You are on page 1of 22

Kahulugan at Kalikasan

Ang pagsulat ay pagsasalin sa papel o sa anumang kasangkapang


maaaring magamit na mapagsasalinan ng mga nabuong salita,simbulo at
ilustrasyon ng isang tao mga tao sa layuning maipahayag ang kanyang kanilang
kaisipan. Ito ay kapwa isang pisikal na aktibiti na ginagawa para sa iba't ibang
layunin. Ito rin ay mental na aktibidad sapagkat hindi maaaring hindi gamitin
ang utak sa pagsusulat.
Komprehensib - ang pagsulat bilang isang makrong kasanayang pangwika,
inaasahang masusunod ng isang manunulat ang maraming tuntuning kaugnay
nito. Matuturing na isang mataas na uri ng komunikasyon sapagkat esensyal
dito ang napakaraming elemento at rekwayrment ng gramatika at bokuabularyo.
Sosyo-Kognitib na Pananaw sa Pagsulat-Sosyo - salitang tumutukoy sa lipunan
ng mga tao.
Kognitib – anumang tumutukoy sa pag-iisip.Nauugnay rin ito sa mga empirikal o
paktwal na kaalaman.
Sosyo-Kognitib Na Pananaw SA Pagsulat - Ang pagsulat ay kapwa isang
komunikasyong intrapersonnal at interpersonal. Isa itong proseso ng pakikipag-
usap sa sarili sa pamamagitan ng pagsagot sa mga tanong na tulad ng:
1. Ano ang aking isusulat?
2. Paano ko iyon isusulat?
3. Sino ang babasa ng aking isusulat?
4. Ano ang nais kong maging reaksyon ng babasa sa aking isusulat?
Pagsulat Bilang Multi-Dimensyonal na Proseso
Ang pagsulat ay isang biswal na pakikipag-ugnayan. Ito ay isang
gawaing personal at sosyal.
Anuman ang layunin sa pagsulat, mahalagang maunawaan na ang
pagsulat ay isang multi-dimensyonal na proseso.
Dalawang dimensyon sa pagsulat:
1. Oral Dimensyon
2. Biswal na Dimensyon
1. Oral Dimensyon
Kapag ang isang indibidwal ay nagbabasa ng isang tekstong isinulat,
masasabing nakikinig na rin siya.
Ang pagsulat ay isang pakikipag-usap sa mga mambabasa.
2. Biswal Dimensyon
Ang dimensyong ito ay mahigpit na nauugnay sa mga salita o
lenggwaheng ginamit ng isang awtor sa kanyang teksto na inilalahad ng mga
nakalimbag na simbulo.
Sa dimensyong ito, kailangang maisaalang-alang ang mga kaugnay na
tuntunin sa pagsulat upang ang mga simbulong nakalimbag na siyang
pinakamidyum ng pagsulat ay maging epektib at makamit ang layunin ng
manunulat.
Mabisang Tuntunin Ng Pagsulat
Kahulugan ng Pagsusulat - Ito ay walang katapusan, paulit-ulit na proseso sa
layuning makalikha at makagawa ng maayos na sulatin. Ito ay para libangin ang
sarili at ang kapwa, magturo at magbahagi ng kaalaman at makumbinsi ang
ibang tao sa katotohanan ng ibinigay na opinion
Kahalagahan ng Pagsulat - Nagkakalapit, nagkakaunawaan at nagkakaisa ang
mga tao sa iba’ ibang lugar at sa iba’t ibang panahon. Ang ating kultura ay
napananatiling buhay.
Layunin ng Pagsusulat
o Pansariling pagpapahayag o ekspresibo
 pagsulat ng mga bagay na nakikita, naririnig o nababasa
 nagpapahayag ng nararamdaman at nasasalobb ng mga tao
 kinapapalooban ng sariling karanasan at pala-palagay ng manunulat
 hal. Talaarawan, jornal, personal na liham, mga reaksyon at mapa o
diagram
o Pagpapahayag na impormasyon o transaksyunal
 Pagsulat na nais magpaabot ng mensahe, balita, magpaliwanag,
magpayo o makiusap
 May istilong dapat isaalang-alang upang maihatid ang mensahe sa target
niyang mambabasa
 Hal. Liham, mermorandum, reviewer, riserts, komentaryo, kritiko, ulat,
report, poster o slogan at sanaysay
o Malikhain pagsusulat
 Sa tulong ng imahinasyon nagagawang ilarawan ng manunulat ang
lipunang kanyang ginagalawan
 May spat na lakas ang mga salita upang ipadama sa mga mambabasa
ang gusting ipahatid ng manunulat
Mga Kailangan sa Pagbuo ng Sulatin
1. Tapik o Paksa – kailangan ng isang sulatin ang sapat na kaalaman o
impormasyon sa paksang sulatin. Ang mga kaalaman o impormasyon ay
maaaring galing sa mga sangguniang aklat, dyornal at iba pa.
2. Layunin – dapat na malinawsa isipan ng manunulat ang dahilan kung bakit
siya nagsususlat. Malaki ang magiging epekto nito sa kanyang paraan ng
pagsulat. Kaya ang kaibahan sa anyo o porma ng isang sulatin ay nakabatay
nang malaki sa layunin.
3. Interaksyon at isang pagbuo sa Kamalayan ng Awdyens – dapat isaisip
ng isang manunulat na may nagaganap na interaksyon sa pagulat. Kung
minsan, ang manunulat ay nag-iinterak sa kanyang sarili, halimbawa, kapag
nagsulat siya ng dyornal, pero sa maraming pagkakataon ang interaksyon ay
sa ibang tao. Kailangang linangin din ng isang manunulat ang kanyang
kasanayang interpersonal. Dapat na alamin niya kung sino ang sinusulatan,
ano ang maaaring gusto niyang malaman, ano ang lawak ng kanyang pang-
unawa at anong uri ng wika ang angkop na gamitin.
4. Wika – ang isang manunulat ay kailangang mayroon ng kaban ng wikang
maaaring gamitin ayon sa pangangailangan. Dapat alam niya ang istilo ng
wikang angkop na gamitin sa lahat ng pagkakataon.
5. Konbensyon – dapat isa-alang-alang ang mga konbensyon sa pagsulat na
tinatangkilik sa isang pamayanan. Halimbawa, may sariling pormat ng
adbertisment na kaiba sa pagsulat.
6. Mga Kasanayan sa Pag-iisip – ang isang manunulat ay dapat magtaglay ng
iba’t ibang kasanayan sa pag-iisip. Kailangang may taglay siyang kasanayan
sa pagtatangi ng mga bagay at pangyayari upang madesisyunan niya kung
alin ang mahalaga o hindi; kailangan din niya ang kaalaman sa lokhika upang
makapangatwiran siya nang mabisa; kailangang alam din niyang pagalawin
ang kanyang imahinasyon at maging malikhain para sa kawiling-wiling
paglalahad; kailangang mayroon din siyang kakayahan sa pagbibigay ng
sariling pagpapasiya at iba pa.
7. Kasanayan sa Pagbubuo – isa sa mga tunguhin ng manunulat ang
makabuo nang maayos na talataan na naglalahad nang malinaw na ideya at
mga pansuportang detalya. Nagagawa rin ng isang mahusay na manunulat
na lohikal na mailalahad ang pagkasunud-sunod ng mga ideya sa pagbuo ng
isang magkakaugnay na teksto sa pamamagitan ng paggamitng mga angkop
na pang-uugnay.
8. Sariling Sistema ng Pagpapahalaga – dapat isaalang-alang ang mga
pagpapahalagang pinanananaligan ng isang manunulat at handa siyang
panindigan ang mga ito. Binibigyang pansin niya sa pagsulat ang mga
sumusunod:
a. Ano ang mahalaga sa paksa?
b. Ano ang maganda o mahusay na pagsulat?
c. Ano ang angkop na paraan ng pakikipagtalastasan sa isang taong may
edad kaysa sumusulat?
d. Sino ang awdyens o pinaglalaanan ng sulatin?
9. Mahahalagang Sangkap sa Pagsusulat
a. Manunulat – nagpapadala ng mensahe naencoder kung tawagin
b. Teksto – nakasatitik na mensahe na pinuprodyus ng manunulat
c. Mambabasa – nag-iinterpreta at ang umiintindi sa teksto ng decoder
naman kung tawagin
I. Proseso ng Pagsususlat
a. Imbensyon o Pag-asinta – paglikha ng iyong paksa
i. Brainstorming – paglalahad ng mga ideya sa papel upang maibigay ang
posibleng maging paksa.
ii. Paglilista – paglista ng mgaideyang ikaw ay interesadong gawin
iii. Klaster – pagmamapa ng mga ideya
b. Pangangalap ng Impormasyon o Pagtatanong at Pag-uusisa
i. Pangangalap ng mga ideya
ii. Paghahanap at pagsususri ng mga pananaliksik
iii. Pagsasagawa ng interbyu
iv. Maari ring mabuo rito ang paksa
c. Pala-Palagay
i. Habang wala pang tiyak nabalangkas at daloy ng pagtalakay sa paksang
susulatin, naghahain muna ng haka-haka ang manunulat
ii. Iisa-isahin ng manunulatang sanhi at bunga ng pangyayari habang nag-
iisip kung paano bubuuin ang balangkas ng paksang napili
iii. Nakararamdamng pagkabalisa ang manunulatsa yugtong ito dahilpatuloy
siyang naghahanap ng kasagutan sa kaanyang mga tanong at maaaro
pang biglang sumulpot ang iba pang tanong
iv. Kadalasan, itoang pinakamahabang bahagi ssa prroseso ng pagsulat
a.k.a Incubation Period
d. Pag-oorganisa – paglalahad ng mga impormasyon sa isang balangkas
i. Balangkas – maituturing na pinakakalansay ng isang sulatin. Lubha itong
mahalaga upang maiwasan ang paglayo sa pagtalakay sa isang paksang
napili. May dalawang klase ang pagbabalangakas: (1) Pangungusap na
Balangkas – nakatuon sa mga makadiwang pangungusap na siyang
kumakatawan sa mahalagang bahagi ng isang sulatin at (2) talatang
balangkas – nakapokus sa mgapinag-uugnay-ugnay na mga kaisipan,
ayon sa pagkakasunud-sunod.
1. Introduksyon
a. Pangganyak
b. Paglalahad ng Tesis
2. Katawan
a. Paglalahad ng mga Punto
b. Paglinang ng mga ideya
c. Pantulong sa pangunahing Katwiran
3. Kongklusyon
a. Muling-pagdidiin sa pangunahing ideya
ii. Pagsasaayos ng mga Datos
1. Dalawang Uri ng Mapagkukunan ng mga Datos:
a. Pangunahing Datos – Nagmumula ang mga impormasyon sa mga
indibidwal naqw tao, mga akdang pamapanitikan, mga pribado o
publikong organisasyon, batas, dokumento at iba pang orhinal na talaan.
b. Sekondaryang Datos – Kinalap ang mga datos mula sa mga manuskrito,
ensayklopidya, tesis, disertasyon, magazine, pahayagan at iba pang aklat
na naisulat ng mga awtor.
2. Tatlong istratehiya sa paghahalo ng sariling pag-aaral sa pinagkunang
material
a. Direktang Sipi – eksaktong salita o pahayag ng isang awtor. Kinopya nang
direkta, salita-sa-salita, mula sa sanggunian. Ginagamit ito ng
mananaliksik kapag nais niyang:
i. Idagdag ang kapangyarihan ng salita ng awtor upang suportahan ang
argument
ii. Nais pabulaanan o hindi sang-ayunan ang argument ng awtor
iii. Bigyang-diin particular ang isang malinaw o makapangyarihang
pahayag o sipi
iv. Naghahambing ng mga ispesipikong punto de vista.
b. Parapreys o Hawig – pagsasabing muli ng nakuhang ideya mula sa
ginamit ng sanggunian gamit ang sariling pangungusap. Ginagawa ang
pagpaparapreys kapag:
i. Nais gumamit ng mga impormasyon sa nowtkard at umiwas sa
panggagaya o pangongopya
ii. Nais iwasan ang masyadong paggamit ng direktang sipi
iii. Nais gamitin ang sariling boses sa paglalahad ng impormasyon
c. Sinopsis o Buod – pinagsama-sama ang pangunahing ideya ng isa o
maraming manunulat gamit ang sariling pangungusap. Mas maikli ito
kaysa sa orihinal at naglalaman ng kabuuang kaisipan ng pinagkunang
material. Gumagawa ng synopsis kapag:
i. Nais magbigay ng bakgrawnd at pananaw hinggil sa isang paksa
ii. Nais maglarawan ng pangkalahatang kaalaman mula sa maraming
sanggunian tungkol sa paksa nais na determina ang pangunahing
ideya ng pinagbatayang teksto.
d. Pagsulat ng Burador
 Bigyan ng sapat na panahon ang iyong sarili na magawa ang iyong
sulatin.
 Humanap ng komportableng lugar ng pagsusulatan.
 Iwasan ang distraksyon o abala
 Magpahinga
 Ang mga Paraan sa Pagpapalabas ng Ideya:
o Pagtatala – paglilista ito ng mga kaisipan sa pamamagitan ng pagdadaglat,
pagguhit, pagsipi. Masusundan dito ang pagkakasunund-sunod at
pagkakaugnay-ugnay ng mga detaly tungkol sa paksa kapag magsususlat.
o Palitang-kuro – grupo ang karaniwang gumagawa rito. Malawak nilang
titingnan ang paksa sa iba’t ibang anggulo at ang kaligiran ng usapin. Ang
mga potensyal na opinion ang bibigyang konsiderasyon at pagkakaisahan
ang mga hakbangin para marating ang mapagkakasunduang layunin.
o Malayang Pagsulat –pamamaraan itong kung ano ang basta lumabas na
ideya sa isip ay isinusulat. Huwag munang maging mapaghatol sa isinusulat.
Huwag magwawasto. Pabayaang malayang dumaloy ang isipan nang walang
anumang pagkontrol, sa gayon, maging ang mga di-inaasahang nakabaong
ideya ay lumitaw.
e. Pamamaraang Tanong-Sagot – Tinatanong ang sarili tungkol sa paksa at
tiyak makakaipon ng laksang impormasyon. Pinaplano ang mga katanungan
at ang mga ito’y pinagsunud-sunod at pinag-ugnay-ugnay. Napapalalim nito
ang pag-unawa sa paksa at nakapagbibigay ng mga kawili-wiling kaisipang
maisususlat.
f. Pagrerebisa – muling pagsusuri sa mga ideya
i. Ribyu ng Higher-order na tuon:
1. Malinaw na pagpapahayag ng mga ideya
2. Organisasyon ng Sulatin
3. Istraktura ng mga talata
4. Matibay na introduksyon at kongklusyon
g. Proofreading o Pagwawastong-Basa - binbasa ulit ito upang makita ang
mga mali sa ispeling, sa gramatikaat paggamit ng salita, pati na rin ang
daloy ng pagpapahayag, impormasyon at katwirang nakapaloob sa
komposisyon
i. Ribyu ng later-order na tuon:
1. Ispeling
2. Bantas
3. Istraktura ng mga pangungusap
4. Istilo ng Dokumentasyon
II.Wastong Paggamit ng mga Bantas:
1. Tuldok (.)
a. Ginagamit bilang panapos sa mga paturol o pasalaysay, pakiusap at
pautos ng mga pangangausap
b. Ginagamit din ito sa mga pinaikli o dinaglat sa salita. Hal. Editor –Ed.
Pahina – ph.
2. Tandang Pananong (?) – Ginagamit itong panapos sa mga
pangungusap na patanong.
3. Tandang Padamdam o Eksklamasyon (!)
a. Pangungusap na padamdam
b. Ekspresyong padamdam
4. Kuwit o Koma (,)
a. Pagitan ng petsa ng buwan at taon
b. Pagitan ng pangalan ng kalye at pangalan ng lungsod
c. Pagitan ng pangalan ng bayan at pangalan ng lalawigan
d. Bating panimula ng liham pangkaibigan
e.Bating pangwakas ng liham pangkaibigan at liham pangangalakal
f. Paghahanay pahalang ng mga salita
g. Magkakasunod na parirala
h. Pagitan ng tuwirang sabi at ibang bahagi ng pangungusap
i. Pagitan ng antesidente na iyo at ng pangalan
j. Pagkatapos ng ngalang panawag
k. Pagitan ng pangalan o panghalip at ng pamuno
5. Tutldok o kolon (:)
a. bating panimula ng liham pangangalakal
b. pagsulat ng oras
c. pagtatala ng iisa-isahing bagay
d. pagpapakilala ng tuwirang sipi
6. Kudlit o Apostrofi (‘) – ginagamit sa pag-aangkop ng kataga sa
sinusundang salita.
7. Panaklong o Parentesis ( ) – ginagamit na pangkulong sa mga
pinamimiliang salita o parirala.
8. Panipi o kotasyon (“ “)
a. Diyalogo
b. Pamagat ng aklat, kuwento, pelikulat atbp.
c. Mga susing salita sa isang pinarafrasong tala
d. Direktang pagkopya ng isang salita, parirala o pangungusap
9. Gitling (-)
a. Mga salitang inuulit, ganap o parsyal
b. Mga tambalang salita dahil sa pagkaltas ng isang kataga o salita kaya
pinag-iisa na lamang na maaaring manatili ang kahulugan kaya’y
magkaroon ng ikatlo
c. Mga magkasalungat na salita na inaalis ang pang-ugnay na at
d. Mga salitang-ugat na nagsisimula sa patinig na inuunlapian ng panlaping
nagtatapos sa katinig
e. Mga pangngalang pantangi na inunlapian
f. Panlaping ika-ikasunod ng tambilang o numero
g. Fraksyong isinusulat nang pasalita
h. Pagsasama sa apelyido ng pagkadalaga at ng napangasawa
i. Paghahati ng salita sa dulo ng linya
10. Tuldukuwit (;) – ginagamit sa dalawang malalayang sugnay na hindi
pinangangatnigan o hindi pinagdurugtong ng pang-ugnay
11. Elipsis (…) – pagsisipi kung may tinatanggal na salita; (….) – sa huli ng
pangungusap o katapusan ng sipi
12. Braket ([]) – binago sa isang tuwirang sipi at dito ito ipinaloloob, = gayundin,
ang kapaliwanagan sa kung ano ang ginawa
13. Asteriko (*) – may tinanggal na isa o mahigit pang talata sa isang sinipi,
pagkatapos ng isang listahan at pagpapakitang may karagdagang
impormasyon nakatalababa o nakfutnowt
14. Salungguhit (__) – gamit sa mga pamagat ng aklat, dula, nobela, maikling
kuwento, awitin, tula, sanaysay; pangalan ng babasahin ( dyaryo, magasin,
jornal, polyeto at mga programang panradyo at pantelevisyon); at
banyagang salita
Tabula ng mga Pananda o Pangmarka sa Pagwawastong-Basa
Pinal na Papel – pagtapos ng masusing pagsusuri ang teknikal na bahagi ng
nilalaman, maaari na itong ipasa sa guro o sa iba pang susuri nito
Bahagi ng Pagsulat
a. Titulo o Pamagat
i. Naglalaman ng titulo o pamagat ng papel, panglan ng sumulat, petsa ng
pagsulat o pagpasa,iba pang impormasyon tutukuyin ng guro.
b. Panimula o Introduksyon
i.Karaniwang isinasaad nito ang paksa, kahalagahan ng paksa, dahilan
ngpagsulat ng paksa at pambunga na pagtatalakay sa daloy ng papel.
ii. Ito ang pinakamukha ng sulatin. Dito hinahatulan, kung magtatagumpay o
mabibigo, ang isang katha. Kailangan sa sulyap palamang ng
babasa, ito’y kaakit-akit na – nakakapukaw, nakakaganyak,
nakakahatak na ng kuryusidad – para tuluyang titigan, tunghayan
hanggang sa ang malay, kung maari pa nga’y pati buhay, ay matangay
nang buong kasabikan.
iii. Mabibisang Panimula:
1. Pasaklaw na Pahayag – sa panimulang ito, ang resulta o kinalabasan muna
ang sinasabi bago isa-isahin at pagsunud- sunurin mula sa di-gaanong
mahalaga hanggang sa pinakamahalaga na detalye.
Halimbawa: Balita
2. Pagbubuod – naghahayag muna ng pinakadiwa bago tuntunin ang sadyang
tinatalakay.
3. Pagtatanong –panimulang kalabisan nang ipaliwanag pa
4. Tuwirang Sinabi – panimulang karaniwang nakikitang nakapanipi sapagkat
mula ito sa tapat na pagsipi sa tiyak na pahayag ng isang taong bantog,
dalubhasa, awtoridad at maari rin naming karaniwang tao lamang ngunit ang
sinabi’y naghahayag ng mahahalagang bagay na magagamit na lundayan sa
pinapaksa.
5. Panlahat na Pahayag – isang uri ito ng panimula na nagtataglay ng
kahalagahang unibersal na maaaring hanguin sa mga salawikain, sa mga
kawikaan, at maging sa mga pamilyar at pang-araw-araw na makatotohanang
kaalaman ng lahat na nagtataglay ng diwa o aral.
6. Paglalarawan – ang panimulang ito’y ginagamit kapag nagtatampok ng tao.
Sapagkat nagbibigay, deskripsyon,mga malarawan at maaksyong salita
ang ginagamit.
7. Pagkakaligiran – ito naman ang ginagamit na panimuilakung ang
binibigyang-larawan ay pook.
8. Pagsusumbi – bihira ang panimulang ito. Maikli lamang, na karaniwan nang
binubuo ng iisang salita. Masurpresa itong parang suntok kung tumimo sa
kuryusidad ng bumabasa.
9. Pagsasalungat – Sa panimulang ito, ang binibigyang diin ay ang
pagkakaiba. Ang tuntuning sinusunod dito ay mas malaki ang pagkakaiba,
mas matindi ang bisa.
10. Pagsasalaysay – ang panimulang ito’y anyong malumanay na
pagkukuwento.
11. Makatawag-pansing Pangungusap – Ito’y isang mapanggitlang panimula
dahil di-karaniwang sinasabi o naririnig sa araw-araw ang pamamariralang,
ginagamit dito.
12. Analohiya – Ito ay nagtutulad o nagwawangis.
13. Anekdota - isang panimulang nagkukuwento ng maikling istorya para
pasiglahin ang babasa o di kaya’y gamiting tularang lundayan ang kaugnayan
sa paksang tatalakayin.
14. Pagsasalitaan – Ang panimulang ito ay dinaraan sa usapan o diyalogo.
C. Katawan
i. Matatagpuan na dito ang pangunahing pagtalakay sa paksa- ang
pangangatwiran, pagpapaliwanag, pagsasalaysay, paglalarawan at
paglalahad.
ii. Pangkalahatang Pamamaraan sa Pagsasaayos ng Katawan ng
Sulatin.
1. Pakronolohikal - tamang pagkakasunud-sunod ng mga pangyayari mula
pinakamatagal hanggang sa kasalukuyan
2. Paanggulo – batay sa personal na masasabi o reaksyon ng bawat tao
tungkol sa mga bagay-bagay o isyu tungo sa isang obhektibong
paglalagom.
3. Paespesyal o Pagaagwat – paglalahad mula sa pinakamalapit o ang alam
na alam na paksa hanggang sa pinakamalayo o ang hindi na masyadong
alam na paksa
4. Paghahambing – isinasaayos nang paseksyon. Unang seksyon ay ang
pagkakaiba. Ang pangalawang seksyon ay ang pagkakatulad. Maari rin silang
magkapalit.
5. Palamang o Pasahol – sinisumulan sa mga bagay munang lalong mahalaga
ang binabanggit bago ang di-gaanong mahalago o vice-versa.
6. Patiyak o Pasaklaw –isinasaaosa naman ito sa paraang sinasabi muna ang
mga particular o definidong detalye bago ang pangkalahatang mga pahayag
o vise-versa.
7. Papayal o Pasalimuot – sinisimulan ito sa mga bagay na
komplikadokasunod ang mga bagay na simple o vice-versa.
D. Konklusyon o Wakas
i. Nakasaad naman sa bahaging ito ang mahahalagang puntos ng papel.
Inilalahad din ang napatunayan o napagalaman batay sa paglalahad at
pagsusuri ng mga impormasyong ginamit sa papel o sa pananaliksik.
ii. Dito makikita ang kabuuan ng sulatin.
iii. Mabisang Pangwakas:
1. Tuwirang Sinabi 5. Mahalagang Insidente
2. Panlahat na Pahayag 6. Pagtatanong
3. Pagbubuod 7. Pagsisipi
4.Pagpapahiwatig ng Aksyon

III. Mga Pamantayang Dapat Sundin sa Pagsusulat


a. Kailangan ang kaisahan, kaugnayan, kawilihan at wastong pagbigay-diin
sa pahayag.
b. Kailangang malinaw, makatwiran at maayos ang pagkakasunod-sunod ng
mga kaisipan.
c. Kailangan maingat ang susulat sapagkat ang anuman kamalian ay
nakikita ng bumabasa.
d. Kailangang may sapat na kaalaman sa wika, gramatika at retorika.
e. Dapat na may lubos na kabatiran sa mga mekanismo sa pagsusulat gaya
ng: pagbabaybay, pagbabantas, paggamit ng malaking titik, paggamit ng
italika, pagsulat ng tambilang at papapaikli ng mga salita at talata.
f. Talataan – lipon ng mga pangungusap na paunlad na binubuo at
nagpapahayag ng isang buong diwa o kaisipan. Ang isang talat o
magkakasunod na talata ng isang akda ay may kaisahan, kaugnayan at
kaanyuan.
1. Kaisahan: Upang matawag na talata ang pangkat ng mgga pangungusap,
kailangang ito’y umikot sa iisang pangkalahatang ideya. Kailangang may
pangungusap na pampaksana siyang nagsisilbing giya o patnubay sa pagbuo
ng susuportang mga pangungusap.
2. Kaugnayan: Kailangang magkakaugnay ang mga pangungusap upang
magpatuloy ang daloyng diwa buhat sa simula hanggang sa dulo ng
pahayag. Kailangan nakaayos sa pagkakahanay ang mga pangyayari o ang
diwang ipinahayag upang maging maliwanag ang pagkakaugnay.
a. Pamantayan sa Kaugnayan
i. Paggamit ng tradisyonal na mga salitao mga pangatnig gaya ng: at,
kapag, disin sana, dahil sa, sapagkat, ngunit, bagaman, samantala,
ngunit, bagaman, samantala, anupa’t,kung gayon, samakatuwid,
gayon pa man, sa kabila noon at marami pang iba.
b. Paggamit ng Panghalip
i. Kung pangngalan ang ginamit sa unang pangungusap o sugnay,
panghalip ang maaringg gamiting kahilili ng pangalang nabangit. Sa
mga sumusunod na pangungusap. Ginagawa ito upang hindi ulit-ulitin
ang atensyon ng bumabasa ay magbalik sa tinutukoy na panghalip.
c. Pag-uulit ng Salita upang Magbigay-diin at Mag-ugnay-diwa
d. Paralelismo o Paggamit ng Magkakatulad na Balangkas Panggramatika
3. Kaanyuan o Kabuuan: Ang mabuting talata ay naglalaman ng kumpletong
kaisipan. May pagbigay-katuturan, paliwanag, pangangatwiran, at patotoo.
Gumagamit ng ilustrasyon, halimbawa, pagwawangis, pagtuttulad at pag-iiba,
pagsususuri, mungkahi, tagubilin, talinghaga, mahahalagang sipi at iba pang
pamamaraan upang maging buo o ganap. Ang isang akda ay may
panimulang talata, makakapanunod na talata (Transitory) at may pangwakas
na talata.
IV. Mga Anyo ng Pagsulat
a. Anyong Pangangatwiran o Argumentasyon
i. Layuning bigyang-paliwanag ang paksa, kasysa sa bigyan-panlunas, para
Makita at mapakilalang mabuti ang particular na bagay na tinatalakay sa
pamamagitan ng mgapruweba’t patunay, sa gayon, malinawan at
maintindihan nang walang pagpapasubali ang pinagmamatuwirang
posisyon o pahayag.
ii. Isang pahayag na mapagtatalunan
b. Anyong Klasipikasyon o Pag-uuri-uri. Pinararaan ang mga ito sa iba’t
ibang sistema ng pag-uuri, at walang ibang pinakabasehang magagawa
kundi ang paghahanap na kategorya na napagsama-sama ang mga bagay na
maaaring magkakahiwalay at mapagbubuklud-buklod ang mga magkakaiba.
c. Anyong Pagsusuri o Analisis. Isang pagtataya sa nilalaman ng akda ang
pagsusuri. Dalawang importanteng gampanin ang kailangan isakatuparan:
una, pagmamasid at pangalawa, pasulat ng mganaobserbahan. Ang pagsulat
sa anyong pagsusuri ay hindi lamang isang pag-uulat ng mga naobsrebahan
kundi isang kasanayan sa pagmamasid.
d. Anyong Pasalaysay. Pagpapahayag na naglalayong maghayag nang
sunod-sunod ng isang pangyayari, mga tauhan at may tagpuan. Halimbawa:
maikling kuwento, talambuhay, dyornal, kasaysayan, kathang-isip.
e. Anyong Paglalarawan. Pagpapahayag na naglalayong magsaad ng larawan
ng kabuuan ng isang bagay, pangyayari o magbigay ng isang biswal na
konsepto nga mga bagay-bagay, pook, tao o pangyayari.
f. Anyong Panghihikayat. Pagpapahayag na naglalayong mahikayat ang
mambabasa na makiayon o tanggapin ang pananaw ng manunulat.
Halimbawa: adbertisment at sanaysay.
g. Anyong Eksposisyon. Pagpapahayag na may tungkuling ipaliwanag ang
pangyayari, opinion, kabatiran at mga kaisipan.
h. Anyong Ekspresyon. Pagpapahayag ng saloobin para mapagaan ang loob
bilang isang positibong pagbuhos ng emosyon.
i. Anyong Refleksyon. Nilalaman ang sarili ng distansya at inilalagay sa
perpektibong malinaw na masukat ang sariling pagkatao. Tinutuklas ditto ang
kahalagahan ng mga karanasang nagdaan at ang mga pangyayaring
nagaganap sa kasalukuyan sa buhay.
j. Anyong Direksyon o Panuto. Naipapakita ng manunulat ang kanyang pag-
intindi sa mga mambabasa, gayundin, naipasusunod niya ang tamang
pagsasaayos ng mga bagay-bagay sa proseso ayon sa mga tuntuning dapat
gabayin.
V. MGA LAYUNIN SA PAGSULAT
Ang pagsulat ay personal na gawain sapagkat ginagamit para sa layuning
ekspresib o sa pagpapahayag ng iniisip o nadarama. Sosyal na gawain
naman sapagkat ginagamit para sa layuning panlipunan o kung ito ay
nagsasangkot ng pakikipag-ugnayan sa iba pang tao sa lipunan. Ang
layuning ito ay tinatawag na transaksyunal.
Isang halimbawa ng ekspresib na pagsulat ang paggawa ng tula ng mga
makata.Samantala,ang pag-gawa ng mga liham-pangangalakal ay isang
halimbawa ng transaksyunal na pagsulat.
TATLONG LAYUNIN NG PAGSULAT (Bernales,et.al)
1. impormatib 3. malikhain
2. mapanghikayat
1. Impormatib na Pagsulat. Kilala rin sa tawag na expository writing. Ito ay
naghahangad na makapagbigay impormasyon at mga paliwanag. Ang pokus
nito ay ang mismong paksang tinatalakay sa teksto. Halimbawa:
Pagsulat ng report ng obserbasyon, mga istatistiks na makikita sa mga libro,
ensayklopidya, balita, at teknikal o bisnes report.
2. Mapanghikayat na Pagsulat. Kilala sa tawag na persuasive writing. Ito ay
naglalayong makumbinsi ang mga mambabasa tungkol sa isang katwiran,
opinyon o paniniwala. Ang pangunahing pokus nito ay ang mambabasa na
nais maimpluwensyahan ng isang awtor: Halimbawa:
editoryal,sanaysay,talumpati,pagsulat ng proposal at konseptong papel.
3. Malikhaing Pagsulat. Ito ay ginagawa ng mga manunulat ng mga akdang
pampanitikang tulad ng maikling katha, nobela, tula, dula at iba pang
malikhain o masining na akda.
Kadalasan ang pangunahing layunin ng awtor dito ay magpapahayag
lamang ng kathang-isip, imahinasyon, ideya, damdamin o kumbinasyon ng
mga ito.
Mga Hakbang sa Pagsulat
Sa mga kasanayan sa komunikasyon, itinuturing ng lalong marami na
pinakamahirap ang pagsulat. Simple ang dahilan: sa pagsulat dapat na gamitin
ang mga nalalaman sa pakikinig, sa pakikipag-usap at sa pagbabasa.

Mga Hakbang sa Pagsulat na Iminungkahi para Makatulong sa Pagsulat


1. Pumili ng paksang susulatin. Dapat na makabuluhan o mahalaga ang
paksa, lalo na para sa mga mambabasa.
2. Pagkuha ng magagamit na mga materyales. Maaaring ang mga
impormasyon ay kailangang saliksikin sa mga aklat, babasahin, magasin o
peryodiko.
3. Plano ng Pagsulat. Maaaring buuin muna sa papel o sa isip ang paksang
susulatin. Story line ang tawag dito.
4. Aktwal na Pagsulat. May ilang paraan ng pagsulat na ginagamit ang mga
manunulat. May nagsusulat na nagsisimula sa pag-iisip ng gagamiting
pamagat ng akdang susulatin.
5. Pagrerebisa sa Akda. Gaya nang naipahiwatig sa Aktwal na Pagsulat, ang
rebisyong gagawin ay ukol sa pagtatama sa mga kamalian, pagbabawas sa
mga isipang naisama na hindi dapat isama at pagdaragdag sa nakaligtaang
ideya habang isinusulat ang teksto.
Mga Katangian ng Mahusay na Paglalahad
1. Kalinawan - Malinaw ang paliwanag at angkop o tama ang mga salitang
ginagamit.
2. Katiyakan - Nakafokus lamang sa paksang tinatalakay at tiyak ang layunin
ng pagpapaliwanag. Iwasan ang mga bagay na di kaugnay sa tinatalakay.
3. Kaugnayan- magkaugnay ang mga pangungusap o talata.
4. Diin - binibigyang diin ang mga mahahalagang kaisipang nais talakayin.
Mga Bahagi ng Paglalahad
A. Simula- nakatatawag-pansin; nakakaakit; nakapupukaw; nakagaganyak
at nakahahatak ng kuryosidad.
Ilan sa mga halimbawa na maaring simula:
a. Pagtatanong
b. Pagkukwento o Pagsasalaysay
c. Pagsipi o paghalaw ng isang saknong
d. Paggamit ng siniping pahayag
e. Dayalogo o usapan
f. Makatawag pansing pangungusap
B. Katawan o Gitna - binubuo ng talatang kinapalooban ng mga pangunahin
at pantulong na kaisipan upang maibigay ang detalye sa isang paksa.
Dapat magkaroon ng kaisahan, kaugnayan at diin ang mga kaisipan para
hindi malito ang bumabasa.
C. Wakas - nag-iiwan ng isang impresyong titimo sa damdamin at kikintal sa
isipan ng mamababasa. gaya ng panimula, ang paglalahad ay maaaring
wakasan sa iba't ibang paraan. Balikan ang talakay tungkol dito na naisa-
isa na sa mga naunang aralin.
Mga Uri ng Paglalahad
1. Pagbibigay Katuturan - napalilinaw nito ang pag-uunawa sa kahalagahan ng
isang bagay, tao, pangyayari, dinarama o konsepto.
2. Pagsunod sa Panuto/pamamaraan Halimbawa nito ang pagsunod sa isang
recepi o paraan ng paglaro ng isang uri ng laro.
3. Pangulong Tudling/Editoryal - nagpapahayag ng opinyon o palagay ng editor
ng isang pahayagan o magasin tungkol sa napapanahong isyu.
4. Sanaysay - anyong panitikan na naglalahad ng kuru-kuro, pananaw,
paniniwala at damdamin ng manunulat, hango sa kanyangkaranasan at sa
inaakalang palagay niya sa katotohanan.
5. Balita - naglalaman ng mga pang-araw-araw na pangyayari sa loob at labas
ng bansa.
6. Pitak - karaniwang makikita sa mga pahayagan o magazin. Naglalaman ng
reaksyon, kuru-kuro at pansariling pananaw hinggil sa isang napapanahong
isyu o pangyayaring nagaganap sa kanyang paligid o sa iba pang pook.
Tinatawag din itong kolum.
7. Tala - paglilista ng mga bagay-bagay na dapat gawin o Tandaan.
8. Ulat - paglalahad ng mga kaisipan o kaalamang nakuha, natutunan o
nasaliksik mula sa binasa, narinig, nakita o naranasan.
KAHALAGAHAN NG PAGSULAT
Ayon kay Badayos, ang pagsulat ay umiinog sa kung gaano kabisa at
konsensitibo na makabuo ngmga pahayag ang isang manunulat upang ang
makaba nito ay maganyak na mag-isip, kumilos at magalak.
 Ang mahusay na pagsulat ay hindi lamang humihingi ng kakayahan sa
tamang paggamit ng wika kundi humihingi ngmabisang pag-oorganisa ng
mga impormasyon. (grammar at outlining)
Gonzales 2005, kakayahang makapagpahayag nang malinaw sa pamamagitan
ng panulat.“ walang misteryong taglay ng mabuting panulat, ito ay kasanayang
natutunan”.
Pagsulat
Ang pagawa o pagbuo ng mga titik, simbulo at mga salita.
Paagsasatitik sa papel o sa anumang bagay na maaring gamin na
pagsasalitan ng ideya atbp.
Kahalagahan ng Pagsulat
1. Tagapag-ingat ng mga mayayamang kaalaman ng tao na nais ipamana sa
sususnod na salinlahi.
- History:
2. Nagpapamulat sa kamalayan sa mayamang kultura at tradisyon ng isang
bansa
- Sumasalamin sa pagkakakilanlan ng isang bansa
Gresya : homer ; Iliad
India: Mahabharata t Ramayana
Inglatera: Beowulf at Shakespeare
Italya: La Diviina Comedia ni Dante at Aeneid
Kristiano: bibliya
Islam : quran
Amerika: Harriet Beecher Stowe: Uncle Tom’s Cabin
Pinas: Jose Rizal : Noli Me tangere at El Filibusterismo
3. Tagapag-ugnay ito ng kasaysayang nakalipas na at sa kasaysayang
mangyayari pa.
Halimbawa: sa ma ilang problema ng bansa. “History repeats itself.”
Mga Pangkalahatang Layunin sa Pagsulat
1. Expressive
- Sumusulat ang isang tao upang ipahayg ang kanyang saloobin at
nadarama kaugnay marahil sa kanyang sariling karanasan.
Anyo ng expresibong pagsulat
a. Impormatib na pagsulat
o Tinatawag na expository writing
b. Nanghihikayat na pagsulat
o Layuning baguhin ang paniniwala ng isang mambabasa tungkol
sa isang isyu
o Mangumbnsing maniwala sa akda
o Editoryal, pananaliksik, proposal, sanaysay,
c. Malikhaing pagsulat
o Masining na pagsasaad ng mga damdamin at kaisipan etc.
o Tula, kanta, kwento, dula, atbp
2. Transakyunal
- Sumusulat dahil sa hangaring magbatid ng o maglipat ng
impormasyon, ideya, o kaalaman sa kanyang kapwa.
- Nagagawa ito ng tao upang maghatid ng mensahe, makipagpalitan ng
ideya, karanasan at kuro kuro
- Excuse letter, application letter, friendly letter, love letter etc.

Proseso ng Pagsulat
Faigley, Fish, at Lunsford
- Ang proseso ng pagsulat ay naiimpluwensiyahan ng mga kaalamang
retorikal, sosyal at historical at mga sitwasyon at kontekstong
panlipunan.
 Anumang uri ng sulating nabubuo ay may kaugnayan sa mga nakaraang
teksto at konteksto, sitwasyon at karanasan ng manunulat.
 Ang mga kaalamang iyon ay nakakatulong sa pagsusulat ng manunulat
 Ang imersyon sa komunidad ay nagsisilbing balon n impormasyon para sa
mga manunulat.
 Ang kaalamang retorikal para iangkop ang isang sulatin sa ibat –ibang
sitwasyon s pagsulat.
 Pero kailangan ding magsaliksik an isang manunulat para maging mabisa
at mahusay ang kanyang sulatin.
Halimbawa: Kamatayan ang topic : kailangan ang imersiyon at pagsasaliksik.
Mga isaalang- alang ng manunulat para sa kanyang manunulat
1. Para kanino ang sulatin?
2. Ano ag kanilang mga katangian?
3. Gaano ang kanilang kaalaman sa paksa?
4. Gaano sila kaintresado sa paksa?
5. Ano an kanilang saloobon sa paksa?

Hakbang sa pagsulat
Ang pagsusulat ay hindi nagagawa sa isang upuan lamang.
Nangangailangan ng mahabang pag-iisip, maraming pagtatangka at maingat
na proseso.
1. Paghahanda sa pagsulat( prewriting)
- Sumasaklaw ito sa pangungulekta ng mga impormasyon at ideya para
sa sulatin.
o Manood sa pelikula at programa
o Makikipagtalakayan
o Making sa radyo
o Magserbey
o Makipanayam
o Gumawa ng balangkas
- Dito ginagawa ang pagpapalano na kinasasangkutan ng paglilikha,
pagtutuklas, pagdedevelop, pagsasaayos, pagsubok ng mga ideya
- Dito inaalam ang layunin ng sulatin, para kanino ang sulatin, paano
ang pagpapahayag sa tesis statement o pangunahing ideya ng sulatin.
- Tinatanong din dito kung may pagkukuhanan ba ng impormasyon ang
manunulat sa pagbubuo ng sulatin. Relate it to a situation: Boksingero
2. Aktuwal na pagsulat
- Dito isinasalin ng manunulat ang kanilang nga ideya sa pangungusap
o talata.
- Malayang nakakagamit ng paraan o istilo sa paglalahad ng ideya.
- Hindi masyadong binigyan ng pansin ang pagwawasto sa mga
kamalian sa gramatika.
- Ang binibigyan lamang ng pokus ditto ay ang Istruktura, organisasyon,
kaisahan ng sulatin
a. Kailangan ang intoduksyon ng sulatin ay malinaw at organisado
b. Ang nilalaman ay kailangang tumutugon sa layunin ng pagsulat,
paksa, tema at presentasyon ng datos.
3. Pagrerebisa
- Muling pagtingin
- Tinatawag din pag-eedit
- Muling pagbasa, muling pag-iisip, muling pagbubuo ng mga kaisipang
nasa sulatin upang tumugma sa iniisip ng manunulat.
- Nasasangkot ditto ang maraming pagbabago ng mga nilalaman ng
sulatin; sa organisasyon ng ideya, istruktura ng mga pangungusap at
mga talata.
- Ginagawa ito upang masulusyonan ang suliranin ng paksa
- Tinatanong ditto ang mga sumusunod:
a. Tama ba ang layunin ng sulatin?
b. Tumutugma ba ang ideya ng sulatin sa interst ng mga
mambabasa?
c. May kaisahan ba ang ideya?
Uri ng pagsulat
1. Akademikong pagsulat
- Ito ang mga sulatin na isinasagawa sa loob ng klase
- Pero hindi magkakapareho ang mga sulating pinapagawa ng mga
propesor sa kani-kanilang mga sabjek.
2. Teknikal
- May layuning makalikha ng isang tiyak at particular ba impormasyon
sa tiyak ding layunin sa particular na grupo ng mambabasa.
- Malinaw, objektib, tumpak , maikli at di emosyonal ang paglalahad ng
mga datos.
Layunin ng teknikal na pagsulat
1. Magbigay ng impormasyon na buo ang disisyon at tiyak ang resulta
ng pag-aaral
2. Maibigay ang tiyak na interpretasyon ng mga pangyayari sa pag-
aaral
3. Manghikayat at makaimpluwensiya sa pagbubuo ng desisyon.
Mga gabay sa teknikal na pagsulat (Zall 1980)
1. Accuracy (katumpakan) 14. Normal procedure
2. Brevity (kaiklian) (karaniwang tuntunin)
3. Coherence (kakipilan) 15. Objectivity (patas)
4. Confidence (tiwala) 16. Planning(pagpaplano)
5. Dignity (dangal) 17. Division ( paghahati-hati)
6. Emphasis(pagbibigay-diin) 18. Straight sentence ( mga
7. Grammatical correctness tuwirang pangungusap)
(kawastuang pangramatikal) 19. Thouroughness (kasaklawan)
8. Honesty (katapatan) 20. Unity (kaisahan)
9. Illustration(paglalarawan) 21. Viewpoint ( pananaw)
10. Judgement(paghuhusga) 22. Word choice ( pagpili ng
11. Knowledge(kaalaman) salita)
12. Logic (lohika) 23. You-point (punta ng
13. Mechanical neatness mambabasa)
(kalinisang mekanikal) 24. Zest ( sigasig)

3. Journalistik na pagsulat
o Mga pangayayring nagaganap sa pang-araw araw na buhay ng isang
tao
o Napapapagkamalang diary pero hindi kaya lamang ay pwede ring
iugnay ang diary sa jornak dahil sa kahulugan nito.
o May layuning mailathala ang mga ito sa payahagan o peryodiko.
Pagsulat ng Jornal
Mga sampung dahilan sa pagtatago ng pansariling jornal
1. Isang travelog
2. Talaan ng panaganinip
3. Isang lagbuk
4. Aklat ng kaisipan
5. Kwadreno ng pagpaplano
6. Batayang proseso ng malikhaing gawain
7. Tagatago ng koleksyon
8. Inventaryong elektik (klipings sa mga iba’t ibang babasahin)
9. Memoir (mga magagandang pangyayari sa buhay o mga anekdota sa
buhay)
10. Isang pakikipag-usap sa sarili
4. Referensyal
- Pinakamahalagang bagay din sa pananaliksik dahil ito ang
nagpapabalido sa mga nakalap na datos.
Halimbawa:
Agpuldo, Clarence V. (2010). Teacher’s Stretegies in dealing with
students’ Disruptive Behabior. Cagayan Valley. Luminar
Publishing inc.
Bamwell at Dees “mga panuntunan sa pagsulat ng panimula o
introduksyon”

a. Isama ang tesis stetment sa introduksyon na kadalasang nakikita sa unahan


o hulihan ng panimula
b. Maglagay ng sapat na kaligirang impormasyon tungkol sa paksa upang
maihanda ang mga mambabasa tungkol sa teksto.
c. Gumamit ng pambungad na nakakaakit sa interest ng mga mababasa.
1) Paggamit ng sipi o kotasyon
2) Paggamit ng anekdota
3) Paglalarawan na pumupukaw sa imahinasyon ng mambabasa
4) Pagsasalaysay sa isang pangyayari
5) Paggamit ng istatistika
6) Tanong
7) Isang pahayag
8) Paggamit ng opinion

1. Nillaman
- Bahagi ng teksto na nasa pagitan ng mga talatang kinapapalooban n mga
detalye at mga halimbawang sumusuporta sa pangunahing ideya ng teksto
na ipinapahayag sa tesis statement sa introduksyon.
2. Wakas
- Bahaging nagpapakilala sa pagwawakas ng teksto
- Karaniwang mas maikli kaysa sa mga talata sa katawan
- Maaring isang lagom ang laman na nakapaloob sa katawan
Pag-aayos ng mga datos para sa sulatin
- Ang pagkuha ng mga datos ay isa sa mga pinakamahirap na gawain sa
pananaliksik.
- Nakasalalay sa mga nalikom na datos at sa pagsasaayos nito ang tagumpay
ng isang pananaliksik
- Pinakamatagal na gawain sa pananaliksik
- Nangangailangan ng sapat na panahon sa pagbabasa
Mga dapat Gawain sa pagkuha ng mga tala.
1. Direktang sipi
- Pagtatala sa sa eksaktong ginamit na salita sa pinagkuhanan ng datos at ito
ay nakapaloob sa mga sipi
- ginagamit ito dahil mahalaga ang orihinal na wika ng mismong pinagkuhanan
a. para maihatid yung tamang impormasyon
b. mapatunayan ang puntong inilalahad
c. para mapasimulan ang diskusyon sa pag-aaral
- kung gagamitin ito dapat ay:
a. malinaw ito
b. may tamang bantas at pahinang pinagkuhanan
c. hindi lahat lahat ay sisipiin
d. pumuli lamang ng angkop para sa pag-aaral.
2. Synopsis
- Pagapaikli sa orihinal na teksto sa pamamagitan ng pagpapahayag muli sa
sariling pananalita
- Kinukuha lamang ang ideya ng teksto
- Dapat taglay pa rin ang diwa ng teksto kapag ginagamit ito
Paraan sa pagsasagawa nito.
1. Dapat nabasa ng buo ang teksto
2. Itala ang mga mahahalagang detalye para sa paglalagom
3. Isulat sa sariling pananalita
4. Rebisahin muli ang sinagawang synopsis para makuha ang buong
diwa ng teksto.
3. Pagsasalin
4. Pagsulat ng pangangatwiran
- Ito ang tinatawag na pakikipagtalo o argumentasyon
- Paglalahad ng mga dahilan upang makabuo ng isang pagppatunay na
tinatanggap ng nakakarami
- Paglalahad na nagtatakwil sa kamalian upang maipahayag ang katotohanan
- Isang paraang ginagamit upang mabigyang katarungan ang mga opinion
Katangian ng isang mabuting sulating argumentatibo
1. Pangunahing ebidensiya
- Tumutukoy sa testimonya ng isan taong may kredibilidad o taong may
awtoridad; pasulat o pasalita.
2. Sirkumstansyal na ebidensya
- Ebidensyang sekondarya lamang subalit nakakatulong ito upang makilala ang
katotohanan o kasinungalingan ng isang isyu.
3. Kongkreto na ebidensya
- Isang ebidensyang nagpapatunay o naglalalarawan ng taotoong pangyayari
na hindi na kailangan ang interpretasyon at paliwanag ng isang tao. (common
sense ebidence)
:sariwang sugat at pasa
4. Orihinal na ebidensya
- Ebidensyang may pansariiing kapaniwalaan na kasasalaminan ng lakas sa
kanyang sarili.
5. Ebidensyang galing sa usap-usapan
- Isang ebidensyang nakuha o narinig sa pamamagitan ng mapaniwalang
impormasyon na inilatag ng isang iniviwal, maaring pinatotohanan o sinulat.
K to 12 BASIC EDUCATION CURRICULUMS
Para sa SENIOR HIGH SCHOOL – CORE SUBJECT

Pagbasa at Pagsusuri ng Iba’t Ibang Teksto Tungo sa Pananaliksik


Deskripsyon ng Kurso: Pag-aaral sa proseso ng pagbasa at pagsusuri ng iba’t ibang
anyo at uri ng teksto na nakatutulong sa pagbuo at pagsulat ng sistematikong
pananaliksik.
Pamantayang Pangnilalaman: Nasusuri ang iba’t ibang uri ng binasang teksto ayon
sa kaugnayan nito sa sarili, pamilya, komunidad, bansa at daigdig.
Pamantayan sa Pagganap: Nakasusulat ng isang panimulang pananaliksik sa mga
penomenang kultural at panlipunan sa bansa
Panitikang Kontemporaryo/Popular: Napapanahong sanaysay, talumpati, panitikang
popular (awitin, komiks, iba’t ibang paraan ng komunikasyon sa social media)
Gramatika: Paggamit ng kasanayang komunikatibo (linggwistik,
sosyolinggwistik,diskorsal at istratedyik)
Bilang ng Sesyon: 40 sesyon bawat markahan/ apat na araw sa loob ng isang linggo.
Paksa: Mga Uri ng Teksto
NILALAMAN PAMANTA- PAMANTA- MGA KASANAYANG
YANG PANG- YAN SA PAG- PAMPAGKATUTO
NILALAMAN GANAP
1. Natutukoy ang paksang
Mga Uri ng Nasusuri ang Nasusuri ang tinalakay sa iba’t ibang tekstong
Teksto iba’t ibang uri kalikasan, binasa
ng binasang katangian, at 2. Natutukoy ang kahulugan at
1. Impormatibo teksto ayon sa anyo ng iba’t katangian ng mahahalagang
2. Deskriptibo kaugnayan nito ibang teksto salitang ginamit ng iba’t ibang
3. Persuweysib sa sarili, uri ng tekstong binasa
4. Naratibo pamilya, 3. Naibabahagi ang katangian
5. Argumentatibo komunidad, at kalikasan ng iba’t ibang
6. Prosidyural bansa at tekstong binasa
daigdig 4. Nakasusulat ng ilang
halimbawa ng iba’t ibang uri ng
teksto
5. Nagagamit ang cohesive
device sa pagsulat ng sariling
halimbawang teksto
6. Nakakukuha ng angkop na
datos upang mapaunlad ang
sariling tekstong isinulat
7. Naiuugnay ang mga
Pagbasa at kaisipang nakapaloob sa
Pagsusuri ng Iba’t binasang teksto sa sarili,
Ibang Teksto pamilya, komunidad, bansa, at
daigdig
8. Naipaliliwanag ang mga
kaisipang nakapaloob sa
tekstong binasa
Nakasusulat ng 9. Nagagamit ang mabisang
mga reaksyong paraan ng pagpapahayag:
papel batay sa a. Kalinawan
binasang teksto b. Kaugnayan
ayon sa c. Bisa
katangian at d. Sa reaksyong papel na
kabuluhan nito isinulat
Final Output sa: 10. Nakasusulat ng mga
a. Sarili reaksyong papel batay sa
b. Pamilya binasang teksto ayon sa
c. Komunidad katangian at kabuluhan nito sa:
d. Bansa a. Sarili
e. Daigdig b. Pamilya
c. Komunidad
d. Bansa
e. Daigdig

You might also like