You are on page 1of 62

MAGANDANG BUHAY !

Jessica Taneza-Varga
Tagapag-ulat
Katangian ng Epektibong
Guro ng Wika
1.May kaaya-ayang katauhan
- masayang disposisyon,may diwa
ng paluwag-tawa upang makalikha ng
positibong kaligirang sosyal na nag-
udyok ng kawili-wili at epektibong
pagkatuto ng mga mag-aaral
2. May malawak na kabatiran
sa paksa/asignatura/wikang
itinuturo

-may sapat na kakayahan


sa pakikipagtalastasan sa
wikang itinuturo
3. Gumagamit ng iba’t
ibang dulog at istratehiya
sa pagtuturo
- Mayaman sa mga kagamitang
biswal,awdyo-biswal na angkop at
lapat sa uri ng aralin sa layuning nais
matamo at sa kaalaman,kasanayan, at
kakayahang ninais ng malinang
4. Malikhain at
mapamaraan(Resourceful)
-upang makaisip makapagbalak ng
aralin,makagamit ng iba-ibang gawaing
pampagkatuto(diyalogo,tugma,tula
bilang lunsaran ng aralin,mga palarong
pangwika at iba pa) makagamit ng mga
kagamitang awtentiko sa paglinang ng
aralin
5. Bukas ang isipan sa
pagbabago
- May magandang saloobin at pananaw
sa pagtuturo at sa kaniyang pagiging
isang guro
6. May mataas na
pagpapahalaga
-pagpapahalaga sa kanyang gawain,sa
kanyang mga mag-aaral at damdamin ng
mga ito.Pinupuri ang tamang
sagot,iniwasto o tumutulong sa
pagwawasto ng maling tugon sa maayos
na paraan
7. Nagbibigay ng sapat na
pagkakataon sa mga mag-
aaral
-partisipasyon ng mga mag-aaral para sa
mga gawaing pampagkatuto.
Sanay mag-udyok sa mga mag-aaral sa
pagsisikap sa sarili,bihasang humimok at
gumanyak ng pagkilos at pagganap ng
mag-aaral
8. Mabuting Pasiliteytor
-Ang mabuting guro ay mabuting
tagapamahala o manedyer,patnubay at
tagasubaybay at hindi isang diktador.
Ang Guro
 “pagtuturo ay isa sa pinakadakilang gawain “—
ang guro ay hindi lamang nagtuturo sa mga
paslit ng abakada,ng kanilang 1+1,kundi katulong
din sa pagtatayo ng katedral at higit pa roon.
 Ang isang paghubog sa kaisipan,katangiang
pisikal ng mag-aaral at higit sa lahat sa buo
nitong katauhan.
 guro ay humuhubog sa katauhan at kaisipan ng
mga mamamayang siyang bubuo ng isang isang
bansa,kaya’t siyay nagtatag ng isang bansa.
 Siya’y katulong sa pagtatag ng isang bansang
binubuo ng mga mamamayang
mulat,matalino,kapaki-
pakinabang,makabuluhan,may mataas na
pagpapahalagang moral at angkop manirahan sa
lipunang kaniyang kinaaaniban.
Katangian ng Mabuting Guro
 May malawak na kaalaman
sa Paksang Itinuturo.
– -May kabatiran siya sa mga
aralin at sa iba pang araling
kaugnay ng kaniyang itinuturo.
– -kabatiran sa mga bagay-
bagay sa kaniyang pamayanan
at kapaligiran,sa mga
suliraning
pangkabuhayan,panlipunan o
pampulitika sa loob o labas
man ng bansa.
 May kakayahan sa
Pagtuturo at mga
Kasanayang Propesyunal
• -Ang isang guro ay
dapat makaalam ng iba’t
ibang mga pamaraan sa
pagtuturo.Batid di niya ang
paghahanda ng banghay sa
pagtuturo,ang pagpili ng
mabubuting paksang araling
makatutulong sa
pagsasakatuparan ng layunin
ng edukasyon at ng
mabuting kaasalan ng
kaniyang mga tinuturuan.
May Kasanayan sa
Pakikipagtalastasan
-Nararapat na
mahusay siya sa paggamit
ng wikang panturo upang
madali siyang maunawaan
ng kaniyang mga mag-
aaral at siya naman ay
gayundin sa kaniyang mga
mag-aaral
May Wastong
saloobin hinggil sa
Propesyon
-Ang guro ay dapat
magkaroon ng mataas na
pagpapahalaga sa
propesyung pagtuturo.
May a. Malusog
- ang isang
Kaaya- gurong may sakit o
isang gurong masakitin
ayang ay hindi
makapagtuturong
Katauhan mabuti
b.Matiyaga c. Malinis
Ang isang guro na Dapat siyang
may sapat na kalusugang maging huwaran a
pangkatawan ay may kalinisan ng pamumuhay
sapat na lakas at sigla ,sa kabutihang asal at sa
upang gampanan ang mga pagpapahalagang
kanyang tungkulin. moral at ispiritwal
d.Maayos at Angkop ang
Kaniyang Pananamit

e.May katamtamang Lakas ng


Tinig
f.May masayang disposisyon o may diwa
ng paluwag-tawa (sense of humor)

g.May bukas na isipan sa Pagbabago


Maunlad at Mapanaliksik
- Kinakailangan ng isang guro ang patuloy na
pagtuklas sa bago at bagong kalakaran sa
pagtuturo na makatutulong sa pagpapabuti
ng pag-aaral
Malikhain at may
pagkukusa
-Ang pagkamalikhain
ay mangangahulugan ng
panibagong pagtugon
udyok ng pansariling
kakusaan at buong sikhay
na pagpupunyagi kalakip
ang kalayaan sa
pagsasagawa.
 Maka-Diyos,Makabayan at
Makatao
-Ang gurong makatao sa
kaniyang pakikitungo sa kaniyang
mga mag-aarala,mga kasamahan at
mga pinuno, at sa pamayanang
kanyang pinagtuturuan ay isang
gurong mapamamahal sa kanyang
tinuturuan at mga kasamahan at
madaling makakukuha ng
kooperasyon o pakikipagtulungan sa
pamayanan.
-Kailangan angkinin ng isang guro
ang diwang makabayan upang
makatulong siya sa pagkintal ng
Pagmamarka sa Pakitang-
turo
 Banghay Aralin (Lesson
Planning o L.P)
 Kagamitang
Pampagtuturo
 Aktwal na Pagtuturo (Actual Teaching
o A.T)
Pamamahala ng Silid-aralan
(Classroom Management o C.M)
 Sining ng Pagtatanong (Art
of Questioning o Q.A)
 Sapat na kaalaman sa Paksa (Mastery
of the Subject Matter o M.S)
 Kakayahang Komunikatibo
(Communicative Skills o C.S)
 Kakayahang Pagtataya
(Evaluation Skills o E.S)
 Kabuuan ng Personalidad sa
Pagtuturo (Personal Appearance o
P.A)
Ang Guro at ang Kanyang
Propesyon
Ang propesyong pagtuturo ay laging
sinasabing isa sa mga dakilang
propesyon.At hindi lamang daw
propesyon kundi isang misyon
Bakit pinipili pa rin ang pagiging
guro ?
1. Pagpapahalaga ng pamayanan at ng
lipunan sa mga guro
2. Katiyakan sa makukuhang sweldo
ng mga guro
3. Itunuturing na Lider.Kinikilala
ang kanilang kakayahan at
binibigyang-halaga ang kanilang
paglilingkod
4. Sagana ang mga guro sa “psychic
earning “.Ito’y may kinalaman sa
kasiyahang sumasapuso ng isang guro
kung mabatid niya na ang dating mag-
aaral ay naging matagumpay na
Tungkulin ng Guro
Ang Guro ay tagapagturo
 Ang guro ay Modelo o
Huwaran
 Ang guro ay Tagapamahala
o Manedyer
 Ang Guro ay Tagapayo at
Tagapatnubay
 Ang Guro ay Lider o
Tagapamuno
 Ang Guro ay
Magulang/ina/ama sa
paaralan
Saan Ako (Guro)
Magsisimula?
Kapag bukal sa puso’t isipan ang sagot
na “Oo” nangangahulugan lamang na taos
puso mong tatanggapin ang lahat na
mga pagdadaraanan ng isang guro
maging ito man ay masaya o malungkot.
Isa sa mga napakaraming
katanungan na dapat pagtuunan ng
pansin bago isagawa ang
pagtuturo.Hindi mapagtagumpayan
ng isang guro ang kanyang tungkulin
sa loob ng klasrum hanggat hindi niya
nabibigyang kalutasan ang suliraning
ito.
Mga Dapat isaalang-
alang na mga simulain
sa pagkatuto at
pagtuturo ng wika.
1. Obserbasyon sa isang
klasrum.Magsagawa ng pagsisiyasat
sa loob ng klasrum bago isagawa
ang pagtuturo.
-- ang nagtuturo ay ekspertong guro o
bihasa na sa pagtuturo lalo pa’t marami na
ang karanasan ng gurong ito upang
magsilbing batayan niya sa pagtuturo.
Dapat pag-ukulan ng pansin sa
obserbasyon sa loob ng
klasrum
• Ano o anu-ano ang unang ginawa
ng guro bago pa man talakayin ang
kaniyang paksa?
• Anong pagganyak ang kaniyang
ginamit at akma ba ito sa paksang
kanyang tinalakay ?
• Anong istratehiya o teknik ang
kaniyang ginamit ?
• Makukulay at malinaw ba ang
kagamitang pampagtuturo na
ginamit niya sa pagtuturo na
nagbibigay kamalayan sa bawat
mag-aaral na kaniyang tinuturuan ?
• Anong pamaraan ang kaniyang
ginamit at angkop ba ito sa paksang
kaniyang tinatalakay ?
• Nagkaroon ba ng Sining ng
Pagtatanong ng guro,nanaging
dahilan ng malawak na sagot g
kaniyang mag-aaral ?
2.Pagkatapos ng Obserbasyon sa
loob ng klasrum

-- sa pagkakataong ito dapat


maisagawa ang mga sumusunod:
• Itala ang mga napunang tumpak na
mga ginamit sa pakitang-turo.Ilahad
kung papaano ito magiging tumpak sa
iyong pagtuturo
• Itala ang mga kamalian o pagkukulang
na naipakita ng guro sa kaniyang
pakitang-turo.Ilahad kung papaano
maiwawasto ito upang magamit sa
iyong pakitang-turo.
• Magsagawa ng pagpapalitang-kuro
hinggil sa mga napuna sa
isinagawang obserbasyon sa loob
ng klasrum hanggang sa makabuo
ng isang pangkalahatang
konklusyon at rekomendasyon.
3. Ang Daigdig ng Klasrum
-sa isinagawang obserbasyon sa loob
ng klasrum malamang napansin mo ang
kakaibang mundo sa karaniwang mundo
na iyong ginagalawan .
• Kaligiran ng silid-aralan
• Pasilidades
• Guro
• Mag-aaral
4.Ang Mag-aaral
-Isa sa mga may mahalagang
tungkuling ginagampanan sa loob ng
klasrum ay ang mga mag-aaral.Nararapat
lamang na mabatid ng guro ang mga
katangian g bawat mag-aaral upang
matukoy niya nag kadahilanan ng mga
ipinapakita ng mga ito
Mga Salik na sanhi ng pagkakaiba-iba ng
mga mag-aaral
a. Kapaligiran
-Ang kapaligirang nilikha ng isang bata
ay may malaking bisa sa kanyang pag-
uugali,kilos,asal,pananaw sa buhay at mga
saloobin at pagpapahalaga
b. Angkan
-may mga katangian ang bawat tao
na minamana niya sa kanyang mga
magulang(matalino,magaling sa pag-awit o
kilala ang kagalingan sa mga sining at sa
iba-ibang kakayahan at talino)
c.Kasarian
-ibang mga gawi at hilig ang nasa
mga lalaki at mayroon din namang mga
hilig at gawi na para sa babae.Ito ay
panlahat,samakatuwid ay may mga
taliwas.
d.Gulang
-May mga kakayahan at katangian ang
isang batang pipituhing gulang,ang isang
wawaluhing taon,ang isang labindalawahin o
ang isang labinlimang taong gulang na mag-
aaral
• E.Lahi
-May mga pag-aaral na
nagpapatunay na sapat na may
pagkakaiba ang mga kakayahang
mental,saloobin at pananaw
,katangiang sosyal at emosyunal
ng iba’t ibang lahi.
5. Katangian ng mga Mag-aaral
-Batid nating lahat na iba-iba ang
katangian ng bawat mag-aaral subalit
kung minsan nakakaligtaan ito ng ilang
mga guro.Hindi dapat isipin ng guro na
pare-pareho ang katangian ng kanyang
mga mag-aaral
a.Katangiang pisikal
b.Katangiang mental
c.Katangiang sosyo-emosyunal
d.Katangiang moral-ispiritwal
Daghang salamat
Damo nga Salamat
Maraming Salamat
sa iyong Pakikinig!
Jessica Taneza-VARGA
MAT-FIL

You might also like