You are on page 1of 12

ISABELA STATE UNIVERSITY

ROXAS CAMPUS

IBA’T IBANG PAGPAPAKAHULUGAN NG PAGBASA

1. VILLAMIN
 80% na ating ginagawa sa araw-araw ay nauukol sa pagbabasa. Sa mga daan, binabasa
natin ang iba’t ibang uri ng anunsiyo at pangalan ng mga daan. Pagpasok natin sa
restawrant, binabasa natin ang menu. Sa paaralan, binabasa natin ang mga aklat na
kinapapalooban ng ating mga aralin. Kung nais nating malaman ang nangyari sa ating
paligid, binabasa natin ang mga pahayagan. Kung nais naman nating magpalipas ng
oras, nagbabasa ng mga kwento sa wattpad, mga post sa facebook at twitter o di kaya’y
nagbabasa ng magasin.

2. VILLAMIN ET. AL (1998)


 Ang pagbasa ay tumutukoy sa aktibong dayalog na namamagitan sa may-akda at sa
mambabasa.
 Ito ay kasanayang tumutulong sa tao sa pagtuklas ng mga tugon sa mga katanungang
may kaugnayan sa pagkalalang upang mabatid ang mga hiwaga ng kalikasan at sa pag-
unawa sa realidad ng buhay.

3. KOCH ET. AL (1982)


 Ang pagbasa ay hindi lamang pagkilala sa mga simbolong nakalimbag kundi pagkuha
ng kahulugan ng nakalimbag na simbolo sa pamamagitan ng wastong pag-unawa at
pagpapakahulugan sa mensahe at layunin ng sumulat.

4. GRAY (1956)
 Ang pagbasa ay sumasaklaw sa apat na proseso tulad ng pagkilala sa salita, pag-unawa
sa kahulugan ng salita, pagreak sa kahulugan ng salita sang-ayon sa nalalaman ng
bumabasa at pag-uugnay ng ideya sa kaligirang kaalaman ng bumabasa.

5. RUBIN (1983)
 Ang pagbasa ay pagdadala at pagkuha ng sa kahulugan ng nakalimbag na pahina.
Ipinahihiwatig nito na dinadala ng mga mambabasa ang kanilang kaligirang kaalaman,
karanasan at emosyon a kanilang binabasa.
 Ipinaliwanag niya na kapag may sakit o nababalisa ang mambabasa, naaapektuhan ang
proseso ng kanyang pagpapakahulugan. Ang isang taong may mas malawak na
kaalaman sa binabasa ay nagtatamo ng mas maraming kabatiran kaysa sa kakaunti ang
kaalaman.

2020 PAGBASAPage 1
ISABELA STATE UNIVERSITY
ROXAS CAMPUS

IBA PANG KAHULUGAN

 Ang pagbasa ay interpretasyon ng mga nakalimbag na simbolo ng kaisipan.


Pagpapakahulugan ito ng mga nakatitik na sagisag ng mga kaisipan.

 Ang pagbasa ay pagtanggap ng mga mensahe sa pamamagitan ng pagtugon ng


damdamin at kaisipan sa mga titik at simbolong nakalimbag sa pahina.

 Ang pagbabasa ay susi sa malawak na karunungan natipon ng daigdig sa mahabang


panahon. • Ayon kay Arrogante, ang pagbabasa ay nakapagpapalawak ng pananaw at
paniniwala sa buhay, nakapagpapatatag sa tao na harapin ang mga di- inaasahang
suliranin sa buhay.

 Ang pagbasa ay nakapagpapataas ng uri ng panlasa sa mga babasahin.

 Ayon kay Thorndike, ang pagbasa ay hindi pagbibigay tanong lamang sa mga salitang
binabasa kundi pangangatwiran at pag-iisip.

 Ayon kay Toze, ang pagbasa ay nagbibigay ng impormasyon na nagiging daan sa


kabatiran at krunungan. Ito’y isang aliwan, kasiyahan, pakikipagsapalaran, paglutas sa
mga suliranin at nakapagdudulot ng iba’t ibang karanasan sa buhay.

 Bumabasa ang tao dahil sa iba’t ibang kadahilanan:  may nagbabasa upang kumuha
ng dagdag kaalaman o karunungan  may nagbabasa dahil gusto niyang malaman ang
nangyayari sa paligid, ayaw niyang mapag-iwanan ng takbo ng panahon  may
nagbabasa upang maaliw o malibang , mabawasan ang pagkainip at pagkabagot na
nararamdaman.

 Ang pagbasa ay pagkilala ng mga simbulo osagisag ng nakalimbag at


pagpapakahulugan ointerpretasyon sa mga ideya o kaisipan na gustong manunulat
nailipat sa kaisipan ngmambabasa Ito ay nangangailangan ng kakayahangpangkaispan
dashil alam ang tunog(ponema) ng naisulat na letra.

2020 PAGBASAPage 2
ISABELA STATE UNIVERSITY
ROXAS CAMPUS

KAHALAGAHAN NG PAGBASA

 Ang pagbabasa ay mahalagang behikulo sa pagtatamo natin ng mga impormasyon


tungkol sa iba’t ibang larangan ng karunungan.

 Sa pamamagitan ng pagbabasa, nasusubaybayan natin ang eksplosyon ng mga


impormasyon sa larangan ng pulitika, ekonomiya, sosyolohiya, edukasyon, relihiyon,
agrilutura at ng iba pang disiplina ng karunungan.

 Ang pagbabasa ay nagsisilbing libangan natin kapag tayo ay nababagot o napapagod.


May mga pagkakataong gusto nating kumawala sa mga bigat ng mga pang-araw-araw
nating gawain kaya’t napagbabalingan natin ang pagbabasa.

 Sa pamamagitan ng pagbabasa tungkol sa buhay ng mga taong matagumpay sa napili


nilang larangan, nagkakaroon tayo ng motibasyon at inspirasyong magsikap upang
mapaunlad ang ating buhay.

Mahalagang matutunan ang kasayahan ng pagbasa. Makakatulong ito upang mahubog ang ating
kaalaman at makakuha ng makabagong impormasyon. Ang ilan pa sa kahalagahan ng pagbasa
ay ang sumusunod:
 Nagdadagdag ng kaalaman – Sa pagbabasa, nakakakuha tayo ng bagong kaalaman.
Dagdag pa, nakakatuklas tayo ng mga impormasyon na hindi pa natin alam.

 Napapayaman ang kaalaman at napapalawak ang


talasalitaan – Napapaunlad din ng pagbabasa ang ating likas na kaalaman.
Nakakatulong ito upang mapalago ang ating bokabularyo, bunga nito, mas gagaling pa
tayo sa iba pang kasanayan tulad ng pagsasalita at pagsulat.

 Nakararating sa mga pook na hindi pa narating – Naniniwala ka ba na sa


pamamagitan ng pagbasa ay maari kang makapaglakbay sa mga lugar na hindi mo pa
napupuntahan? Sa tulong ng pagbasa, napagagana nito ang ating malawak imahinasyon
at tila ba nailalagay natin ang ating sarili sa lugar kung saan nais tayong dalhin ng may
akda.

2020 PAGBASAPage 3
ISABELA STATE UNIVERSITY
ROXAS CAMPUS

 Nahuhubog ang kaisipan at paninindigan – Sa tulong ng pagbasa, nalalaman natin


ang tama at mali. Natututo tayong maging mapanuri at nalalaman natin ang mga dapat
ipaglaban.

 Nakakukuha ng mga mahahalgang impormasyon – Katulad din ng pagkuha natin ng


kaalaman, tayo ay nakakakuha ng mahahalagang impormasyon sa pagbabasa. Ang
halimbawa ng mga impormasyong ito ay impormasyon tungkol sa nangyayari sa paligid
at mga impormasyon tungkol sa akademiko.

 Nakatutulong sa mabibigat na suliranin at damdamin – Hindi lang impormasyon


ang pwede nating makuha sa gawaing ito. Maari din itong maghatid sa atin ng aliw sa
tuwing tayo ay nalulungkot at may mabigat na nararamdaman. May mga babasahin din
na nagbibigay ng hakbang upang makatulong sa pagresolba ng mga problema.

 Nagbibigay ng inspirasyon at nakikita ang iba’t ibang


antas ng buhay at anyo ng daigdig.

2020 PAGBASAPage 4
ISABELA STATE UNIVERSITY
ROXAS CAMPUS

MGA TEORYA SA PAGBASA

Teoryang bottom-up
 Ayon sa teoryang ito, ang pagbasa ay ang pagkilala ng mga serye ng mga nakasulat na
simbulo (stimulus) upang maibigay ang katumbas nitong tugon (response). Nananalig
ang teoryang ito na ang pagkatuto sa pagbasa ay nagsisimula sa yugto-yugtong pagkilala
ng mga titik sa salita, parirala at pangungusap ng teksto, bago pa man ang
pagpapakahulugan sa buong teksto (Badayos, 2000).

 Ang proseso ngpa-unawa, ayon sa teoryang ito, ay nagsisimulasa teksto


(bottom)patungosa mambabasa (up)kaya nga tinawag itong “bottom- up” Nananaligang
teoryang itona ang pagkatutosa pagbasa ay nagsisimulasa yugto-yugtongpagkilala
ngmga titiksa salita, parirala at pangungusapng teksto bago pa manang
pagpapakahulugan sa buong teksto (Badayos, 2000).

TeoryangTop-Down
 Bilang reaksyon sa naunang teorya, isinilang ang teoryang “top-down”. Napatunayan
kasi ng maraming dalubhasa na ang pag-unawa ay hindi nagsisimula sa teksto kundi sa
mambabasa (top) tungo sa teksto (down).

 Ang pananaw na ito ay impluwensya ng sikolohiyang Gestalt na naniniwalang ang


pagbasa ay isang prosesong holistik. Ayon sa mga proponent nito, ang mambabasa ay
isang napakaaktib na partisipant sa proseso ng pagbasa, na siya ay may taglay na dating
kaalaman (prior knowledge) na nakaimbak sa kanyang isipan at may sariling kakayahan
sa wika (language proficiency) at kanyang ginagamit habang siya ay nakikipagtalastasan
sa awtor sapamamagitan ng teksto (Badayos,2000)
Teoryang Interaktib
 Ayon sa teoryang ito, ang teksto ay kumakatawan sa wika at kaisipan ng awtor at sa
pag-unawa nito, ang isang mambabasa ay gumagamit ng kanyang kaalaman sa wika at
mga sariling konsepto o kaisipan. Dito nagaganap ang interaksyong awtor-mambabasa
at mambabasa-awtor. Itoy may dalawangdireksyon obi-directional.
Teoryang Iskima
 Bawat bagongimpormasyong nakukuhasapagbabasa ay naidaragdag sa dati nangiskima,
ayon sa teoryang ito. Samakatuwid, bago pa manbasahin ngisang mambabasa ang

2020 PAGBASAPage 5
ISABELA STATE UNIVERSITY
ROXAS CAMPUS

isangteksto, siya ay may taglay nangideya sa nilalamanngteksto mula sa


kanyangiskimasa paksa.

 Maaaring binabasa niya nalamang ang teksto upang patunayan kung ang hinuha o hula
niya sa teksto ay tama, kulang o dapat baguhin. Dahil dito, masasabing ang teksto ay
isang input lamang sa proseso ng komprehensyon. Hindi teksto ang iniikutanng proseso
ngpagbasa, kundi ang tekstong nabubuo sa isipan ng mambabasa.

APAT NA HAKBANG NG PAGBASA

Ayon kay William S. Gray, “Ama ng Pagbasa”,


 Ang pagbasa sa akda
 Ang pag-unawa sa binasa
 Ang reaksyon sa binasa
 Ang pagsasama-sama at pag-uugnay ng mga bagong kaalaman sa binasa at ng dating
kaalaman.

IBA’T IBANG LAYUNIN SA MAUNLAD NA PAGBASA

 Mapabuti ang pag-unawa at bilis sa pagbasa


 Maihanda ang mga tiyak na kagamitan sa masaklaw at masidhing pagbasa
 Makilala ang mga paksang pinag-aaralan upang matamo ang impormaasyon hinggil sa
iba’t ibang larangan tulad ng sining, agham at mga bagay na pangkatauhan o
humanities.
 Magamit ang pagbasa sa pagpapabuti ng mga kasanayan sa pakikinig, pagsasalita at
pagsulat
 Matamo ang pagsasarili sa pag-aaral at magkaroon ng mabisang pag-uugali sa pag-aaral
sa tahanan, paaralan at aklatan.
 Mapadalisay ang mga kasanayan sa kritikal na pag-iisip sa pamamagitan ng pagtataya
at pagpapahalaga sa mga binabasa.
 Makamtan ang kasiyahan at katuwaan na dulot ng pagbabasa.
 Magkaroon ng kalinawan ang pag-iisip tungkol sa mga bagay na di malinaw sa
kaalaman
 Magkaroon ng kapayapaan sa buhay dahil sa kaalaman sa iba’t ibang larangan

2020 PAGBASAPage 6
ISABELA STATE UNIVERSITY
ROXAS CAMPUS

 Magkaroon ng pagbabago sa paniniwala o kaugalian. Magkaroon ng bukas na isipan.

MGA URI NG PAGBASA

Ang pagbasa ay mauuri ayon sa paraan at layunin.


A. Mga uri ng pagbasa ayon sa pamamaraan
 Mabilisang pagbasa – (skimming) ang pinakamabilis na pagbasa na nakakaya ng
isang tao. Nagtuturo ito sa mambabasa upang malaman ang pangkalahatang pananaw
na matatagpuan sa mga aklat at iba pang nakalaimbag na babasahin. Tinatatawag din
itong pinaraanang pagbasa at pinakamabilis na paraan ng pagbasa.
Ginagamit ang paraang ito sa pamamagitan ng mga sumusunod:
-Pagtingin at pagbasa nang mabilisan sa kabuuang nilalaman ng isang aklat.
-Pagtingin at pagbasa ng mahahalagang datos na kailangan sa pananaliksik (key
word)
-Pagkuha sa pangkalahatang impresyon sa nilalaman
 Ito ay mabilisang pagbasa upang makuha ang pangkalahatang ideya ng buong teksto.
 Maaaring ang binabasa lamang ay ang una o huling pangungusap ng bawat talata
sapagkat ito karaniwang matatagpuan ang pangunahing ideya ng talata.
 Sa ganitong uri ng pagbabasa, mahalagang matukoy ang pangunahing ideya ng bawat
talata at pagkatapos ay pagsama- samahin ang mga ito sa pamamagitan ng paglalahat.

 Pahapyaw na Pagbasa - (scanning) tumutukoy sa paghahanap ng isang tiyak na


impormasyon sa isang pahina. Ito ang uri ng pagbasa na hindi hinahangad na makuha
ang kaisipan ng sumulat dahil sa mahalaga rito’y makita ang hinahanap sa madali at
mabilis na paraan. Tulad ng paghahanap ng telepono sa direktoryo, paghahanap ng
trabaho, mga paupahang establisemento (buy & sell), pagtingin sa resulta ng mga
eksamen, numerong nanalo sa swipstiks, lotto atbp.  Pagsusuring Pagbasa –
(Analytical reading) nakasalalay sa mga materyales ang gawaing pagsusuri sa pagbasa.
Ginagamit ditto ng matalino at malalim na pag-iisip. Nahahasa rito ang kahusayan ng
mag-aaral sa pamamagitan ng kanyang mapanuring pag-iisip.

 Ito’y isang uri ng mabilisang pagbasa upang hanapin ang tiyak na impormasyong
gusting makuha mula sa material, tulad ng paghahanap ng numero ng teleponosa
direktoryo, paghahanap ng katuturan ng salita sa diksyunaryo, at paghahanap ng tiyak
na sagot ng mga tanong mula sa isang teksto.

2020 PAGBASAPage 7
ISABELA STATE UNIVERSITY
ROXAS CAMPUS

 Idea Reading
 Pagbasa upang makuha ang pangunahing ideya.
 Mabilisang tinitingnan ng mga mata ang mga mahahalagang parirala at tinutukoy ng
mahahalagang salita sa mga pariralang ito.
 Mabilisan ding ginagawa ang desisyon tungkol sa kahalagahan ng mga iba’t ibang
pahiwatig at mabilisang iniuugnay ang mga ito sa mga ideyang naging bahagi na ng
mga nakaraang karanasan.

 Pamumunang Pagbasa (Critical reading) Dapat na matiyak ng mambabasa na


naunawaan ang buong nilalaman ng akda. Sa pamumuna hindi lamang ang nilalaman
ng akda ang binibigyan ng pansin. Kasama rito ang pagpuna mula sa pamagat, simula,
katawan (nilalaman) at wakas ng akda. Binibigyan din ng pansin o puna ang istruktura
ng mga pangungusap, ang mga ginamit na salita o istilo sa pagsulat ng may- akda.
Tinitingnan din ang kalakasan at kahinaan ng paksa at may-akda.

 Tahimik na Pagbasa (silent reading) mata lamang ang gumagalaw sa uri ng


pagbasang ito, walang puwang dito ang paggamit ng bibig kaya walang tunog ng salita
ang nalilikha ng bumabasa ng teksto. Pasalitang pagbasa (oral reading) pagbasa ito sa
teksto na inaangkupan ng wastong pagbigkas sa mga salita at sapat na lakas ng tinig
upang sapat na marinig at maunawaan ng mga tagapakinig.

 Masinsinang Pagbasa – hindi ito “undertime pressure” na pagbasa. Binibigyan dito ng


guro ang mga mag-aaral ng sapat na panahon upang maisa-isang basahin at
mapagtuunan ng pansin ang mga salitang bumubuo sa teksto. Pagpapabasa sa mag-aaral
sa bahay ng isang teksto at sa pamamagitan ng kanyang nabasa ay ipalahad ang buod,
aral at pananaw sa kanyang binasang aklat. Madadagdagan ang kanyang kaalaman sa
pamamagitan ng ganitong pamamaraan.

B. Ayon sa layunin
 Pagbasang nakapagtuturo – nagbabasa ang isang tao dahil mayroon siyang nais
malaman o marating. Kailangan natin ang layuning ito upang maragdagan ng bago an
gating dating kaalaman. Kasiya-siya ito dahil napapaunlad nito ang bawat larangan na
ating tinatahak. Pagbasang paglilibang - ang pagbabasa ay mainam gawing libangan
dahil nakapagpapataas ng isip at diwa ng tao. Ito ang pagkain ng ating isipan at may
kaligayahang naidudulot sa ating buhay.

2020 PAGBASAPage 8
ISABELA STATE UNIVERSITY
ROXAS CAMPUS

 Mahalagang Kasanayan sa Pagbasa  Pagkilala sa mga salita (word perception) -


Kakayahang umunawa sa iba’t ibang kahulugan ng salita, pagpapantig, pagbabaybay at
pagbigkas  Pag-unawa (comprehension) Kakayahan sa pag-unawa mula sa payak
hanggang sa mas mabigat at masalimuot na bahagi ng akda.  pagpapahalagang literari
(literary appreciation) may kakayahang umunawa at pagkagiliw sa pagpapahalaga ng
mga tradisyunal, makabago at napapanahong isyu  pananaliksik at pandiksyunaryong
kasanayan (Research & dictionary skills) May kakayahan sa paghahanap o pagsisisyasat
sa mga bagay at kaalamang di-makita o matagpuan.

PAGBASANG EXPLORATORY
 Ito ay mapagbasa na naglalayong kumuha ng malinaw na larawan ng kabuuang
presentasyon ng mga ideya.
 Ito ang uri ng pagbasang karaniwang ginagamit sa pagbasa ng mga artikulo sa magasin,
ng mga akdang pampanitikan o ng mga fiction.

STUDY READING
 Sa ganitong uri ng pagbasa, pinag-aaralang mabuti ng mambabasa ang binabasang
materyal upang lubusan niyang maunawaan ang mga pangunahing ideya at ang
pagkakaugnayan ng mag ito.
 Ito ang uri ng pagbasang karaniwang ginagamit ng mga mag-aaral sa pagbabasa ng
kanilang mga aralin sa mga asignaturang agham, matematika, araling panlipunan at
sining.

MAPANURING PAGBASA
 Hinihingi ng ganitong uri ng pagbasa ang kakayahan ng mambabasa na makilala ang
pagkakaiba ng katotohanan sa opinyon, mabatid ang mga propagandang ginamit sa mga
materyal na humihikayat sa mambabasa, makilala ang mga pagkiling (bias) ng
manunulat na nakapaloob sa kanyang akda, at iba pa.

2020 PAGBASAPage 9
ISABELA STATE UNIVERSITY
ROXAS CAMPUS

LIMANG DIMENSYON SA PAGBASA

1. Pag-unawang literal
2. Pagbibigay ng Interpretasyon
3. Mapanuri o kritikal na pagbasa
4. Paglalapat o Aplikasyon
5. Pagpapahalaga

KAILANGAN SA PAGBASA

 Ang pagbasa ay may kaugnayan sa linguistika


 Kailangan ng malusog na pangangatawan, isipan at amalayang damdamin upang
maunawan ang binabasa
 Ang pagbabasa ay isang proseso na nangangailangan ng mataas na kaisipan,
konsentrasyon at focus
 Kailangan ang tagasulat at ang tagabasa ay may ugnayan
 Kailangan malinawpaningin sa pagbabasa
 Kailangan ang pagkakaroon ng interes at kaalaman sa binabasa

ANG DALAWANG PARAAN NG PAGBASA

Ang dalawang paraan ng pagbabasa ay ang tahimik at malakas na pagbasa.


1. Tahimik na pagbasa
 ito ay paraan ng pagbasa kung saan mata lamang at isipan ang ginamit. Sa
paraang ito, hindi kinakailangang bumuka ang bibig. Maituturing itong
pansariling pagbabasa at ang layunin nito na maunawaang mabuti ang binabasa.
2. Malakas na pagbasa
 Isinasaalang-alang naman sa paraang ito ang mga tagapakinig. Ginagamitan ito
ng bibig para mabigkas ang binabasa.

2020 PAGBASAPage 10
ISABELA STATE UNIVERSITY
ROXAS CAMPUS

PROSESO NG PAGBASA

Nagbigay si William S. Gary (Ama ng Pagbasa) ng apat na proseso ng pagbasa. Ito ay ang
sumusunod:
 Ang pagkilala sa akda (Persepsyon)
 Ang pag-unawa sa binasa (Komprehensyon)
 Ang pag-uugnay ng kaisipan mula sa binasa (Asimilasyon)
 Pagbibigay ng reaksyon sa binasa

MGA LAYUNIN SA PAGTUTURO NG PAGBASA

 Naglalayong makalinang ng mga mag-aaral na may kawilihan at may kusa sa pagbabasa


bukod pa sa nakikita ang kahalagang dulot ng pagbabasa sa kanilang sariling kapakanan.

 Ang programa sa pagbasa ay kailangan ding maglaan ng mga pagkakataon upang


malinang ang mga kasanayang pampagaaral gaya nang paggamit ng diksyunaryo, atlas,
ensayklope dya at paghango ng mga impormasyon mula sa mga mapa, plano,
talahanayan, grap, at iba pa.

 Nagagawa rin nitong maitaguyod ang paglalapat ng mga kasanayan sa pagbasa sa iba’t
ibang layuning pangkomunikasyon.

 Nakapaloob sa pagtuturo ng pagbasa ang pagkilala sa mga batayang salita, parirala at


pangungusap pati na ang pagkuha ng impormasyon at kaalaman mula sa iba’t ibang
teksto.

 Matulungan ang mga mag-aaral na magkaroon ng kusa sa pagbabasa nang malaya Sa


pagtuturo ng pagbasa hindi lamang pagunawa sa teksto ang dapat bigyang-diin.

 Idebelop ang Kasanayan sa pagtugon sa teksto. Dapat kilalanin ng guro ang bawat
magaaral bilang isang indibidwal at kailangang matutuhan niyang matugunan ang teksto
batay sa kanyang sariling pagiisip at niyang unawain ay iyon lamang tumutugon sa
kanyang layunin sa pagbabasa.

 Tulungan ang mga mag-aaral na magbasa nang may angkop na bilis Hindi ito
karaniwang pinagtutuun an ng mga guro sa pagtuturo ng pagbasa.

2020 PAGBASAPage 11
ISABELA STATE UNIVERSITY
ROXAS CAMPUS

 Tulungan ang magaaral ng epektibong pagbasa nang tahimik Mas mabilis ang pagbasa
nang tahimik.

 Paglinang ng iba’t ibang istratehiya sa pagbasa Angko p na Motibasyon. Nakasentro sa


paglinang ng mga sumusnod: Pagpapabuti ng mga kasanayan sa pagunawa Kamalayan
sa iba’t ibang layunin ng pagbsa

2020 PAGBASAPage 12

You might also like