You are on page 1of 2

ANYO AT MGA URI NG PAGSULAT

Mga Anyo ng Pagsulat


Pormal – Sa ganitong anyo ng pagsulat ay nangangailangang sumunod sa
standard na proseso o mga hakbang sa pagsulat. Pormal ang lengguwaheng
ginagamit at laging isinasaalang-alang ang mga tiyak na tuntunin sa pagsulat.
Di-Pormal – Sa ganitong anyo ng pagsulat ay hindi gaanong pinahahalagahan
ang estruktura o pangungusap, balangkas at mga salitang gagamitin. Ang
mahalaga sa ganitong anyo ay mailahad sa pasulat na paraan ang mga ideyang
nais na ibahagi sa babasa nito. Kaswal o ordinary lamang ang lengguwaheng
ginagamit sa ganitong anyo.

Mga Uri ng Pagsulat (Bernales, et al., 2009)


Nauuri ang pagsulat ayon sa pangangailangan ng lipunan, gayundin ang mga
target na mambabasa. Ang mga uring karaniwang ginagamit sa pag-aaral ay ang mga
sumusunod:
Akademik – Isa ito sa mabusising gawain ng mga mag-aaral simula sa
primary hanggang sa doctoral na antas ng pag-aaral. Maihahanay sa pang-
akademikong pagsulat ang mga sulatin, kritikal na sanaysay, pamanahong
papel, mga resulta ng isinasagawang obserbasyon o eksperimento, tesis at
disertasyon. Ang ganitong uri ng pagsulat ay itinuturing sa akademya na isang
intelektwal na proseso sapagkat nilalayon nitong mapataas ang antas ng
kakayanan at kalidad ng mga mag-aaral sa pagsulat.
Teknikal – Itinuturing naman ang teknikal na uri na isang espesyalisadong
anyo ng pagsulat, kinakailangang ito ay nakatutugon sa pangkaisipan at
sikolohikal na pangangailangan ng mga mambabasa. Ang ganitong uri ng
pagsulat ay maaaring makapagbigay g solusyon sa isang suliranin. Ang mga
korespondensyang pantanggapan, mga ulat teknikal. Ginagamitan din ito ng
mga espesyal na terminolohiya na angkop sa pangangailangan tulad ng
pangangalakal, akawnting, agham at teknolohiya, at iba pang kahanay sa
kategoryang nabanggit.
Journalistic – Ito ang uri ng pagsulat na karaniwang inihahanda ng mga
mamamahayag. Balita, editorial, kolum, lathalain gayundin ang iba pang mga
anyo ng pagsulat na karaniwang mababasa sa mga pahayagan at magasin.
Reperensyal – Ito ang uri ng pagsulat kkung naglalayong magmungkahi ng
iba pang babasahin hinggil sa isang mahalagang paksa. Karaniwan na ring
ginagawa ng manunulat sa uring ito ang paglalagom o paghalaw sa pahayg ng
ibang manunulat at tinutukoy ang pinaghanguan sa pamamagitan ng
dokumentasyong parentitikal, talababa/footnote o kaya ay panghuling tala/end
note.
Propesyunal – Ito ang uri ng pagsulat na nakatuon sa isang tiyak na
propesyon o disiplina. Maihahanay dito ang mga dokumentong inihahanda ng
mga puli-police report, abogado-legal na dokumento, mga doctor at nars-
medical record, imbestigador-mga ulat ng imbestigasyon at iba pa na may
ganito ring layunin.
Malikhain – Ito ang uri ng pagsulat na nagtataglay ng estetika s aporma at
kayarian, paggamit ng mga salita, sa tayog ng kaisipan, gayundin ang
paggamit ng mga talinghaga at tayutay. Ito ay karaniwang itinuturing na
repleksyon ng mga pangyayaring panlipunan, naglalarawan ng mga batayang
kultural, sosyal, pangkabuhayan at maging pangkalikasan. Karaniwan itong
ginagamitan ng mga matatalinghagang pananalita at tayutay.

You might also like