You are on page 1of 2

Allisa Niña B.

Lugo BSEd-Filipino 3-1


8 Walong Katangian ng Epektibong Guro
1. Malikhain
2. Maparaan at Gumagamit ng iba’t ibang estratehiya sa pagtuturo
3. May positibong ugali/ May kaaya-ayang katauhan
4. Bukas ang isipan sa mga pagbabago
5. May respeto
6. May kahandaan
7. Marunong tumanggap ng kamalian
8. Mapagmahal
At ang limang katangian na tinataglay ko na karapat-dapat sa propesyong ito ay ang:
 Pagiging mapagmahal – Alam ko sa sarili ko na ako bilang tao ay mapagmahal,
dahil oahat naman tayo ay kailangan ng pagmamahal. At bilang guro sa
hinaharap magagamit ko ito sa aking propesyon sapagkat bolang isang guro
kailangan na maging mapagmahal ka sa iyong mga mag-aaral dahil ikaw ang
tatayo bilang pangalawang ama o ina sa mga mag-aaral. At tinataglay ko ang
pagiging mapagmahal sapagkat alam ko kung ano ang pakiramdam ng
minamahal at alam ko sa sarili ko na makakaya kong ibigay ang pagmamahal din
sa iba lalong lalo na sa aking mga mag-aaral.
 May respeto- Lahat tayo ay gusto na i-respeto ngunit hindi lahat nagagawa ito
sa iba. Ako gusto ko na ginagalang at nirerespeto ako at bago ko makamit ang
respeto mula sa ibang tao ay dapat ko rin silang pakitaan ng aking pagrespeto
kaya masasabi ko na taglay ko ang katangiang ito na karapat-dapat taglayin ng
isang mabuti at epektibong guro.
 Marunong tumanggap ng kamalian- Sabi nga nila walang perkpektong tao sa
mundo, at bilang tao tayong lahat ay nagkakamali. Maging sino ka man, maging
isang pinaka-mayaman o pinaka-sikat ka man ay hindi ka pa rin perpekto. At ako
bilang isang guro sa hinaharap alam ko na dadating ang mga pagkakataon na
hindi ako magiging perpektong guro at maaaring magkamali, kaya masasabi
kong taglay ko ang katangiang ito sapagkat alam ko na hindi ako perpekto at
kailangan ko rin tanggapin ang mga kamalian ng aking mga magiging mag-aaral.
 Bukas ang isipan sa mga pagbabago- Nararapat sa isang guro na maging
bukas ang isipan sa mga pagbabago lalo na pagdating sa pagtuturo. At alam ko
sa aking sarili na taglay ko ang katangiang ito sapagkat handa ako sa mga
pagbabagong magaganap sa hinaharap, alam ko na kailangan kong makiayon
sa kung ano ang mas mabuti at nauuso.
 May positibong ugali/ may kaaya-ayang katauhan- Alam ko na taglay ko ang
katangiang ito patunay lamang na marami akong kaibigan at kahit saan ako
ilagay ay makakahanap ako ng kaibigan. At bilang isang guro sa hinaharap ay
makakatulong ang ugali kong ito uoang mapalapit sa akin ang loob ng aking mga
magiging mag-aaral. Makakatulong ito para hindi sila magdalawang isip na
lumapit sa akin bilang kanilang guro.

You might also like