You are on page 1of 38

ANG

EPEKTIBONG
PAGTUTURO
Batid ng marami na ang guro
ang pinakamahalagang baryabol
sa silid-aralan. Ito ang tunay na
guro na nag-aangkin ng mga
kakayahan at kasanayang
propesyunal, magandang saloobin
at pananaw sa propesyon at may
mga magagandang katangiang
personal.
Maaaring maging guro siyang
qualified to teach subalit baka
hindi naman siya quality teacher.
Sina Kathleen M. Bailey at Marianne
Celce-Murcia sa kanilang pag-aaral
ay bumanggit ng apat na lawak na
anila ay dapat pag-ukulan ng pansin
para sa isang matagumpay at
epektibong pagtuturo at pagkatuto.
Ito ay ang mga sumusunod:
1.Kaligirang Sosyal ( social climate)
2.Baryedad sa mga gawaing
pagkatuto ( variety in the learning
activities)
3.Oportunidad ng mga mag-aaral sa
pakikilahok ( opportunity for
student participation)
4.Reaksyon at mga pagwawasto
( feedback and correction)
ANG
KALIGIRANG
SOSYAL
Isa sa mahalagang salik sa matagumpay
na pagtuturo at pagkatuto.
Sa mga pananaliksik nina Schuman
(19975), Moskowitz ( 1976), Benevento
at Foust ( 1973), Moskowitz at Hayman
( 1974) ay natukoy ang kahalagahan ng
kaiga-igayang kaligirang sosyal sa
anumang pagkatuto.
Maaaring ito ay kapaligirang natural,
kaayusang pisikal, sitwasyong
instruksyunal at ang kaaya-ayang
katauhan ng guro.
Ang kaiga-igayang kaligirang sosyal sa
loob ng silid-aralan na nag-uudyok ng
pakikilahok ng mga mag-aaral sa mga
gawaing pagkatuto,
tumutulong sa pagtatatag ng mga
positibong pagpapahalaga at
nagbubunga ng matagumpay at
epektibong pagtuturo at pagkatuto.
 “ The teacher’s warmth and
enthusiasm consistently show a
positive correlation with students’
achievements. What the teacher says
and does is so significant in
establishing classroom atmosphere
that can overweigh the effects of
materials, methods and educational
facilities.” Brophy at Good ( 1974).
 Sa pag-aaral na ginawa ni Godella Ato
( UP), napatunayan na may positibong
kaugnayan sa damdamin at reaksyon
ng mga mag-aaral sa mga pantawag sa
kanila at ang kanilang palagay at
pagpapahalaga sa sarili at sa kanilang
nagagampanan o achievements.
Mga paraang magagawa ng guro
upang magkaroon ng kaligirang sosyal
na makahikayat sa madali at
epektibong pagkatuto gaya ng:
1. Kilalanin ang bawat mag-aaral
2. Pakikipanayam at
pagpapakilala
3. Ang kapaligirang pisikal ng
silid-aralan
4. Simulan ang bawat pagkaklase
Ang mga Katangian
ng Epektibong Guro
Ayon sa pagsusuri nina Wayne at
Youngs noong 2003, may
labindalawang katangiang dapat
taglayin ng isang epektibong guro.

1. Walang Itinatangi
- Pantay-pantay ang pagtingin ng guro
sa kanyang mga mag-aaral
2. May Positibong pag-uugali
- Pagbibigay rekognisyon sa bawat
mabubuting gawi at hindi namamahiya
sa mga pagkakamali ng mga mag-
aaral.

3. May Kahandahan
- May malawak na kaalaman ang guro sa
paksang ituturo at may kakayahang
iugnay sa iba pang larangan.
4. May haplos-personal
- Dapat kilala ng bawat guro ang
kanyang mga mag-aaral.
5. Masayahin
- Marunong magpatawa at ngumiti sa
klase.
6. Malikhain
- Marunong mag-isip ng mga bagong
gawaing pumupukaw sa interes at
kakayahan ng mga mag-aaral.
7. Marunong tumanggap ng pagkakamali
- May kababaang loob sa pagtanggap ng
kamalian sa klase.
8. Mapagpatawad
- Kinalulugdan ng mga mag-aaral ang
gurong marunong magpatawad sa
kasalanang kanilang nagawa, lalo't yaong
nauukol sa kanilang maling gawi at
ikinilos.
9. May respeto
- Ginagalang ng guro ang iba’t ibang
katangian, abilidad, paniniwala,
kahinaan, kalakasan at pinagmulan ng
kanyang mga mag-aaral.

10. May mataas na ekspektasyon


- May tiwala ang guro sa kakayahan ng
bawat mag-aaral. May mataas na
pamantayan ang guro na nakahahamon
sa mga mag-aaral na lalong magpursigi.
11. Mapagmahal
- Maalalahanin ang guro. Binibigyang
tuon ang mga mag-aaral na
nahihirapan sa klase.

12. Ipinapadaramang kabilang ang


bawat mag-aaral
- Naghahanap ang guro ng paraan na
maging kabilang ang bawat mag-aaral sa
talakayan.
FIL 307
Ang Pagsasalin

 isang gawaing naglalayon na


bigyan ng kahulugan ang
isang linggwistikong diskurso
mula sa isang wika tungo sa
ibang wika.
Maaari itong gawin gamit ang diksyunaryo
bilang sanggunian o di kaya ay ang
kontekstwal na pagpapakahulugan dito.

Ito ay kinabibilangan ng pag-aaral ng


leksikon, istrukturang panggramatika,
katayuang pangkomunikasyon, kontekstong
pangkultura ng pinanggalingang teksto,
pagsusuri nito upang malaman ang ganap
na kahulugan, at muling pagsasaayos nito
gamit ang leksikon at istrukturang
panggramatika na naaangkop sa wika at
kultura ng tagatanggap.
PROSESO NG
PAGSASALIN
1. Pag-aaral sa teksto, kultura ng
orihinal na teksto, at wikang
pagsasalinan

 Teksto + Kultura + Wikang


pagsasalinan = makapagbigay ng
wastong pagpapasya hinggil sa
gagamiting pamamaraan sa
pagsasalin.
2. Proseso ng pagtuklas ng
kahulugan ng orihinal na teksto

 Ang pamamaraan sa pagtuklas ng


kahulugan ng tekstong isasalin sa
ibang wika ay nasa diskresyon ng
taga-salin.
 Diksyunaryo
 Kontekstwal na palatandaan
(contextual clue)
3. Aktwal na pagsasalin

 Nangangailangan ng kritikal na
pag-iisip.
 Dito isinasagawa ng tagasalin ang
pagpapasya sa kung ano ng
makabubuti para sa binubuong
salin.
Maaaring manatili ang balak na
pamamaraan sa pagsasalin depende sa
makikitang pangangailangan ng
magsasaling-wika.
4. Ebalwasyon

 Kailangan ang ebalwasyon sa


kabuuang salin upang mapakinis pa
ito kung kinakailangan.
5. Rebisyon at huling papel
Orihinal na Muling
Teksto pagsasalin

Paglalarawan
Pag-alam sa sa Proseso Pagbasa at
kultura ng pagsusuri sa
orihinal na teksto ng nabuong teksto
Pagsasalin

Pagtuklas sa kahulugan
- Diksyunaryo Pagsasalin
- Kontekstwal

You might also like