa?


Sinagutan ni: Abarquez, Princess Maire Angela

Ang pagbabasa ay isang napakahalagang bagay upang magkaroon ng mabisang komunikasyon


at pagkakaintindihan sa ating pamilya, komunidad, lipunan, at bansa. Ito ay makatutulong sa ating
pamilya upang maintidihan natin ang mga bagay sa ating tahanan na may sulat. Isa pang maitutulong
nito ay ang pakikipag komunikasyon sa ating mga kapamilya o kaibigan sa paraan ng pagsulat o text.
Nakatutulong din ito sa ating komunidad at lipunan upang mas lalo tayong maging aktibo, edukado, at
makataong indibidwal. Bukod pa diyan ay maaari tayong magbigay inspirasyon sa mga tao sa
pamamagitan ng pagsulat at pagbasa. Malaki ang naidudulot ng pagbasa sa ating bansa sapagkat mas
lalong uunlad ang Pilipinas kung ang bawat tao ay magaling magbasa dahil mas magiging bisa ang
ating komunikasyon, madadagdagan ang kaalaman natin tungkol sa iba’t ibang uri ng disiplina, at
mapapaunlad din nito ang antas ng kaisipan ng bawat tao.

4. Sa paanong paraan mo mapauunlad ang iyong galing sa pag-unawa ng iba’t ibang teksto?
Sinagutan ni: Abarquez, Princess Maire Angela

Mapapaunlad ko ang aking galing sa pag-unawa ng iba’t ibang teksto sa maraming paraan,
ngunit ang pinaka praktikal na paraan ay ang pag-aaral nang mabuti dahil kinakailangan kong magbasa
ng iba’t ibang teksto na nagpapalawak ng aking talasalitaan at kaalaman. Isa pang paraan ay ang
pag-search sa Google o simpleng pagbasa sa diksyunaryo ng mga hindi pamilyar na salita, na
maaaring magpaunlad ng aking galing sa pag-unawa ng mga teksto. Higit pa diyan, mapapairal ko rin
ang aking pag-unawa sa mga teksto sa paraan ng pagbabasa araw-araw, dahil doon ako mas lalong
masasanay at mas mahahasa ang aking kaalaman at pag-unawa sa mga iba’t ibang pormat ng teksto
na maaaring maglaman ng mga salitang hindi ako pamilyar.
01 Activity 1 *Property of STI
Page 1 of 1

You might also like