You are on page 1of 2

Ang mga Katangian ng Epektibong Guro

1. Walang itinatangi.   Hindi malilimutan ng mga mag-aaral kung


ang guro'y may paborito sa klase o angkanyang di pagkakapantay-
pantay na pagtrato sa kanyang mga mag-aaral. Sa loob ng klase,
dapat na siya'y walang kinikilingan at mahalagang maging pantay
ang kanyang pagtingin sa lahat ng mga mag-aaral.

2. May positibong ugali.  NAsisiyahan ang mga mag-aaral kung


sila'y nabibigyan ng papuri at pagkakilala o rekognisyon. Malaki
ang impak nito sa kanilang tiwala sa sarili at direksyon.
Naniniwala at nasisiyahan siya sa tagumpay ang kanilang mga mag-
aaral.

3.May kahandaan.  Ang kahusayan (competence) at kaalaman sa


saklaw ng nilalaman ng mga paksang itinuturo ay kinikilala ng mga
mag-aaral. Madaling makilala ng mga mag-aaral ang gurong
organisado at handa nang magturo.

4. May haplos-personal.  Pinahahalagahan ng mga mag-aaral ang


gurong may ugnayan sa kanila, yaong tumatawag sa kanilang
pangalan, palangiti, nagtatanong tungkol sa kanilang nadarama at
opinyon, tinutuklas ang kanilang interes at tinatanggap ang tunay
nilang pagkatao. Ang pagkukwento ng guro ng mga kwentong may
kinalaman sa aralin ay higit na nagugustuhan ng mga mag-aaral.

5. Masayahin.  Naaalala ng mga mag-aaral ang gurong masayahin sa


klase. Ang dagling pagbibiro at pagpapatawa sa mga sitwasyong
nahihirapan at napapahiya ang mga mag-aaral ay nakababawas sa
paghihirap o kahihiyang dinaranas ng mga mag-aaral.

6. Malikhain.  Nagugunita ng mga mag-aaral ang kanilang gurong


malikhain sa mga gawaing pangklasrum, lalo na sa oras na
ginaganyak sila para sa isasagawang aralin, pati na ang pag-aayos
sa klasrum ng kanilang guro.

7. Marunong tumanggap ng kamalian.  Nababatid ng mga mag-aaral


kung nagkakamali ang kanilang guro lalo't sila ang labis na
naaapektuhan bunga ng pagkakamaling ito. Nagiging modelo ang
isang guro kung tinatanggap niya ang kanyang pagkakamali at buong
pagpapakumbabang humingi siya ng kapatawaran sa pagkakamaling
kanyang nagawa.

8. Mapagpatawad.  Kinalulugdan ng mga mag-aaral ang gurong


marunong magpatawad sa kasalanang kanilang nagawa, lalo't yaong
nauukol sa kanilang maling gawi at ikinilos. Ang guro ang tagabuo
ng anumang tunggaliang nagaganap sa klase kaya't mahalagang
maiwasan din niyang magbigay ng di-magandang puno ukol dito.

9. May respeto.  Ang kinalulugdang guro ay yaong marunong


maglihim ng markang kanyang ibinigay sa kanyang mga mag-aaral o
yaong kinakausap ang mag-aaral na may nagawang pagkakamali o
kasalanan nang walang nakaririnig o nakakaalam, o yaong
nagpapakita ng sensitibiti sa nadarama ng kanyang mga mag-aaral,
nagiging marubdob ang mga mag-aaral na matupad ang kanyang mga
tunguhin.

10. May mataas na ekspektasyon.  Ang di-malilimutang guro ay


yaong nagpapakita ng napakataas na pamantayan lalo't hinahamon
ang kanyang mga mag-aaral na gawin nang napakahusay ang kanyang
ipinag-uutos. Madalas na nawawalan ng tiwala sa sarili ang mga
mag-aaral. Kung maniniwala ang guro na may mga kakayahan ang
kanyang mga mag-aaral, nagiging marubdob ang mga mag-aaral na
matupad ang kanyang mga tunguhin.

11. Mapagmahal.  Kung aalamin ng guro kung bakit naalis sa isang


laro, ang kanyang mag-aaral at kikilos siya upang makagawa ng
paraan halimbawa para malutas ang suliranin nito ay naglalarawan
ng pag-aalala at pagmamahal.

12. Ipinadaramang kabilang ang bawat mag-aaral.  Laging nasa isip


ng mga mag-aaral na sila'y kabilang sa klase. Nadarama nilang
kapamilya ang kanilang guro. Ang pagtatanong at pagpapakita ng
kasiyahan sa ipinakikitang mga gawad, pampamilyang album at iba
pa ng mag-aaral ay nakabubuo ng pagkakaisa at mabuting
pagsasamahan. Ang mahusay at epektibong guro ay yaong nakaiisip
agad ng paraan upang hindi magkaroon ng hinanakitan ang kanyang
mga mag-aaral.

You might also like