You are on page 1of 3

Kurso : FIL 504-Paghahanda ng Kagamitang Pampagtuturo

Term : Summer
Taong Akademiko : 2018-2019
Propesor : Dr. Alvin Rom De Mesa

MGA KAGAMITAN SA PAGTUTURONG KARANIWANG GAMITIN NG


GURO SA ARAW-ARAW
(Tagapagtalakay: Angelo L. Manacpo)

HANGUANG YUNIT (Resource Unit)

Ito ay isang maayos na talaan ng mga layunin, mga paksa, mga


gawain, mga pamaraan, mga panukala para sa pagbibigay-halaga at mga
kagamitan na labis-labis sa pangangailangan ng isang klase kung kaya’t
nagbibigay ito ng iba’t ibang posibilidad para sa paglinang ng ilang yunit ng
pagtuturo.
Karaniwang inihahanda ito ng isang pangkat ng mga guro upang
magsilbing paminggalang mapagpipilian ng mga layunin, gawain at
kagamitan para sa isang particular na klase.

Bahagi ng hanguang yunit


1. Pamagat – ito’y maipahayag bilang paksa o isang diwa.
2. Ang suliranin – ito’y isang maikling paliwanag na saklaw ng
suliraning tatalakayin na maaaring gawin sa anyong patanong. Ang
pangunahing suliranin ay maaaring mga yunit ng pagtuturong
ihahanda buhat sa hanguang yunit.
3. Kahalagahan ng suliranin – ito’y paliwanang sa kahalagahan ng
suliranin. Ipinakikilala ang kabutihang maidudulot kung malulutas ang
suliranin.
4. Saklaw ng nilalaman – ito’y maaaring hiwalay na bahagi ng
hanguang yunit o kaya’y katurgtong ng kahalagahan ng suliranin. Ang
nilalaman ay nagsisilbing hanguan ng impormasyon para sa guro kaya
nararapat ayusin sa mga suliranin ng hanguang yunit.
5. Inaasahang kahihinatnan – taglay ng bahaging ito ang mga tiyak na
layunin na napapaloob sa paksa.

YUNIT NG PAGTUTURO (Unit Plan)

Ito ay balak na inihanda buhat sa hanguang yunit ukol sa pag-aaral ng


isang pangunahing suliranin, ideya o paksa para sa isang tiyak na klase.
Naglalaman ito ng mga layuning tiyak, balangkas ng paksa o talaan ng
mga tanong, talaan ng mga tiyak na gawain at mga proyekto, mga
kagamitang at sangguniang aklat, at mga panukala para sa pagbibigay-
halaga.
Ang yunit ng pagtuturo ay ang balak na ihanda buhat sa hanguang unit
para sa pang-araw-araw na gamit sa silid-aralan. Naglalaman ito ng mga
tiyak na balak sa isang tanging grupo ng mga batang nasa iisang kalagayan.
Tumutukoy ito sa paraan ng pagbuo ng mga gagamitin at ng mga gawaing
ang iniikutan ay isang malawak na paksa na (1) maglalaman ng
makabuluhang paksang-aralin, (2) magsasangkot sa mga bata sa pagkatuto
ng mga gawain sa pamamagitan ng masiglang pakikilahok sa mga bagay na
Kurso : FIL 504-Paghahanda ng Kagamitang Pampagtuturo
Term : Summer
Taong Akademiko : 2018-2019
Propesor : Dr. Alvin Rom De Mesa

pangkaisipan at pangkatawan, (3) magpapabago sa kilos ng mga bata sa


abot-saklaw upang sila’y magkaroon ng sapat na lkakayahan sa pakikiharap
sa mga suliranin at mga bagong kalagayan, at (4) magsasakatuparan sa
mga layuning inaakalang mahalaga sa palatauntunan ng asignaturang
ituturo. Maaaring mga guro na lamang ang magplano ng yuniot ng pagtuturo
ngunit lalong mainam kung pagtututlungan ng mga mag-aaral at mga guro
ang pagbabalak.

Ang yunit ng pagtuturo ay naglalaman ng mga sumusunod:


1. Pagpapahayag ng mga layuning tiyak na nahihinggil sa mga
pagbabago ng kilos na ninanais sa mga bata.
2. Paksang banghay o talaan ng mga tanong na nasasaad sa mga
mag-aaral at maaaring magamit sa pagpili ng nilalamang gagamitin.
3. Talaang tiyak ng mga gawain at mga proyektong makatutulong sa
lahat ng mga mag-aatral sa klase.
4. Mga gawaing katangi-tangi ang kahalagahan para sa tanging mag-
aaral na may iba’t ibang kawilihan sa isang nasabing klase.
5. Mga sangguniang aklat na nagbibigay ng mga kabatirang
kailangan.
Dapat tiyakin ang mga dahong babasahin, mga pahinang
makukunan ng mga kaisipang kailangan.
6. Mga panukala para sa pagbibigay-halaga. Magiging kapaki-
pakinabang ito at mahalaga sa bawat hakbang ng paggawa.

Hanguang yunit Yunit ng pagtuturo


Malawak ang saklaw ng paksa. Tiyak ang paksa. Ang iniikutan ay
Halimbawa pagpapasagana ng iisang pangunahing sulioranin,
pagkain ideya o paksa. Halimbawa ang
naitutulong ng pamilya sa
pagpapasagana ng pagkain
Ang hanguang yunit ay naglalaman Ang bumubuo ng mga pangunahing
ng maraming kagamitang labis sa panig ng yunit ng pagtuturo ay ang
pangangailangan ng isang klase. kaya lamang isakatuparan ng isang
tanging klase at ang mga ito ay
pinatitibayan ng mga simulain,
gawain, suliranin at kagamitang
kailangan upang maisagawa ang
mga layuning ito at maaaring
bigyang-halaga pagkatapos maituro
ang yunit.

BANGHAY-ARALIN (Lesson Plan)


Kurso : FIL 504-Paghahanda ng Kagamitang Pampagtuturo
Term : Summer
Taong Akademiko : 2018-2019
Propesor : Dr. Alvin Rom De Mesa

Ang banghay-aralin o lesson plan ay isang detalyadong paglalarawan


ng kurso ng pagtuturo para sa isang klase. Ang isang pang-araw-araw na
pla ng aralin ay binubuo ng isang guro upang gabayan ang pagtuturo sa
klase.
Ang mga detalye ng isang banghay-aralin ay magkakaiba depende sa
kagustuhan ng guro na sakop at ang pangangailangan at / o pagkausyoso
ng mga bata. Ay maaaring kinakailangan na iniutos sa pamamagitan ng
Sistema ng paaralan na tungkol sa plano.
Ang banghay-aralin ay ang gabay para sa pagtuturo ng aralin. Isa sa
pangunahing kailangan ng guro upang maisakatuparan niya ang kanyang
pagtuturo nang matiwasay. Nagsisilbing gabay o pinaka-iskrip ng guro ang
banghay-aralin upang ang proseso sa kanyang pagtuturo ay maayos na
maisasakatuparan.

Iba’t ibang uri ng banghay-aralin:


1. Masusing banghay aralin
 Ito ay isang detalyadong banghay aralin kung saan makikita ang
gawain ng guro at gawain ng mag-aaral.
 Karaniwan itong gamit ng gurong nagsasanay at mga baguhang
guro.
2. Di masusing banghay aralin
 Ito ay hindi detalyadong banghay aralin.
 Hindi makikita rito ang gawain ng guro at gawain ng mag-aaral.
 Maikli ito kaysa sa masusing banghay aralin.
3. Maigsing banghay aralin
 Ito ang pinaka-maikling banghay aralin na ginagamit ng isang
bihasang guro na itinuturing na mga gurong eksperto sa
larangan ng pagtuturo.
 Mga bihasa at ekspertong guro lamang ang maaaring gumamit
nito.
4. Lingguhang banghay-aralin
 Ang bagong banghay aralin na ginagamit ng mga guro sa
kasalukuyan.
 Ibinatay ito sa bagong kurikulum.
 Naglalaman ito ng mga paksang tatalakayin sa loob ng isang
lingo.
 Tinatawag ito sa Ingles na “Matrix Lesson Plan”
 Ito ang bagong banghay-aralin na ginagamit alinsunod sa
bagong kurikulum.
 Mas maikli ito kaysa sa mga nabanggit na banghay aralin.

Inihanda ni:

ANGELO L. MANACPO
Mag-aaral ng MAT Filipino

You might also like